"Eat first before I take you home."
Humarap siya sa 'kin at tiningnan ako ng head to foot. Naiilang ako sa ginawa niya pero 'di ko magawang umiwas ng tingin.
"Feel free to feel at home. Just get any food you want and serve yourself. I'll just get your clothes," sabi niya at umalis nang hindi man lang ako nakapag-react. Dinala pa niya ang laptop niya na parang ayaw niyang may makakitang iba doon.
Huminga ako nang malalim nang ako na lang mag-isa. Naiilang ako kapag nandiyan siya at ganoon siya tumingin, na parang isa ako ng suspect at siya ang pulis.
'Okay lang ba talaga sa kanyang kukuha ako ng pagkain dito?'
Sinilip ko muna ang kung saan siya nagpunta. Nakita kong may tinatawagan siya sa cellphone niya habang pumasok sa isa pang kwarto. Dalawa pala ang kwarto dito?
Hindi ako kumilos at nakatayo lang doon. Pinagmamasdan ang kabuuan ng kitchen. Namamangha sa linis at sa ayos nito.
'Di ko alam kung ilang minuto na ang nakalipas nang tumunog ang tiyan ko. Gutom na ako. Muli kong sinilip ang pinto ng pinasukan niya kanina at nag-antay pa ng ilang minuto baka sakaling lumabas siya pero hindi.
Lumapit ako sa ref at tiningnan ang loob nito. Pero nagulat ako nang ang daming bottled water ang nasa loob. Wala namang pagkain. May mga sandwich na may wrapper pa at mukhang kailangan pa itong i-microwave.
Iyon lang at puro na mga liquid ang laman. Bottled water, canned coffee. Canned alcoholic drinks at mga canned juice. Isa lang talaga nakakuha ng attention ko, ang dalawang malaking C2 na red.
Kinuha ko ang isa at nilagay iyon sa mesa. Sinulyapan ko muna ang pintuan bago ko nilapitan ang mga cabinet sa ibabaw ng lababo. At mas lalo akong nagulat na puro mga canned foods ang nandoon. Madami pang mga cup noodles, at iba pang processed foods.
'Hindi ba siya marunong magluto ng meal?'
Puro kasi pangmadaliang lutuin ang mga nandito. Iba't-ibang flavor pa ng noodles. Hindi ko in-expect sa isang mayaman na tao na ganito ang stocks ng pagkain. 'Yong isang cabinet naman puro mga chichirya.
"Wow!"
Ang daming Vcut!
Mabilis kong inabot ang isang Vcut na nandito at ngiti-ngiti ko iyong dinala sa mesa.
"Wah! N-nandiyan ka pala?"
Napahawak ako sa dibdib dahil sa gulat nang makita ko siyang nakasandal sa may pintuan at naka-crossed arms pa. Tinignan niya ang hawak kong Vcut at tinaasan ako ng kilay.
"G-gutom ako. S-Sabi mo okay lang kumuha. Hehe! B-Babayaran..."
"No need." Lumapit siya sa 'kin at kinuha ang C2 sa mesa at ang hawak kong VCut at inilayo niya ang mga ito sa akin. "I'll give it to you but eat breakfast first. Junkfood is not good in the morning."
"Umaga na pala?"
"Yes, 04:32. You eat any flavor of noodles?"
"..."
Nilingon niya ako at tinaasan ng kilay nang hindi ako nakapagsalita.
"What?"
'Hindi din maganda ang noodles sa umaga,' gusto ko sanang sabihin 'yan kaso hindi na lang.
"K-kahit ano na lang po."
Kumunot ang noo niya at muling sinarado ang cabinet tsaka lumapit sa ref at kumuha ng sandwich.
"You can say you don't want noodles though. Sandwich you want?"
"H-hindi naman po sa gan'on..."
'Sasabihin ko ba? O hindi? Ma-o-offend kaya siya?'
"Hindi din po kasi maganda ang noodles sa umaga... Pero opinion ko lang iyon."
"Oh? I didn't know."
"..."
"Coffee? Hot choco?"
"Choco po."
'Mukha naman siyang normal kahit na masungit ang mukha niya.'
Kahit tinutulungan niya ako, hindi ko pa rin kasi siya kilala kaya wala pa akong tiwala sa kanya.
Humarap siya sa 'kin habang inaantay na ma-reheat 'yong sandwich sa microwave. Nagkatitigan kami kaya napakurap ako at iniwas ang tingin.
"Hindi ka nagluluto?"
"It's not like that. But yes, I don't know how to cook proper meals."
Sinalubong kong muli ang tingin niya. "Wala kang time magluto..."
Kumunot ang noo niya at may sasabihin sana kaso tumunog ang microwave kaya tumalikod siya sa 'kin.
Lumapit naman ako sa kanya nang i-abot niya sa 'kin ang plato na may sandwich pati na ang tasa na may hot chocolate. Kinuha din niya ang sa kanya at may dala din siyang tasa ng black coffee tsaka inilapag sa mesa.
'Kape na naman.'
Magkaharap kami ngayon at tahimik na kumakain.
"How can you say I don't have time to cook?"
Tinuro ko ang mga cabinet at ang ref. "Puro mga processed foods na madali lang lutuin. Cup noodles, sandwich, tubig."
