Umupo ako sa upuan na malapit sa akin. Naamoy ko tuloy ang nakahain sa mesa kaya napalunok ako ng laway. Hindi pa pala ako kumain. Hinihintay ko siyang matapos magligpit. Gusto ko sanang tulungan siya kaso sabi niya umupo na lang daw ako at wag siyang guluhin. Hindi ko alam kung anong gulo ang tinutukoy niya.
Inalis ko ang tingin sa manok na 'di ko namalayang nakatingin na pala ako roon. Mas lalo pa akong matakam kapag titigan ko 'yon. Isama pa ang bango ng amoy nito na pinipilit kong hindi amoyin.
"Let's eat first before treating your bruises. Seems like you're hungry," sabi niya at hindi pa nga ako naka-oo ay kumuha na siya ng plato. Tinikom ko na lang ang bibig ko at 'di na umangal pa. Kahit i-deny ko pang hindi ako gutom, malalaman at malalaman niya pa rin. May observation skills pa naman 'yan.
'May something talaga sa kanya ngayon. Nahalata niya sigurong iniiwasan ko siya. Mas okay na 'yong ganito.'
...
Tunog lang ng kutsara at tinidor ang maririnig sa room na ito. As usual hindi kami nag-uusap kasi wala naman kaming topic at bihira lang din iyan magsalita. Ito na naman ang awkward sa pagitan namin, or ako lang siguro ang nakaramadam ng awkward since mukha namang walang paki ang lalaking kaharap ko.
"M-may idea ka ba kung bakit galit na galit si Natsy?"
"Just a little."
"Gaano ba kalakas si Natsy at bakit siya malakas?"
Gusto kong sampalin ang sarili ko sa walang kwentang tanong ko.
"You'll know someday."
Napatigil ako sa pagkain sa sinabi niya. Mas lalong lumakas ang aking kutob na may tinatago talaga sila sa akin nang sinabi niya iyon.
Kinagat ko muna ang ibabang labi ko bago sinabi ang gusto kong sabihin sa kanya.
"P-pasensya na p-pero hindi ko mapigilang magduda sa inyo. Feeling ko kasing may tinatago kayo sa akin. T-takot lang akong magtiwala muli."
Napahinto naman siya sa pagkain. Hindi dahil sa tapos na siya kundi dahil sa sinabi ko. Nakasalubong ko ulit ang mata niyang parang papatayin ako sa sobrang seryoso kung makatitig.
"I know you feel that way but it's still not yet the time for you to know us. We both have something to hide so think what you needed to think. I don't give a damn."
...
Natasha's POV
Nagbihis muna ako ng comfortable clothes. Palagi akong pumupunta rito kaya I have clothes here. Kukunin ko na sana ang first aid kit nang may biglang tumawag sa cellphone ko. Tiningnan ko ang caller at nakitang si Kevin pala. Ano kayang kailangan ng kumag na 'to?
"Oh? What do you need?" may pagkainis na tanong ko pagkasagot sa tawag niya.
"Galit agad? Chill ka muna. I have something to tell you." Base sa tono ng boses niya alam kong nakangisi ang loko.
"Ano nga! Pinapatagal pa eh."
"Bakit ba ang highblood mo ha? Ito na... May mission na in-assign sa 'yo si Mr. Taki."
"That's great! It's been two months since I had my own mission. What is it?"
"Haha I don't think this would be great to you. You're only mission is to stalk Lavandeir's brother. You know the drill! Know where he is, find out what he's doing, guessing what's on his mind!"
Seconds to realize what he said to me is kind of bullsht. Napahinto pa ako at hindi alam ang gagawin.
"You've gotta be kidding me!"
"Hahaha! I told you hindi mo magugustuhan."
"Alam mo namang sabik na sabik na akong magkaroon ng panibagong mission tas ngayon ito ang ibibigay ng asungot na 'yon sa 'kin? At isa pa, ano namang mapapala niya sa kapatid ni Vanvan?" tukoy ko sa asungot na master namin.
Hininaan ko ang boses kasi nandiyan lang si Vanvan sa labas. Sht! Nawala ako sa focus tangnang mission na 'yan!
"Hindi ko nga rin alam. So pa'no ba 'yan? Good luck detective! I mean stalker! Hahahaha!" pang-aasar niya dahil alam niyang kumukulo palagi ang dugo ko sa Xia- Yucks! I won't state his name!
"Fvck you!"
Binaba ko na ang tawag at ginulo ang aking buhok. Umupo ako sa kama ni insan tsaka tinawagan ang pisteng Taki na 'yon.
