Hindi talaga ako makapaniwala sa sinabi ni kuya. Kaya pala kapag tingnan ko ang wallpaper niya ay mapapatitig ako nito nang matagal na parang natutuwa akong makita ang picture nito.
"A-akala ko sa google mo lang ito kinuha." Tinitigan kong muli ang picture. Kung titingnan mukhang ang bata pa ni m-mama rito.
Hindi ako makapaniwalang mama namin 'to. Ang ganda niya rito. May maliit siyang mukha at may brown na buhok na hanggang balikat. Naka-crossed legs siya dito at para siyang model.
"Yan ang picture niya noong hindi pa raw tayo isinilang. Si papa daw ang kumuha ng picture na 'yan sabi ni lolo. Isa lang ang picture niya kasi kinunan ko lang sa picture frame niya. Mamaya tingnan mo 'yong kwarto niya. "
"Nakita mo rin ba ang p-papa natin?" tiningnan ko si kuya pero naging malungkot ang mukha niya. Umiling siya sa akin at napatingin sa malayo.
"Noong bata pa lang pero hindi ko na matandaan ang itsura niya sa memorya ko. Hindi ko alam kung nasaan siya at hindi rin siya kinikwento ni mama. Iniiwasan niya ang tanong kapag tungkol kay papa."
Tiningnan ko ulit ang wallpaper. Pina-unlock ko kay kuya ang cellphone niya at pipindutin ko na sana ang gallery kaso bigla niya iyon inagaw. Nagtataka ako sa kinilos niya. Para siyang nataranta. "Anong ginagawa mo?"
"Wait ka lang! May buburahin lang ako na dapat hindi mo makita. SPG!"
"Yucks kuya naman eh!" na-gets ko 'yong tinutukoy niya at hindi ko maiwasang mandiri. Hindi lang ako makapaniwala eh mukha pa namang abnoy 'to at may nalalaman pa.
"Bakit? Lalaki ako at normal lang 'yon. Mas hindi normal kung barbie ang nandito!"
"Hindi mo na lang sana sinabi sa akin eh!"
"Di mo gusto 'yon honest akong kuya? Walang lihiman aking kapatid."
Natigilan ako sa sinabi niya. Na-guilty tuloy ako kasi andami ko ng lihim sa kanya. Binalik naman niya ang cellphone sa 'kin at muli kong tinitigan ang mukha ni mama. Hindi ko napigilang e-slide ang picture at nakita ang larawan ni kuya. Kumunot ang noo ko nang makita siya sa ganitong mukha. Anong trip niya rito? Sinilip naman niya ang picture na tinitingnan ko at natawa.
"Ang gwapo ko diyan no? Eh ako lang naman ang pinakagwapo sa campus namin. Ako ang ginawa nilang sasuke 'yong sa naruto para sa role play namin."
"Kuya ang hangin po! Tas bakit ganito ang outfit? Hindi naman ganito ang outfit ni sasuke."
"Hahaha 'yan nga eh. Out of badget sa time na 'yan."
Naka-scarf siya rito na kulay black. Mahaba ang buhok niya at mukhang wig lang ito. Naka-lip bite pa siya at nakahawak ang isang kamay niya sa chin niya. Ewan pero nawala ang lungkot na naramadaman ko kanina at natawa sa itsura niya.
"Oh? Tinatawanan mo ba kagwapuhan ko?"
"Parang ganon na nga," simpleng sagot ko.
"Tingnan mo 'yong picture kasunod niyan. Makakakita ka ng pangit na Trinidad," sabi niya na nagpipigil ng tawa. Dahil sa curious ako at akala ko ay larawan niya, inilipat ko ang picture...
Hindi pa ako nakapag-react nang mabilis niyang hinablot sa 'kin 'yong cp niya at lumayo nang kunti habang tawa nang tawa!
"KUYA! E-delete mo 'yan Ang pangit ko diyan!"
Hindi siya sumagot sa 'kin at tumatawa lang siya nang malakas. Nakahawak pa siya sa tiyan niya at kita pa gilagid habang tumatawa.
...
Naisipan kong puntahan ang room ni mama na sinasabi ni kuya kanina. Si kuya naman ay inaayos ang mga gamit namin kaya ako lang mag-isa rito.
Inilibot ko ang buong kwarto niya. Napakalinis nito at napaka-simple lang. May dalawang picture-frame. Picture naming tatlo ni mama. Si kuya ay mukhang isang taon pa rito habang ako ay karga-karga sa mga bisig niya.
Bakit kaya wala si papa rito? Iisipin ko sanang patay na siya sa mga taong ito pero diba nakagawa pa nga sila noong doormat nang mag-isang taon pa ako. Kaya buhay pa si papa n'ong mga time na 'yon.
Kinuha ko ang isang picture frame na may larawan ni mama. Katulad sa picture ni kuya sa cellphone niya na sinasabi niya kinunan niya. Lumapit ako sa napakalinis pa rin na kama niya at humiga. Hinubad ko ang eyeglasses ko at nilagay sa kama sa gilid ko lang. Niyakap ko ang picture frame at 'di ko napigilang 'di maiyak.
"P-paano kung buhay ka pa ngayon? Mararanasan ko pa rin ba ang mga nararanasan ko ngayon? Mapuno pa rin ba kaya ako ng galit? Maghihirap pa ba kaya ako?
Bakit? Ano bang dahilan mo at hindi ka nagpakilala sa 'kin? Ano ba ang dahilan mo at hindi mo kami kasama sa matagal na panahon? Bakit hindi mo man lang ako ipinaalam tungkol sa 'yo sa mga oras na buhay ka pa?"
Ang dami ko ng problema. Akala ko tungkol lang lahat sa ECU pero kahit dito sa pamilya namin, mas lalo pang nagdagdagan. Hindi ko na alam kung anong uunahin kong isipin sa dami nito. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula at gulong-gulo pa ang isip ko. Mga ilang minuto na ang lumipas na nakatulala lang ako sa kisame habang yakap-yakap pa rin ang picture frame niya.
May kumatok sa pinto tsaka ilang segundo lang ay bumukas ito at nakita kong pumasok si lolo. Hindi ako umimik at patuloy lang sa paghiga. Lumapit siya sa 'kin at umupo sa kama sa tabi ko.
"Sorry kung hindi ko sinabi sa 'yo ang tungkol dito. May dahilan kami ng magulang mo kung bakit namin ito ginagawa."
Hindi ako gumalaw at hindi rin nagsalita. Wala akong ganang magsalita ngayon. Parang kunting-kunti na lang ay mabaliw na ako sa rami ng gumugulo sa aking isipan.
"Para lang naman sa kaligtasan mo, sa kaligtasan ninyong magkapatid. Ayaw kong pati kayo ay mawala rin sa akin," pagpapatuloy niya. Kumunot ang noo ko sa sinabi ni lolo. Kaligtasan? Saan? Naghihintay akong sabihin niya sa 'kin ang dahilan or kahit ang katotohanan man lang kaso hindi niya sinabi sa 'kin. Narinig ko lang ang buntong hininga niya tas tumayo siya. Hindi ko siya tiningnan kasi nagtatampo ako. Bakit si kuya lang ang may alam?
"May naghihintay pala sa 'yo sa ibaba, apo."
Iyon lang ang sabi niya at lumabas na sa kwarto. Nagbuntong-hininga ako. Tiningnan ko ang picture frame ni mama at kinausap ito kahit alam kong hindi naman ito sasagot.
"Ano po ba kasi ang dahilan? Bakit ninyo tinago ang lahat sa 'kin? Ano po ba talaga ang meron sa pamilya na 'tin? Bakit wala kayo ni papa?"
'Iyong sponsor ko na pinag-iinitan ni Jax, iyong si Mr. Taki, si Natasha na sinusundan si kuya, si Ex, sina Kernel, Master, at kuya Hero, Anong meron sa kanila? Anong kailangan nila sa akin?'
Hindi sila magkaka-interest sa akin nang walang dahilan.
Noon nakuntento na ako sa pamilyang meron ako. Si kuya at si lolo okay na. Oo hinahanap ko ang mga magulang ko at tinatanong palagi sa sarili kung nasaan sila at bakit hindi namin sila kasama pero masaya na ako kina lolo at kuya n'on. Pero ngayon, naging komplekado na ang pananaw ko sa pamilya namin. Ngayon naiisip kong may malaking tinatago pa si lolo sa akin at isa pa 'yon sa mga bagay na gusto kong malaman.
Inilibot ko muna ang buong kwarto ni mama bago ko naisipang bumaba. Nasa 2nd floor kasi itong kwarto niya.
