Chapter 35 - Names

"I think we shouldn't waste our time here! Ibigay mo siya sa amin or magkakagulo pa rito para lang ibigay mo siya!"

Ngayon ko lang napansin, bakit hindi takot sina Natsy sa Elites? Lahat ng estudyante rito ay takot sa kanila pero bakit sila hindi? Noong first semester hindi ko sila kilala kaya hindi ko alam kung magkakilala ba talaga sila noon. May kutob lang ako at kailangan ko iyon patunayan. Sa mga naririnig ko ngayon, mukhang magkakilala nga talaga sila.

Sila lang dalawa magpinsan tas marami ang Elites pero hindi sila takot na parang may malaki silang alam na secreto sa Elites. Tas ngayon ko lang napagtanto na kahit kinakalaban nila sila Jax ay hindi man lang sila inano ng mga ito.

Marami nang napatumba ang Elites sa mga kumakalaban sa kanila at first time kong makitang walang ginawa si Jax. Nakakagulat at nakakapagtaka.

"Why you're so eager to get her? Did she mean a lot to you?" panghahamong tanong ni Jax.

"Stop playing dumb here! We already know your motives and I know what you're planning so give Lavandeir to us then we're all set."

"Seems like she's a big bait huh?.. Reid."

Naramdaman kong ipinasa ako ni Reid kay Ex tas lumabas siya habang buhat-buhat ako nang hindi man lang umimik kay Jax.

'Gan'on lang at bumigay na si Jax?'

Paglabas namin ay maingay ang paligid kaya alam kong marami ang nakichismis sa nangyari. Maraming nag-uusap at nagbubulung-bulungan... Rinig ko naman.

"Pity. Kakabalik lang niya tas ganyan agad?"

"Yeah. Bakit bumalik pa kasi! Buti nga sa kanya!"

"See! This bitch only acting pity to get even Ex's attention! I really hate her!"

Biglang silang tumahimik kaya may kutob akong si Natsy ang may kagagawan n'on. Isang titig lang ni Natsy sa kanila, tiklop na agad.

Nang maramdaman ko na ang lamig ng hangin ay napagtanto kong nakalabas na kami ng cafeteria. Hindi ko alam kung saan nila ako dadalhin at nanatili pa ring nagpapanggap. Baka kasi may impormasyon pa akong makuha sa kanila.

"Thanks insan."

"You don't have to. She means a lot to us and I just did the right thing. We didn't able to protect her last time and then now she's hurt again within the day she got back," sabi ni Ex na at damang-dama ko pa ang pangigigil ng kanyang boses.

Gusto ko mang e-deny sa aking sarili na na-touch ako sa sinabi niya pero hindi ko mapigilan. Oo pinagdududahan ko sila, pero tinulungan pa rin nila ako. Sa ngayon sila na muna ang aking mga kasama pero hindi pa ako magtitiwala kung hindi ko pa alam ang lahat.

"That bitch, Mia! Why did that Taki won't let us kill them huh?"

Hindi ko mapigilang magulat sa sinabi ni Natsy. Wait papatayin? Parte pa rin ba iyan ng expressions niya or pumapatay talaga siya? Tsaka Taki? Isa lang ang Taki na alam ko. 'Yong palaging nagte-text sa akin noon. Buti nga hindi na ako ginambala ng isang 'yon eh.

"We can't unless---"

Patay! Mukhang nahalata na ni Ex na nagpapanggap lang ako kasi bigla siyang napahinto. Pati na sa paglakad. Bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba at nararamdaman ko ring nakatitig siya sa mukha ko. Hindi ako komportable!

"Stop pretending Lav. You're already caught."

Ayaw ko mang ibukas ang aking mata kasi nahihiya ako at natatakot na rin. Isama pa ang mas malalim at seryoso niyang boses. Wala akong nagawa at magbuntong-hininga na lang para alisin ang kaba at hiya.

Binuksan ko ang aking mata at sinalubong ang mga titig niya. 'Yan na namang ang mga titig niya at ang expression niyang ang hirap basahin. Wala sa sariling napalunok ako ng laway. Ang lapit kasi ng mukha niya at parang tigreng mangangagat nang kumunot ang kanyang noo.

"Oh My God! Gusto ko mang magulat nang malaman kong nagpapanggap ka lang Vanvan pero what I am seeing right now is the sweetest thing!"

Nanlaki ang aking mata nang ma-gets ko ang sinasabi ni Natsy. Uminit ang aking mukha sa hiya. Agad akong nagpupumiglas para makababa sa bisig ni Ex pero sinamaan niya ako ng tingin.

