Chereads / Lavandeir's Revenge (Revised Version) / Chapter 44 - The Cousin's POV Part 2

Chapter 44 - The Cousin's POV Part 2

Kahit nakakainis ang gagong 'yon. Hindi ko naman maipagkakailang ang ganda ng boses niya. Syempre boses lang niya ang maganda at wala ng iba pa. Duh!

Mas lalo pa akong nainggit nang nagtatawanan pa sila. Nakakainggit. I'm wondering what's the feeling of having a brother. I didn't know if I have one since I don't know who were my family. I sighed. I shook my thought off. I don't have time for dramas besides kuntento na ako kay insan at sa group namin.

"My heart is..."

"Hahahaha Oh diba? Parang concert lang. Naisipan ko tuloy magbuo ng banda. Ano aking kapatid? Sasali ka?"

And again I rolled my eyes. Maganda na sana ang boses sobrang gago naman.

"Sabi niya hindi siya kakanta?" tanong ko kay insan na tinutukoy si Vanvan.

"Maybe in front of others."

"And the next song starts here... Mag-ready ka na aking kapatid at sabay tayong maglalakbay patungo sa mundo ng musika hahaha!"

Nag-make faces ulit ako sa sinabi niya. Pero na-realize kong parang natutuwa naman si Vanvan sa kanya at mukhang nawala ang problema nito. I realized that sometimes his playful side is also a help for her sister. Palaging nag-aasaran sila sa harap namin at parang hindi magkakasundo pero kapag sila lang dalawa, ang sweet pala nila.

Hindi mo nga makikita ang tunay na pagkatao ng isang tao kung hindi mo sila nakitang sila lang. 'Yong walang ibang nanunuod.

And hell! I've becoming more dramatic and cheesy. I can't even believe that I have this word of wisdom in the edge of this building and to think I'm gonna fall if I do one mistake here.

"And baby you're all that I want... When you're lying here in my arms. I'm finding it hard to believe... We're in heaven..."

What the hell! Bakit ang ganda ng boses ni Vanvan? It's so angelic dahilan na nanayo 'yong balahibo ko sa leeg. Tiningnan ko si insan na nakikinig lang at kanina pa hindi umiimik. Sinundot ko siya. No'ng lumingon siya sa 'kin ay nginisihan ko siya...

"Baka naman ma-in love ka sa boses niya ha?"

Natawa lang ako nang mahina nang inirapan lang niya ako.

"You have the same voice of mom. I miss her." Mahina man ang pagkakasabi niya pero narinig ko pa rin. Oo nga... Ni minsan hindi nagbanggit si Vanvan tungkol sa family niya at ang lolo lang niya ang kilala kong pamilya nila. Hindi ko pa man na research ang family background nila kaya wala pa akong alam. Ewan lang kay insan.

Ayaw man naming mag-eavesdrop pero ayaw din naming umalis. Kahit maliit na bagay ay dapat naming alamin kung silang magkapatid na ang pag-uusapan.

'Well, since my mission is going to be a stalker of him then I'm doing this for that!'

Narinig namin ang pinag-usapan nila. Tungkol 'yon sa mama nila. Somehow nadadala rin ako sa emosyon. Parang na-feel ko ang nararamdaman ni Vanvan. Ang dami na nang pinagdaanan niya buti at nakakaya pa niyang mabuhay. Siguro kung ako pa 'yon at kung hindi pa ako tinulungan ni Mr. Taki ay baka nagpakamatay na ako ngayon.

Bumalik kami sa sala ni insan at dahan-dahang kinuha ang binili kong snacks kanina. Para hindi sila magtaka ay nagkunwari kaming kadadating lang namin. Pinapanood ni insan ang dalawa sa cellphone niya at ilang minuto pa silang nag-stay d'on.

Nang pumasok ulit sila sa loob ay pumasok na rin kami. Umakto kaming wala kaming nakita kanina. Umakto akong naiinis sa kuya niya para hindi sila magtaka. Mabilis pa namang makaramdam si Vanvan. Bilib din ako sa lalaking kapatid niya, na kaya pang makipagsagutan sa akin despite sa nangyari kanina. They're pretending as if nothing happened. He's acting as if he didn't cry earlier. He's tough... As well as Vanvan. They're good.

