Chereads / Lavandeir's Revenge (Revised Version) / Chapter 9 - He is Dangerous

Chapter 9 - He is Dangerous

Lavandeir

...

"Tsk! 'Yan na 'yong eyeglasses mo! Basag na nga 'yong dati, nawala mo pa," paghihimugtok niya.

"Eh ikaw kaya may kasalanan kung bakit nabasag iyon!"

"Aba't! Pero ikaw naman nakawala. Kita mo 'to!"

Hindi ko na kasi sinabi sa kanya na nasa lalaking 'yon ang eyeglasses ko kasi hindi titigil si kuya kakabanggit sa kanya kagabi pa. Natuwa daw siyang malaman na may mabait akong kaibigan. Hinahangaan niya lang naman iyon, shino-sugarcoat pa.

Tiningnan kong muli si kuya bago binuksan ang black case nito.

Isang eyeglasses na kulay lavender, simple lang ito pero maganda.

"Lavender ba pinili mo para magkatunog sa pangalan ko?" tanong ko sa kanya tsaka iyon sinuot. Humarap ako sa salamin, at okay lang naman, bagay sa akin ang kulay na ito.

"Bakit ngayon, nag-iisip ka na? Tumalino ka bigla ah?" pang-aasar pa niya.

"Matagal na ako'ng nag-iisip, ikaw lang 'yung hindi! Hahaha!"

"Aba't! 'Yong respeto mo sa'n na napunta ha? Gusto mo ba'ng babawiin ko 'yan sa'yo?" naka-crossed arms na siya ngayon habang nanglalaki pa ang dalawang mata.

"Salamat po, mahal na hari!" sarcastic kong sabi sa kanya na ikinatango-tango ng kanyang ulo. Hmp!

"Oh sige na pumasok ka na. Baunin mo ito, baka mahimatay ka na naman!"

Nagtataka ko namang tiningnan si kuya nang makita ang plastic na may laman na mga mamahaling tinapay.

"Ang dami naman nito? 'Di ko 'to mauubos!"

"Bigay 'yan ng lalaki mo kaya 'di na namin pinakialaman ni lolo."

Mabilis kong ibinalik sa mesa 'yong iba. "Anong lalaki ka diyan? Kaibigan ko 'yon at isa pa kuya, 'di ko 'to mauubos lahat."

"Okay sige, babaunin mo 'tong iba bukas."

Bumuntong-hininga na lang ako para 'di na kami magtatalo pa.

"Mabuti naman, ayaw kong mahimatay ulit ang maid namin dito! Hahaha! Tawagan mo ako palagi kung may maramdaman kang kakaiba. Dahil kung uulitin mo ulit 'yong 'di ka nagpapaalam, pupuntahan talaga kita sa paaralan mo at hahanapin ko 'yang kaibigan mo!"

Argh! maid niya mukha niya!

"Oo na po!"

Dinala ko rin kasi ang Vcut at ang C2 na binigay niya.

Nakasalubong ko naman si lolo na papasok ng pinto, "Goodbye po lo," paalam ko tsaka hinalikan sa pisngi.

"Mag-iingat ka, apo!"

...

Kasabay ko si Kim ngayon papunta sa next class ko. Classmate kasi kami sa isang subject. Ang P.E.

Iba ang schedule ko dahil wednesday ngayon. Magkaiba kasi ang M.W.F. at T.TH.S. Oo may class din kami sa sabado dahil freshman pa kami. ROTC sa sabado kaya half day lang din 'yon.

Marami pa ring nagtatawanan tuwing dadaan ako. O kung hindi naman, pinaparinig nila na sulit daw ang binayad nila n'ong isang araw. Ang sakit pero sanay na ako. Hindi lang iyon ang unang beses na ginawa ng Elites sa akin.

Sinabihan naman ako ni Kim na hindi ko dapat sila papakinggan. 'Buti talaga at nandiyan siya dahil 'di makalapit 'yong iba sa amin dahil sa kanya. Malakas din kasi si Kim dito.

Umuwi siya nang maaga n'on kaya hindi niya alam ang nangyari sa akin n'ong isang araw. Kaya galit na galit na naman siya sa Elites.

Hindi ko na inalala ang sinasabi nila at nakayuko pa ring naglalakad patungo sa classroom.

Pagdating namin sa loob ay nauna akong pumasok at nakitang ako ang nauna rito. Wala pang tao sa loob at mabuti iyon.

Napaaga pala kami.

Nilingon ko si Kim pero nasa labas pa siya at busy pa rin sa kaka-text.

"Kim! Pasok ka na!" medyo nilakasan ko pa ang boses ko kasi busy pa siya sa kanyang ginagawa.

Tumingin siya sa'kin saglit at nag-gesture lang siya sa kamay na wait lang. Seryosong-seryoso pa ang mukha niya.

Hinayaan ko na lang at humanap ng upuan. Napatingin pa ako sa labas ng hallway baka nandiyan ang mga Elites. Palagi kasi silang sumusulpot kung nasaan ako. Syempre kakampi nila lahat ng estudyante rito.

