Chapter 12 - Suspicious

Dali-dali akong bumalik kung nasaan sina Natsy, nagbabakasakaling maabutan ko siya. Walang ibang madadaanan 'yong lalaking 'yon kundi dito lang.

"What happened?"

"Anong problema?"

Hindi ko pinakinggan ang mga tanong nila Kim at Natsy. Tiningnan ko si Ex na nakatingin na rin sa akin.

"May nakita ba kayong dumaan dito?"

"Huh? Wala akong napansin. Ikaw ba?" tanong ni Kim kay Natsy at umiling lang ito.

Napatingin kaming lahat kay Ex na nakakunot ang noo. Hindi ko alam kung anong iniisip niya kasi hindi siya nagsasalita.

"Isang lalaki na naka-black mask at cap. Hoody na brown at naka sneakers na black and white?" tanong ko sa kanya.

Mas lalong kumunot ang kanyang noo at nalipat ang kanyang tingin sa hawak ko. Tiningnan ko ulit ang panyo.

'Sino kaya 'yon?'

Mabilis namang inagaw ni Natsy ang panyo pati na ang sulat tsaka binasa niya iyon nang malakas. Pagkatapos ay 'di siya makapaniwalang napatingin sa akin. Unti-unti siyang ngumiti.

"Hindi kaya admirer mo 'yon?"

"H-huh?"

"See? Don't cry everything will be alright, sabi niya! Ang sweet!.." Nahiya naman tuloy ako. 'Di naman pumasok sa isipan kong admirer 'yon.

"A-ano ka ba! Hindi naman. Sa itsura kong 'to?"

"What's wrong with your look? At isa pa ba't ka umiiyak?" tanong ni Kim dahilan na mabilis na sinamaan ng tingin ni Natsy si Ex.

"Did you make her cry, insan? Ang pranka mo pa naman magsalita!"

"A-ah hindi!" mabilis kong pagtanggi.

Natawa naman si Natsy sa reaction ko tsaka biglang inamoy ang panyo. "Oh! Ang bango pa--- huh?"

Nagtaka naman ako nang biglang matigilan si Natsy tsaka mabilis na sinulyapan si Ex. Saglit lang iyon pero napansin ko pa rin. Bigla naman siyang tumawa nang pilit at ibinalik sa akin ang panyo.

"Don't mind it okay? It must be your admirer! Yieeh whoever it is, he must be sweet!"

Itinago ko ang panyo at ang papel. Hindi mawala sa isipan ko ang kung sino man iyon. At isa pa, saan siya nanggaling? Bakod na ang nandoon at alam kong wala nang ibang daan do'n.

Naisipan na din naming pumunta sa kanya-kanyang klasi since may klase na kami. Except ni Natsy na may isang oras pa bago ang klase niya. Napag-usapan naming mamayang hapon na namin ipagpatuloy ang about sa project.

No'ng ako na lang ang mag-isa ay nagsimula na naman sila sa pang-aasar sa 'kin. Ganito palagi kapag wala si Kim.

Nitong nakaraan kasi palagi kong kasama silang tatlo kaya walang nanggugulo sa 'kin. Maliban sa takot sila kay Kim, ay parang malakas din ang aura nina Natsy. Wala kasing lumalapit. Pati 'yong Elites, 'di ko rin nakita.

'Di kaya malakas din ang pamilya ng Hayate 'tulad ni Kim?'

Nang maghapon na ay nagkita-kita ulit kami doon sa garden. Buong klasi kong iniisip ang tungkol sa lalaking nag-iwan ng panyo at pati na sa sinabi ni Ex. Hindi ko lang pinapahalatang nabo-bothered ako do'n.

"Ahm guys? Ako na lang bahala sa composition. Pero hindi na ako sa 2nd project. Wala akong alam doon," napatingin naman sila sa akin pwera lang kay Ex.

"Agree. Kami na bahala sa pangalawa. Pagplanuhan na lang natin kung ano ang gagawing present. Kung sasayaw o kakanta," sabi ni Natsy. Tumango- tango naman sa kanya si Kim. Mukhang magkakasundo 'yong dalawa ah?

Hindi ko na rin inisip ang pinagsasabi nila Natsy about kay Kim. Siguro hindi pa nila kilala si Kim. Hindi dapat ako magduda sa kanya. Mabuti na lang at 'di na rin sila nag-topic tungkol doon. Hindi din pinapahalata ni Natsy na ayaw niya kay Kim.

"Wala akong problema sa dalawa," confident naman si Kim sa sinabi niya na hanggang ngayon ay nagte-text pa rin.

Ako naman wala akong talent diyan. Hindi ko pa nasubukang sumali sa mga ganyan. In-offeran ko lang 'yong mga guro ko n'ong highschool ng ibang activity na gagawin ko para hindi lang ako makakasayaw o makakanta.

"Gagawin ko ang lahat. 'Di lang ako sasali diyan. Kayo na bahala hehe!"

