Chapter 23 - Xian

Third Person

...

Sobrang nag-alala si Xian nang mag-aalas dyes na ng gabi pero hindi pa rin umuuwi ang kanyang kapatid. Kanina pa siya naghihintay dito at hindi man lang niya ito ma-contact. Ikalawang beses na itong nangyari at nangako sa kanya ang kapatid na hindi na ito uulitin pa.

"Tsk! Wala pa naman akong number ng kaibigan niya!" Ginugulo niya ang kanyang buhok sa inis at napahilata sa kama sa kanyang kwarto.

Maya-maya naisipan niyang puntahan ang lolo niya at nagtaka siya nang nakita niya ito sa sala, nagbabasa ng dyaryo.

"Lo? Ba't gising pa po kayo?" tanong niya na kumakamot pa sa ulo. Umupo siya sa harapan nito. "Hindi pa po umuwi si Lablab," sabi niya sa kanyang lolo na tinutukoy ang kanyang kapatid.

"Alam ko apo kaya nga hinihintay ko siya ngayon," parang wala lang na sabi nito at patuloy lang sa pagbabasa ng diyaryo. "Huwag kang mabahala masiyado, siguro naubusan iyon ng load kaya hindi nakapag-text. At narinig kong may bago siyang kaibigan, nabanggit mo iyon noon diba?"

Nagbuntong-hininga si Xian at muling ginulo ang buhok. "Hay naku! Malalagot talaga sa'kin 'yang manang na 'yan! Nasaan ba kasi 'yon? 'Di kaya nando'n na naman sa bahay n'ong magpinsan?" paghihimugtok niya tsaka tumayo para kumuha ng tubig.

"Matulog ka na muna apo. Ako na maghihintay sa kanya."

Hindi man lang siya tinapunan ng tingin ng kanyang lolo. Nagbuntong hininga naman siya. "Hindi pa po ba kayo inaantok lo?" Hinugasan niya ang baso at binalik sa lalagyan at muling lumapit sa lolo niya.

"Kakainom ko lang ng kape, kaya sige na at matulog ka na."

Wala siyang magawa kaya nagpaalam siyang papasok na siya sa kwarto. Gusto niya sanang hintayin ang kapatid niya at para tanungin kung saan siya galing, anong ginagawa niya at iba pa kaso ipagpabukas na lang niya ang mga tanong niya. Baka kasi pagod ang kapatid niya 'pag dumating iyon. Baka kasi nandoon lang ulit 'yon sa bahay n'ong kaibigan.

...

Kunut-noong bumangon si Xian nang magising siya. Tiningnan niya ang wall clock na maliit na nakasabit sa dingding at nakitang 7:25am na. Tsaka pumapasok na rin ang liwanag sa kanyang kwarto.

Dumiretso siya sa kwarto ng kapatid niya at walang katok-katok ay binuksan ang pintuan. Sanay na siyang hindi kumatok at tsaka hindi naman nagla-lock ng pinto ang kapatid niya.

May napapansin na din siyang kakaiba noong nag-home study 'yong kapatid niya at inaantay niya lang itong mag-open up sa kanya kaya palagi niya itong tinitingnan at kinukumusta sa pamamagitan ng pang-aasar.

Handa na siyang pagalitan ito at asarin kung ba't hindi na naman ito umuwi. Pero nagtaka siya nang makitang walang tao sa loob. Maliit lang ang kwarto nito kaya isang tingin lang, makikita mo na ang buong kwarto.

"Ay o nga pala siguro pumasok na 'yon," sabi niya sa kanyang sarili nang maalala niyang malapit nang mag-alas otso. Baka hindi niya lang naabutan.

Agad siyang pumunta sa sala at nakita ang lolo niyang nakahawak pa rin sa dyaryo pero nakapikit na ang mata nito. Nakasandal pa ito sa upuan. Parang gano'n pa rin ang posisyon niya noong huli niya itong nakita kagabi.

"Lo? Lo?"

Dumilat ang lolo niya at umayos ng upo. "U-umaga na pala?" Tiniklop nito ang diyaryo at napalingon-lingon pa sa paligid.

