Chapter 58 - Chapter 58

Kinabukasan, nagising si Mira at napansin niyang nag-iisa na lamang siya sa higaan. Sinapo niya ang noo at bumuntong-hininga. Sa wakas ay nawala na rin nag lagnat niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maintindihan kung bakit siya biglang nilagnat kahapon gayong maayos naman ang pakiramdam niya bago ito.

Marahan niyang tinungo ang banyo para maligo, bahagya na rin kasi siyang nakakaramdam ng panlalagkit . Matapos maligo ay agad din siyang nagbihis at tinuyo ang buhok bago lumabas ng kwarto. Sa kanyang paglabas ay nagulat pa siya nang biglang may yumakap sa kanya sa kaniyang paanan.

"Aya? Bakit?" Tanong niya at niyukod ang bata. Binuhat niya ito tinitigan.

"Mama, magaling ka na? Bakit nasa labas ka? Sabi ni Daddy bawal ka pa lumabas." Wika ni Aya at napangiti si Mira.

"Oo magaling na ako, wala na akong lagnat." Wika niya. Bahagya pang nanunuyo ang kanyang lalamunan dahilan para mag-iba nang konti ang boses nito. Umiling si Aya at idinikit ang ulo sa noo niya.

"Pagagalingin ka ni Aya, Mama." Sambit nito at ipinikit ang mata. Mayamaya pa ay nakaramdam siya ng malamig na hanging yumayakap sa kanila ay dagli din iyong nawala nang magmulat si Aya ng mata.

"Magaling ka na Mama."

"Talaga?" Tanong niya at nagulat pa siya nang mawala ang pamamaos niya. Napangiti siya kay Aya at marahan itong niyakap.

"Aya, maari bang huwag mo nang gamitin ang kakayahan mo. Simpleng lagnat lang ang sakit ni Mama , baka ikaw naman ang magkasakit." Malumanay niyang sermon dito.

"Ayos lang si Aya, Mama." Sagot naman nito bago yumakap sa leeg niya.

Pagkababa nila sa hagdan ay agad ding sumalubong sa kanila si Dylan at ang dalawa nitong aso.

"Mira, bakit bumaba ka na?" Tanong nito habang nakatitig sa kaniya.

"Magaling na si Mama, Kuya Dylan." Anunsyo ni Aya. Agad din naman bumaba si Aya qt nakipaglaro sa mga aso ni Dylan.

"Nasaan si Sebastian, Dylan."

"Maaga siyang tumungo sa opisina. Babalik agad si Kuya. Magpapahanda lang ako ng almusal mo." Wika nito at iniwan siya sa sala. Nang makaalis na si Dylan ay biglang napaisip si Mira. Muli niyang binalikan ang mga alaala ng panaginip niya kahapon. Sa kanyang panaginip ay nakita niya ang kanyang tunay na ina. Napapakunot ang noo niya dahil tila ba buhay na buhay ito sa kaniyang panaginip. Hindi rin niya matukoy kung nasaan ba ito ngunit tila nasa isang kwarto iyon. Bakit ganun na lamang ang panaginip niya gayong alam naman niya sa wala na ang kaniyang ina? 

"Mira, ayos ka lang ba?" untag na tanong ni Dylan, may dala itong sandwich at isang baso ng orange juice. Napatingin naman si Mira kay Dylan at bahagya itong ngumiti.

"Dylan, nanaginip ako kagabi, hindi ko maipaliwanag pero parang buhay si Mommy,sa panaginip kung iyon." wika niya at naupo si Dylan sa tabi niya. Marahan niyang inilapag ang dalang plato at baso ng juice bago harapin ang dalaga.

"Minsan na ding nangyari sa akin iyan Mira, kaya ko din minsan nasabi na hindi pa patay ang mommy ko dahil na din sa panaginip kung iyon. Mahirap ipaliwanag, hindi ba? Lalo na sa mga taong nakita at nasaksihan ang kamatayan nila." Wika ni Dylan habang malalim na nag-iisip.

"Oo, mahirap Dylan. Naguguluhan ako, ang sabi ni Daddy sila mismo ang naglibing kay mommy kaya sigurado silang patay na si Mommy. Kung totoo ang pangitain sa panaginip natin at buhay ang mga mommy natin, sino ang mga namatay sa harapan nila?" Tanong ni Mira at nagkatinginan nag dalawa.

"Merong hindi tama Mira, Marahil ay merong nagmamanipula sa mga kaganapan noong namatay kuno ang ating mga magulang. Malakas ang kutob ko na kagagawan ito ng Orion. Dati pa man, ay napakadulas nila sa aming imbestigasyon. Khit sila Kuya Sebastian na nanggaling doon ay hirap na hirap na tuntunin ang kuta ng Orion. Para silang kabuteng susulpot at bigla-bigla din mawawala." 

Napabuntong-hininga naman si Mira at bigla siyang natigilan. Naalala niya bigla ang nangyari sa kaniya matapos ang Charity event.

"Sa Regal Plaza." Bulalas ni Mira.

"Anong meron sa Regal Plaza?"