"Ikaw insan? I want to see you dance!" nakangising tanong ni Natsy na parang nang-aasar.

"I'm with Lav. That's a waste of time," bored nitong sabi. Mukha pa lang niya ay gusto na niyang umalis.

"Vanvan na lang."

'Ayokong tawagin ng iba nang gan'on. Ang pangit.'

Hindi naman niya pinansin ang sinabi ko at muling sumandal sa punuan at pumikit.

"You're both so KJ!"

...

Habang nagco-compose ako ng notes ay biglang lumipat sa tabi ko si Natsy.

"I'm already hungry! Tara Mcdo? My treat!"

Napasulyap ako kay Kim kasi namalayan kong ako lang ang kinausap ni Natsy. Kanina pa kasi siya busy sa pag-text. Sino kaya ka-text niya? Minsan lumalayo siya kapag may katawagan.

'Hmm! May boyfriend na siguro si Kim! Maasar nga minsan!'

Napagdesisyonan naming sumama kay Natsy dahil nagpumilit siya. Niligpit ko na agad 'yong mga gamit ko at tumayo nang hindi ko sinadyang masagi ang kamay ni Kim nang sabay pala kami sa pagtayo.

Nabitawan naman niya ang cellphone kaya nataranta ko itong pinulot.

"Naku! Sorry Kim hindi ko sinadya!"

Bigla namang nag-vibrate iyon kaya 'di ko sinadyang mapatingin sa screen nang umilaw ito. Nakita kong may message na nag-pop up.

*Thanks for the info babe! stay with that loser and observe the new transfer. I love you too! Tell us---*

Bigla naman nawala sa akin 'yong cellphone kasi hinablot agad ni Kim iyon. "Una muna ako sa inyo guys. Sige Natsy, Van, ingat kayo," sabi niya at nagmamadaling umalis.

Parang tumayo ang balahibo ko sa nakita kong iyon at pilit na tinatanggi ng sistema ko na ako ang tinutukoy na loser sa txt.

Bakit ako kinakabahan at nanlalamig?

'Loser? New transfer?'

"Oh? 'Nong nangyari sa 'yo?"

Tiningnan ko si Natsy na nakatingin sa akin na may pag-aalala sa mukha.

"A-ah w-wala." Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang panginginig nito. Nanlalamig ang kamay ko.

'Ayokong pagdudahan siya! Please lang sana wala lang iyon! Ayokong tanggapin!'

Pilit kong kinukumbinsi ang sarili na wala lang iyon. Pilit na kalimutan ang nabasa ko. Ayokong tanggapin! Nagkakamali lang ako! Dala lang ito sa sinabi nina Ex sa akin tungkol sa kanya! Sana mali ako!

"Let's go!"

Tiningnan ko si Ex na hinihintay akong kumilos. Umiwas ako ng tingin sa kanya at tumango. Parang may kakaiba sa mga tingin niya, na parang alam niya agad ang nasa isip ko.

"Wait insan? Sasama ka? Hoy! Si Vanvan lang ang ililibre ko! Hoy!"

Nandito na kami sa Mcdo. Mabuti na lang at hindi maraming tao. Nag-offer naman si Natsy na siya na ang mag-order kaya kami na lang dalawa ni Ex sa table. At kanina ko pa iniiwasan ang salubungin ang kanyang tingin.

Damang-dama ko kasi ang mga titig niya. Alam kong tungkol ito kay Kim kaya iniiwasan ko siya. At ngayon kami lang dalawa ang nandito.

Tinanggal ko ang eyeglasses ko at pinunasan ang glass nito para kunwari busy ako.

"I forgot to give you back your glasses."

"Okay lang. Binilhan ako ni kuya ng bago. Salamat pala," sabi ko at hindi siya tinapunan ng tingin.

"..."

Narinig ko siyang bumuntong-hininga.

"We won't open up the topic about your friend again. So chill. We just wanted to warn you and I apologize for interfering your friendship with Kim."

Doon na ako napatingin sa kanya.

"But I won't take back those words. It's up to you whether you still trust her or not."

'Dahil sa kanya at sa sinabi niya ngayon, mas lalong sumang-ayon ang utak ko sa hinala ko kay Kim at ayokong tanggapin iyon.'

Seryoso ang mukha niya at alam kong wala siyang panahon na magsabi ng joke. Wala din siyang makukuha doon kung gusto niya lang akong mawalan ng tiwala kay Kim.

Kumunot naman ang kanyang noo habang nagkatitigan kami. "You're eyes are... nevermind."

"Sinasabi ko na nga bang boyfriend mo 'to!"

Nagulat ako nang may magsalita sa gilid namin at mas nanlaki ang aking mata nang makita si kuya na nakapamewang na may dalang basahan.

Agad akong napatayo nang makitang nakasuot siya ng uniform ng staff ng Mcdo.

