"I'm afraid that I might enjoy this feeling what I've started and scared to get addicted to it. -Lavandeir"
Lavandeir
...
"MIA!"
Ang boses na 'yon na mas lalong nagdulot ng sakit sa aking puso. Muling namumuo ang galit na aking naramdaman ng dumating siya. Ang boses ng babaeng traydor na tinuring kong mahigit pa sa kaibigan. Hindi ko pa rin matanggap ang lahat at hinding-hindi ko matanggap na ako lang ang nagdurusa nito. Ewan ko ba... Gusto kong makaganti sa kanya.
Kaya... Napagdesisyonan ko nang tatanggapin ko na ang offer ni Mr. Jackson.
Narinig kong marami ang pumasok sa loob pero hindi ko alam kung ilan sila. Ang alam ko lang ay may mga Elites na nandito base sa amoy ng pabango.
"What happened here? Pa'no sila nawalan ng malay?" dinig ko ang boses ni Justine.
Mas umingay ang paligid. Mukhang maraming estudyanteng pumasok para makichismis.
"Tell them to leave!" utos ni Jax. Kilalang-kilala ko na ang boses niya. Ang boses ng leader nila na nagpasimuno nitong lahat. Ang lalaking nagparamdam sa akin ng empyerno.
Tumahimik naman bigla nang marinig kong nagsialisan na ang ibang estudyante.
"Nakapagtataka, wala namang galos si Mia kaya sigurado akong hindi lumaban si loser at hindi naman magagawa ni loser ito."
'Sabi ko nga ganyan ang iisipin nila.'
"Let's bring Mia to the HQ and tell our private nurse to go there! Hurry and get her out of here!" mahina pero may gigil na sabi ni Reid.
"Roger boss," sabi ng hindi ko kilalang boses. Isa siguro ito sa estudyanteng alagad nila.
Naramdaman ko namang may lumapit sa mukha ko at may humawak sa aking pisngi, base sa amoy ng pabango niya ay si Elayah
"May mga pasa siya unlike Mia. But the question is, why the both of them are unconscious?"
"Isn't this like before? I think katulad ito n'ong nangyari sa 'tin! That time na binully natin 'tong loser."
"Right! Nawalan tayong lahat ng malay no'n. Hindi man lang na 'tin alam kung bakit."
"So sino ang possibleng may gawa nito?"
"Damn that Exse--"
"Hindi siya," pagputol ni Reid sa sasabihin sana ni Jax.
'Teka? Exse? Si Ex ba 'yan or ibang kakilala nila?'
"P'ano mo nasabi?"
"Nabura ang kuha ng CCTV kaya hindi natin alam kung siya ba talaga ang gumawa n'on sa 'tin. At first, siya ang inakala kong may gawa pero pinuntahan niya ako isang araw right after malamang nawala itong babaeng 'to. He almost killed me. Hinahanap niya sa 'kin kung nasaan ang babaeng 'to kaya napagtanto kong hindi siya ang may gawa n'on at ang sumira sa plano natin!"
'Gaano ba kagaling sina Kern at wala man lang nasagap ang Elites na impormasyon?'
"So tama ngang ang loser na ito ay magagamit natin laban sa kanya."
Gusto ko mang ikunot ang aking noo pero hindi pwede. Baka malaman nilang nagpapanggap lang ako rito. Kung hindi man ako nagkakamali, ang tinutukoy nila ay si Ex. Pero kung tama man ang hinala kong siya ang tinutukoy nila, eh bakit? At anong magagamit laban sa kanya?
Ngayon, sigurado na akong magkaaway sila pero bakit umabot sa ganito? Ano pa bang rason? Mas may malalim pa bang rason?
Ito ba ang tinutukoy nilang may silbi ako sa kanila?
Hindi klaro sa akin ang lahat kaya mas lalo akong nagkaroon ng motibong malaman ang bawat pagkatao nila at ang ugnayan nila sa isa't-isa. Kung sino talaga sila at kung may panlaban ba ako sa kanila. Nasaktan na ako at hindi ako papayag na wala man lang akong gawin. Sinimulan nila ako kaya dapat ko rin silang patulan. Hindi pa sa ngayon pero balang araw.
