Sunod lang ako nang sunod sa kanya nang makarating na kami sa mamahaling mall. Mukha atang nakalimutan niyang kasama niya ako kasi hindi naman siya lumilingon sa akin.
Una pumasok siya sa isang store na maraming sandals at sapatos. At no'ng tiningnan ko ang mga presyo napapanganga na lang ako sa sobrang mahal. Grabi talaga 'pag mayaman. Mukhang malaki ang shoe size na pinili niyang sandal. Mas malaki pa siguro sa akin. May heels din itong mga nasa 3 inches. hmmm sa mama kaya niya? or Auntie? Imposibleng kay Natsy eh maliit ang paa no'n. O siguro may iba pa siyang kaibigan.
Sunod naman naming pinuntahan ay sa girls outfit. Luh?
"Ex? Anong gagawin natin dito? May bibilhan ka?" Hindi naman niya ako nilingon at nagpatuloy lang sa pagtingin-tingin ng mga damit. "To buy gift."
Gift?
"Para kanino?" gusto ko sanang pigilan ang bibig kong magtanong pero natanong ko na.
"Someone," at mabuti namang sumagot siya nang matino. Matino na ito kumpara sa wala siyang sagot.
Isang dark blue dress na above the knee na may black belt sa may bewang ang binili niya. At ang masasabi ko lang, sobrang ganda. Marunong siyang pumili.
Pagkatapos ay pumunta kami sa isang jewelry store. Nasa kabila naman siya tumingin-tingin habang ako ay nandito sa may left side. Dito sa may mga kwentas.
Bigla akong namangha nang makita ko ang isang magandang kwentas. Isang silver necklace na may eiffel tower pendant. Kumikinang pa ang mga diamond.
Napadako naman ang tingin ko sa price, nagulat at tsaka umalis doon. Grabi ang mahal! Makakabili na ako ng house and lot sa ganyang halaga!
Pupuntahan ko sana si Ex na nasa mga singsing kaso kausap pa niya ang sales lady. Nakita kong tinuturo niya ang isang gold na singsing na may diamond sa gitna. Hindi ko maklaro kung ano pa ang design no'n since malayo siya.
Hinintay ko siyang matapos pero nang pumunta siya malapit sa kinaroroonan ko ay lumapit ako sa kanya, curious kung anong pinagtitingnan niya doon.
Isang necklace na may heart pendant na puno ng diamond. Agad kong tiningnan ang presyo nito at mas lalong nalula sa ilang zero ang nakalagay.
'Grabe mas mahal pa 'to kesa do'n sa kwentas na nagustuhan ko!'
"I will buy this."
Nanlaki ang aking mata sa sinabi niya. Syempre, isa lang akong hamak na pulubi kaya n'ong sinabi niyang bibilhin niya iyon, gustong umalis ng kaluluwa ko sa katawan. 'Yong Vcut at C2 nga lang nagpapasaya sa 'kin!
Pinigilan kong magsalita. Magre-react sana ako pero nakalimutan ko hindi pala kami close. Tsaka pera naman niya 'yan at mayaman naman siya.
'Kanino kaya niya ibibigay iyan?'
"That is for my mom."
Napalingon naman agad ako sa kanya sa sinabi niya. Nababasa ba niya ang isip ko?
"Lahat ng binili mo?" Tumango naman siya.
Wow!
Hindi ko aakalaing may ganito siyang side. Mukha siyang malungkot noong binanggit niya ang mama niya. At first time rin niyang magsalita about sa magulang niya. Beside sa sobrang tahimik at mysteryoso niya, wala sa side niyang magkwento about personal matters.
Hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sa kanya kung hindi niya ako tinarayan. "Staring is rude woman."
Pagkatapos namin do'n ay pumunta kami sa isang mamahaling restaurant, --ay siya lang pala sumunod lang ako--, gutom daw siya kasi snack lang naman in-order niya kanina.
Akala ko nga hindi siya manlilibre pero nanlibre pala.
Dahil kumain na ako kanina sa McDo ay nag-dessert lang ako na hindi ko alam ang pangalan. Isang ice cream cake!
'Gusto kong bilhan si kuya nito balang araw! Ang sarap!'