"Kuya! D-Dito ka na Mcdo?"

"Wait, you have a brother?"

Sabay kaming napatingin sa kakarating lang na si Natsy na may dalang tray at maraming pagkain. Pabalik-balik ang tingin niya sa aming dalawa ni kuya at gan'on din ang ginawa ni kuya.

"Lobby assist please!" sigaw n'ong sa cashier habang pinindot 'yong bell.

"Mag-uusap tayo mamaya!" bulong ni kuya tsaka nagmamadaling umalis. Tinulungan niya ang matanda na customer sa pagdala ng tray at naging busy na ulit siya.

Mabilis na umupo si Natsy katabi ni Ex tsaka itinuro si kuya. "Kuya mo ang asungot na 'yon?"

"...?"

"What the! We bumped each other here the past few days. He was in a hurry while I was about to go out! Nabitawan ko ang fries ko n'on! I thought he's a customer and was about to argue with him but he already left! Sumigaw lang siya ng sorry without even looking at me! So he's working here? And he's your brother?" 'Di makapaniwala niyang tanong.

"H-hindi ko alam dito pala siya na Mcdo naka-assign," sabi ko tsaka agad na napasinghap nang may mapagtanto ako.

Curious naman silang tumingin sa akin dahil sa biglaang reaction ko.

"Malapit lang pala siya sa ECU?"

"And what's wrong with that?" tanong ni Natsy.

Tiningnan ko si Ex at mukhang alam na niya kung anong ikinabahala ko.

"H-hindi alam ni kuya na binu-bully ako sa campus. Ayokong malaman niya!"

"What?"

...

"Insan, take care of her!"

Bored namang tumango si Ex. Inaantay ko kasi si kuya dahil malapit na siyang mag-out pero nang in-extend siya ng dalawang oras gusto niyang mauna na lang daw ako pero umiling ako.

Dalawang oras lang naman. Sabay na lang kami.

Kaso si Natsy mukhang may emergency. Nang makatanggap siya ng tawag ay tumingin siya kay Ex at tinanguan agad siya nito at ito siya nagmamadaling umalis. Pinilit pa niya si Ex na samahan ako kahit na tumanggi ako dahil nakakahiya.

Bumuntong-hininga ako nang makaalis na si Natsy at kami na lang ni Ex ang nandito.

Ngayon awkward na ulit.

"Nakakahiya naman sa 'yo. Okay lang talaga ako dito. Baka may gagawin ka pa?"

"I'm not busy."

Sumimangot naman ako. Kung makita kami ni kuya na kami lang dalawa, iba na naman iisipin n'on.

"Seems like you don't want me here."

"Ah! Hindi! Ano kasi, si kuya..."

Tinaasan niya ako ng kilay.

"...Haha! Wala! Wala iyon!"

"Does he think there's something going on between us?"

"Oo hehe!"

"I must be the first guy you brought home if he reacted like that."

Tumango lang ako dahil wala akong masabi. Ang awkward.

"I don't mind what he thinks though..."

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Napansin niya sigurong nagulat ako kaya bumuntong-hininga siya at mukhang magpapaliwanag pa sana nang sumulyap siya sa aking likuran.

"...I'm too busy to mind," seryosong sabi niya nang may tinitigan sa aking likuran.

Kumunot ang kanyang noo kaya lilingon na sana ako nang bigla niyang hawakan ang pisngi ko.

"B-bakit?"

"You have ketchup beside your lips!" seryoso niyang sabi at pinahiran niya ang gilid ng labi ko gamit ang thumb niya na ikinabigla ko.

Napansin kong muli niyang sinulyapan ang nasa likuran ko tsaka muling ibinalik ang tingin sa akin.

"Wait for awhile, I'll just take a smoke... Don't ever leave here without me or your brother," sobrang seryoso niyang sabi habang nakahawak pa rin sa aking pisngi.

Kumunot naman ang aking noo. May kakaiba sa kanya dahil mukha siyang nagmamadali.

'Meron kaya siyang nakita sa likuran ko? Sino ---'

Nagulat naman ako at biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang inilapat niya ang hinlalaking daliri niya sa labi ko at pinahiran iyon. Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko at sinamaan ako ng tingin.

"Wait for me and stay here! Nod if you understand me!"

Wala sa sarili akong napatango. Bigla akong nagulat sa tono ng boses niya. Sobrang lamig n'on dahilan na nanindig ang balahibo ko sa leeg.

Na-blanko ako bigla!

Nagmamadali siyang lumabas sa pintuan at nakita ko pang may sinuot siyang parang earpiece. Sinusundan ko siya ng tingin nang bigla siyang nawala sa aking paningin nang may humarang.

Nakita ko si kuya na nakapamewang at nakataas ang kilay na may dalang mop.

"Lumalandi ka na pala nang 'di ko alam? Tingnan mo ang sarili sa salamin at pulang-pula ang mukha mo!"

...