Lavandeir
...
Pinanliitan ako ng mata ni kuya kaya mas lalo akong nahiya. Nakalimutan kong nandito pala siya at nakabantay pala sa amin.
Umiwas ako ng tingin. "Mali ang iniisip mo, kuya!"
Tumatango-tango siya at alam kong hindi siya naniniwala. "Kitang-kita sa mukha mong kinilig ka babae. 'Wag ka nang magmaang-maangan pa!" sabi niya at umalis na dahil busy siya. Bumuntong-hininga ako at muling tiningnan ang pintuan kung saan lumabas si Ex.
Nabigla talaga ako sa ginawa niya kanina pero alam kong ginawa niya iyon para ma-distract ako. Kakaiba ang nararamdaman ko d'on at alam kong may importanteng nangyari. Alam kong delikado ang pinaggagawa niya pero hindi ko alam kung ano iyon. Tiningnan ko ang aking likuran kung saan siya nakatingin kanina pero wala naman akong nakitang kakaiba.
Mag-iisang oras bago siya bumalik kaya napaayos ako ng upo. Akala ko kasi ay 'di na siya babalik.
"Thanks for waiting!" sabi niya at umupo ulit sa upuan niya.
Sinuri ko ang mukha niya at ang kabuoan niya. Wala namang something sa kanyang mukha. Napatingin ako sa leeg niya at pinagpapawisan siya. 'Yong braso niya ay may maliit na bagong sugat at 'yong kamao niya ay namumula, may sugat din.
Anong nangyari?
"Stop surveying me!" bad trip na sabi niya kaya napatingin ako sa kanyang mata. Sinamaan niya ako ng tingin tsaka tiningnan ang kanyang wristwatch.
'Mukhang bad trip nga siya ngayon.'
Hindi ko siya tinanong sa ginagawa niya kanina dahil personal iyon. Ayokong pasukin ang personal life niya dahil wala akong karapatan kahit na mamamatay ako sa curiousity.
Wala nang nagsalita sa aming dalawa kaya hindi ako komportable sa ere. Hindi naman talaga ako komportable sa kanya lalo na't 'pag kaming dalawa lang.
"H-hindi mo naman na kailangan bumalik. Mukhang busy ka yata."
"I have to," tipid niyang sabi. Tamad na naman siyang magsalita.
'I have to?'
Wala na ngang nagsasalita sa amin dito. Nakaupo lang siya sa harapan ko, naka-crossed arms at mukhang malalim ang iniisip habang ako ay palihim siyang sinusulyapan.
Hanggang sa ilang minuto na ang lumabay ay wala kaming imikan. Ewan ko sa kanya kung okay lang siya diyan basta ako naa-awkward na talaga ako rito. Mabuti na lang at tumayo siya para bumili raw ng black coffee.
Ho!
Napa-stretching pa ako. Iyong feeling na parang kinakausap ka ng principal, 'yong nahihirapan kang huminga kasi takot kang magkamali? Gano'n nararamdaman ko kapag kami lang dalawa ni Ex.
Nakakatawa naman ang mukha niya habang nag-aantay na umusod ang pila. Mataas kasi ang pila dahil sa dami ng customers . Tiningnan niya ako ng bored na mukha at umirap sa akin, tsaka siya tumingin sa harapan niya. Halatang bagot na bagot pumila.
Sinabi niya sanang gusto niyang bumili eh nagpresenta sana ako.
Nang makabalik na siya, pinatong niya sa table ang dalawang cup, isang black coffee at isang hot choco bago umupo.
"Drink that," sabi niya. Kinuha niya ang black coffee tsaka nagbukas ng sachet ng sugar. Hindi ko nakikita ang creamer so I guess, black coffee na naman.
"Salamat! May asukal pala ang kape mo? Kala ko kasi pure black."
'Black coffee at kunting asukal pala ang favorite niya.'
"You are really interested in me," simpleng sabi niya. Sinabi niya iyon at hindi tinanong.
"H-hindi ah!"
Nahihiya ko namang kunin ang hot choco. Sinimulan kong hipan ito at ito na naman, hindi na ulit kami nag-iimikan.
"I have a question."
Tiningnan ko siya ng bigla siyang nagsalita. "A-ano?" tanong ko.
"Am I taller than him?"
Kinunutan ko siya ng noo. Ano'ng pinagsasabi niya?
"That guy who gave you handkerchief." Seryoso pa rin ang mukha niya.
"You're still thinking about that guy, aren't you?"
Hinawakan kong mabuti ang hot choco, pinapakiramdaman ang init nito sa aking kamay. Sinagot ko lang siya ng tango nang hindi tumingin sa kanya.
Inilayo ko sa'kin ang hot choco. Umayos ako ng upo habang nakatingin lang sa kanya.
"Curious lang ako sa kanya. Wala namang ibang daan d'on at bakod lang. Paano siya napunta 'don? Alam nating pareho na walang tao doon maliban sa ating dalawa. Wala pang nakakita sa kanya eh doon lang naman siya dumaan kung nasaan kayo. Napaka-misteryoso 'tulad mo."
"You really think I'm mysterious huh?"
"H-Hindi sa gan'on! Hindi lang mawala sa isipan ko ang isang bagay kung 'di ko mahanap ang sagot. Madaming kakaibang bagay sa 'yo. Una pa lang n'ong tumalon ka sa 7th floor."
Ngumiti siya. Hindi nakangisi kundi nakangiti siya na mukhang naa-amuse dahilan na ikinakunot ng aking noo.
"I should start avoiding you from now."
Nanlaki ang aking mata sa sinabi niya. "B-bakit?"
"You're sharp, the reason why you're dangerous."
Mas lalo na talagang kumunot ang aking noo sa sinabi niya.
"Ayaw mo talagang may malaman ako tungkol sa 'yo?"
"Yeah."
Natahimik ako saglit at itinuon ang tingin ko sa hot choco. 'Di ko alam, bigla akong nakaramdam ng lungkot. O siguro dahil wala akong makuhang sagot sa pagiging misteryoso niya kaya ito ang nararamdaman ko.
"So back to my question, am I taller than him?"
Tiningnan ko siya at muling na intrega. Inalala ko naman ang lalaking 'yon at tiningnan si Ex. Lahat ng maliliit na bagay naaalala ko. Isang tingin ko lang dito ay tatatak na iyon sa isipan ko na parang isang larawan.
"Mas matangkad ka ng ilang centimeters. Siguro hanggang sa mata mo siya."
"You look so sure."
"Sure ako. 'Yon ang naalala ko."
"Were you aware that you have a photographic memory?"
"...?"
"Nevermind. So the reason I ask that to you is, I might have known that person but I won't tell you who is it. It's confidential."
"At ba't mo naman ito sinabi sa 'kin kung wala kang balak ipaalam?"
"So you won't be bothered by it again."
"...?"
"He's behind the fence while we're talking there. And it's easy for someone like him to jump over the fence and passed by in front of you. I never told you I didn't see anyone..."
"...Yes, I really didn't see him passing by but I felt his presence. He easily hid himself behind the pillar of the building between the passage through the hallway and the garden... That guy can do it since I can also do it easily."
"Ba't parang kilalang-kilala mo talaga 'yon?"
Hindi siya umimik at uminom lang ng kape.
Tumango-tango na lang ako at parang nawalan ng isang problema. Kaso nadagdagan ng isa.
"Dahil sa sinabi mo, mas lalo akong na-curious sa 'yo. Lahat sa 'yo, gusto kong malaman."
Alam naming pareho na walang malisya ang sinabi ko. Alam niya kung gaano ako ka-curious sa mga bagay-bagay at kilala ko din siya na simpleng bagay lang ang sinabi ko. Pero kay kuya ay hindi. Dumaan siya sa tabi namin at tumikhim. Pinanliitan niya ako ng mata at itinuro pa niya ang mata ko gamit ang dalawang daliri niya tsaka itinuro niya din ang mata niya. Pinapahiwatig na 'binabantayan kita!'
"Pagpasensyahan mo na 'yong kuya ko at sa sinabi ko. Ni-rerespeto ko naman ang privacy mo kaya hindi ka dapat mabahala sa akin."
"I understand."
"Kung sino man 'yong lalaking 'yon, mabait siguro 'yon. Pakisabi na lang sa kanya salamat sa panyo. Kilala mo naman 'yon 'di ba?"
"I just said that I might have known him. I don't really know him. I did not confirm it yet."
Nagkibit-balikat lang ako at 'di na nagsalita. Mabuti na lang medyo nawala ang awkwardness. Inubos ko na rin ang hot choco at nagpapalipas na lang ng oras.
"Look Lav."
Napatingin ako sa kanya nang sobrang seryoso niya akong tinawag.
Medyo nagulat ako nang makitang nakatitig siya sa mga mata ko. Nakakatakot ang titig niya, lalong-lalo na ang mata niyang parang kikilatasin ang kaluluwa ko kung makatingin siya sa akin. Hindi ko iniwas ang tingin ko sa kanya, para kasing hinihigop niya ako na hindi ko magawang umiwas.
"We already warned you about her. You have now the decision who you trust. We won't meddle it since it's for you to decide."
'Huh? Pinagsasabi niya?'
"Your friend, Kim."
Napahigpit ang hawak ko sa cup ng hot choco. Akala ko sinabi niyang hindi na niya ulit babanggitin iyon... Pero bakit?
Nanlaki ang aking mata nang may ma-realize ako. Alam kong hindi basta-bastang magsalita si Ex tungkol sa mga bagay.
"Sinasabi mo ba 'to dahil... d-dahil may kinalaman ito sa pag-alis mo kanina?"
Nakatingin pa rin siya sa mukha ko, sinusuri ang magiging reaksyon ko bago siya unti-unting tumango.
...