Chapter 36 - First Name

"What should I do? Should I just pretend to know nothing?

Maybe... Maybe that's the best way. I won't let my guard down. Again. - Lavandeir"

.

.

Lavandeir

...

'Natasha Lei?'

May second name pala si Natsy? Kung hindi ko ito nakita ay hindi ko talaga malalaman. Isa sa records niya sa skwelahan ay Natasha Hayate lang naman ang nakalagay pati na assessment niya ay wala namang Lei na nakalagay.

Bumalik agad ako sa sofa habang wala pang nakakita sa akin na tumitingin sa paligid. Baka kung ano pang iisipin nila.

Hindi naman big deal sa akin ang full name niya. Sadyang nagulat lang ako na may second name pa pala siya. At isa pa...

Nalaman ko rin ang first name ni Ex. Exseven? Tas 'yong second name pa niya ay binura. Parang kiniskis ang parting iyon. Hindi na importante kung sino ang nagkiskis n'on basta alam ko na ang first name niya at may second name pa siya.

Hindi ko ma-explain ang aking nararamdaman ngayon nang malaman ko ang name niya. Hindi man kumpleto pero atleast may nalaman ako. Hindi ko alam kung bakit ako natutuwa, siguro dahil may nalaman ako kahit kunti sa mysteryosong lalaking si Ex. May silbi rin pala ang pagpayag kong sumama rito. Isa pa may ibibigay pa naman siyang prize kung mahulaan ko ang name niya. Matagal ko na iyon hinahanap at kung saan-saan na, dito ko lang pala makita.

Nabalik ako sa aking sarili nang makita si Natsy na nagmamadaling lumabas galing sa kwarto ni Ex, diyan ako dinala ni Ex noong time na iniligtas niya ako noon.

Ngayon ko lang napagtanto na andami na palang nagawa nilang mabuti sa buhay ko. Pero kasi hindi ko maiwasang pagdudahan ang kabutihang pinapakita nila sa akin. Anong rason nila para tulungan ako? Hindi nila ako kilala at hindi ko sila kilala. Kaya bakit tumutulong sila sa akin?

Hindi ko maiwasang maging sensitive sa lahat ng bagay kasi natuto na ako.

Nabalik ako sa sarili nang nagdadabog na lumapit sa harapan ko si Natsy. Nakabihis na siya ng black short at maluwag na blouse na black and white ang stripe.

'May damit pala siya rito?'

Galit na galit at sobrang seryoso ng mukha niya. Parang papatay siya ng tao sa itsura niya. Nakataas ang isa niyang kilay at sobrang taray niyang tingnan kaya nakakatakot siya. Nakita kong mahigpit ang hawak niya sa kanyang cellphone kaya may kutob akong may kinalaman ang cellphone na iyon.

Kinakabahan ako sa kinikilos niya. Bakit? Anong nangyari?

Tatanungin ko na sana siya kaso bigla siyang nagmura. Inis na inis niyang ginulo ang kanyang buhok at patuloy na nagmumura.

"Tangna! Why him! Out of all the guy out there, why him! Argh!" paulit-ulit niyang sambit.

Parang hindi niya ako nakita sa sobrang inis niya. Wala akong idea kung sino ang tinutukoy niyang him pero alam kong galit siya sa taong ito. Paulit-ulit ko lang siyang tiningnan habang paulit-ulit siyang palakad-lakad sa harapan ko. Nagdadalawang-isip kung lalapitan ba siya o ano.

Napatingin ako kay Ex nang bigla siyang lumabas sa kusina na naka-apron pa. Nagkasalubong ang aming tingin. Tinaasan niya ako ng kilay na parang tinatanong kung anong nangyari kay Natsy. Nagkibit-balikat lang ako, pinapahiwatig na wala rin akong idea.

'Wow! Naka-apron!'

Biglang may nag-doorbell kaya napahinto si Natsy sa kanyang ginagawa. Hindi man lang niya kami tiningnan at dumiretso agad sa pinto para tingnan kung sino ang nasa labas.

May kutob pa akong kilala ko ang nasa labas. Nag-text lang naman siya sa akin na malapit na siya rito.

"WHAT THE HELL ARE YOU DOING HERE?"

Hindi nga ako nagkakamali... "Kuya!"

Nakalimutan siguro ni Natsy na pupunta si kuya rito. Ako ang nag-text kay kuya sa address dito kasi gusto niya talagang samahan ako rito. Nagiging over-protected na siya simula may nangyari sa akin.

