Third Person
...
"So insan? Mind telling me who's this beautiful lady laying on your bed?" nakapamewang na tanong ng isang medyo may katangkarang babae at maganda. Nakangisi ito nang mapang-asar habang sinusundan ng tingin ang binata.
Hindi ito nagsalita at kumuha lang ng isang tuwalya at plain t-shirt at lower pajama sa closet nito, dahilan na mas lalong ikinangisi ng dalaga.
"You even rushed me here despite knowing I'm on a mission, asked me to take care of her... hmm... Which is the very first time this happened. So? Who is she?"
"Lower your voice or shut up," he said in a monotone voice.
"C'mon! You're obviously avoiding the important subject here!"
"If you're done taking care of her, get out and wait for me in the living room," sabi nito at pumasok na sa banyo. Baka kasi magising pa ang dalaga sa mahimbing na tulog nito. Pagod na pagod kasi ang mukha nito.
Umirap naman ang dalaga tsaka tinitigan nang mabuti ang mukha ng babaeng unang dinala ng kanyang pinsan rito.
'She looks like someone... but not really.'
Pero binalewala niya lang ang isipang iyon at mas lalong ngumisi. Naging curious tuloy siya sa babaeng mahimbing ang tulog pero 'di niya maiwasang magtaka kung bakit may mga pasa ito.
...
"They still haven't tracked us but we know that anytime, we'll be traced. What will you do if Jax Blaine found out you're back?"
"So be it. I don't plan to hide forever. He already have an idea what we are and he's just confirming things."
Kumunot naman ang noo ng dalaga nang makitang may hinanda itong bag na nilagyan ng isang binder notebook, kaunting libro, at ballpen.
"You're going back to school?"
"I already enrolled for the second semester. ECU," bored nitong sabi.
"At hindi mo sinabi sa akin?" 'di makapaniwala nitong tanong. Hindi naman sumagot at binata kaya bumuntong-hininga na lang ang dalaga tsaka tumayo.
"I better get going! I still need to prepare for my transfer. And when I have time, I'm going to follow that girlfriend of yours whether you like it or not!"
"She's not mine. And no need, she's studying there," pagtutukoy niya sa ECU na mas lalong ikina-excited ng dalaga.
"Oh? This must be interesting! So? What are you going to do with her? You're not planning something on her now that you're alone with a girl, aren't you? You're a man afterall."
Inisang hakbang naman ng binata ang dalaga tsaka kinaladkad papunta sa labas ng kanyang condo at sinaraduhan ng pinto. Bumuntong-hininga siya nang tumahimik na ulit ang paligid. Natawa namang umalis ang dalaga at agad na may tinawagan.
"You won't believe what I've witnessed! Our leader is already bringing a girl in his condo! Inside his very own room!"
Pumasok naman ang binata sa kwarto niya para tingnan ang dalaga na hanggang ngayon ay natutulog pa rin.
'Those bastards! They still haven't change!'
Ihahatid niya sana ito sa bahay nito kaso nakatulog ito sa may passenger seat ng sasakyan niya. Sinubukan niya ring hanapin ang address nito at nang makitang may tao sa bahay, hindi na niya tinuloy lalo pa't kitang-kita ang mga pasa ng dalaga. He doesn't want her family to worry and he don't want to waste his time explaining to them what's going on.
Nakilala na niya ang mukha ng dalaga nang makitang pinagtulungan itong bully-hin ng mga estudyante. Gusto niya munang magmatyag sa ECU bago magpakitang muli kina Jax at Reid kaya pinagmamasdan niya muna ang paligid, inaalam ang lahat ng mga nangyayari sa loob ng campus.
'But I didn't expect there were more students who were also members of the underground!' sa isip niya nang may makakita sa kanyang isang estudyante at napagkamalan pa siyang spy.
Alam niyang may kutob na si Jax na nandito siya, 'yon ang dahilan kung bakit pumunta sila doon sa Commerce building kung nasaan ang una niyang klase.
Wala naman na siyang pake kung malaman ni Jax na nandito siya. Handa na siyang harapin ito ulit. It's been three years since they last met, back when they were highschool.
And his anger towards Jax still doesn't change.
Lumabas naman siya sa balcony at naglabas ng isang yosi at sinindihan ito.
'I still have something to do. I'll just drive her home when she wakes up. Why did I even help her in the first place?'
Nakaramdam siya ng pagsisisi kung bakit tinulungan niya pa ang dalaga. Dahil sa ginawa niya, alam niyang may possibility na mas lalong mapahamak ito.
...
It's been hours since he left her in his room. He's busy doing some important matter in front of his laptop. Telling his members about the plan that they need to execute tonight. Listening to their reports and asking command from their headquarters. He didn't even mind their queries about the girl he brought in his condo.
He was about to take his cigarette when suddenly... someone cleared a throat behind him.
He swiftly looked at her that makes the girl stunned because of his sudden action.
"Ahm! H-Hi!"
"When did you get here?"
"Ngayon lang po. N-nasaan pala ako?"
'Why didn't I feel her presence?'