"Nang papalabas na kami sa plaza, may narinig akong himig na kumakanta. nang banggitin ko ito kay Sebastina, sabi niya wala siyang naririnig, pero sigurado ako sa narinig ko Dylan. Posible kayang malapit doon ang kutang Orion?" Nangingislap ang matang tanong ni Mira.

"Posible, sabihin natin kay Kuya para makapagpadala sila ng mga taong magmamanman doon. Kung tama ang hinala mo, makukuha na din natin ang kasagutan sa mga panaginip natin." Wika naman ni Dylan at agad na tumawag kay Sebastian.

Matapos makapag-almusal ay bumalik na si Mira sa kwarto niya upang muling magpahinga. Alam niyang kagagaling lang niya sa sakit at hindi pa gaanong nanunumbalik ang lakas niya, kahit pa sabihing napagaling na siya ni Aya ay kailangan pa rin niyang mag-ipon ng lakas. Habang nakahiga siya at matamang nakatitig sa kisame ay bigla siyang napabangon.

"Kung totoong buhay si Mommy, sino ang inilibing nila Daddy? Paano siya namatay?" Mga katanungang biglang pumasok sa kaniyang isipan. Dali-dali siyang nagbihis at nagsend ng message kay Sebastian na pupunta sa bahay ng kanyang ama.

Pagdating doon ay agad din siyang sinalubong ni Liam sa pinto. Masayang yumakap ito sa kaniya at magilw siyang iginaya sa loob ng bahay.

"Bakit bigla ka napadalaw hija, balita ko ay nagkasakit ka kahapon."

"Ayos na po ako Dad. May mahalagang bagay lang po akong itatanong sa inyo. Alam kong ayaw niyo itong pag-usapan ulit, subalita nais ko pong maliwanagan. Dad, ano po ba ang ikinamatay ni Mommy?" Tanong ni MIra nang makaupo na sila sa sofa.

"Ang mommy mo, halos mabaliw kakahanap sa iyo buhat nang mawala ka, araw-araw nagda-drive siya at umiikot sa lahat ng kalsada upang hanapin ka. Isang araw naaksidente ang mommy mo. Nabangga siya ng isang rumaragasang truck, nahulog sa bangin ang kotse ng mommy mo at sumabog ito. Nang makuha namin ang bangkay ng mommy mo, hindi na ito makilala, ngunit alam kong siya yun dahil sa suot nitong singsing at bracelet. Ipina-creante agad ang bangkay bago siya pinaglamayan." malungkot na kwento ni Liam.

"Dad, hindi niyo ba naiisip na ipa DNA test ang bangkay bago i-cremate? Paano kayo nakasisigurong si Mommy nga ang bangkay na iyon. Maaring pinalitan ang bangkay, maaring inilagay lang doon ang singsing at bracelet ni mommy."

"Mira, bakit mo nasasabi iyan?" takang tanong ni Liam sa anak. Sigurado siyang patay na ang kanyang asawa ngunit bigla siyang nakaramdam ng pananabik rito. Nang makita niya ang naluluhang mata ni Mira ay pakiramdam niya'y nais rin niyang umasa na hindi iyon ang asawa niyang si Allena.

"Dad, I have this dream. Mom is still alive somewhere. Paano kung totoong buhay si Mommy? Dad, may posibilidad na buhay ang mommy, si Dylan, minsan din niyang napanaginipan ang mommy niya, katulad ng panaginip ko. They were in a vcertain room sitting. Hindi ko alam kung saan iyon. Marahil sa kuta ng Orion." salaysay ni Mira at nanlaki ang mga mata ni Liam.

"Mira, are you sure?" tanong ni Liam. "Kung totoong buahy ang Mommy mo, gagawin ko ang lahat mahanap lang siya. Mira, panghahawakan natin ang oanaginip mong iyan, hahanapin natin ang mommy mo okay. Totoong buhay man siya o talagang wala na siya, ang mahalaga ay sinubukan natin. Para na din sa ikatatahimik ng ating mga puso. Subalit, lubos akong umaasa na muli nating makakasama ng mommy mo." Wika ni Liam at napangiti si Mira, tumango siya at yumakap sa kaniyang ama.

"Yes Dad, gagawin ko ang lahat para mahanap si Mommy. Makikipagtulungan ako kila Sebastian para mahanap si Mom." 

Kinahapunan ay sinundo ni Sebastian si Mira sa mansion ng mga Vonkreist. Tahimik na nagbiyahe sila pauwi at si Sebastian ang unang bumasag sa kanilang katahimikan.

"Are you sure about the Regal Plaza?"

Napatingin naman si Mira sa binata. Nakita niya sa mga mata nito na wala itong kahit anong pagdududa. Naangiti si Mira at bahagyang tumango.

"Hula ko lamang iyon, tawagin na lamang nating instinct. Naalala mo ang nabanggit kung narinig ko nang makalabas tayo sa lugar na iyon. It's either, nandoon sa mismong lugar o malapit doon. Bastian, sa panahon natin ngayon, possible ang mga underground facility, hindi ba? Paano kung buong buhay natin nasa ibaba lang pala sila?" tanong ni Mira at biglang naliwanagan si Sebastian.