Pero malalaman ko namang papalapit na sila, base sa pagbabago ng atmosphere. Lahat kasi ng estudyante tumitingin sa kanila at lalapitan or magkukumpulan kapag nariyan sila. At kung may ganyang mangyari, cue ko na iyon para malamang nandiyan na sila.

Pagtingin ko sa oras, may twenty five minutes pa bago ang klase. Nagpaalam naman si Kim na magc-cr lang daw muna siya. Nagmamadali pa nga 'yong umalis.

Ilang sandali lang ay may pumasok kaya napatingin ako sa kanya, akala ko si Kim 'yon, pero nagulat ako nang makita siya.

Nakasuot siya ng plain na black t-shirt na pinantayan ng black pants. Sakto lang ang buhok niyang nakaayos. Alam kong may itsura siya pero mas naging ano...

Hindi man lang niya ako tinaponan ng tingin nang dumaan siya sa tabi ko.

'Oo nga pala! Sinabi niya sa 'kin na magkaklase kami sa minor subjects! Ba't nakalimutan ko 'yon?'

'Pero teka... Ba't niya naman alam na magkaklase kami sa minor subjects na parang alam niya ang schedule ko?'

Tinitigan ko lang siya at hindi kinausap. Hindi ko alam kung anong sasabihin o dapat ko ba siyang kausapin.

Umupo naman siya sa likuran ko. Sumandal siya tsaka nilagay ang maliit na bag sa upuan pagkatapos ay nag-crossed arms.

Nanlaki ang aking mata at napaiwas ng tingin nang mag-tama ang tingin naming dalawa.

"What?"

Hindi ako nakapagsalita sa biglaang pagtanong niya. Ang sungit talaga niya.

"A-ano... K-kumusta?"

'Kumusta? Ba't ko naman siya kinukumusta?'

Kumunot ang noo niya sa tinanong ko.

"I thought we both agree to act as if nothing happened?"

"Wala pa namang ibang tao. May itatanong lang ako sa 'yo..."

Nakatitig pa rin siya sa akin na parang sinusuri ako kaya nakakailang.

"...Alam mo ang schedule ko. Ibig sabihin alam mo din ang pangalan ko. Bakit?"

"What do you mean why?"

"Bakit mo alam ang schedule ko at bakit..." tiningnan ko siya nang seryoso. "...ba't alam mo ang address ko? 'Di ko naman sinabi sa 'yo."

Ilang segundo siyang walang imik kaya damang-dama ko ang kaba sa hindi malamang dahilan.

"Sino ka b---"

"Impressive!" naa-amuse niyang sabi.

"Huh?"

"I was right! You're really being mindful about anything. Tell me what you observe about me then I'll tell you mine."

'Bakit parang ibang paraan ito sa pakikipagkilala? Anong trip ng lalaking 'to?'

Tumayo naman ako para makaharap nang maayos sa kanya. Hindi siya nakangiti pero pinapakita ng mga mata niya, na excited siya.

"Sinusubukan mo ba ako?" Tumango naman siya nang walang pagdadalawang-isip.

'Ano namang makukuha niya dito? Ako meron, gusto kong makumpirma ang kung ano at sino siya.'

"Gusto mo ng malinis na paligid kaya nililigpit mo kaagad ang mga kalat. 'Tulad n'ong sa inyo, hinuhugasan mo kaagad ang ginamit mong tasa. Maliban sa dalawang ashtray sa condo mo, 'yon lang ang dumi na nakita ko. Pati alikabok sa ibabaw ng TV ay wala."

Tumango-tango naman siya at kulang na lang pumalakpak siya para ipakitang excited siya.

"Alam kong wala kayong tagalinis doon kaya alam kong ikaw mismo naglilinis. At kaya ka walang tagalinis dahil..."

Lumunok naman ako ng laway bago ko ipinagpatuloy ang sasabihin ko. Tinitingnan ko rin ang magiging reaction niya.

"...dahil delikado ang trabaho mo. Tama ba?"

Napaayos naman siya ng upo at sumeryoso ang kanyang mukha. Unti-unti ay tumango siya dahilan na napakurap ako at napaiwas ng tingin. Tumayo bigla ang balahibo ko.

'So totoo ngang may something talaga sa mga pinaggagawa niya?'

"Illegal ba ang pinaggagawa mo?"

"Sort of."

'Sort of?'

"How can you say though?"

"Yong mga sugat mo na parang hiwa ng patalim, 'yong ginagawa mo sa laptop mo. 'Yong kausap mo sa earpiece. At pati na n'ong parang ayaw mong makita ko ang laptop mo kaya nilalayo mo ito sa 'kin. N'ong itinigil mo ang ginagawa mo n'on kasi nagdududa akong nakatingin sa 'yo. Pati na nang mapagtanto kong alam mo ang schedule ko at address ko... D-Delikado kang tao."

Bigla siyang tumayo na ikinaatras ko. Lumapit siya sa 'kin at ngumisi nang kakaiba.

"Why aren't you distancing yourself away from me?" Mas lalo siyang lumapit at kunti na lang ang pagitan namin kaya naamoy ko na naman ang pabango niya.

"I already confirmed that my job is dangerous so why are you still talking to me?"

...