"Ano po? Nakatulog ka rito? Nasa'n si Lablab?"

"Hindi pa ba naka-uwi?" tanong nito at dahan-dahang tumayo dahil sumasakit ang likod at balakang nito.

"Ano?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

Mabilis niyang tiningnan ang cellphone niya pero ni isang text o tawag mula sa kapatid ay wala pa rin. Muli niya itong tinawagan pero this time, naka-off na ang phone nito.

Bumilis ang tibok ng puso ni Xian sa kaba at hindi alam ang gagawin. Nagsimulang nanginginig ang kanyang kamay at nanayo ang kanyang balahibo. Hindi siya mapakali sa mga posibleng nangyari sa kanyang kapatid. Agad siyang naligo at nag-bihis. Tinex niya rin ang kanyang manager na hindi siya maka-duty ngayon.

"Oh saan ka pupunta at nagmamadali ka?"

Tinapunan niya ng tingin ang kanyang lolo na nag-aalmusal habang sinusuot niya ang sapatos niya. Hindi na nga siya nag-abalang ayusin ang buhok o tumingin man lang sa salamin. Hindi na niya iyon naisip since mas importante pa ang mahanap ang kapatid niya at malamang okay lang iyon.

"Hahanapin ko po si Lablab! Lagot sa 'kin ang batang 'yon!"

"Mag-iingat ka apo."

Pagkatapos niyang humalik sa pisngi sa kanyang lolo ay tumakbo na siya paalis.

Nakatanaw naman ang kanyang lolo sa papaalis niyang apo. Nang nakompirma na niyang nakaalis na ito ay agad niyang kinuha ang isa pa niyang cellphone na siya lang ang nakakaalam. May tinawagan siya at buti na lang sumagot ito kaagad.

"How is it going?"

"Everything's okay sir!" sagot ng nasa kabilang linya.

...

Hindi naman nahirapang nakapasok si Xian sa loob ng ECU since meron naman silang gate pass, exchange lang niya sa valid ID niya at mag-log in.

Agad siyang nagtanong-tanong sa mga studyante sa paligid kung may kakilala ba silang Lavandeir. Wala siyang ibang makuhang sagot kundi...

"Lavandeir? The loser?"

"Huh?"

"Do you mean that loser?"

"Anong sabi mo?" nagtatakang tanong ni Xian sa lalaki.

"Ewan ko sa'yo dude!" Umalis agad ang lalaki at ginulo niya ang buhok niya.

Naisipan naman niyang baka hindi nila kilala ang kapatid niya since alam niyang hindi naman iyon palakaibigan. Sinubukan niyang itanong kung may kakilala ba silang Natasha at Ex at buti na lang may nakapagturo sa kanya, nakita daw ito sa greenhouse.

Hinihingal siyang nakarating sa greenhouse since tinakbo pa niya ito at hinanap. Hindi na nga siya nagreklamo kung gaano kalaki ang paaralang pinasukan niya at agad tinakbo iyon.

Kinakabahan kasi siya sa hindi malamang dahilan. Hindi siya mapakali kung hanggat 'di niya nakikita ang kapatid niya.

Agad siyang pumasok sa loob nang makita niya ang dalawang taong hinahanap niya.

"Hoy!"

Napalingon naman sina Ex at Natasha sa kanya. Nanlalaki naman ang dalawang mata ni Natasha nang makita niya ang kapatid ng kanyang kaibigan. Alam nila kung anong pakay nito, 'yon ang hanapin ang kapatid niya. Hahanapan talaga sila ni Xian since sila lang naman ang kaibigan ni Vanvan.

Bigla siyang kinabahan, hindi dahil sa naiinis pa rin siya kay Xian kundi ay hindi niya alam ang possibleng isagot sa tanong nito.

Hindi na nila vibes ang isa't-isa simula pa lang n'ong magkabungguan sila. Pero mas lalong naging lumala iyon n'ong one time bumili ulit doon si Natasha at nahuli niyang nakipaglandian ito sa babaeng kasama niya sa Mcdo na isang cashier.

Flashback:

Wala naman siyang ginawa kundi matawa nang mapakla nang makita ang palihim na paglalandian ng dalawa kaso nakita ni Xian ang naging reaction niya.

