Chereads / Lavandeir's Revenge (Revised Version) / Chapter 17 - Brutal Natsy part 2

Chapter 17 - Brutal Natsy part 2

Nakaharap siya sa 'kin while ang kamay niya ay nakasabunot sa buhok ko.  Mahigpit ang pagkakasabunot niya kaya napatingala ako. Hinila niya kasi ito paibaba.

A-ang sakit!

"OUCH!" biglang sigaw ng babaeng nakahawak sa 'king buhok.

Nagulat ako nang biglang hinablot ni Natsy ang buhok ng babaeng humablot sa aking buhok.

"As if you're scared huh?" Nakataas pa rin ang kilay niya na parang nanghahamon siya sa babae.

Nagkaroon ng apoy ang lighter at inilapit niya ito sa buhok no'ng babae. "Did you forget that lighter isn't only for smoking but it can also lose your hair?"

Tiningnan ako ni Natsy at natakot ako bigla sa ngisi niyang nakakaloko. "Kunin mo ang alcohol sa bag ko," sabi niya tsaka tumingin sa dalawa pang babaeng mukhang nagulat sa ginawa ni Natsy. Hindi kasi makalaban ang babaeng hawak niya kasi sobrang higpit ng pagkakasabunot ni Natsy sa kanya. Hindi rin makalapit ang dalawa kasi sinasamaan niya ito ng tingin.

Natataranta ko namang kinuha ang alcohol sa bag niya na nakasabit sa likod ng pinto ng cubicle. Sling bag lang ito kaya madali kong nahanap ang alcohol. Mukhang alam ko na ang gagawin ni Natsy. Kung tama man ang iniisip ko ay nakakatakot naman siya.

"Ibuhos mo sa buhok ng babaeng ito."

"H-huh?"

"Take this opportunity to get back to them. Wala lang ito kumpara sa naranasa mo sa kamay ng mga hipon na 'to di ba?"

Sinunod ko naman siya nang tinaasan niya ako ng kilay nang hindi ako kumilos. Natatakos kasi ako. Nanginginig ko pa itong binuhos ang alcohol.

Tama nga ang hinala ko, paliliyabin niya ito.

"What are you doing bitch!" sabi ng babaeng hawak ni Natsy. "Ouch!"

Hindi ko mapinta ang mukha niya sa pagkakalukot nito. Nakanganga na nakapikit.

"Maligo ka muna, baka matawag pa kitang earthworm. Wala na ngang kaganda-ganda ang katawan at mukha mo, hindi pa malinis ang buhok mo?" pang-aasar niya rito.

Napatingin kami sa pintuan nang may biglang pumasok na mga babae, mukhang nagulat pa sa nangyayari. Nagtataka kung anong ginagawa namin dito.

"GET OUT!"

Natataranta namang lumabas ito sa lakas ng sigaw ni Natsy at sinarado pa ang pinto. Ang dalawa naman ay mukhang nag-dadalawang isip kung lalabas din ba sila o tutulungan nila ang kaibigan nila.

"Mabuti pang sunugin ang buhok mong extension," sabi niya at sinindihan ang buhok. Since nilagyan ko ito ng alcohol ay lumiyab ito.

"NO!"

"As if you're scared huh?" tanong ni Natsy sa kanya, "Oh my God! I'm ashamed," may pagkaarte pa nitong sabi. Lalo tuloy naasar ang babaeng umaapoy ang buhok.

Hindi ko ma-explain ang itsura ni Natsy ngayon. Para siyang sinapian. Wala akong ibang magawa kundi panoorin lang siya. Hindi ako makakilos. 'Di ko alam ganito pala siya ka brutal.

Nilapitan niya ang dalawang babae na ngayo'y umiiyak sa takot. "You have a choice. It's either you will leave us alone and help your co-earthworm or you'll fight with me. This time I won't use a lighter but fire extinguisher. Let's see what I can do," sabi niya at tinuro ang fire extinguisher sa gilid na nakadikit sa dingding. Sa tabi ng unang cubicle na malapit sa pinto.

Naiiyak naman itong umiling-iling sa kanya.

"Good! Now help your friend, baka ma-breaking news pa iyan. One earthworm died and got fried. Tsk! How sad." Tiningnan niya ako. "Halika na Vanvan."

Dali-dali namang pinatay ng dalawa ang umaapoy na buhok ng kaibigan nila. Hinila ako ni Natsy para makalabas na.

Paglabas namin ay maraming nagkukumpulan sa harap ng CR. 'Yong ibang kumakain nga nakikichismis sa nangyari. Hinihila pa rin ako ni Natsy hanggang sa labas ng cafeteria.

Pinagtitinginan kami ng marami kaya napayuko ako. Hindi ko man sila tignan, alam kong nakatingin sila sa amin na may pagtataka. 'Yong iba umiirap na naman sa akin.

Biglang sumulpot si Ex sa gilid namin at sumabay sa paglalakad. "I wonder what happened?" tanong niya sa akin.

Tiningnan ko lang siya at hindi alam ang isasagot sa kanya kaya umiwas agad ako ng tingin.

Paano ko sasabihin na sinunog namin ang buhok no'ng babae? Kinilabutan pa rin ako n'ong maalala ang paghiyaw niya habang umaapoy ang kanyang buhok.

"You are traumatizing her, Natasha!" Hindi galit ang tono ng boses niya pero may pagbabanta.