...
Lavandeir
Nagising ako at nagtataka kung bakit nandito ako sa isang kwarto na hindi ko alam kung saan. Maganda ang room at halatang mayaman ang may-ari nito. Napakalinis ng paligid at simple lang ang design. Malaki din ang space.
Kumunot ang aking noo nang mapagtantong lalaki ang may-ari nito. Dahil sa kombinasyon ng kulay ng mga gamit. Puro white, light gray at dark gray. Parehong black naman ang bedsheet at ang kurtina. May maliit na cushion na upuan pa sa gilid na plain dark gray lang din ang design.
Ang laki pa ng kama. Ito ang dream bed ni kuya na palaging sinasali niya sa imahinasyon niya. Kapag daw naging mayaman siya ay bibili siya ng higaan na king size at ganito ang kulay.
Mabilis naman akong bumaba sa higaan nang maalala ang lalaki na tumulong sa akin kanina... Anong oras na ba?.
Siya ba nagdala sa 'kin dito? Sa kanya ba ito? Bakit dito niya ako dinala? Ba't hindi niya ako ginising?
Napasinghap pa ako nang makitang iba na ang suot ko ngayon. Isang terno ng pajama na... 'Pambabae?'
At mas lalong nanlaki ang aking mata nang wala na akong suot na bra. 'Buti at naka-panty short pa ako. Nakatulog ba ako? Bakit hindi ako nagising kung may nagbibihis sa aking ibang tao?
'Patay ako nito kay kuya!'
Lumabas ako ng kwarto at mas lalong namangha sa paligid. Malinis at malaki din ang space. Kahit medyo madilim dahil nakapatay ang ibang ilaw ay nakikita ko pa rin ang paligid. May tatlong sofa na mahaba at may isang mahabang glass table sa gitna. Ganoon kalaki ang sala na parang ilang tao ang nakatira sa laki ng bahay na 'to. O apartment?
Walang tao pero nakita kong may ashtray sa gitna ng glass table at base sa yosi na nandoon ay bago pa lang ang abo. Nagyoyosi kasi si lolo kaya alam kong bago o hindi ang abo sa ashtray.
Nang mapansin kong sobrang liwanag ng kusina ay pupuntahan ko sana iyon kaso may nahagilap akong picture frame na nakapatong sa pinatungan ng TV. Wala kasing picture doon sa kwarto.
Agad ko itong nilapitan at sinuri nang maigi dahil malabo ang paningin ko. Isang litrato ng batang lalaki na hindi ko kilala. Siguro ito 'yong lalaking tumulong sa 'kin. Katabi niya ay isang batang babae din. Kapatid niya?
Binalik ko na iyon sa harapan ng TV tsaka tinungo ang kusina. Alam kong nandoon siya kasi doon nanggagaling ang liwanag.
Nakita ko siyang nakatalikod sa gawi ko at busy sa kanyang ginagawa. Hindi ko alam kung anong unang sasabihin o kung paano ko maagaw ang atensyon niya kasi parang sobrang seryoso niya. Sobrang bilis pa niyang mag-type. Sinilip ko ang monitor pero 'di ko naman naiintindihan. IT student kaya siya?
May isang tasa ng black coffee sa mahabang mesa at meron ding ashtray na may yosi na nakasindi pa.
'Ang dami niya yatang ashtray?'
'Yong sigarilyo ay kalahati na lang, malibang sa dalawang ubos na, pero 'yong kape ay hindi pa nagagalaw.
Bumuntong-hininga ako at naisipang tigilan na ang pag-obserba ng palagid at kukunin ko na ang atensyon niya.
"Ehem!"
Nagulat naman ako nang mabilis siyang humarap sa akin at sinamaan ako ng tingin. Napaka-alerto kasi ng galaw niya dahilan na napaatras ako nang kunti.
"When did you get here?"
'Ayan na naman ang mga mata niyang palaging galit.'
Siguro ganyan lang talaga siya tumingin. Parang sinusuri ang buong pagkatao kung makatingin siya kaya nakakailang.
"Ngayon lang po. N-Nasaan pala ako?"
'Bakit ako pa ang nailang? Eh dapat ko nga siyang tanungin at may karapatan akong magtanong.'
Ilang segundo pa niya akong tiningnan bago siya bumuntong-hininga at sinarado ang kanyang laptop nang hindi inalis ang tingin sa 'kin.
"You're in my condo. You fell asleep in my car and I didn't know your address."
"Ba't hindi mo ako ginising?"
"You're sleeping so soundly," sarcastic niyang sabi na ikinakunot ng noo ko. Ba't parang pabigat yata ako sa kanya?
"S-sino pala nagpalit ng damit ko?"
Tinitigan ko siya nang tumayo siya at dinala ang tasa ng kape at ibinuhos ito sa lababo at hinugasan.
"My cousin. Don't worry."
Nakahinga naman ako nang malalim. Akala ko siya.
Bigla akong nakaramdam ng pamumula sa isipang iyon kaya agad ko itong kinalimutan.
...
Itutuloy...