Chapter 10 - Ex

Parang nalagutan ako ng hininga sa takot at kaba pero nang makita ko ang excited niyang mukha, alam kong sinusubukan niya lang ako.

Tinulak ko naman siya palayo sa akin at agad na umatras.

"Alam kong tinatakot mo lang ako ngayon. H-hindi 'yan uubra! Tinulungan mo ako kaya alam kong mabait ka."

Saglit naman siyang natawa dahil sa sinabi ko.

"At kahit na 'di ka m-mabait, tinulungan mo p-pa rin ako kaya 'di magbabago ang tingin ko sa 'yo! Kahit na stalker ka!"

Bumalik naman siya sa upuan niya kaya napahinga ako nang malalim.

"To make it clear, I'm not stalking you. I just need your address to drive you home but happened to find out every 'basic' information about you," sabi niya at in-emphasize pa niya ang salitang basic. "Is that all? Are you done?"

"A-ano, mahilig ka sa black hot coffee. Kapag lumamig na, hindi mo na iniinom. Pero umiinom ka ba ng cold canned coffee?"

Nakita ko kasi sa ref niyang madami siyang stocks n'on.

"Yes."

"Coffee lover... At feeling ko, kilala mo si Jax ng personal. Narinig ko kasing may hinahanap silang 'him' at malakas ang kutob kong ikaw 'yon. Dahil timing na nandoon ka rin sa 7th floor n'ong time na may hinahanap sila."

"You are really talkative more than what I expected. Now my turn..." pag-iiwas niya sa topic na iyon kaya 'di ko na din pinilit pa.

"You like Vcut and C2 and I guess that's your favorite. You're always curious about little things and you're observant. You also have an excellent deduction skills. That's why I cannot question why you got the rank 2 in all the ranking here. You're smart. You also have good endurance. You endure being treated like that. You may have a very deep reason why you're still here in ECU. That's all."

Iyon na yata ang pinakamahaba niyang nasabi simula nang magkita kami. At hindi ko alam, bigla akong nahiya sa pagpupuri niya.

At siya ang kauna-unahang tao na naiintindihan ako kung bakit 'di pa ako umaalis. Puro kasi sinasabi ng iba bakit pa daw ako nagtitiis. Siya lang nagsabing may rason ako bakit ko ito ginagawa.

Tumango ako sa sinabi niya kasi 'di ko alam kung anong dapat i-react doon. Halo-halong emosyon kasi ang nararamdaman ko.

"Ano pala ang pangalan mo?"

"You are really asking me that?"

"Oo sinabi kong ayokong madamay ka sakin kaya mas mabuting 'di tayo magkakakilala pero dahil sa pag-uusap natin dito parang wala naman ng sense. Isa pa, alam mo na ang detalye ko kaya alam kong alam mo na rin ang pangalan ko. Unfair naman."

"You're quite talkative when talking to me."

"H-huh? H-hindi ah! Ganito talaga ako. Wala kasing gustong makipag-usap sa 'king iba at ikaw lang."

"Well then. I'm---"

Napaharap ako sa unahan at napaayos ng upo nang magsipasukan na ang iba naming kaklase. Nakita ko rin si Kim na pumasok kasabay ng professor namin kaya natigil na ang pag-uusap namin nitong lalaki.

Natuwa naman ako nang sinabi ng prof namin na may sasabihin lang siya at aalis na since may meeting pa sila.

Makakausap ko pa kaya siya ulit?

Ayoko siyang madamay kaya ayokong may makikitang iba na may kinakausap ako, baka madamay pa siya at kalabanin ng Elites.

"Class, I will give you two task for this prelim and for midterm. You don't have to attend this subject if you finish these tasks. Alam ko namang ito ang gusto ninyo so dapat pagbutihan ninyo."

Nagkatinginan naman kami ni Kim sa sinabi ni Ma'am Lovely. Ayos 'to!

"First, I want you to make a composition notes about our school. The history of it. The vissions. The programs. Basta all about sa school natin. All about ECU. Etc. It's up to you what's your title in it."

"Second, for midterm is you should create a dance, any genre. If you don't like dancing then you should perform a song and it's up to you also what's your genre in it. This project is by group. So choose your group and every group has four members."

Nagkatinginan naman kami ni Kim sa sinabi ni ma'am. Problema sa akin ito eh.

"Any questions? Clarifications? Suggestions?"

"None so far po, ma'am," sagot ng isang kaklase namin.