...

Madaling araw ay nagising ako nang mag-vibrate ang phone ko, tumatawag si insan. Sinagot ko ito pero agad itong na-off. Kumunot ang noo ko at may pag-iingat akong bumangon para hindi magising si Vanvan na nasa aking tabi at lumabas ng kwarto.

But something's not right when I walked out of our room. I sensed a presence of someone. No! There are many of them!

Nagulat na lang ako nang may biglang gumulong na katawan sa harapan ko. Mabilis ko naman itong pinatahimik at agad na tiningnan si insan. Sinipa lang naman niya ang gago kaya napunta sa harapan ko. Napatingin din ako sa paligid at ang daming mga patay na katawan ng kalaban. Hinagisan niya ako ng baril na may silencer at mabilis na pinatahimik ang mga ito bago pa magising ang dalawang magkapatid.

Mabuti at dumating sina Kevin at Veign, kasama ang ibang mga tauhan ng Dakumasuta para tulungan kaming magligpit at maglinis. Every minute counts!

Nakahinga ako nang malalim nang matapos na ang eksena at dalawang beses din naming sinuri kung malinis na ba talaga at baka may mga dugo pang natira.

'Mga potng Ina!'

Habang naliligo ako, mura ako nang mura dahil sa kaba na nararamdaman ko. What if magising ang magkapatid at makita nila iyon? Bwesit! Mag-aalas tres pa lang bwesit!

Sinabi nga ni insan kahapon na ganito palagi ang nangyayari sa condo niya, na may mga kalaban na maglabas-masok sa loob. Pero sabi niya mas safety dito dahil naka-standby sina Kevin. Alam nilang maraming nag-aantay at nakasunod kay Vanvan kaya mabuti nang kasama namin ang dalawa para mabantayan.

...

Nag-prepare ako ng pagkain habang si insan ay tutok na tutok sa laptop niya habang nagkakape. Maya-maya ay bigla siyang nagmura. Tinanong niya ako kung natutulog ba si Vanvan sa loob. Nang tumango ako ay parang natataranta siyang umalis.

"Drag her brother out of the room. I reviewed the footages and happened to find out that there's still one left that we haven't silenced! If you see that rat, you already know what to do! I don't see him going outside so there's a possibility that he's one of the rooms!"

Hindi nga niya pala matingnan ang loob ng mga room dahil walang camera doon for privacy.

Mabilis kong sinunod ang utos niya at kumuha ng isa pang kutsilyo mula sa kitchen drawer at pumasok sa room niya. Nakita kong mahimbing na natulog ang gagong Xian, yakap-yakap ang unan. Pero hindi ko na siya pinansin nang maramdaman ko ang isang presensya sa walk-in closet ni insan.

Mabilis akong umiwas nang pagbukas ko ng pinto nito ay may isang kamao na papalapit sa mukha ko. Agad kong sinipa ang tuhod nito at binato ito ng kutsilyo sa may dibdib. Napakagat ako sa labi nang naglikha ng malakas na ingay nang matumba ito at napahawak sa mga gamit ni insan. Sinilip ko si Xian at napahinga nang maluwag nang tulog mantika ito.

Hindi na ako nagsayang pa ng oras at agad na pinatahimik ang kalaban gamit ang isang tuwalya at ipinulupot sa leeg nito, hindi ko na din binunot ang kutsilyo dahil baka dadanak pa ang dugo, mahirap linisin.

Pilit ko namang ginising ang baklang ito para palabasin pero ayaw bumangon at inaantok pang binanggit ang pangalan nong Janine! Wala akong choice kundi kaladkarin siya papuntang sala.

Nagrereklamo pa siya n'ong una sa akin dahil dinistorbo ko siya pero parang lantang gulay nang muli itong matulog sa sofa.

"Amazonang pangit! Pangit! Pangit!" banggit pa niya habang yakap pa rin ang unan at nakapikit ang mga mata.

Huminga ako nang malalim at "BWESIT!" syempre wala 'yang tunog!

...