"Stay still. And you!" sabi niya at tiningnan si Natsy nang masama, "...stop talking nonsense."

"Yieeeh!" Mas lalong nag-init ang aking mukha nang tumili pa si Natsy.

...

"T-teka... Saan ba tayo pupunta? May last class pa ako."

Nandito kami sa loob ng sasakyan ni Ex. Ako ang nasa passenger seat at si Natsy ang nasa likod habang si Ex ang nagda-drive.

"Hindi ka naman makakaabot kaya naisipan naming doon na lang tayo sa condo ni insan."

"H-ha? Bakit d'on?" hindi makapaniwalang tanong ko. Oo nakapunta na ako d'on, 'yong time na tinulungan niya ako kasi binully rin ako ng Elites n'on. Pero kasi hindi kasi ako komportableng pumunta sa bahay ng lalaki. Pati nga sa bestfriend kong lalaki noon ay hindi pa ako nakapunta sa bahay nila.

Kapag malaman pa 'to ni kuya, tsk! Naku paranoid pa naman ang isang 'yon.

Tsaka alam nila kung kailan ang last class ko. Minsan kasi noon hinihintay nila akong dalawa para sabay na kami umuwi. Hindi ko alam kung anong meron sa kanila ba't ang bait-bait nila sa 'kin. Ngayong nagkaroon ako ng trust issues, masamang isipin pero naiisip ko talagang baka ginawa nila 'yon kasi may kailangan din sila sa akin.

"What's wrong with my condo?"

Tiningnan ko siya pati na rin si Natsy na nagtataka pang nakatingin sa akin. Hindi ko naman ma-explain sa kanila kaya...

"W-wala lang. Pa'no kung hanapin ako ni kuya tas malaman niyang nasa bahay ako ng isang lalaki? Paranoid pa naman 'yon."

"You already did it last time."

"Alam mo namang nagsinungaling lang ako n'on! At teka bakit naman tayo pupunta d'on?"

"Well Vanvan, gagamutin ko 'yang sugat mo tsaka mas malapit lang ang condo ni insan kesa sa akin. Isa pa na-miss ka namin."

Ayan na naman ang hyper na Natsy. Kanina parang kung sinong siga. Tumahimik na ako at hindi na nagsalita. Tinitingnan ang dinadaanan namin tsaka nagbuntong-hininga. Alam ko namang tatanungin lang nila ako kung ano talaga ang tunay na nangyari sa 'kin. Pero kahit pipilitin pa nila ako hindi ko sasabihin. Siguro naman makaintindi sila sa aking sitwasyon.

Kung hindi ko sila kakampi, masasabi kong baliw na talaga ako para sumama pa sa kanila. Pero gusto ko kasing malaman kung sino sila at ang mga sekreto nila kaya naisipan ko na lang na sumabay.

Biglang nag-vibrate ang aking cellphone na keypad at si Kern ang nag-text. Sabi niya na na-connect na raw niya ang ang tracking device na nasa bracelet ni Kim sa isa ko pang phone, na bigay ni Mr. Jackson.

Nag-message ulit siya at nang basahin ko ito at 'di ko mapigilang magbuntong-hininga.

*From Mais:

GOOD JOB LAVA! MAY POPCORN KA SA 'KIN YIEEEEH!*

"Good job Lava. May popcorn ka sa 'kin yieehhh?.. I'm sorry for reading your message without your permission but sino si Mais?"

Bigla akong namutla sa pagkagulat nang binasa pala ni Natsy ang message ni Kern. Agad ko iyong natago tsaka nilingon si Natsy na nasa likuran ko pa. Nakakunot ang kanyang noo na parang nagtataka. Buti na lang at Mais ang nickname ni Kern sa phonebook ko.

Bigla akong nanlamig at pilit na itinatago ang pagkataranta sa aking mukha.

Alam ni Natsy na hindi Mais ang phonebook ko kay kuya. One time kinuha niya number ni kuya noon kasi kung sakali raw ay gagala kami ay sila na magpapaalam sa akin.

"B-bakit mo binasa?"

"Ah! Sorry for not minding my own business. Nagtataka lang kasi akong nalukot 'yang mukha mo eh." Tinuro niya naman ang front view mirror. Meaning nakita niya ang reaction ko d'on. "Akala ko 'yong kuya mo ang nag-text," sabi pa niya na naka-peace sign.

Pero alam kong palusot lang niya iyon. Alam kong binabantayan nila ako nang palihim. Ang pagkawala ko ay mysteryo pa rin sa kanila kaya lahat ng galaw ko ay binabantayan nila. Ako lang itong tanga!