'Yon lang ang sinabi ni Ma'am at umalis na. Hindi man lang chineck ang attendance namin.

Tiningnan ko si Kim na may pag-alala. Hindi naman siguro problema ang projects. Easy lang sa'kin gumawa ng composition at tsaka may talent naman si Kim sa pagkanta. Ang akin lang ay, sino naman ang sasali sa amin? Kulang pa kami ng dalawa. At tsaka wala namang gustong sumali sa group namin since loser ako rito at iniiwasan ako.

"Don't worry, makakahanap din tayo. Tsaka ako na bahala sa'yo kung aanuhin ka nila."

Nagpapasalamat ako sa sinabi niya.

'Buti na lang talaga at nandiyan siya.'

"Hays ikaw na talaga ang maghanap Kim, kapag ako walang sasali sa atin," nakasimangot ko namang sabi.

"I'm in," agad kaming napatingin sa kanya. Hindi ko alam bigla akong natuwa. Ibig sabihin pwede ko pa siyang makausap ulit.

"Ahh..." Sasabihin ko ba kay Kim na kilala ko itong lalaking 'to?

Kumunot ang noo niya nang magkatinginan kami. "Looks like you don't want me in your group?"

"H-huh?"

"Sure! Why not? You're the new transfer here right?" biglang sabi ni Kim kaya napahinga ako nang maluwag.

Tumango lang siya tsaka sumandal siyang muli. 'Yon lang, na parang need niya lang sumali at bored na agad siya.

Nagkatinginan kami ni Kim at nag-smile siya sa akin ng awkward.

Ba't bigla yatang nagbago ang ugali ng isang 'to?

Inayos namin ang upuan para makaharap kami sa kanya 'tulad ng ginawa ng iba. Wala na ni isang nagsalita sa aming tatlo.

'Kulang pa kami ng isa.'

Nakita ko ang iba naming kaklase at busy na sila sa pakipag-usap sa ka-grupo nila. May tumitingin sa amin pero kapag nakikita nila ako, iniirapan ako at hindi na lumapit pa.

Kinuha ko ang Vcut na nasa bag ko, kanina ko pa ito gustong kainin. Binuksan ko iyon at kumuha ng isa tsaka kinain.

"Pahingi!" sabi ni Kim. Binigay ko sa kanya ang hawak kong Vcut at kumuha siya doon at binalik sa akin. "Buti at bumili ka na nito. Hindi ka ata kuripot ngayon?"

Pagkasabing-pagkasabi ni Kim no'n ay napasulyap ako sa lalaki, hindi naman siya nakatingin sa direction ko at nakatingin lang sa harap, pero bakit feeling ko'ng nahihiya ako sa pagkain nitong Vcut?

"B-binigay lang ito sa akin."

"Talaga ha? May nagbibigay na sa 'yong iba nito maliban sa 'kin? May kaibigan kana dito nang 'di ko alam?" nakangiti niya pang sabi na parang nang-aasar.

"S-si kuya nagbigay nito..." At hindi na nga ako tumingin sa kanya nang tingnan 'niya' ako. Ba't ko nga ba kasi ito nilabas?

"Sabihin mo sa 'kin kung may bago ka nang kaibigan para naman the more the merrier. Nakakalungkot kaya ako lang kaibigan mo."

"Ayokong may madamay na iba."

"Tsk!"

Sinulyapan ko siya na ngayon ay nakakunot na ang noo pero nakatingin pa rin sa harapan. Ano'ng problema niya? Guni-guni ko lang ba o parang ayaw niya yata kay Kim?

Hindi ko na iyon pinansin at inaalala ang grupo namin.

"Kulang pa tayo ng isa," sabi ko at kumuha ng Vcut at agad na kinain iyon.

"PWEDE PA BA?!"

Nabulunan naman ako sa biglaang pagsulpot sa harap namin ng isang babae na kung makasigaw eh parang ang layo namin sa isa't-isa.

"Hala wait ka lang diyan, bibili ako ng C2," tarantang sabi ni Kim at agad na umalis. Tatawagin ko sana siya at sabihang huwag na kasi may C2 naman ako.

Bago ko makuha ang C2 sa plastic bag ay inabutan ako ng tubig no'ng babaeng sumigaw.

"S-salamat sa tubig."

"Maliit na bagay."

Maganda ang kanyang mata at maliit din ang kanyang mukha. Maputi rin siya at bumabagay ang kanyang hanggang leeg na buhok na kulay brown. Ang ganda niya!

