Nagdududa ko naman siyang tiningnan habang kaharap niya ang laptop. Kumunot ang kanyang noo nang sulyapan niya ako at muling itinuon ang atensyon niya sa kanyang ginagawa.
"I already sent it to you so take the command for me! I'll be in touch in two hours," sabi niya sa earpiece. Pagkatapos n'on ay tumayo siya at lumapit sa 'kin.
"You still need something?" tanong niya sa akin, dahilan na wala sa sarili akong napailing... at napaatras.
"Then hurry and change, woman."
"S-sige!" automatic na sagot ko at agad na tumalikod at pumasok sa kwarto. Hindi naman galit ang tono ng boses niya pero alam kong mukhang nairita yata siya.
Kinabahan ako d'on nang walang dahilan.
Nang matapos akong magbihis at maghanda, lumabas na agad ako. Nagulat pa ako nang nakatayo siya sa gilid ng pintuan habang naka-focus sa kanyang cellphone.
Bigla niya namang inabot sa 'kin ang bag ko. Nawala ito sa 'king isipan kakaisip sa kanya simula pa kanina. Ang alam ko lang, 'di rin niya ito nadala n'ong binuhat niya ako.
"Binalikan mo ba ang bag ko?"
"...Let's go."
"..?"
Sumimangot naman ako nang tumalikod na siya at naunang maglakad kaya wala akong nagawa kundi sumunod. Mukhang nagmamadali nga siya.
"Nasaan pala 'yong eyeglasses ko?" tanong ko habang kinuha ang phone ko sa bag. Kinabahan naman ako nang makitang ang daming missed calls ni kuya. Mga text pa niya puro capslock.
Nakita ko pang ni-loadan niya ako at sabi niya na tumawag ako agad.
"Your eyeglasses were broken. I'll give it to you next time."
"Huh?" Nagtataka ko naman siyang tiningnan. "Next time?"
"We both don't want to meet each other again... But it's inevitable."
"Oo alam kong 'di maiiwasan 'yon kasi magka-schoolmate tayo... Unless kung... Hindi naman siguro ano?"
Hindi siya umimik kaya napahinto ako nang maalala kong una ko pala siyang nakita sa 7th floor... kung saan ang una kong klase.
Ngumisi naman siya sa 'kin kaya bumuntong-hininga naman ako. "Wag mong sabihin magkaklase tayo?"
"Only in minor subjects."
Magre-react na sana ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Kinabahan ako nang makita ko ang pangalan ni kuya.
"Nasaan ka ngayon? Ba't ngayon mo lang sinagot ang tawag ko? May nangyari ba sa 'yo? Okay ka lang? Susunduin kita!"
"K-kuya okay lang po ako! Na-lowbat kasi 'yong cellphone ko at..." sinulyapan ko naman siya. Nakatingin lang siya sa'kin at walang expression ang mukha niya. "...at nandito ako sa kaklase ko. Nag-aya kasi siyang..."
"Nag-aya ng?"
'Hindi ko naman pwedeng sabihin na tungkol sa project kasi kakasimula pa lang naman ng klase.'
"At sinong siya ha? Dalawa lang kayo?"
"I mean sila! K-kaibigan ko n'ong sa 1st semester. Tatlo kami kasama ang pinsan niya." Umiwas naman ako ng tingin sa kanya. Ba't naman wagas siyang makatingin na parang sinusuri niya ako?
"Pauwi na ako kuya. 'Wag kang mag-aalala ihahatid naman nila ako. Nagkagalaan lang kami at pasensya na nakalimutan kong magpaalam."
"Mag-ingat ka sa pag-uwi! Mamaya tayo mag-usap kapag nandito ka na! Makausap nga ng kasama mo!"
Nanglaki ang aking mata dahil sa sinabi niya. "K-kuya bakit naman po? Pauwi naman na ako."
"Totoo ba talagang may kasama ka?"
Sabi ko na nga ba. Nagdududa na talaga sa 'kin si kuya. Pa'no kung malaman niyang binu-bully ako sa paaralan? Ayokong malaman niya iyon. At isa pa, alam kong may kutob siyang wala akong kaibigan. Hindi ko pa kasi naikwento sa kanya si Kim. Ayokong magkwento lalo na't hindi naman niya tinatanong.
"Oo kuya ihahatid---"
Nagulat ako nang bigla niyang inagaw sa akin ang cellphone. "I'm in a hurry!" bulong niya sa 'kin tsaka inilagay ang phone sa may tenga niya.
"This is your sister's friend. I will drive her home safely... Yes, you don't have to worry... No, we're not alone. We're in my cousin's house."
'Gusto kong malaman ang naging reaction ni kuya nang marinig niyang English speaking 'yong sumagot. Nganga ka ngayon!'
Humarap naman siya sa 'kin at kinunutan ako ng noo dahilan na naging curious ako sa usapan nila.
"I'm sorry to say this but your sister..." Nanlaki ang aking mata at mabilis na hinawakan ang kanyang kamay para pigilan siya. Napatingin siya sa kamay ko tsaka ibinalik sa akin ang kanyang tingin. "...she passed out yesterday and her friend, my cousin helped her."