"Anong tinatawa-tawa mo diyan babae?" bulong ni Xian sa kanya at kunwaring may nililinis sa malapit sa counter area.

"Are you seriously talking to me? So what? You're obviously flirting while working. You two really looked ridiculous. I can easily see unicorns and rainbows in your face!" pang-aasar ng dalaga.

'Gano'n ba ako kahalata?' sa isip ni Xian.

"Inggit ka ba ha?" inis na tanong niya sa dalaga.

"And what's your point? Inggit saan?"

"Di pa tayo tapos!" bulong ni Xian at umalis nang tawagin ng manager nila dahil may ipinapagawa.

Hindi na niya nakita ang binata hanggang sa matapos na siyang kumain. Pumunta muna siya sa smoking area para mag-smoke. Ilang minuto na siyang nagyoyosi doon nang may biglang humablot ng yosi mula sa bibig niya. Inis niyang nilingon ito at nakitang ang kapatid pala ni Lavandeir ang nambebwesit sa kanya.

"Smoking is not good to your health, 'di mo ba alam 'yon?" nakataas na kilay pang tanong nito. Magre-rebutt na sana siya nang muli itong magsalita.

"At ayokong magyoyosi ka kapag nandiyan ang kapatid ko!"

"I won't smoke in front of Vanvan so give me that bastard and get away from me! I only like your sister and not you!"

"Nyeh! Nyeh! Nyeh! Gusto ko lang 'yong pinsan mo para sa kapatid ko at hindi ka kasali!" inis na pang-aasar nito at itinapon ang yosi sa basurahan kaya mas lalong nainis si Natasha.

"You are so childish unlike your sister! And pwede ba! Mind your own business!" Umirap si Natasha at muling kumuha ng yosi sa pack na nasa sling bag niya. Nang sisindihan na niya sana ito, muli itong nawala sa bibig niya nang hablutin itong muli ni Xian.

"What the fck?!" galit nitong tanong sa binata.

"At nagmumura ka pa? 'Wag mo akong ma-what-the-fuck diyan! Bad influence ka talaga sa kapatid ko!" Naglakad ulit siya papuntang basurahan. Nang itatapon na niya sana ang yosi ay nagulat siya nang mabilis na nahawakan ni Natasha ang braso niya at buong lakas na hinila siya palayo sa basurahan.

"A-aray! Aray! Ang lakas mong babae ka!"

Hinigpitan kasi ni Natasha ang paghawak sa braso nito at itinwist pabaliktad kaya nasasaktan si Xian.

Kinuha ni Natasha ang yosi sa kamay nito tsaka binitawan. Hindi pa naka-recover si Xian pero muli siyang sinipa ni Natasha sa binti at sinuntok sa sikmura nang malakas dahilan na natumba siya at ilang segundong nawalan ng hangin.

Pilit niyang tingnan ang babae at nakapameywang ito sa harapan niya.

"I told you to mind your own business! 'Yong kapatid mo lang ang kaibigan ko at hindi ikaw! At subukan mong isumbong to sa kapatid mo, malalagot ka sa 'king isip bata ka!" 

Namakyo pa ito sa kanya bago umalis habang siya ay napamura na lang habang namimilipit sa sakit.

"Tangna! Anong uri ng mga kaibigan si Manang? Bweset ang sakit! Ang lakas ng babaeng amazona na 'yon! Hoy! Mas matanda ako sa 'yo! A-aray!" inis niyang bulong sa sarili at napatingin sa palagid.

Pilit naman siyang tumayo nang makitang andaming tumitingin sa kanya. Mas lalo siyang nahiya.

"Oh my God, Xian! Anong nangyari sa 'yo?"

Mabilis akong tinulungan ng babaeng may gusto sa akin. Kasama ko siya dito sa Mcdo at palaging nagpapapansin. Wala akong gusto sa kanya n'ong una pero dahil palagi kaming pinagkakanchawan ng mga kasama ay nagka-crush na din ako.

"W-wala! Natumba lang ako!"

'May araw ka rin sa 'king babae ka!'

End of flashback: