Chereads / Lavandeir's Revenge (Revised Version) / Chapter 40 - With Brother

Chapter 40 - With Brother

"Oh? Ba't ang tahimik niyo?"

Tanong ni kuya habang nilalantakan niya ang hotdog. Hindi kasi kami nag-uusap since wala naman kaming dapat pag-usapan. Mas okay na ako sa gano'n dahil baka madulas pa ako at may masabi tungkol kina Kernel.

Kami lang ni Natsy at kuya ang nandito. Si Ex kasi nasa sala, may ginagawa sa laptop niya habang si Natsy ay tahimik lang na kumakain tas parang ang lalim pa ng iniisip niya. Tapos na ako kumain kaya pinapanood ko lang sila. Ayaw ko namang pumunta sa sala kasi nand'on si Ex. Awkward na naman kapag pupunta ako d'on. Isa pa, milagro yata na hindi inaaway ni Natsy si kuya at hindi sila nagbabangayan. Ano kayang nangyari no'ng umalis sila?

"Okay back to you Xian," sabi ni kuya sa kanyang sarili nang hindi kami sumagot ni Natsy. Kinakausap pa niya sarili niya. "Hay naku Xian! Bakit ka ba nakikipag-usap sa kanila? Hindi naman 'yan sasagot. Tsk!"

'Hay naku! Sobrang lala na talaga ang sakit nito!'

Nagtataka nga ako kung sino ang bunso sa 'ming dalawa. Eh mas bata pa siya mag-isip parang laging abnoy. 'Di nagtagal ay mas lalo pang lumala ang kaabnoyan niya. Hindi na ang sarili ang kinakausap niya kundi ang hotdog na nasa tinidor na hawak niya.

"I thought I could eat you like this... 'Cause you're my hotdog," may kadramahang sabi pa niya habang emotional na nakatingin sa hawak niyang hotdog. "But you are so good to be true... That's why I'll eat you with passion."

Nandidiri ko naman siyang tiningnan habang patuloy pa rin siya sa kanyang kadramahan. Si Natsy 'di napigilang ihampas ang kutsara't tinidor niya sa mesa tas nag-walk out.

"Oh? Problema no'n?" nagtataka pa talaga niyang tanong.

"Hay ewan ko sa 'yo!"

"Oh? Problema mo rin? Ang hirap talagang intindihin ng mga babae!"

Hindi ko na siya pinakinggan at iniyuko ang ulo ko sa mesa. Ayaw kong pumunta sa sala. Hindi ko feel makita si Ex. Siguro dahil baka galit siya? Or naa-awkward lang ako or meron din akong pride?

"Hoy manang! Hindi mo akalaing ang ganda ng condo ng boyfriend mo no?"

Itinaas ko ang ulo ko para tingnan siya at sinimangutan. "Kuya naman eh! Ilang beses ko nang sinabi sa 'yong hindi ko 'yun boyfriend. At isa pa, bakit parang mas close ka sa kanila na ako ang kakilala nila?"

Inirapan naman niya ako tas tumayo para iligpit ang kinain niya. "Whatever."

Pinanliitan ko siya ng tingin na parang nagdududa sa kinikilos niya. Halatang umiiwas siya sa topic.

"Ano ba namang malditang 'yon! Hindi inubos 'yong kinakain. Tsk! Nagsasayang ng pagkain!" Nakasimangot ang mukha niya na nakatingin sa pagkaing di naubos ni Natsy.

Akala ko ay ililigpit rin niya iyon kaso kinain niya ito. Gusto kong mag-face palm pero na-realize kong sayang nga kung hindi 'yon kakainin. Isa pa, wala namang virus si Natsy.

"May gusto ka ba kay Natsy?"

Muntik niyang mabitawan ang hawak niyang babasaging plato. Nakahinga siya nang maluwag pagkatapos niya itong maingat na nilagay sa mesa, pagkatapos sinamaan niya ako ng tingin.

"Yucks! No way! Alam mong may Janine na ako!"

"Yong cashier na kasama mo Kayo na kuya?" hindi makapaniwala kong tanong.

"Hindi pa naman."

"Huh?"

Bigla siyang nagpamewang at tinaasan ako ng kilay. "Kelan ka pa nagkainteresado sa love life ko? Bata ka pa, mag-aral ka muna!"

'Ay wow! Sino itong palaging inaasar ako kay Ex?'

Naisipan ni kuyang maghugas kasi nakakahiya raw dito. Marunong pa pala siyang mahiya. At sabi pa niya maganda raw ang condo kaya kailangan niyang maglinis. Kanina pa niya sinasabi na nagagandahan siya sa condo parang adik lang. Maganda naman talaga at napakalinis pa. Of course, si Ex 'yan eh. Allergy 'yon sa dumi.

Nang tapos na siyang maghugas. Pumunta siya sa sala habang ako ay nagpaiwan pa rin dito. Nilalaro ang Vcut na bigay ni Ex kanina. Wala pa akong ganang kainin 'to kaya hindi ko pa ito binubuksan. Nakita ko namang bumalik si kuya. "Nasa'n sila? Wala sila sa sala," sabi niya. Tinutukoy ang magpinsan.

"Huh?"

Napaisip naman ako kung saan pumunta ang mag-pinsan. Ano kayang gagawin nila at bakit hindi nagpaalam si Natsy. Usually kasi ay magpapaalam si Natsy sa 'kin kung saan sila pupunta lalong-lalo na't kami lang naiwan dito tas sa kanila pa itong condo. Gan'on ba kalaki ang tiwala nila sa amin? Pa'no kung magnanakaw pala kami?

Tas kanina parang badtrip pa si Natsy. Wala sa mood at parang papatay na ng tao.

Tinanong ko naman si kuya kung anong nangyari nang hinila siya ni Natsy at kung saan sila pumunta. Sa itsura ni kuya ngayon parang chill lang naman siya samantalang si Natsy ay 'di na nagsasalita simula dumating sila rito.

"Ewan! Nabigla nga rin ako sa kinikilos niya. Tas nagulat pa akong sinakal niya ako bigla."

"ANO?" hindi ko makapaniwalang tanong ko. Sinakal? Bakit niya naman sinakal si kuya? "May kasalanan ka ba?"

"Sabi niya 'yon lang na tinawag ko siyang traydor. Tinawag ko siya n'on kasi baka pati sila ay hindi tunay na kaibigan at ayaw ko iyong mangyari. Tas nakapagtataka pa ay ang lakas niyang babae. Grabe! Di ko alam kung bakit sobrang big deal para sa kanya na gigil na gigil siya sa akin kanina. Wait..." Napatigil siya na parang may napakahalagang bagay na na-realize niya.

"A-ano?" kinakabahan kong tanong kay kuya. Baka may natuklasan siya at dapat ko iyong malaman. Hindi ko nga sila pinagkatiwalaan kaya dapat kong malaman kahit kunting bagay lang na tungkol sa kanila.

"P-pa'no kung 'yang kaibigan mo ay..."

"A-ano nga?"

"Yong kaibigan mo ay..." napanganga pa niyang sabi at nanlalaki ang mata. Mas lalo tuloy akong kinakabahan. May part sa akin na na gusto ko nang malaman iyon at may part sa akin na takot marinig iyon. Baka tama pala ang hinala ko sa kanila.

"...ay na-in love na pala sa 'kin tas 'yon 'yong paraan niya para makachansing... What do you think manang?"

"Kuya naman eh!"

Di ko napigilang tumayo at nilapitan siya. Susuntukin ko 'tong isip bata na 'to!

'argh!'

"Hahahaha pinapakaba lang kita ahahah ang epic ng itsura mo. Mas lalong pumangit!"

Pinagsusuntok ko siya habang siya ay patuloy na tumatawa. Hindi man lang ininda ang mga suntok ko. Sinabihan pa niya akong weak. Hay nako! Wala nga ang mais dito nagbalik naman ang original na abnoy!

Isang oras na ang lumipas at hindi pa rin bumalik sila Natsy. Nandito kami sa terrace ni kuya, naisipan kasi naming magpahangin. Nakatukod ang dalawang siko namin sa fence at tumitingin sa magandang tanawin. Maganda kapag gabi rito. Makikita mo ang mga sasakyang parang kumikislap dahil sa lights nito. Malamig din ang hangin at napakaaliwalas sa pakiramdam. Tinataboy ang aking buhok sa lakas nito. Kumpara kapag araw. Napakinit at makikita mo pa ang polluted na usok galing sa sasakyan at siguro traffic pa.

"Buti na lang at wala ng klase."

Tiningnan ko si kuya na humihikab at nag-stretching nang sinabi niya 'yon. "Bakit?"

Tumingin siya sa 'kin nang nagtataka. "Christmas break na nakalimutan mo ba?"