Napahinga ako nang malalim. Kinabahan ako pa'no 'pag sinabi niyang binu-bully ako, sinasaktan ng pisikal, ano na lang ang magiging reaction ni kuya. Alam kong nag-aalala pa rin si kuya dahil nalaman niyang nahimatay ako pero mas okay na lang iyon.
"Don't worry. We'll be right there."
Ibinalik na niya sa 'kin ang cellphone ko tsaka muling bumalik sa loob ng condo nang hindi man lang ako kinausap. Hinintay ko lang siya sa labas ng elevator at nang bumalik siya, may dala siyang isang plastic bag tsaka inabot sa 'kin.
Nagtataka ko naman itong tiningnan at nagulat ako nang 'yong Vcut at C2 ang laman.
"It's yours."
"S-sigurado ka?"
"..."
"S-salamat..."
"It's still too early to say thank you," walang gana niyang sabi.
"Your brother doesn't know your situation. You can't always hide it. What will you gonna do?" bigla niyang tanong nang makapasok kami sa elevator.
Hindi naman ako umimik.
"Nevermind! We'll never be able to talk again so I won't be curious about your situation anymore. I'll give your glasses next time. My cousin wanted to fix it and I gave it to her. I hope you don't mind me not asking your permission."
"H-hindi! Nakakahiya na nga sa 'yo. Tinulungan mo na ako, pinakain at pinatulog pa sa condo mo. At ito din," pagtutukoy ko sa C2 at Vcut. "Pati 'yong sa glasses ko, salamat talaga."
"If that so, then thank me in advance because I will buy you snacks just for a prop to convince your brother that you're fine. I don't want to hear another thank you from you again."
Namangha naman ako. 'Ba't ang bait yata ng lalaking 'to? Nakaka-guilty na pinagdududahan ko siya nang masama kanina.'
"S-salamat."
...
Hindi naman ako komportable nang nakayakap ako sa kanyang bewang habang nakaangkas ako sa motor niya. Nahihiya ako sa hindi malamang dahilan. Mabilis kasi siyang magpatakbo ng motor. Halatang nagmamadali siya kaya mas lalo akong nahihiya. Nakakaabala na talaga ako sa kanya.
'Ang bango niya!'
Dahil sa naisip kong 'yon mas lalo akong nahiya.
Dumaan nga kami sa isang mamahalin na coffee shop at nag-take out siya nang madaming pagkain d'on. Parang ayaw ko ngang tanggapin nang makita ko ang maliit na cheesecake na 'yon na sobrang mahal.
Kinabahan ako nang pagdating namin sa bahay, nakita kong nag-aantay si kuya sa labas at nakapamewang pa. Nakita kong namangha siya nang makita ang kasama ko. Lalo pa't tinulungan ako nitong makababa.
"Kuya! Pasensya na, 'di na mauulit."
Niyakap niya muna ako nang mahigpit at sinuri ang aking mukha at katawan. "O-okay lang ako kuya! 'Di na talaga mauulit."
Naintindihan ko naman siya kasi ito ang unang beses na hindi ako nakauwi.
"Sabihin mo nga sa 'kin, boyfriend ka ba ng kapatid ko?"
"KUYA!" mabilis kong tinakpan ang bibig ni kuya at agad na hinila papasok ng bahay.
"Hehe! P-pasensya na. Salamat sa paghatid."
"I told you, no need to say thank you. Here!"
Mabilis na nakabawi si kuya sa hawak ko at siya na ang kumuha sa mga tinake-out nito sa coffee shop.
"Wala akong angal kung liligawan----hmp!"
Mabilis kong tinakpan ulit ang bibig ni kuya tsaka nahihiyang ngumiti sa lalaking 'di ko alam ang pangalan. Tumango naman siya at umalis na.
'Di ko man lang nalaman ang pangalan niya. Ba't 'di ko naitanong?'
'Oo nga pala, mas mabuting hindi kami magkakakilala baka kasi madamay pa siya sa akin.'
"Kuya! Binebenta mo ba ako ha? Ako na kapatid mo?"
Mabilis niya akong binatukan. "Sino namang nagsabing may bibili sa'yo kung ibenta kita? Isa pa, 'wag mo na ulit gagawin 'to! Ipaalam mo kaagad sa'kin kung nagugutom ka o kung may masakit sa 'yo! Kesa naman 'di namin alam kung anong nangyari sa 'yo, 'yon pala nahimatay ka na pala? Mabuti na lang at may kaibigan kang mabait!"
Pinagsermonan pa niya ako ng kung anu-ano pero naiintindihan ko naman siya. Humingi din ako ng tawad kay lolo at 'buti na lang pinaliwanag na ni kuya sa kanya.
Hindi na ako pumasok ngayong araw dahil parang pagod na pagod ako at ayoko pang makita ang Elites at ang mga estudyante. 'Buti na lang si kuya mismo nagsabi na hindi na muna ako papapasukin. Ayokong magsuspetya siya.
N'ong hinalungkat ko ang aking bag, nakita ko ang terno na pajama na suot ko kanina. Dinala ko ito kasi nakakahiyang siya pa ang maglalaba nito.
Pupunta na sana ako sa banyo nang may bigla akong ma-realize.
'Bakit alam niyang saan ako nakatira? Eh hindi ko naman binanggit sa kanya at hindi niya rin tinanong?'
...