Dalawang araw na ang lumipas. Nakaupo ako sa isang puting sofa habang nakaharap sa malaking sliding door kung saan ko nakikita ang dalawang abnoy na tuwang-tuwa na akala mo mga bata kung makapaglaro sa swimming pool.
Kami lang tatlo ang nandito kasi umalis muna sina lolo at Mr. Jackson. Kakatapos lang ng training ko kanina. Buti na lang at may lakad sila ngayon kasi sobrang bugbog na ng aking katawan, nakapagpahinga rin.
Hindi rin mawala sa isipan ko ang sinabi ni Kern sa 'kin. Sila ay isang grupo with double identity, 'yon ang sabi niya. Si Kern ay isang leader ng sinasabi niyang Red Org, isang grupo na kabilang sa mafia na Dakumasuta. Kahit ka-member niya sa Red Org ay walang alam tungkol sa Aeon.
Original na members ng Aeon ay ang unang grupo na ginawa ni Master sa Dakumasuta bago pa mabuo ang apat na Org. Noong generation pa daw nila ng papa ko at sabi ni Mais walang alam ang papa ko tungkol sa kanila. Kung gano'n, sobrang bata pa ni Mais no'n at napasok na siya sa mundong ito.
Dahil din doon ay napagtanto kong hindi simpleng tao si papa. Baka katulad din ni Master.
Ang pagiging leader ng Red Org ay ang double identity niya. Para kapag may mag-trace sa kanya or kahit anong background profile niya ay lalabas na isa lang siyang leader ng Red Org at hindi kabilang sa Aeon. Gaano ba kagaling ang abnoy na 'yon na ginawa siyang leader ng Red Org?
Ang Dakumasuta ay may apat na grupo. Ang first rank ay ang Black Org, pangalawa ay ang Red Org, 3rd ang Maroon Org, at ang last ay Gray Org. Oo mga kulay lang. Feeling ko si Kernel ang gumawa ng mga group name nila.
Hindi ko na muna pagtutuunan ng pansin ang mga iyon kasi uunahin ko pa 'yong Elites kapag may alam na ako at kapag marunong na akong lumaban.
Ang Aeon ay isang secret back-up group ng Dakumasuta at kahit ang taga-Dakumasuta ay walang alam dito. Sila ang tumutulong sa ibang Org na nangangailangan, ang nag-aasikaso sa mga big time at mapanganib na Client, ang naglilinis ng mga threat sa Dakumasuta at ang humaharap sa mas mapanganib na individual.
Nakakakaba!
Ako ang ikapang-anim na member sa Aeon at ang huling trainee ni Mr. Jackson. Hindi ko pa alam ang ibang role ni Mr. Jackson. Alam ko lang na siya ang Master ng Aeon at siya ang nagpapalakad sa mga ari-arian ni lolo.
Aeon never exist. Walang kahit anong hidden o private websites, walang account, unregistered in the underground organization at walang nakakaalam nito kahit sinong ibang tao, maliban kay lolo, Mr. Jackson, at kaming members. Para kahit anong trace ng kalaban ay walang silang makitang information. Wala rin kaming pinirmahang contract, as in wala. 'Yong headquarter sa Ohio ay hindi register as Aeon kundi simpleng pagmamay-ari lang ni lolo.
Lahat ng impormasyong ito ay kahapon lang sinabi sa 'kin ni Mais pero hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isipan ko. Lahat ng ito ay walang kaalam-alam si kuya. Hindi na muna niya dapat malaman.
Sa dalawang araw ay nawala sa isipan ko ang mga sumasagabal sa akin noong mga nakaraang araw. Wala rin akong contact kina Natsy kasi kinuha ni Mr. Jackson ang cp kong keypad kasi baka may mag-trace n'on. Marami-rami siguro ang matutunan ko sa loob ng tatlong linggo. Yes, three weeks ang Christmas break namin, buti na lang.
Dahil din sa memorya ko ay madali ko lang na-catch up ang mga tinuro ni Mr. Jackson sa akin. Salamat na din sa physical training at defense learning na tinuturo sa akin ni Mais noong nasa Ohio kami kaya hindi na bago sa katawan ko ang intense ng training. Pero mahirap pa rin. Minsan gusto ko na lang mag-give up. Mamamatay yata ako sa training at hindi sa Elites.
Sa sumunod na dalawa pang araw ay puro tungkol sa reflexes ko ang sinasanay niya sa 'kin. Katulad noong nakaraang araw, gano'n din na style pero mas grabe na.
