Mga isang minuto akong nakatingin sa kanya, inaantay siyang magpaliwanag sa sinabi niya, tinitingnan ang kahit kunting pagbabago ng kanyang reaksyon. Mahirap na, baka maisahan pa ako nito.
"Bakit mo kilala si Jax? Anong ugnayan mo sa kanya?" tanong ko ulit dahil mukhang wala siyang balak magsalita. Wala din akong mapapala kung susuriin ko ang reaction niya dahil nananatiling naka-poker face lang ito.
"That bastard was our high school schoolmate. We had a little conflict back then and until now, we haven't made up."
Kinunutan ko siya ng noo dahil napagtanto kong parang ginagaya niya ako. Kumpara sa akin, kalahating totoo kalahating hindi ang sinabi ko sa kanya. Siya naman, 'di ko alam kung totoo ang sinabi niya pero malakas ang kutob kong may malalim pang explanation doon.
'Hindi kaya nahulaan niyang hindi lahat ng sinabi ko sa kanya ay totoo? Kaya nag-iingat din siyang magbigay ng impormasyon? Impossible! Hindi siguro!'
At mukhang nabasa pa niya ang iniisip ko ngayon dahil nakikita kong kumunot ang noo niya.
"You cannot get an information for free. If you really want to know further, you can trade the info of that guy who's calling you then I will tell you everything you want to know about me. Think about it. If knowing me can outweight that little secret of yours, then tell me and I'm more than willing to cooperate."
Iniwan niya akong hindi nakapagsalita dito. Pero bago pa siya makapasok sa loob, muli siyang nagsalita.
"Sorry for what I did in the closet. I just thought some rats sneaked there. But don't falter, Natasha already silenced them," sabi niya at pumasok na siya sa loob.
Hindi ko na gets kung anong sinasabi niya pero hindi ko na inabala dahil hindi naman ako takot sa daga. Importante ngayon ay nagdududa na siya sa katawagan ko daw? Kay Mais?
Huminga ako nang malalim. Kailangan kong ipaalam kay mais ito. Ang hirap lokohin ni Ex.
...
Natasha's POV
Umalis ako sa kusina kasi nakakainis ang pagmumukha ng kapatid ni Vanvan. Kinakausap ba naman daw 'yong hotdog! Hindi ko siya pinansin simula n'ong bumalik kami rito. Wala ako sa mood at naiinis pa rin ako sa pagmumukha niya. Pagdating ko sa sala, nakita ko si insan na papalabas ng condo kaya agad akong lumapit sa kanya.
"Where are you going?"
"Pass time," simpleng sagot lang niya tas lumabas na. Sumama ako sa kanya kasi gusto ko rin magpahangin. Gusto kong mawala ang inis na nararamdaman ko ngayon.
"Lemme go with you."
Nandito kami sa isang coffee shop 'di malayo sa condo ni insan. Um-order siya ng black coffee habang ako ay walang binili. Wala akong ganang kumain. Nasa labas kami umupo since bawal mag-yosi sa loob. Wala kaming imikan sa isa't-isa.
Siguro pareho kaming malalim ang iniisip or wala lang talaga kaming mapag-usapan. Hindi siya 'yong uri ng tao na magtatanong nang magtatanong kaya hindi niya tinanong kung bakit ako biglang nagkagano'n at bakit ko hinila ang gagong 'yon palabas kanina. Dalawa lang ang sure kong sagot, it's either he's not interested or he just wanted to find it out on his own.
Ang lamig ng hangin dito at buti na lang ay walang masyadong dumadaang sasakyan. Nakakairita kasi 'yong mga usok nito. Nagbuntong-hininga ako. Time's really fast. I didn't even notice that it's almost Christmas. I won't notice it had it not for the decorations in this shop.
"Did she tell you?" tanong ko sa kanya. He took a sip of his black coffee before answering me.
"No."
I sigh. It's making me more curious about what really happened to her after she got bullied by Elites. It's making me crazy. Hindi ko gustong magtanong sa kanya baka pagdududahan pa ako katulad ni insan. I know na nagdududa na siya sa amin pero wala akong magawa kundi ilihim sa kanya kung sino talaga kami.