Nakita ko pang tumingin siya saglit kay Ex tas tumingin sa akin. Tiningnan ko naman si Ex na gan'on pa rin walang pinagbago ang expression, walang reaction.

"Ah hehe nakilala ko lang din," malabong palusot ko at iniwas ang tingin sa kanila tsaka tinanong ang tungkol sa project sa PE. As expected, bagsak kami. Dahil nawala ako, hindi din magkasundo sina Natsy at Kim.

Mabuti na lang at di na inungkit pa ni Natsy ang tungkol kay Mais. Siguro dahil ayaw niyang pwersahin ako.

May kutob akong magtataka sila sa message na 'yon kaya agad ko iyong denelete pati na ang number ni Kern sa phonebook at binura ang history ng calls at message nang makalabas na kami ng kotse. Naalala ko pa ang sinabi ni Kern noong nasa Ohio pa kami, sabi niya na madali lang daw ma-trace ang tao gamit lang sa number o sa unit ng cellphone na ginagamit. Pwede daw ma-trace ang call logs.

Hindi ko pa lubos na kilala ang magpinsan, mas mabuti ng sigurado.

Nag-message naman ako kay kuya na pupunta muna ako kina Ex kasama naman si Natsy. Pero nagalit pa siya at naisipang sumunod. Mabuti na lang at pumayag si Ex, nakakahiya kasi sa kanya. Isa lang naman ang hindi pumayag, si Natsy.

Hindi alam ni kuya ang lahat na nangyari sa 'kin sa campus.. Sinabi ko ang totoo pero hindi buo. Ayokong punan ang pag-aalala niya sa akin.

Nakita nilang magpinsan ang tunay na nangyari sa 'kin dahil napanood nila ang video, kaya hindi na ako nagsinungaling pa sa kanila. Hindi ko lang binanggit ang about n'ong sinunog ng Elites ang likuran ko. Sinabi ko lang ang part na nangyari sa video. Dapat hindi lahat ng details ang ibigay ko para sigurado. Kinausap ko sila na sabihin kay kuya kung sakaling tanungin sila, na ang nangyari lang sa 'kin ay 'yong sinabi ko kay kuya.

Alam kong malalaman rin ni kuya ang tunay na nangyari at sasabihin ko rin naman sa kanya pero hindi pa sa ngayon.

Nang dumating na kami sa condo nina Ex ay pinaupo muna nila ako sa sofa. Iniwan nila akong dalawa rito kasi si Natsy nagkuha pa ng first aid kit tas si Ex naman ay pumunta sa kusina kasi maghahanda raw siya ng pagkain. Parang nakakahiya nga sa part nila eh.

Mga ilang minuto na ang lumipas pero hindi pa bumaba si Natsy at hindi ko alam kung anong ginagawa niya. Naisipan kong maglibot-libot dito, 'yong titingnan lang ang mga displays. Hindi ko masyadong nakita 'to noong last time na nandito ako.

Tumayo ako at una kong pinuntahan ay 'yong may dart board at sa ibaba nito ay may isang lamisa na puno ng mga darts. I guess hobby niyang mag-dart. May nakatusok pa kasi sa dart board at may maraming butas na marka ng darts. Hindi ko iyon hinawakan, nakakahiya, isa pa baka magalit si Ex.

Sunod kong nilapitan ay ang isang maliit na divider na kasing tangkad ko lang. May mga maraming figurines at collections at mga libro. Kahit dito walang alikabok.

Sa ibabang bahagi naman n'on ay may dalawang picture frame. 'Yong isa ay si Ex na nilalaro ang isang aso. Ang nakakagulat pa ay mukhang masaya siya rito. 'Diko pa siya nakitang ngumiti nang ganito. Mukhang matagal na ang picture na 'to. Hindi ko aakalaing may itsura siyang ganito. Parang hindi palaging may problema at mukhang hindi bad mood.

'Yong pangalawang larawan ay si Ex at si Natsy. Ang cute nilang dalawa rito kasi nakangiti si Natsy na naka-peace sign pa tas si Ex ay nakasimangot. Bata pa sila dito mukhang nasa grade 6 pa siguro.

May nakalagay naman sa ilalim. At hindi ko ma-explain ang aking nararamdaman nang mabasa ko ang nakasulat sa ibabang bahagi ng larawan. Nilapit ko pa ang mukha ko rito at mas lalong tinitigan.

Napakaliit pa nito at mukhang 0.2 ballpoint siguro ang gamit sa sobrang nipis ng nakasulat.

Natasha Lei Hayate and Exseven ////e Hayate

...