Isa pang araw ay sinasanay niya ako para mabilis ang aking galaw at para hindi na raw mahinhin ang kilos ko. Binigyan niya ako ng 5 minutes at dapat matakbo ko ang kalahating kilometro habang nasa acupressure mat. Ang sakit sa paa n'on at ilang beses pa akong pinaulit-ulit pa hanggang sa maabot ko ang alloted time. Sumali pa nga si kuya sa training ko. Natatawa nga ako kasi mukha siyang adik kung makatakbo. Sobrang sakit kasi sa paa. Isang mat pero may mga tinik. 'Yong parang pang-arthritis.
Alam niyang tini-train ako pero hindi dahil sa paghigante. Alam lang niya na para raw marunong na akong lumaban or para self defense. Wala siyang alam na para ito sa Aeon.
Hindi ko nga inakalang may training ground pala rito. Hindi pa rin ito nalabas sa main gate kaya kasali pa ito sa lupa ni mama.
Pagkatapos no'n ay pinaakyat niya ako do'n sa pangpang, sa mabato na hagdanan at dala-dala ko pa ang apat na malalaking salbabida habang naka-high heels. Maraming natamo kong sugat n'on kasi hindi ko mapigilang mahulog. Kaya ginawa ni Mr. Jackson ay palagi akong pinasuot ng high heels para masanay ako. Gusto ko sanang magreklamo kaso sino ba naman ako para magreklamo?
Tsaka kahapon ay ang pinakamalupet. Hindi ko nga in-expect na makaka-survive pa ako kahapon. Noong una ay akala ko mamamatay na ako pero muntik kong nakalimutan na si Mr. Jackson pala 'yong trainer ko. Noong una kasi ay hindi ko nagawa at nawalan na ako ng pag-asa. Buti na lang at dali-dali akong hinila ni Mr. Jackson paitaas kaya nakaligtas ako.
"Don't forget this lady! Whatever may happen don't ever give up! There's always a way. Remember that!" galit na galit niyang sabi sa akin kahapon ng nag-give up ako.
Doon kasi kami ulit sa pangpang at itinulak niya ulit ako. Kaso nakatali 'yong paa ko ng lubid habang ang kamay ko ay nakaposas buti na lang at hindi na iyon tinali pa. Ang susi ng posas ay nasa aking bibig pero tinakpan ang bibig ko ng electrical tape. Pagkalunod ko sa tubig ay agad kong tinanggal ang electrical tape gamit ang aking kamay na nakaposas.
Gamit ang aking bibig ay ipinasok ko ang susi sa posas at madali ko lang itong nabuksan. Inipit ko kasi ang susi sa lips ko para mas madali ko lang maipasok sa lock ng posas. Siguro dala na sa takot na mamatay kaya madali ko lang nagawan ng paraan. Nang makawala na ang aking kamay sa posas ay biglang may nagsibagsakang mga patalim. Siguro mga sobrang sampu iyon.
Bago pa malunod ang lahat ng patalim ay nakakuha na ako ng isa at dali-daling pinutol ang lubid sa aking paa. Oo nagawa ko, pero sa ika-limang trial ko na. Grabe ang sakit ng katawan ko sa kakaibang training kahapon.
Napapikit ako sa hapdi ng mata ko. Kanina pa pala ako nakatulala. Tiningnan ko si kuya at Mais na naliligo sa pool. Nagpabilisan silang lumangoy. Humarap pa sila sa akin at nagyayabangan ng mga katawan nila. Si kuya nagalit pa eh wala naman siyang laban kay Mais. Anong mailalaban niya sa tiyan niyang walang abs?
Nagbuntong-hininga ako at pumunta sa kwarto ni mama. Nang makaupo ako sa kama niya ay tiningnan ko ang suot kong heels tas nagbuntong-hininga. Sumasakit na 'yong paa ko!
...
Kinabukasan. Nang magising ang diwa, 'di ko mabuksan ang aking mata. May piring na kasi ito. Tatanggalin ko na sana kaso biglang may nagsalita.
"Ops! ops! Hindi pwedeng tanggalin 'yan milady. You need to wear it for two days. This is a part of your training so bare with it," sabi ni Mais.
"Ano? Para saan naman 'to? Pa'no kung tatanggalin ko?"
"Malalaman mo rin. Dapat sanayin mo ang sarili mong 'di makakita. Tas isa pa, kung tatanggalin mo 'yan poposasan kita ulit. Okay Lava? So behave."
"Wait! Ba't ikaw ang nandito? Sa'n si Mr. Jackson?"