"You're smiling like an idiot!"
Bigla akong nahiya at agad na napatingin sa kanya. Naka-smirk siya habang pinagmamasdan ako. Parang pinipigilang matawa.
Magre-react na sana ako nang biglang napawi ang ngiti niya at tiningnan ako nang seryoso.
Yumuko siya at muling kumain tsaka mas lalong kumunot ang kanyang noo na ipinagtataka ko. Bigla siyang nanigas. Hawak pa rin niya ang kutsara at kutsilyo nang tingnan niya ulit ako.
"Don't move! Don't look anywhere else! Look at me!" matigas na sabi niya.
Kinabahan ako sa biglaang kilos niya. A-ano bang nangyari? Katulad na naman ba ito kanina no'ng umalis siya bigla?
Hindi na ako nagtanong at sinunod ang utos niya. Tinitigan niya ako sa mata. Napalunok ako ng laway dahil sa titig niyang nakakatakot at bumibilis ang tibok ng puso ko sa kaba. Inaantay kung ano ang susunod niyang sasabihin. Na parang may mangyayari kung hindi ko siya susundin.
Iniwas na niya ang tingin niya sa'kin at may tiningnan sa likuran ko nang palihim. Maya-maya ay huminga siya nang malalim tsaka nagpatuloy sa pagkain.
"Sorry, you can continue," sabi niya na parang wala lang.
Nawalan tuloy ako ng ganang kumain. Hindi pa rin nawawala ang kaba ko. Alam kong may meaning iyon eh.
"A-anong nangyari?"
"Nothing. I am just testing you. I guess madali kang kausap."
Kinunutan ko siya ng noo. Hindi ko naiintindihan ang pinagsasabi niya.
"Usually when I told someone don't move, they'll be curious of what's going on and then they'll look at what I am looking just like what I did earlier. But you didn't."
Balik na ulit siya sa dati. Compose na compose siya habang nagsasalita. Ang galing niyang magsinungaling. At alam ko kasing nagsisinungaling siya.
"Hindi ako naniniwala sa'yo. May nangyari na naman ba katulad kanina sa Mcdo?"
Nag-smirk siya sa sinabi ko, na mukhang alam na niyang iyon ang sasabihin ko.
"Parang may something na tinitingnan ka sa likuran ko. Base na rin sa reaction mo mukhang may nakita kang kakilala mo. Ang ipinagtataka ko lang, masama ba ang taong iyon? Ako ba ang pakay no'n? Hindi mo rin kasi ako pinapagalaw na dapat ay ikaw lang."
Ngumiti naman siya na parang naa-amuse siya.
"Half of it was right. I told you I am testing you too." Ibinaba niya ang kutsara at pinahiran niya ng napkin ang bibig niya at tumingin sa akin. "Yes, I saw someone I know but usually I won't react that way 'cause that reaction was so obvious. I am just exaggerating it to test you."
Hindi ako umimik at nakatitig lang sa kanya, sinusuri kung nagsasabi ba talaga siya ng totoo. Hindi ko nakayanan pa at nilingon ang tiningnan niya kanina at expected walang kakaiba doon. Sinamaan ko siya ng tingin pero tinaasan niya lang ako ng kilay.
"Don't believe me then. It's up to you," naa-amuse niyang sabi kaya bumuntong-hininga na lang ako.
"You're this sharp... You are this sharp, Lav!" madiin niyang sabi na parang may ipinapahiwatig sa akin. Na para susunod niyang sasabihin, ay 'how come you won't believe me when it comes to your friend?'
Umiwas ako ng tingin at alam kong nakuha niya agad ang gusto kong iparating.
Hindi na ulit kami nag-iimikan pagkatapos no'n. Parang may limit kapag nag-uusap kami eh. Na parang may gusto kaming alamin o sabihin sa bawat isa pero hindi dapat i-cross iyon. Na parang may linya sa pagitan namin. Ganito palagi.
"A-ahm lady's room lang ako saglit ah?"
Nagkibit-balikat lang siya kaya umalis na ako.
Nahirapan naman akong hanapin ang lady's room 'buti nalang at nakita ko. Pagkatapos nang business ko roon ay lumabas na ako pero nagulat ako kasi...