Tama nga ang desisyon ko kanina na hindi muna pagkatiwalaan sina Ex at Natsy kasi hindi ko pa sila tuluyang kilala. Mas lalo akong may motibong tanggapin ang offer ni Mr. Jackson sa 'kin. Buo na ang desisyon ko.
"Bring her to the HQ!" utos ulit ni Reid.
"Wait Reid! Dadalhin talaga natin ang loser sa HQ?" hindi makapaniwalang tanong ni Justine.
"Eww magpapasok talaga kayo ng basura d'on?"
"We still need her. Let her think that we already change so she won't leave here."
Huh! Ngayon gusto nila akong manatili kasi gagamitin pa nila ako?
Minabuti kong hindi gagalaw ang aking mata para hindi nila malamang gising pala ako. Malalaman kasing gising ang tao kapag gagalaw ang eyeballs kahit nakapikit. Maliban siguro kung binabangungot or natural na talaga.
Tumahimik naman sila bigla at feeling kong nakatingin sila sa 'kin. Or kahit na hindi sila nakatingin ay dapat stay still pa rin ako sa aking posisyon at expression. Kumalma lang ako at iniisip na walang ibang tao sa loob para hindi ko maramdamang may nakatingin sa akin. Kasi kapag gan'on, isang mali lang ay malalaman nilang may malay pala ako.
Ngayon lang ako nakapag-acting sa tanang buhay ko kaya hindi ko masasabing perpekto na 'to. Hindi pa naman nila napapansin eh. Tinuruan kasi ako ni kuya paano magpanggap na tulog o walang malay. Wala akong ibang choice na makinig sa kanya kasi hindi niya ako tinantanan noon.
...
Flashback:
"Paano nga?"
Kainis na kuya 'to! Dinamay pa ako sa walang kwenta niyang trip. Ang pagpapanggap na walang malay o 'di kaya'y tulog. Lakas ng tama!
"Oh! Ikaw pa 'tong binigyan ng tips, you pa inis to me? Magagamit mo 'to sa maraming bagay hoy!"
"Bagay tulad ng walang kwentang bagay."
"Wala bang kwenta ang pagpapanggap na tulog kapag inuutusan ka ni lolo magwalis? You no brain!"
Hindi ko mapigilang mag-face palm. Mawalang galang po pero ang lakas na talaga ng tupak niya. Level 101 na.
"O sige pa'no nga? Andami pang satsat eh!" naiinis na sabi ko. Pinayagan ko na lang para matapos na siya sa pangungulit niya. Ginising lang talaga ako para rito eh!
"Ito. Iisipin mo lang na tulog ka. Kapag gigisingin ka, gagalaw ka ng kunti na parang naiinis at mag-inat or maghikab ka, nasayo na iyon. Tas balik ka ulit sa pagtulog. Diba ganyan naman talaga ang gagawin ng isang tao kapag gigisingin? Iisipin mo lang na reality 'yon pero conscious ka. Or kung may alam ka kung anong reaction ng katawan mo kung gigisingin ka, 'yon din gagawin mo para hindi sila mag-iisip na nagpapanggap ka lang. Kung alam mong humihilik ka sa pagtulog, humilik ka. Kung hindi edi hindi...
Pause muna hahaha..."
"..?"
"...okay play. Katulad din sa pagpapanggap ng walang malay. Diba ang mga walang malay ay wala ring energy at hindi alam ang nangyayari sa paligid. Kaya 'yon ang gagawin mo. Kung may bubuhat sa 'yo, feel free to express yourself charot. 'Wag kang manlaban kasi kunyari wala kang lakas. Wag kang masyadong mag-isip. Pero kung walang bubuhat sa 'yo..."
Kumunot ang noo ko nang bigla siyang ngumisi nang nakakaloko.
"...Manigas ka HAHAHAHAHA!"
Hinampas ko siya ng unan pero ang baliw kong kuya ay nakailag pa.
"By the way manang... Happy birthday! Pa-kiss nga!"
"Ew!"