Kinakapa ko ang higaan para may guide ako para makababa sa kama.
"May inaasikaso sila ng lolo mo. Ako muna ang gagawa on behalf of him okay? Tsaka naranasan na namin lahat ng 'yan. Kung gusto mong matuto, don't take it off. You'll know what's the use of that."
"Okay. Wala naman akong magagawa."
"Good! Tatanggalin mo lang kapag maliligo ka't maghihilamos. Baba ka na pagkatapos mo diyan kasi naghihintay sila sa baba."
"Sila?"
"Our co-members," sabi niya at mukhang papaalis na siya kasi lumalayo ang amoy ng pabango niya. Narinig ko rin ang pagbukas ng pinto pero bigla siyang nagsalita ulit.
"Want some popcorn?" tanong niya pero umiling lang ako. Hay naku! Kakagising ko lang tas pakakainin niya 'ko ng popcorn?
Tinanggal ko muna ang piring para makaligo na. Pagkatapos ay bumaba ako habang suot pa rin ang heels, pero hindi ko sinuot ang piring. Pagkababa ko sumalubong sa 'kin si Mais at tinanong ako kung ba't 'di ko suot ang piring.
"Gusto ko sila makita."
Mukhang nakuha naman niya siguro kung sino ang tinutukoy ko. Tumango naman siya at pumunta kami sa labas. Kaya pala 'di ko sila mahagilap nasa labas pala. Dali-dali akong pumunta ro'n kasi excited ko na silang makita. Excited na kinakabahan.
Nakita ko silang lahat sa pabilog na upuan, 'yong kulay puti kung saan sinabi ni kuyang favorite place ni mama. Nakita ko si kuya Hero na nakaakbay sa isang matangkad na babae na may mahabang buhok na kulay brown. Tas may isa pang lalaki at isang babae. Una ay aakalain mong tomboy 'yong babae kasi kung gumalaw parang lalaki pero 'yong style ng damit niya ay medyo sexy pero cool. Maputi at makinis ang kanyang balat at may mahabang itim na buhok. 'Yong isang lalaki naman ay kumaway sa 'kin at wagas kung makangiti. Maputi rin siya at may itim na buhok. Medyo may kalakihan ang mata niya at matangos ang ilong. Nag-Hi silang lahat sa 'kin kaya ngumiti rin ako kahit kinakabahan.
Napalingon ako sa isa pa... Si kuya. "Aking kapatid!" sabi pa niya habang may hawak-hawak na sprite in can. Sinimangutan ko lang siya.
'Akala ko hindi dapat malaman ni kuya ito?'
"H-hi po!" nahihiyang bati ko sa kanila. Wala nahihiya lang ako at hindi ko alam kung bakit. Isa pa? Kailan kaya sila dumating dito?
Napatingin naman ang dalawang babae sa heels ko. "Been there. Done that," sabi ng babaeng medyo boyish. "Marj here," pakilala niya at in-extend ang kamay niya. Kinuha ko iyon at nagpakilala na rin.
"Vanvan." Iyon na lang ang pinakilala ko since 'yon ang gusto kong itawag nila sa 'kin.
"Call me Ethird," pakilala ng isa pang lalaki na katabi ni Marj.
"Nice to meet you, Lavandeir. My name is Violy," sabi naman ng babae na inakbayan ni kuya Hero. At mukhang nasa late 20s or 30 plus na siya katulad kay kuya Hero.
Ngumiti naman nang kunti si kuya Hero sa 'kin. "Nice to meet you again." Nagkita na kasi kami n'ong nasa Ohio pa kami.
"Xian Black Trinidad. Just call me Xian," biglang singit ni kuya sa usapan. Di ko naman mapigilang mag-face palm. Bumabalik na naman po siya.
"Kuya!"
Tumawa naman siya nang sumimangot ako. Hindi ko na siya pinansin pa nang magsalita si Mais.
"They're here to help you with your training. So good luck!"
"Teka ba't naman ang big deal? Ang daming trainer dito?" Napatingin kaming lahat kay kuya. Naku! Alam niya kasing si Mr. Jackson lang ang trainer ko at sa self-defense lang 'yon.
"We're also here to have fun at para ma-meet namin si Vanvan. Then sometimes ay tutulong na rin kami sa training. Right Eth?" sabi ni Marj at tumango si Ethird.
Nagkibit-balikat lang si kuya. Tumingin ako kina Marj at kinindatan pa niya ako na parang sinasabi niyang 'ako bahala.'
...