"H-Hindi! Okay lang ako Ex! T-tinulungan ako ni Natsy!"

"Duh! Insan! You are now getting obvious! Right Vanvan?"

"Huh?" Anong pinagsasabi niya?

Hindi na sila nagsalita pa. Nakita ko na lang si Natsy na nakangisi.

Nang makarating kami sa garden, yes dito kami pumunta, ay walang gustong magsalita. Tinitigan ko si Natsy nang matagal. "Hindi ko alam na brutal ka pala," gusto ko sanang pigilan ang bibig kong sabihin iyon pero nasabi ko na.

Bumuhakhak naman siyang tumawa sa akin na ikinagulat ko. Kanina mukha siyang papatay na ng tao tas ngayon... Napagtanto ko nang...

"That was fun!" hiyaw niya.

Napagtanto ko nang ang lakas ng mood swing niya.

End of Flashback.

"Hahaha! You're still thinking what happened two days ago, aren't you? Move on!"

Tiningnan ko siya nang hindi makapaniwala.

"Pa'no ako maka-move on eh dalawang araw pa 'yon nangyari tsaka dahil do'n first time kong na D.A."

"Hahaha whatever! By the way, nasa'n ba si insan?"

Nang binanggit niya ang pinsan niya ay naalala ko naman ang gusto kong itanong sa kanya tungkol kay Ex.

Ilang araw ko nang gustong tanongin siya kaso nahihiya ako. Baka manunukso na naman ulit iyan. Hindi ko nga alam bakit niya kami tinutukso eh.

"Natsy? Pwedeng magtanong tungkol kay Ex?"

Tiningnan niya agad ako nang nakakaloko pagkarinig niya sa tanong ko. Nandiyan na naman ang mga nanunuksong mga ngisi niya. Ito ang dahilan kung bakit ngayon ko lang siya tinanong tungkol doon.

"Yieeh! Interesado ka na kay insan?"

Tiningnan ko siya nang sarcastic. Ito na naman ho siya.

"Hindi! 'no ka ba." Ngumisi pa siya sa 'kin. "Hindi ko iniisip ang bagay na iyan." Alam ko naman kasi ang pinupunto niya.

Isa pa nakakahiya kay Ex kapag inaasar kami ni Natsy. Parang hindi ko deserve ma-link sa kanya. Mabuti na lang walang paki si Ex.

"Kahit crush? Hindi ka nakaranas ng pagkahanga sa isang tao?

Never been in love?"

Ngumiti ako sa kanya nang pilit.

"May ano... May nagustuhan na ako," sabi ko at yumuko. Hindi ko alam kung bakit ako nahihiya eh matagal naman na iyon. Isa pa, si Natsy naman ito at hindi niya kilala ang taong crush ko noon.

Nagulat ako nang hinampas niya ang mesa. "Really? And who's that lucky guy?" excited niyang tanong.

Napakagat ako sa labi at naramdaman ko pang nag-iinit ang aking mukha. "Bestfriend ko siya... P-pero matagal na iyon! Dati pa noong highschool kami!"

"OMO!" Nagulat ako sa reaction niya. Hindi ko inaasahang sobra siya mag-react. Mas lalo tuloy akong napakagat sa labi. "You have a guy bestfriend?" hindi makapaniwalang tanong niya. Inilapit pa niya ang mukha niya sa akin at pinisil ang pisngi ko.

"Natsy! Mashakit..."

"So where is he right now?"

Natigilan naman ako sa tanong niya. Kahit ako hindi alam ang sagot. Wala akong idea kung nasaan na siya.

Ngumiti ako nang pilit at tiningnan siya, "Iyan nga din ang gusto kong malaman. Bigla kasi siyang hindi nagpakita... Hanggang ngayon," sabi ko tsaka nagkibit balikat.

Nakita ko namang napawi ang ngiti niya at binitawan ang pisngi ko kaya natawa na lang ako.

Ininum ko ang C2 na kaunti na lang ang laman. Uminom din si Natsy sa pangalawa na niyang sprite in can. "Sorry for asking. I was just curious."

"Haha ano ka ba! Okay lang tsaka matagal na iyon. 3 years na nga ang lumipas. Ngayon ko na nga lang ulit siya naalala. Balik nga tayo sa tanong ko, nililihis mo ako sa iba eh!"

Ayaw ko nang pag-usapan ang tungkol sa kanya. Huling kita ko sa kanya ay noong highschool pa kami. Wala rin naman kaming communication sa isa't-isa tas wala rin akong facebook. Tsaka bakit ko pa siya hahanapin? Sabi niya naman babalik siya...

Pero ewan, nawawalan na kasi ako ng pag-asa. Sa sobrang dami nang nangyari sa akin, nawala na siya sa isipan ko.

"So? What d'you wanna know about insan?"

"A-about sa fullname niya. Iyon lang naman."

Ngumisi siya sa akin at ngumiti nang nakakaloko. "Why don't you ask him?"

"Eh hindi naman niya sasabihin eh! Tsaka full name lang naman. Big deal ba 'yon sa'yo?"

Gusto kong malaman ang name niya, kahit name lang sapat na sa lalaking napaka-misteryoso. Then sabi niya nga may prize.

"It's big deal."

Napatingin ako sa likuran ko at nakita ang lalaking pinag-uusapan namin.

"I asked you to guess not to cheat. Tsk!"