Wala namang akong idea kasi kakabalik ko lang kanina sa school tas P.E lang ang pinasukan ko. Tatanungin ko na lang mamaya si Natsy.

Kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa ng pantalon niya. "Bakit wala pa 'yong reply?"

"Sino?"

"Si Janine. 'Yong sinasabi ko sa 'yong may gusto sa 'kin."

Naikwento niya nga 'yan nang nagtatawagan kami noon.

"Wow ang lakas naman ng hangin."

"Wala ka bang tiwala sa gwapo kong 'to? Tsk! Tsk!" may palingo-lingo pa niyang sabi.

Totoo naman at gwapo si kuya. Kaso nga lang, may nagkagusto pa pala sa pagiging abnoy niya? Tsk! Tsk! Gusto ko sanang sabihin 'yon sa kanya para asarin pero hindi na lang. Marami pa naman 'yang bala at hindi pa ako nanalo sa kanya.

Tinaasan ko siya ng kilay nang narinig ko ang sounds sa cellphone niya. "Sound trip," sabi pa niya. Hindi na ako nagsalita since maganda rin naman ang kanta. Milagro nga at hindi 'yong mga usual niyang kanta 'yong pang 90s. May pagka-rock kasi ang isang 'to.

"Na-LLS ako nito. Narinig ko 'to sa radio."

"Maganda naman. Anong title niyan?"

"My Heart by Paramore"

Hindi na ako nagsalita pa at pinakinggan ang kanta. Tinitingnan ko lang ang tanawin at pinapakiramdaman ang malamig na hangin. Ang sarap sa feeling. Nang mag-chorus na ay sumabay kami ni kuya sa pagkanta. Paulit-ulit na kasi ang lyrics at nakabisado ko na ang part na 'yon. Nagkatinginan pa kami ni kuya at sabay na natawa. Mas lalo siyang nakakatawa kasi may pa-acting pa siyang nalalaman. Abnoy talaga.

Nagbuntong-hininga ako. Mabuti na lang talaga at nandito si kuya at medyo nakakalimutan ko ang mga iniisip ko kanina. Na-guilty tuloy ako na hindi ko sinabi sa kanya ang totoo.

"This heart, it beats, beats for only you."

"This heart, it beats, beats for only you."

"This heart, it beats, beats for only you. My heart is yours..."

Tumingin ako kay kuya at napatawa nang malakas nang nakaluhod pa siya at umaacting na kinukaha niya ang heart niya tas ibibigay sa akin. Kahit anong kanta pa 'yan, magdadrama talaga siya at feni-feel ang lyrics.

Tas pagkatapos n'on ay sabay kaming natawa. "Oh diba. Parang concert lang. Naisipan ko tuloy magbuo ng banda. Ano aking kapatid? Sasali ka?''

At ito, bumalik na ulit siya sa pagiging abnoy. Alam ko namang biro lang niya ang mga 'yan since mahilig talagang magbiro. Nakasanayan ko na rin kasi siyang tawaging abnoy. Okay lang naman sa kanya. Ganito talaga kami, tuwing mag-sound trip siya, magdadrama siya tas sinasabayan ko pa. Hindi rin ako kumakanta kung may ibang nakikinig.

"And the next song starts here... Mag-ready ka na aking kapatid at sabay tayong maglalakbay patungo sa mundo ng musika hahaha!"

Ang next song naman ay nakabisado ko na 'to since palagi ko itong maririnig kapag mag-sound trip siya sa bahay.

"Oh thinking about all our younger years. There was only you and me. We were young and wild and free..." sinimulang sumabay sa kanta si kuya. Nang mag-chorus na ay hininaan niya ang music at nag-gesture siya sa akin na ako ang mag-chorus. Sinunod ko naman siya at parang nahawa na ako sa kanya. Ang mukha pa niya parang coach. May patango-tango pang nalalaman.

"And baby you're all that I want... When you're lying here in my arms. I'm finding it hard to believe... We're in heaven..."

Nagpatuloy ang music sa cellphone ni kuya. Napatigil ako nang makitang naluluha siya pero pinipigilan lang niya. Nagtaka ako sa inakto niya kaya lalapitan ko sana siya nang dali-dali siyang lumapit sa akin at agad na niyakap. Mahigpit na yakap. Bumibigat ang hininga niya at dahil n'on ay nalaman kong umiiyak pala siya.

Bakit? Anong nangyari?

"You have the same voice of mom. I miss her."

...