End of flashback:
...
"Wait! I think something's off here," biglang sabi ni Justine.
"Bakit?"
"Maybe we're just thinking too much. Mia is on diet kaya siguro nawalan siya ng malay. Right?"
Tumahimik silang muli... Parang napapaisip sa sinabi ni Justine. Mabuti na lang at sinabi niya iyon. Parang nagkatugma tuloy. Tiyak akong maiisip din iyon ng iba.
"Oo nga. Isa pa, maraming tao sa labas kaya impossibleng walang nakakita sa kanila na may pumasok na ibang tao rito. Bukas din lahat ng cubicle rito at wala namang ibang tao so we all know na silang dalawa lang ang nandito. So paano makapasok ang taong may gumawa sa atin noon?" pagsegunda ni Elayah.
"Isa pa, we don't know how we became unconscious back then right? We don't even have any idea kung bakit at paano nagising na lang tayo."
"Pero sa natatandaan ko, I'm having a trouble in breathing before we're down."
"Let's talk in the headquarter, not here."
Gusto ko sanang sabihing kanina pa sila nag-uusap rito at kanina lang din ako nakikinig.
May posibilidad pa rin pa lang malaman nila ang tungkol sa paano sila nawalan ng malay noon. Pero atleast matatagalan pa.
Binuhat naman ako ni Reid. Alam kong siya 'yon base sa pabango niya. Pasalamat ako sa memorya ko. Sabi ni lolo ay namana ko raw ito sa papa namin.
"Tatanungin na lang natin si Mia kung ano talaga ang nangyari kapag gising na siya. Tatanungin muna natin ang nurse kung sa diet ba siya nawalan ng malay."
Ang alam ko mga ilang oras pa bago magising kung sino man ang makalanghap sa laman nitong spray.
Biglang bumukas nang malakas ang pinto kaya napahinto sila. Muntik pa akong makagalaw sa pagkagulat buti na lang at napigilan ko. Hindi ko alam ang nangyayari. Hindi naman pwedeng sumilip ako baka mabuking ako.
"You can't take her somewhere!"
Base sa boses ay si Natsy iyon na galit na galit. Ang bilis talaga ng balita.
Hindi ko alam kung natutuwa ba ako na dumating siya or hindi. Natutuwa ako kasi para makawala ako sa Elites at matigil na itong pagpapanggap ko. Ang kaso iniiwasan ko nga sila pero nagtatagpo ulit kami.
"Give me that girl!" kilala ko ang seryoso at may pagtitimping boses na 'yon. Walang iba kundi si Ex.
Pagkasabi niya n'on ay humigpit naman ang hawak sa 'kin ni Reid na parang hindi niya ako ibibigay sa kanila. "You can't!"
"Oh really?" sabi ni Natsy.
"N-Natasha..."
Hindi ko alam kung anong meron kay Reid nang banggitin niya ang pangalan ni Natsy. Mas lalo pang humigpit ang hawak niya sa 'kin na parang may nakakagulat na nangyari sa kanya. Nautal pa siya sa pagbanggit sa pangalan nito. Ewan hindi ko ma-explain. Pero sabi ng instinct kong matagal na silang magkakakilala. I mean... N'ong hindi pa ako nakilala ni Natsy. Feeling ko lang ito pero susundin ko ang feeling ko. Dinala lang ako sa kapahamakan ng isang beses sinuway ko ang aking instinct.
"Miss me dear?"
Mas lalong lumakas ang aking loob nang sabihin 'yon ni Natsy. Alam kong isa 'yon sa mga expression ni Natsy pero grabi kasi mag-react si Reid. Hindi siya mapakali at ramdam ko iyon kasi buhat-buhat niya ako. Naging malamig ang mga kamay niyang nakahawak sa legs at sa braso ko. Naramdaman ko rin ang mabibigat niyang hininga.
Hindi ko man alam kung ano ang ugnayan nila pero malakas ang loob kong may nangyari sa pagitan nila.
Magkakilala silang lahat. Ako lang ang naiwanan. Kaya tama nga ang decisyon kong hindi na muna sila pagkakatiwalaan.