Wala naman akong kakilalang bisita kaya nacu-curious ako kung sino ang naghihintay sa 'kin. Inilibot ako ang tingin ko sa buong bahay. Nakakapanibago, ang linaw ng paningin ko na parang may nag-iba. Tinanggal ko ang eyeglasses at sinuri. Ba't kaya bigla itong mas lalong luminaw?
Hindi ko na pinansin pa at muli itong isinuot nang may mapansin akong isang lalaking nakatalikod sa may harapan ko at alam kong hindi si kuya 'yan. Parang pamilyar.
Nakaupo siya sa sofa at nakaharap sa labas. 'Yong sa may malaking glass door kung sa'n makikita ang labas. 'Yong buhok niyang ang kintab pero medyo magulo. Tas 'yong isang kamay niyang may hawak na popcorn.
"Hoy!" tawag ko sa kanya. Ano kayang ginagawa niya rito? Tas nasaan sina lolo at kuya at siya lang mag-isa rito?
'At bakit siya nandito?!'
Tumingin siya sa akin na may napakatamis na ngiti. Mabilis siyang tumayo at... "LAVAAA! I MISS YOW!"
Kung sa text ay okay lang naman ito na parang hindi abnoy pero kapag sa personal na...
Wait! Nandito pala si kuya so what if magkaharap ang mga 'to? Ano na mangyayari?
"A-anong ginagawa mo rito? B-bakit ka kilala ni lolo?" Siya 'yong tinutukoy ni lolo na naghihintay daw sa 'kin kaya alam kong magkakilala sila.
Bahay kasi 'to ng mga magulang namin kaya nagtataka akong bakit siya nakapunta rito. Tas kilala pa niya si lolo. Tiningnan ko siya nang may pagdududang tingin kaya itinaas niya ang dalawang kamay na parang sumusuko na siya kaso 'yong isa may hawak na popcorn.
"Lemme explain to you ma milady. But first of all, I just wanna congratulate you for being our last memba. And by that, I will give you the honor to have this," sabi niya na may pa-cool pa tas in-extend niya ang kamay niyang may hawak na popcorn.
Tinitigan ko lang ito at hindi 'yon kinuha. Sarcastic ko siyang tiningnan at kulang na lang ay mag-face palm ako. "You don't want it? It's delicious! And I'm giving you the honor to have this. Take it milady! Take it!" sabi niya pa na parang nasa isa siyang opera.
Wala akong balak kunin iyon at mukhang wala siyang balak ibaba ang kamay niya. Parang ang laki ng impact ng popcorn dito eh...
"Uy popcorn! Masarap 'yan ah?"
Then the world stops spinning. Dumating bigla si kuya galing sa labas at dali-daling lumapit sa amin. Kinuha niya iyon at walang sabi-sabing nilantakan agad iyon.
Bakit pa nandito ang dalawang abnoy?
"Magandang gabi," walang ganang sabi ko sa kanila at pumunta sa sofa na na inuupuan ni Mais kanina na nakaharap sa malaking sliding door.
Inilibot ko ang aking tingin sa loob nitong bahay. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na bahay 'to ni mama at parang naninibago pa ako na nandito ako sa malaki at magandang bahay na pang mayaman lang ang makakatira.
Tumabi sa akin si mais habang si kuya naman ay pumunta sa kusina. Tiningnan ko siya nang may pagtataka kung bakit siya nandito.
"Ba't mo kilala si lolo?"
Nagkibit-balikat lang siya sa akin habang patuloy na kumakain sa kanyang popcorn. Dumating naman si kuya na may bitbit na dalawang sprite in can at tumayo sa harapan ko. Binigay niya ang isang sprite kay Mais at agad naman itong kinuha.
"Thanks bro! You really care for me," sabi ni Kernel habang binuksan ang sprite.
"Nah bro! Only for 35 pesos."
Magre-react pa sana si Kern nang sumabat na ako sa kanila. Palipat-lipat ang tingin ko sa kanila at tsaka tinanong kung magkakilala ba sila. Pero imbes na sila ang sumagot ay may ibang boses ang sumagot n'on na nanggaling sa pintuan. Tiningnan ko si lolo na kakapasok lang at napanganga pa ako nang may kasunod na pumasok sa kanya.
Palipat-lipat ko silang tiningnan pati na rin sina kuya at Kern. Hindi ako nakapagsalita. A-anong ginagawa niya rito?
"Master!"
Si Mr. Jackson? Bakit nandito siya?