Ayoko ring madadagdagan pa ang pagdududa niya sa 'min. I am scared. She's now important to me and I don't want to lose Vanvan... Like what had happened to insan's lover.
"I told you before, she has something that I can't figure out..." Napatingin ako kay insan sa sinabi niya. Hindi siya nakatingin sa 'kin kasi sinisindihan niya ang isang stick ng cigarette. Binuga niya muna ang usok tas tumingin sa 'kin. "...Even before she's gone."
"Me too. Noon ko lang naramdaman ang ganyang feeling. Sometimes I get bothered by her actions and sudden responses. Sometimes she's unpredictable and hard to read her mind. Noon nga hindi ko namamalayang nakatitig na pala ako kay Vanvan, wondering what's inside her mind."
"That's the way I felt back then. Her kind of walk. Her kind of stares and especially her own analysis."
'Back then? So ngayon naiintindihan na niya ang mga kilos ni Vanvan?'
"Right!" sabi ko habang napahampas ako sa mesa. May naalala kasi ako. "Kanina no'ng buhat-buhat mo siya, hindi ko alam na nagpapanggap lang pala siyang walang malay. We're experts of doing those! Pero diba kapag expert ka na sa bagay na 'yan ay malalaman mo kung nagpapanggap ba ang isang tao or hindi pero no'ng sa kanya... I'm dumbfounded! Mas naging misteryoso pa siya no'ng bumalik siya."
"Lot of time that I can't feel her presence, whenever she's nearby or when she's around. She's somewhat mysterious to me... And now she's even more mysterious and there's someone who kept on contacting her in secret. It seems she trust that person more than us. It must have been the one who helped her... It's also odd she had appear on the last day of class before Christmas Break."
Natigilan naman ako nang mukhang makuha ko kung anong iniisip ni insan. It seems Vanvan came back just to observe things or maybe she has something to confirm. Hindi ko alam, bigla akong kinabahan hindi sa kanya kundi sa taong tumulong sa kanya.
Napatahimik ulit kaming dalawa ni insan.
Naalala ko bigla si Xi-- ang gagong 'yon! One time kasi nagtataka rin ako sa way ng paglalakad niya. Wala itong tunog katulad kay Vanvan. Pero kung titingnan mo ay natural lang naman siya, sila maglakad. Hindi 'yon big deal sa iba pero sa 'min Oo. That's the very first thing Master taught us, 'yong gano'ng paglalakad. Para 'yon hindi malalaman ng iba kung papalapit ka sa kanila. Isa na rin 'yon to hide your presence.
"Good luck to your mission."
Napatingin ako kay insan at nagulat sa sinabi niya. Kaya ba hindi na siya nagtanong tungkol sa nangyari sa 'kin kanina ay alam na niya? Don't tell me...
"You're right. That room was bugged," Itinuro niya naman ang phone at ang earpiece na hindi na niya suot, meaning connected ito dito. Sht!
"And why would you put listening device there?"
"It's been there months ago. I installed it the moment we're investigating Lavandeir's whereabout. There are assholes who kept on sneaking in my condo. I let them be, in order to monitor them."
Nagbuntong-hininga ako dahil wala akong masabi pa.
Nag-take out na muna kami ng snacks bago bumalik sa condo ni insan. Nagtaka ako nang huminto kami sa 3rd floor eh 4th floor pa ang sa kanya. Hindi na ako nagtanong pa at tahimik lang siyang sinunod nang makita ko kung gaano siya ka-seryoso.
Gumamit kami ng hagdan papuntang 4th floor at natigilan ako nang makita ang isang lalaki na naka-black na hoodie na nakatayo sa harapan ng pinto ng room ni insan. Hindi niya kami nakita kasi nakatalikod siya sa gawi namin. Hindi ko rin makita ang mukha!
Lumakas ang tibok ng puso ko sa kaba nang maalalang nasa loob sina Vanvan. Lalapitan ko na sana ito kaso hinarang ni insan ang braso niya. "Don't! This is part of my plan."