Tumango siya at hindi na nagsalita pa.
"Sa 'yo lahat ng 'yan? O may kasama ka dito?"
"My memb... my friends. My cousin usually come here. I forgot to bring your clothes but I already put it in the room where you sleep."
'Importante siguro 'yong kausap niya sa phone kanina na nakalimutan niya. Ano kayang ginagawa niya at mukhang sobrang busy niya?'
Mabilis siyang kumain na parang palaging nagmamadali pero proper namang tingnan. Meron ding mga sugat na maliliit ang kamay niya katulad n'ong mga sugat niya sa likod.
Sino kaya siya? Dapat ba akong magtiwala dito? At bakit niya ako tinulungan?
"Staring is rude. Ask me anything instead, but I'm not obligated to answer but yeah ask me."
'Tamad lang talaga siyang magpaliwanag kaya sasagutin lang niya ang kung anong gusto kong malaman.'
"Bakit mo ako tinulungan?"
"I don't know."
Kumunot ang noo ko sa direktang sagot niya at hindi rin nagsisinungaling ang mukha niya. Pero anong klaseng sagot naman iyon?
"Taga-ECU ka ba? Kilala mo si Jax?"
"I just transfered. Jax is famous."
"So alam mo kung ano ako sa ECU..."
"You are stating the obvious."
"Hindi ka ba takot na tulungan ako? 'Pag malaman ng Elites, siguradong madadamay ka."
"I'm not afraid."
"Salamat dahil tinulungan mo ako..." Inilayo niya ang tasa ng kape sa kanyang bibig para tingnan ako, naghihintay ng susunod na sasabihin ko. "Pero hindi kita kilala kaya wala akong tiwala sa 'yo at isa pa, ayokong madamay ka..."
"So you don't want us to see each other again?"
Tumango ako at tiningnan siya nang seryoso. Ngumisi naman siya na ikinakunot ng noo ko.
"I want that to happen too but good luck to us."
"Anong ibig mong sabihin?"
Tumayo siya at hindi ako sinagot. Iniligpit niya ang pinagkainan niya kaya tumayo na din ako at lumapit sa kanya dala ang mga pinagkainan ko.
"Ako na maghuhugas. Salamat pala sa pagkain."
"Okay."
Tatanungin ko sana siya kung anong ibig sabihin ng sinabi niya nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Umalis siya sa tabi ko bago sinagot ang tawag. Bago siya makalabas ng kusina, narinig ko pang sinabi niya sa tawag na,"I'll be there in two hours..."
'Napaka-busy niyang tao na parang iba sa pagiging busy bilang estudyante.'
Dahil doon, na-curious tuloy ako sa kanya. 'Yong mga sugat, 'yong kausap niya sa tawag, 'yong pagiging seryoso niya sa harap ng laptop. Ano ba talaga ang ginagawa niya? Kakasimula pa lang naman ng klase.
Umiling naman ako para mawala ang mga katanungang iyon. Hindi dapat ako ma-curious sa kanya. Ayokong matulad siya sa ibang estudyante na tumutulong sa akin noon na napagbuhatan din ng kamay ng mga Elites. Si Kim lang ang hindi nila inaapi dahil siguro malakas ang pamilya ni Kim. Pero nagpapasalamat pa rin akong nandiyan siya.
'If it wasn't about your sponsor...'
Naalala kong binanggit 'yan ni Jax. Anong ibig niyang sabihin doon?
Napahinto ako sa pagbanlaw nang maalala ko na naman ang ginawa nilang karumal-dumal sa akin kanina.
'Bakit may mga taong gan'on?'
Nang matapos na akong maghugas, sinulyapan ko ang C2 at ang Vcut na nasa mesa pa rin. Gusto ko sanang hingiin kaso nakakahiya, pinakain na niya ako.
Nakita ko siya sa sala at inaatupag na naman ang kanyang laptop.
"Change first then I will drive you home," sabi niya nang hindi ako tiningnan kaya umalis na lang ako.
Ganyan ba siya ka komportable sa 'kin at pinapabayaan lang ako sa condo niya? Pa'no kung magnanakaw pala ako?
"Pwedeng ano... Pwedeng maligo?" Hindi ko sana itatanong kaso naghilamos lang ako kanina bago lumabas pero feeling ko ang lagkit ko.
Wala naman akong pake kung anong sasabihin niya sa itsura ko. Si kuya lang kasi inaalala ko. Baka magsuspetya na naman iyon.
'Oo nga pala! Si kuya! Ba't nawala sa isip kong tingnan ang cellphone ko? Ang eyeglasses ko kaya nasaan?'
"You can. Told you to feel at home," sabi niya at mabilis lang na nagta-type sa laptop at 'di ako sinulyapan.
"Pasensya na. Kasi ano..." sasabihin ko na sanang ayokong magpakitang ganito sa pamilya ko kaso inunahan na niya ako.
"No need to explain. Take a shower if you want."
Tumango naman ako at tumalikod. Hahakbang na sana ako nang bigla siyang...
"Shut up and focus, bastards!"
Gulat ko siyang nilingon at nang namalayan niyang lumingon ako, umiling naman siya at tinuro ang suot niyang earpiece.
'Nakaka-curious! Ano ba talagang ginagawa niya?'