Nagtataka nama ako nang nginitian niya ako nang matamis tsaka sinulyapan ang lalaking 'di ko pa rin alam ang pangalan.

"Tsk!"

"By the way, I want to join your group!"

'Ngayon ko lang siya nakita dito ah. Transferee din kaya siya?'

"I'm also a new transfer here just like this man! By the way, I'm Natasha Hayate. You can call me Natsy." Inilahad niya ang kamay niya habang nakangiti sa akin.

Nakatulala naman ang beauty niya.

Napaayos naman ako sa eyeglasses ko at nakipagshake-hands. "Lavandeir. Tawagin mo na lang po akong Vanvan," ngumiti rin ako sa kanya. Umupo naman siya sa tabi ng lalaki.

"And this is Ex, my cousin."

Nagulat ako sa sinabi niya. 'Ex ang name niya? Cousin?'

"So i-ikaw pala 'yong tumulong sa 'kin?" Sinulyapan ko naman ang lalaki na Ex pala ang pangalan.

"Yes my dear! My dearest cousin rushed me to his condo and asked me to take care of you. He's that decent that he's nervousĀ  being alone with a girl in his room!" bulong niya sa 'kin pero alam kong narinig iyon ni Ex.

"Don't mind her, she's just exaggerating!"

Tumawa naman si Natasha na parang tuwang-tuwa siyang inaasar ang pinsan niya. Wow! Parang si kuya!

"He's a virgin!"

"Natasha!" pagbabanta ni Ex dito at pati ako sinamaan niya ng tingin.

"But he's not innocent! Hahaha!"

"H-Hehe!" Hindi ko alam kung anong dapat kong i-react.

"Kung magpinsan kayo, ibig sabihin Hayate din apelyido mo? Ex Hayate ang pangalan mo?"

"Exactly! But not exactly," sabi ni Natsy.

"..?"

"Tsk! My name is not that important to know."

Sinamaan naman niya kami ng tingin kaya napatahimik kami. Bigla namang tumabi sa akin si Natasha at biglang kinurot ang aking pisngi nang walang dahilan.

"N-Natasha b-bakit?"

"Wala lang. And I told you just call me Natsy!" Binitawan na niya and pisngi ko tsaka tumingin sa hawak kong chichirya.

"Sarap niyan ah? Pahingi!" Sabi niya at agad na kumuha ng Vcut.

Parang magaan ang loob ko kay Natsy. Napaka-easy going niya kasi. Maliban kay Kim, sila lang ang kumausap sa akin. Siguro dahil new transfer sila kaya 'di pa sila takot sa Elites?

Naalala ko naman si Kim bigla.

"Nasaan na kaya si Kim? Ang tagal naman niya."

"Kim?" sabi niya habang sinisipsip ang daliri niya. Nagulat nga ako'ng hindi pala siya maarte. Akala ko kasi maarte. "'Yong kanina rito? Yong umalis?"

Tumango ako sa kanya.

"Sasabihan ko sana siyang huwag nang bibili kaso nagmamadaling lumabas eh. Dapat mo rin siyang makilala. Mabait din iyon."

"Ayoko sa kanya! Tsaka hindi naman ang pagbili ang dahilan ng pagmamadali niya!"

Nagtataka ko naman siyang tiningnan. Kumuha siya ulit ng Vcut na parang wala lang ang sinabi niya. Hindi ba siya nabahala na kaharap niya ako na kaibigan ni Kim?

"Pa'no pala kayo nagkakakilala no'n?" tanong niya ulit.

"Nagkakilala kami no'ng tinulungan niya ako noong binully ak... ah I mean no'ng tinulungan niya ako."

Naalala ko na naman 'yong time na una akong dinala ng Elites sa mini-gym kasama ang mga alagad nilang estudyante. Ayoko nang alalahanin pa iyon kaya pilit kong kinalimutan.

"Nagtataka ako sa'yo. Why can't you analyze your friend's action? Do you trust her that much?"

"Anong ibig mong sabihin? Diba bago ka lang dito? Ba't parang may alam ka kay Kim?" bigla akong nakaramdam ng inis. Si Kim lang ang kaibigan ko dito kaya naiinis ako sa sinabi niya.

"Lav..."

"Vanvan na lang," sabi ko. Ayaw ko lang tawagin akong Lav. Si kuya lang tumatawag no'n.

"Vanvan don't trust her..."

Bigla akong kinabahan nang naging seryoso ang mukha ni Natsy.

"For the sake of yourself, just don't."

...