"Hi! Lavandeir right?"
Isang lalaki na mukhang kaedad ni kuya na nakasandal sa pader. Nakasuot siya ng black na jacket na may plain T-shirt sa loob. Nakasuot din siya ng ibang style na cap na color gray. Sigurado akong mayaman din siya kasi maputi siya at makinis ang mukha. Mayroon din siyang magandang mata.
Nagtataka akong tumango sa kanya. "Sino ka po?"
"Inutusan lang ako. Ito oh." Hindi siya nagpakilala pero may inabot siya. Kinuha ko ito at nakitang isa iyong business card.
"Mr. Taki?" Mr. Taki lang ang nakalagay sa card at hindi ang full name. Mayroon din itong number.
"Sabi niya, if you need help just contact him." Ngiting-ngiti naman siya sa akin na parang may alam siyang nakakatawa.
Tiningnan ko ang card at tinago sa bulsa ko. Nang tingnan ko ulit siya, nabigla ako nang wala na siya sa harapan ko. Hinanap ko siya pero hindi ko na siya nakita.
'Sino kaya 'yon? Parang may naaalala ako sa kanya ah!'
Bumalik na ako sa table kung nasaan si Ex. Nakita ko ang masungit niyang mukha na nakatingin sa akin.
"What took you so long?"
Luh? Hindi naman ako nagtagal ah?
"Ah kasi may nakasalubong akong---"
"It's okay. You don't have to explain. If you're done then let's go," sabi niya at tumayo.
Napakamot ako sa ulo at sumunod sa kanya. Anong nangyari do'n?
Bumalik agad kami sa Mcdo kasi past 9pm na. Nang makarating kami ay nakita namin si kuya na may kausap na babae malapit sa counter. Katrabaho niya base sa suot nitong uniform.
Nang makita niya ako ay inirapan niya ako. Nagpaalam siya sa babae na may pangiti-ngiti pa. Nakita ko rin namang kinilig ang babae.
"Pre salamat," sabi ni kuya kay Ex.
Tumango si Ex sa kanya at nagpaalam nang umalis. Nang makaalis si Ex ay tiningnan ako ni kuya nang kakaiba. "Kumusta ang date manang?"
Sinimangutan ko siya. Eto na naman po siya. "Ikaw? Kailan mo maka-date 'yon?" ngumuso ako sa kasama niya. Bigla siyang nag-iwas ng tingin tsaka agad akong hinala paalis. Halata masiyado!
Napag-usapan namin ni kuya ang tungkol kina Ex at Natsy. Na kaklase ko sila at paano ko sila naging magkaibigan. Natuwa naman siya. Pero syempre hindi ko sinabi ang too kung pa'no kami nagkakakilala.
"Pero 'yong Natsy ba 'yon? Parang sinasamaan ako ng tingin kanina, ba't kaya?"
"Eh nabangga mo daw siya n'ong isang araw at nag-sorry ka lang nang hindi man lang siya tinulungan o kahit tumingin man lang!"
"Ah siya pala 'yong nakabanggaan ko? Hahaha! Sabihan mo na lang siya ng sorry. 'Wag na niya akong samaan ng tingin baka patulan ko pa! Hindi lang siya ang marunong umirap!"
"Kuya!"
"Joke lang! Joke lang! Hahaha!"
Pagkatapos no'n ay pumasok na ako sa kwarto.
Mabuti na lang pala at kasama ko si Ex kanina. Nawala sa isip ko ang mga bagay na gumugulo sa isipan ko. Kaso dahil sa pagiging misteryoso niya ay 'di siya mawala sa isipan ko. Dumagdag pa tuloy! Pilit ko na ngang kinalimutan ang sinabi niya tungkol kay Kim.
Ayokong ma-discourage kay Ex. Dahil kung papipiliin ako sino ang pagkakatiwalaan ko, si Kim iyon.
Paghiga ko sa kama ay tumunog ang cellphone ko. May nag-text.
Unknown number? Sino kaya 'to? Dali-dali kong in-open ang message at agad nagtaka.
*Be ready. I will meet you Ms. Trinidad.*
Be ready? Saan?
...