Chapter 63 - Chapter 63

"May naririnig ka na ba?" Tanong ni Dylan habang nasa balcony sila ng kwartong inuukupa nila. Nakatayo si Dylan habang si Mira naman at nakaupo sa gilid habang itinutuon ang pansin sa lugar na pinagmamatyagan nila.

"Wala pa Dylan, masyadong maingay ang naririnig ko, hindi ko pa naririnig yung boses na huli kong narinig dito." Sagot ni Mira habang nakapikit ang mata. Maigi niyang pinakikiramdaman ang mga tunog na naririnig niya sa kaniyang paligid. Tila ba sa kaniyang ginagawa ay nakakaya niyang makita ang mga bagay na malayo sa kaniya gamit lamang ang mga tunog na naririnig niya. Nagbabakasakali na muli niyang marining ang boses na iyon. Ngunit sumapit na lamang ang hating-gabi ay wala pa rin siyang napapala.

"Mira, magpahinga ka na, magkakasakit ka sa ginagawa mo, hindi naman tayo nagmamadali," Untag ni Sebastian. Ipinatong nito sa balikat ni Mira ang makapal na jacket upang maging proteksyon nito sa lamig.

"Bakit ganoon Bastian, hindi ko na siya naririnig? Guni-guni ko lang ba iyon?" Nagtatakang-tanong ni Mira. Napangiti naman si Sebastian at marahang hinatak si Mira at niyakap ng mahigpit.

"Huwag kang mag-alala, maririnig mo rin siya. Makikita din natin ang Mommy mo kung saka-sakaling buhay pa siya." Sambit ni Sebastian bago dampian ng halik sa noo si Mira. Napangiti naman si Mira at inihilig ang ulo sa dibdib nito. Nakaramdam siya ng kapayapaan at marahang napabuntong-hininga.

Kinaumagahan, paggising ni Mira ay agad niyang tinungo ang balcony ay pinagmasdan ang papasikat na araw. Panaka-nakang nakakarinig na siya ng mga boses ng taong nag-uusap habang dumadaan sa harapan ng hotel na kanilang kinaroroonan. Muli ay itinuon niya ang kaniyang kamalayan sa mga boses na iyon sa pagbabakasakaling muli niya itong maririnig ngunit katulad kagabi ay bigo pa rin siya.

"Hindi kaya masyado pa rin malayo ito?" usal niya sa sarili. Pumasok na siya sa kwarto at naligo. Matapos ay agad siyang bumaba ng hotel. Wala na sa kwarto si Sebastian kaya marahil ay nasa baba ito o baka nasa isang restaurant sa loob ng hotel para magpahanda ng almusal nila. Pagkababa niya sa lobby ay nakasalubong niya si Antonio kasama ang isang matangkad na babaeng pamilyar sa kaniya. Nakita na niya ito sa isang commercial sa telebisyon. 

"Long time no see, Mrs. Saavedra." Bati nito at nahimigan kaagd ni Mira ang pagiging sarkastiko nito. Bahagya naman natawa ang babaeng kasama nito na ikinataas ng kilay ni Mira.

"Mrs. Saavedra? Siya ba ang napapabalitang asawa ni Sebatian Claude Saavedra?" Agap na tanong ng babae habang napapakunot- noo. "What happen to Denise?" Dagdag na tanong nito at natawa lang si Antonio.

"Well, obviously, that friend of yours lose her chance to be the lawful wife of Sebastian." Sagot ng binata at lalong kumunot ang noo nito. Muling hinarap ng babae si Mira at tinitigan siya nito mula ulo hanggang paa na tila ba siya ang pinakamaruming babaeng nakilala nito.

"For this cheap woman? I don't really understand the thoughts of men. Paano niyo nakukuhang magkagusto sa mga babaeng katulad nito? She's nothing but a cheap, scheming woman," iritableng wika ng babae at bahagyang natawa si Antonio. Tahimik naman pinagmasdan ni Mira ang babae at tinaasan niya ito ng kilay. Habang abala io sa paglilitanya ay palihim niyang pinagana ang kaniyang kakayahan upang kalasin ang tali ng suot-suot nitong halter dress na nakalaso.

"Eunice, I am not one of them, I know how to choose my woman." malambing pang wika ni Antonio na agad ding sinang-ayunan ng babae.

"Of course, Antonio."

Natawa naman si Mira nang makita ang paglalabingan ng mga ito sa gitna ng lobby.

"Ay oo bagay nga kayo, tama nga talaga ang kasabihang, birds of the same feather flocks together." Sarkatikong sagot naman ni Mira at mabilis na tinalikura ang mga ito. dahil sa inis ay hahabulin pa sana ni Eunice si Mira ngunit biglang nakalas ang tali ng dress niya at nahulog ito sa sahig , dahilan upang bumalandra sa madla ang hubad nitong katawan na ang tanging saplot ay ang pulang lace lengerie nito. Napatili siya ng malakas at nakuha naman nito ang pansin ng mga taong naroroon at kitang-kita ng mga ito ang halos hubad niyang pagkatao. Mabilis naman na umupo si Eunice para damputin at isuot ang kaniyang damit, paglingon niya ay wala na pala sa tabi niya si Antonio. 

"The h*ll with you Antonio, humanda ka sa akin mamaya." Inis na sambit ni Eunice at patakbong tinungo ang isang elevator para umakyat sa unit na inuukupa nila.

Napangisi naman si Mira habang pinagmamasdan ang tumatakbong si Eunice.

"That was too naughty of you dear." wika ng isang boses na ikinabigla pa niya. Paglingon niya ay bumungad sa kaniya si Sebastian na may maliit na ngiti sa kaniyang mga labi. Pinamulahan naman ng pisngi si Mira dahil sa kahihiyang naramdaman, nakita pala ni Sebastian ang kalokohang ginawa niya.