Natapos ko nang lutuin ang hotdogs and hams at inaasikaso ko na lang ang sabaw. Maya-maya nagulat pa ako nang may biglang nagsalita. Si Vanvan lang pala tinatanong kung saan si insan. Hay! Ano bang meron sa kanya at hindi ko man lang maramdaman ang presensya niya? Para siyang si insan eh. At isa pa, bakit ba kinikilig ako kapag hinahanap niya si insan?

Nang tapos na ako ay hindi ko mahagilap sina insan at Vanvan. Hindi ko na sila hinanap baka may seryosong pinag-uusapan ang dalawa. Pati na si Xian hindi ko rin makita sa sala eh natulog lang ito kanina do'n.

Tiningnan ko sa kwarto ni insan wala naman ang kumag. Pupuntahan ko sana ang terrace kaso narinig ko ang boses ni insan at Vanvan at mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila kaya hindi na ako tumuloy pa. Sigurado naman akong wala ang gagong 'yon d'on. Naisipan kong baka nandoon siya sa CR sa gilid ng kwarto ni insan at tama nga ako... Pagbukas ko kasi...

Nagulat ako nang tumambad sa akin ang inaantok pang pagmumukha ng gago. Kumakamot pa sa gilid ng ulo niya at nakapikit pa ito. Para siyang batang naiinis na ginising ng isang magulang para pumasok.

'hay naku!'

"HOY!"

Gusto kong matawa nang bigla siyang nagising at nagulat. Sumimangot ang mukha niya nang mapagtanto niyang ako ang sumigaw.

"Ano ba babae?!"

"Bilisan mo diyan at kakain na tayo!"

"Asawa ba kita? Wala kasi akong naalalang kinasal pala ako."

Asawa? Yucks! Ang hambog bullsht! Sa inis ko ay sinuntok ko siya sa tiyan. Napaupo siya sa sahig at naubo. "Fck you!"

"H-hindi nga tayo m-mag-asawa tas makikipag..."

"CHE!"

Hindi ko na siya pinatapos pa at malakas na sinarado ang pinto. Kahit kailan talaga pinapakulo niya ang dugo ko. Nakalimutan ko na ang magandang boses niya kagabi. Gusto ko siyang patayin!

"Amazona!" pagmamaktol niya nang makasunod pa sa akin at sinamaan pa ako ng tingin tsaka muling humiga sa sofa!

Ipinikit ko ang aking mata at huminga nang malalim. Ayaw kong masira ang beauty ko sa isip batang ito!

...

Lavandeir's POV

Matapos naming kumain ay nagpaalam na kami sa magpinsan. Tinanong ko lang si Natsy kung kailan ulit ang pasok namin. Pagkatapos n'on ay umuwi na kami at sinabi ko na kay lolo na alam ko na ang tungkol kay mama.

Naisipan naming puntanhan naming tatlo ang puntod niya. Sinabihan akong mag-impake kasi doon muna kami titira sa probinsya kung saan ang bahay namin. Ang totoong bahay namin. Hindi ko pa alam kung saan ito since sina kuya at lolo lang ang nakakaalam. Doon na muna kami whole Christmas break. Excited na akong makapunta doon at makita ang puntod ni mama.

Mga tatlo hanggang apat na oras ang byahe ng bus tas sumakay pa kami sa ferry boat. Hindi ko alam na ganito pala kalayo ang bahay namin. Pagbaba namin sa ferry boat ay may sumalubong sa aming dalawang lalaki. Nakasuot sila ng black suit at sabay kaming binati. Nakapagtataka pa ay tinawag nila kaming Sir at Ma'am.

Sumakay kami sa isang mamahaling sasakyan na kulay itim. Habang iniisip ko ang mga nangyayari, napagtanto kong...

"Kuya?"

"Yes manang?'

"Mayaman ba ang magulang na 'tin?"

"Ano sa tingin mo?"

Tatanungin ko ulit siya nang biglang may nag-text sa cellphone ko at nang makita ko ang number ay galing iyon kay Mr. Jackson. Nang binuksan ko ang message niya... Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.

*From 09*********:

I'll let you meet your mother first before we start. Secure this message.*

I-ibig bang sabihin nito ay may alam din siya tungkol sa mama ko? Sino ka ba talaga Mr. Jackson?

...