Binato ko ang unan na nasa tabi ko nang hindi sagutin ni Taki ang tawag ko. Hindi ko siya tatawaging master ginagalit niya ako! Mga ilang minuto akong tumatawag hanggang pinatay niya cellphone niya. Nanggigil talaga ako ngayon at gusto kong pumatay ng tao sa inis!
Kinaiinisan ko ang lalaking iyon kahit kapatid pa iyon ni Vanvan. Hindi ko alam pero napipikon agad ako kapag nakita ko siya. Ang hambog na 'yon! Naalala ko pa ang nakakaloko niyang mukha kung magtagumpay siyang inisin ako noon.
Yes! Palagi kaming nagkikita dahil sa gusto kong malaman kung okay na ba si Vanvan. I don't have a choice but to keep meeting him for the sake of my inner peace and for the sake of my cousin. My cousin going all out finding her but to no avail. That's why it's really suspicious. Even Taki cannot find her! Every day I can't focus knowing Vanvan is okay yet we could not confirm it. Malakas ang kutob namin na hindi basta-basta ang nasa likod ng pagkawala niya. Even the Elites were on the move but like us, they also failed on finding her.
Kinalma ko ang aking sarili kahit alam kong hindi ko makalma ito sa inis. Ano ba ang kailangan ng pisteng Taki na iyon sa magkapatid? Una si Vanvan tas ngayon si Xi-- 'Yong pesteng 'yon!
In-open ko ang facebook at hinanap ang facebook ng kapatid ni Vanvan. Sana merong facebook 'yon. Ayaw ko man tanggapin pero mission ay mission. Sadyang nakakairita lang kasi bakit sa akin pa? Bakit hindi na lang sina Kevin ang in-assign dito?
Tingnan ko muna kung anong mahanap ko rito at bakit siya pinapa-stalk sa 'kin ng Taki'ng 'yon. Nang mahanap ko ang facebook account niya ay tinignan ko ang mga post niya. Wala siyang post these days. Ang huling post lang niya ay almost a month na. Ang nakakainis lang, mukhang ako pa pinatatamaan sa post niya. Kung hindi man ako, napipikon pa rin ako. Lahat mula sa kanya ay nakakapikon!
*Facebook post:
Be matured enough! Kapag galit sayo yung tao, galitin mo! Gagalitin at gagalitin mo hanggang sa mamatay sa galit! :)*
Nakakapikon talaga ang post na 'to! Natatamaan ako bakit ko pa kasi binasa.
E-scroll ko pa sana ang page niya kaso nag-pop up ang text ni Mr. Taki. Buti na lang at naisipan niyang mag-text.
*From: Taki the Great
I guess you already know your mission since you called me 15 times. You keep on asking me your new mission then now wish granted. Good luck! Fighting! Breakaleg!*
Tangna! Kung wala lang talaga akong malaking utang na loob sa kanya ay matagal ko na siyang sinapak! Wala akong paki kung matanda pa siya sa akin. Isip bata rin naman 'yon.
Kinuha ko ang susi sa isa pang kotse ni insan. Dalawa ang kotse niya rito at nasa kanya ang isang susi kaya itong isa ang gagamitin ko. Hindi ako mapakali rito. Baka masugod ko pa ang Taki na 'yon.
Lumabas ako sa kwarto habang pinapatay ang asungot na lalaking 'yon sa isipan ko! Wala ako sa mood ngayon at gusto kong manapak ng tao.
"Tangna! Why him! Out of all guy why him! Argh!"
At kung malaman pa ng kumag na 'yon that I am stalking him, what would he might think? Nakakahiya at naaapakan ang pride ko. Hindi ito ang inaasahan kong mission. Walang thrill at ginawa pa akong stalker. What's worst is sa gago pang 'yon!
'Me??? Staking him??? Yucks! Eww!'
Naalala ko pa ang bweset n'ong huli kaming mag-meet up, gumanti pa siya sa akin at binalak na sipain ang binti ko, buti na lang mabilis ako at siya ang napuruhan. Palagi niya iyon ginagawa kapag nakikipagkita ako sa kanya. Hindi siya mapakali kung di makaganti sa akin! So childish!
Ginulo ko ulit ang buhok ko habang hindi mapakali. Hindi ko namalayang nagpabalik-balik pala ako sa lakad nang may nag-doorbell kaya napahinto ako.
'Sino ba 'yang asungot na nag-doorbell na 'yan?'