Nagtataka ako sa sinabi niya. Dali-dali kaming nagtago sa gilid ng corridor at hinintay na makaalis ang lalaki. Tiningnan ko si insan at tinanong siya kung anong nangyayari. Hindi siya sumagot at kalma lang itong nakatingin sa cellphone niya. Sinilip ko ulit ang lalaki pero wala na ito.
"Act normal. Let's go."
Kalma kaming naglakad papunta sa pinto na parang wala kaming nakitang suspicious guy minutes ago. Tinago naman ni insan ang cellphone niya sa bulsa at mahinang nagsalita. "Since she came back, I always saw some assholes that kept lingering around her. They've been following her from ECU to here and I don't know who they are..."
Nagulat ako sa sinabi niya and somehow I felt guilty. Hindi ko iyon namalayan since 'yong utak ko ay walang ibang iniisip kundi si Vanvan lang at kung paano ko papahirapan ang ahas na Kim na yon. Di ko man lang namalayang marami na palang nakamasid sa kanya. At isa pa, bakit sila nagmamasid kay Vanvan?
'Ang mga bwesit na Elites na naman ba?!'
"I installed hidden cameras all over my condo including here outside, and of course excluding the two rooms. I walked outside to lure them out and luckily you accompanied me. Letting them know that we're not around so that they can come closer to Lav. I captured their features and let Kevin identify them, even if they're wearing mask and useless hoodies. Nine of them were seen in my phone. And yes, It's also connected to my phone."
Hindi na ako napahanga sa sinabi niya since sanay na ako sa talino niya. Pumasok kami sa loob nang dahan-dahan at dobleng ingat at minatiling hindi nila maramdaman ang presensya namin if ever na nandito pa ang mga gago sa loob.
"They're gone."
Tiningnan ko si insan at nakita kong chini-check niya ang cellphone niya kung may nakapalibot pa ba rito sa condo. Nagkatinginan kami sa isa't-isa nang may narinig kaming tunog ng music na mukhang nanggagaling sa terrace. Sinulyapan ko ang terrace at bukas ang sliding door nito. Tumingin ulit ako kay insan na nakatingin na pala sa akin. Isa lang ang nasa isip namin, ang silipin kung sino ang nasa labas. Dahan-dahan kong binaba ang binili kong snacks kanina tas tiningnan si insan.
"Follow me," sabi niya nang walang tunog.
Sinundan ko siya nang walang tanong-tanong at nagtataka ako nang pumasok kami sa kwarto niya then sa walk-in closet. Humarap siya sa malaking salamin na nasa gilid nga shoe rack at...
"Okay... Na sa'yo na ang lahat," sarcastic na pagkakasabi ko tas naka-crossed arms pa.
Ako na inggit sa kanya. Siya na may secret door papunta sa labas. Literally sa labas at nakapatong lang kami sa maliit semento and only one mistake then we'll gonna fall. Nagmumukha tuloy kaming si Jackie Chan.
"At bakit may paganito ka?"
"To escape, in case of emergency."
Hindi naman big deal sa amin 'to since sanay na kami rito. We're doing this every mission and this kind of thing is so easy for me. I understand him since ang daming naghahabol sa kanya.
Nagkatinginan ulit kami ni insan nang marinig namin ang boses nang nag-uusap. Hindi kasi namin masyado narinig kanina dahil sa music...
Vanvan and her brother...
I sighed in relief. I thought it's one of those rats.
"Si Janine. 'Yong sinasabi ko sa 'yong may gusto sa 'kin."
Ang boses ng asungot. Kahit kailan talaga ang hangin ng gago! I really want to tie him upside down in the coconut tree!
I make faces. Buti na lang at hindi niya ako makita rito dahil may haligi na nakaharang.
"Na-LLS ako nito. Narinig ko 'to sa radio."
Every time na nagsasalita siya ay nagme-make faces ako. Naiinis lang ako sa kanya pati na sa boses niya. Lahat ng sa kanya.
"Maganda naman. Anong title niyan?"
"My heart."
"This heart, it beats, beats for only you. My heart is yours..."
Nagkatinginan kami ni insan nang marinig namin ang boses ni Vanvan.
"I never thought they have beautiful voices," kumento ko.
"Same here."
...