"Aking kapatid!" sabi niya na may expression pang parang sabik na sabik niya akong makita. Abnoy!

Hindi niya pinansin ang galit na galit na si Natsy at dumiretsong pumasok sa loob. Agad niya akong nilapitan at may payakap-yakap pang nalalaman sa 'kin. Kung iniinis niya si Natsy, jusko beast mood pa naman ito.

"Anong nangyari sa babaeng 'yon? Naninigaw nang walang dahilan," pabulong na sabi niya sa 'kin habang nakayakap pa rin.

Humiwalay ako sa yakap niya tsaka nagkibit-balikat. "Wala akong idea," pabulong din na sabi ko.

Sabay naming tiningnan si Natsy na ngayo'y handa nang papatay nang tao, I mean kay kuya. Sobrang sama ng tingin niya rito na parang may kasalanan si kuya sa kanya. Mabilis siyang lumapit sa amin kaya si kuya napaatras pa at napatago sa likod ko.

Hay naku! Pati pala si kuya takot din kay Natsy. Sino ba naman kasing hindi matatakot sa aura niya ngayon?

"You asshole!" galit na sigaw ni Natsy kay kuya na nakaturo pa talaga ang hintuturo niya. Nataranta namang tumingin si kuya sa akin na parang nagtatanong kung ano bang kasalanan niya.

Tas ako wala akong magawa kasi wala rin akong idea kung bakit nagkaganyan siya. Hinila niya si kuya sa laylayan ng t-shirt nito tsaka kinaladkad palabas.

"Hoy! Sumusobra kana! Baka patulan pa kita! H-hoy!" Nagpupumiglas si kuya kaso hindi siya binitawan ni Natsy at patuloy na kinaladkad palabas.

Nakatulala pa rin ako hanggang sa mawala ang dalawa sa paningin ko. Ang bilis ng pangyayari.

'Bakit parang naging close ang dalawa?'

Matagal ko nang alam na malakas si Natsy at mukha itong siga pero 'di ko inakalang nakaladkad niya si kuya. Curious tuloy ako kung anong nangyari kay Natsy. Natagalan pa siyang lumabas kanina tas pag labas niya ay galit na agad siya. Mahigpit niyang hinawakan ang cellphone niya kanina at wala namang ibang tao sa loob para galitin siya. Siguro may tumawag sa kanya since sobrang higpit niya sa hawak sa CP niya.

"Don't mind them. Let's treat your bruises first."

Nagulat ako nang biglang nagsalita si Ex. Nilingon ko siya at nakitang tinatanggal niya ang apron at pumasok sa kusina.

Parang wala lang sa kanya ang nangyari. Siguro nasanay na siyang gan'on ang pinsan niya.

Nagbuntong-hininga ako. Oo nga. Malakas talaga ang mood swings n'on.

Sinundan ko siya at nakita ang pagkain na nakahain sa mesa. Manok na may sabaw at may hotdogs din.

'Diba hindi siya marunong magluto ng proper meal noon?'

Sinundan ko naman siya ng tingin. Ilang buwan kaming hindi nagkita kaya hindi ako komportable maiwan dito kasama siya. Hindi ako komportable sa kanya noon, lalo na ngayon.

Sinuri ko 'yong mga braso niya, wala nang masyadong mga sugat. Medyo humaba din 'yong maitim niyang buhok na natatakpan na halos 'yong nape niya.

Hindi ko alam kung mas lalo siyang tumangkad sa paningin ko pero parang gan'on. Or siguro ngayon ko lang siya natingnan nang mabuti.

Umiwas ako ng tingin nang papaharap na siya sa akin at mabilis na sinuri ang mga hinanda niya sa mesa at ang paligid. Mabuti na lang at busy siya.

"Gusto mo ng tulong?" tanong ko nang hindi nakatingin sa kanya.

Wala namang pinagbago ang kitchen. Ang mga kagamitan ay puro kulay puti, ang mga kabinet ay grey at ang linings nito ay black. May malaking mesa pa rin mga limang hakbang mula sa lababo at stove. May anim na upuan ang nandito na ka-kulay lang din ng mesa. May isang ref at may mga display ng Vcut at Springless. Springless lang pala ang bago at mas lalong dumami ang Vcut. Natakam tuloy ako sa Vcut.

"I can handle."

"Okay."

'Bakit yata hindi siya nagsasalita? Nag-expect kasi akong bombahin niya ako ng mga tanong.'

...