Wala kaming inaasahan na pumunta rito kaya dali-dali kong binuksan ang pinto. Nang makita ko ang lalaking kanina ko pa kinaiinisan ay agad akong napakuyom sa kamao. Ano bang meron sa gagong 'to at pinapasundan siya ng Taki'ng 'yon?
"WHAT THE HELL ARE YOU DOING HERE?"
'Yong galit ko kanina napalitan ng sobrang galit. Ano naman ang ginagawa niya rito at pa'no niya nalaman ang lugar na 'to?
Nabigla siya sa biglaang pagsigaw ko pero hindi niya ako pinansin. Iniwas niya ang tingin sa akin na parang isa akong hangin at tumingin sa kapatid niya.
"Aking kapatid."
Bigla niya akong nilampasan na parang wala lang at tsaka dumiretso kay Vanvan. Mas lalo akong nainis sa pang-deadma niya. Kung iniinis niya ako nagtagumpay siya. Una pa lang kaming nagkita ay galit na talaga ako sa kanya. Ang hambog!
"You asshole!"
Nilapitan ko siya at hinila ang laylayan ng t-shirt niya. No way I'm gonna touch his so annoying skin. 'Yong parang lahat ng sa kanya ay galit ako at ayaw kong ma-touch ang skin ko sa skin niya. Allergic ako sa mga gago at hambog!
"Hoy! Sumusobra kana! Baka patulan pa kita! H-hoy!"
'Whatever!'
Nagpupumiglas pa ang lalaking 'to kaya minabuti kong hindi ma-touch ang skin naming dalawa. Nandidiri ako. Mas lalo niya pa akong ginalit ng tinawag niya akong traydor. Sabi niya pa na magkatulad lang daw kami sa ahas na Kim na 'yon na traydor daw. Simula no'ng malaman niyang trinaydor ang kapatid niya ni Kim ay gabi-gabi siyang nag-tetext sa akin. Isang message lang. 'Traydor'. Hindi ko kasi matanggap na tinulad niya ako sa ahas na Kim na 'yon.
Oo may nilihim kami kay Vanvan at 'yon lang ay ang pagiging part namin sa Black Org. Hindi pa namin sinasabi sa kanya kasi baka mapahamak siya ngayong marami nang nagmamasid sa amin pati na sa kanya. Ayaw namin siyang masangkot sa gulo ng mundo namin.
"Teka! Teka lang babae! Sexual harassment na 'tong ginagawa mo!"
Inis kong binitawan ang t-shirt niyang nalukot na sa higpit kong hawak dito. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Pasok!"
Sigaw ko sa kanya. Nandito na kami sa harap ng kotse ni insan at buti na lang talaga at kinuha ko ang susi ng kotse.
"Teka ano bang gagawin mo?"
"Shut up! Papasok ka or I'll fold you and put you inside?"
"A-ano sa tingin mo sa 'kin damit? Nakakatakot ang babaeng 'to!"
Pag-aangal pa niya pero pumasok naman. Mabilis akong nag-drive at hindi na pinansin ang mga sigaw niya. Umaangal pa sa way ng pag-drive ko.
"Can you shut up?" sigaw ko sa kanya.
"Paano ako tatahimik eh parang wala kang paki sa traffic light. Mababangga tayo! Kamote! Kamote!"
"Ito talaga ang plano ko! Ang ibangga ang kotseng ito at para mamatay ka na! You fvcking asshole! Anong kamoteng pinagsasabi mo diyan!"
Hindi ko naman talaga alam kung saan kami pupunta. Gusto ko lang ilabas ang sama ng loob. He was just unlucky that he came, nadamay pa tuloy! Isa pa, isa rin naman siya sa dahilan kung bakit ako naiinis sa kanya.
"Mamamatay ka rin kung mababangga tayo!"
"I don't care!"
Mga ilang minuto na akong nag-drive at hindi ko pinapansin ang mga komento at sigaw niya. Inihinto ko ang kotse nang napunta kami sa isang riverside. Mukhang malayo ang narating ko at hindi ko alam kung saan kami napadpad. Hindi naman ako nabahala kasi may GPS naman ang kotseng 'to.
Lumabas ako at sumunod naman ang gago.
"Hoy! Traydor! Ano ban... Achk!"
Hindi niya natapos ang sinabi niya nang bigla ko siyang sinakal sa leeg at sinandal sa kotse. Gulat na gulat pa ang mukha niya at nanlalaki ang mata.
"Tawagin mo ulit akong traydor at mapapatay talaga kitang gago ka!"
"S-sino achk k-kaba talaga?!"
"Ikaw? Sino ka rin ba talaga?" 'at bakit ka pinapasundan ni Mr. Taki sa akin?'
...