"Sila naman ang nagsimula, hindi ko sila inaano." sabi pa niya at natawa naman si Sebastian.

"Was it satisfying?" Tanong ni Sebastian. Napaisip naman si Mira at bahagyang tumango. Ngumisi pa siya bago ipinulupot ang kamay sa braso ng binata.

"You know me, hindi ako magsisimula ng gulo kung hindi ako naaagrabiyado. Ayoko lang naman na isipin nila na pwede lang nila akong apakan ng ganon. Isa akong Saavedra kaya hindi ako papayag na alipustahin nila ako at isa pa nakataya din ang apelyido kong Vonkreist dito." Paliwanag niya at tumango-tango naman si Sebastian habang naglalakad sila patungo sa restaurant na malapit doon.

Pagadating sa restaurant ay agad na silang umorder ng kanilang pagkain. Nandoon na din si Aya na kanina pa pala naghihintay sa kanila. 

"Daddy, bakit ang tagal niyo, sabi mo susunduin mo lang si Mama," agad na reklamo ni Aya, halatang gutom na ito at sabik nang kumain.

"Naglaro pa kasi ang Mama mo kaya medyo natagalan kami, pasensiya ka na," pilyong wika ni Sebastian, nanlaki naman ang mata ni Aya at napatingin kay Mira.

"Mama, bakit naglaro ka nang wala si Aya? Ayaw mo ba akong kalaro?" Nagtatampong tanong ng bata at natawa naman si Mira. Marahan niyang kinurot ang pisngi nito at humalik sa noo ng bata.

"Syempre, gusto kitang kalaro higit kanino man, Yung kanina kasi, ibang laro ang tinutukoy ng Daddy mo. Hindi ko pwedeng sabihin kasi ayokong gayahin mo iyon." paliwanag naman ni Mira na agad din namang naintindihan ni Aya. Matalinong bata si Aya kaya alam ni Mira na madali niya iyong maiintindihan. Mayamaya pa ay dumating na ang kanilang pagkain at kumain na sila. Matapos ay muli nang bumalik si Aya sa kwarto nila kasama si Dylan, habang si Mira at Sebastian naman ay naglakad-lakad sa parke malapit sa Regal Plaza.

Napakaganda ng lugar na iyon, napakatahimik rin at eco-friendly. Marami silang nasisipat na taong namamasyal din sa parke kasama ang mga anak nila at ang iba naman ay mga alagang hayop ang dala. Sa kanilang paglalakad ay biglang napahinto si Mira nang muli niyang marinig ang boses na animoy kumakanta. Napakalungkot ng tinig nito na ramdam ni Mira ang sakit nitong dinaramdam. Wala sa sarili niyang sinusundan ang tinig na iyon habang tahimik lang naman na nakasunod si Sebastian sa kaniya.

Sa pagdaan ng minuto ay narating nila sa eskinitang minamatyagan nila, doon ay nagkunwari silang napadaan lamang at huminto saglit.nnakatayo sila sa gilid di kalayuan sa lugar habang nakaharap sa kalsada para hindi mahalata na ang nasa loob ng eskinitang iyon ang pakay nila.

Mariing ipinikit ni Mira ang kaniyang mata habang ang katawan niya ay nakahilig kay Sebastian.

"Kung sino ka man, kung naririnig mo ako, pakiusap, sabihin mo sa akin kung nasaan ka," usal ni Mira sa kaniyang isipan. Saglit siyang nakarinig ng matinis na tunog sa kaniyang tenga bago ito napalitan ng tinig na parang humihingal.

"Sino ka?" Napamulat si Mira sa sobrang kagalakan nang marinig ang tugon nito. Napakapit siya nang mahigpit sa kamay ni Sebastian.

"Bastian, naririnig ko na siya. Yung boses mg babaeng kumakanta." Masayang anunsyo ni Mira.

"Anong sabi niya?"

"Tinugon din niya ng tanong ang katanungan ko, sandali lang at kakausapin ko muna siya," sagot ni Mira nang maitanong ni Sebastian dito. Muli na niyang ipinikit ang mata niya at kinausap ang babaeng sa kaniyang isipan.

"Huwag kang matakot, mabuti akong tao, ako si Mira, nandito ako sa labas ng lugar na kinaroroonan mo, maari mo bang sabihin kung ayos lang kayo diyan?" Tanong ni Mira habang, ipinapaliwanag dito ang kanilaang hangarin.

"Umalis na kayo, bago ka pa mahuli ng mga tauhan ni Alejandro. Kung sino ka man, maraming salamat pero hindi mo kailangan ibuwis ang kaligtasan mo para mailigtas kami. " Tugon ng kausap ni Mira at nakaramdam siya ng matinding kalungkutan.

"Marami akong kasama, at matagal na naming gustong mahanap ang grupo ng Orion, pakiusap, kahit para sa mga batang nasa loob at mga batang mabibiktima pa nila. Makipagtulungan ka sa amin. Impormasyon lamg ang kailangan namin sa pasikot-sikot ng lugar at mga galaw ng mga taong nakabantay sa loob." Usal ni Mira sa isipan niya.

"Bakit niyo hinahanap ang Orion?"

"May mga kasamahan akong nakatakas galing sa Orion noon at ibig nilang pabagsakin ang naturang grupo. Ang asawa at anak ko ay minsan ding naging biktima ng grupong yan. Pakiusap, makipagtulungan ka na sa amin. " Muling usal ni Mira at tanging buntong-hininga lamang ang siyang naging tugon nito.