"Why don't we treat it as if we are having a vacation?" Untag naman ni Leo an noo'y kababangon lang din sa kaniyang pagkakatulog.
"Fine, lalakad tayo mamayang gabi, we need a proper cover up." Wika ni Sebastian at nagkatinginan naman sila.
"Hindi ba't kaarawan na bukas ni Dylan, bakit hindi na lang natin i-celebrate doon para naman hindi tayo maging halata." Suhestiyon ni Carlos at napatingin naman sila kay Dylan. Alam ng tatlong lalaki na hindi sini-celebrate ni Dylan ang kaarawan nito dahil iyon din ang araw ng kamatayan ng kaniyang Mommy, kaya naman ganoon na lang ang tingin nila sa binata, hinihintay ang kasagutan nito.
"I don't mind." Saad ni Dylan at nagkibit-balikat. Kung para sa misyon nila ay kaya niyang isantabi ang nararamdaman niya. At isa pa, may namumuo ding pag-asa sa puso niya na buhay pa ang kaniyang ina.
"O, ayan na, ayos na ang lahat. Tatawag na ako sa hotel para magpareserve." Wika ni Carlos at agad ding kinuha ang cellphone at lumabas ng study room. Pagbalik nito ay nakangisi nitong inilahad na ayos na ang kanilang reservation.
Sa kabilang banda naman, seryosong nakatingin si Alejandro kay Antonio habang inilalahad nito ang kasalukuyang kinaroroonan ni Dylan.
"Hindi mo mapapasok ang teritoryo ni Sebastian, sinasabi ko sayo, sa oras na makapasok ka, paniguradong hindi ka na makakalabas ng buhay." Wika ni Antonio at humagalpak ng tawa si Alejandro.
Batang-bata ang mukha ni Alejandro at tila ba magkasing-edad lang sila ni Antonio sa kabila ng edad nitong nasa kwarenta na. Matikas din ang pangangatawan nito at mapusyaw na kayumanggi ang kulay ng matatalim nitong mata.
"Minamaliit mo ba ang kakayahan ko bata? Antonio, kung hindi dahil sa akin ay hindi ka mapupunta sa kinaroroonan mo ngayon. Isa lang ang bagay na hinihingi ko at yun ay ang katawan ni Dylan." Tumayo ito at tinungo ang wine cabinet, kumuha ng bote ng alak at nagsalin sa isang baso.
"Ilang taon na ba ang hinintay ko Antonio? Hanggang ngayon kahit daliri ni Dylan ay hindu mo magawang madala sa akin." Nakangiting wika nito ngunit ramdam ni Antonio ang kilabot sa bawat katagang binibitawan nito. Para siyang nakasalang sa kumukulong tubig, palihim na naglalandas ang butil-butil ng pawis sa kaniyang likod.
"Pero Dad, bakit ba ganoon na lang ang obsession mo kay Dylan, ano ba talaga ang meron sa weirdo'ng iyon?" Tanong ni Antonio at muling natawa si Alejandro.
Muli siyang napatitig sa ikalawang anak niya na siyang itinanim niya sa tabi ng pamilya ni Dylan. His purpose? Destroy the balance of Dylan's family, katulad ng ginawa niya sa pamilya ni Sebastian. Napakatagal na panahon din niyang pinlano ang lahat, paunti-unti at dahan-dahan niyang pinasok ang bawat pamilyang ito. Nagtagumpay siya sa pagsira ng pamilya ni Sebastian subalit hindi niya inaasahan ang angking katalinuhan ng binata at nagawa nitong itayo ang sarili nang hindi nangangailangan ng tulong sa ama nito.
"Hindi mo na kailangan malaman kung ano ang kailangan ko kay Dylan, gawin mo ang inuutos ko. Malapit nang maubos ang pasensya ko sayo Antonio. Bakit hindi mo gayahin ang Kuya Rimo mo? Walang angal, lahat ng ipinapagawa ko laging tapos at tagumpay." Saad pa nito na ikinasakit naman ng loob ng binata subalit hindi niya ito ipinakita kay Alejandro.
" Yes Dad, pasensiya na kung lagi kitang nadi-disappoint." Sambit niya at yumukod dito. Tuso man siya sa ibang tao ay nagiging magpakumbaba siya sa harap ng biyolohikal niyang ama. Nais man niyang magtampo rito ngunit wala iyong puwang sa puso nito. Tahimik na nilisan ni Antonio ang kwartong kinaroroonan ni Alejandro at tinungo naman ang silid ng kaniyang kapatid.
Naabutan pa niyang nasa gym si Rimo, bakat sa katawan nito ang matinding karanasan nito sa pakikipaglaban. Nag-uumbukan ang mga kalamnan nito na halos walang pinagkaiba sa mga body builders.
"Kuya Rimo." Bati niya at huminto ito sa pagwo-workout. Ngumiti ito at kinuha ang tuwalyang nakasampay sa gilid nito at pinahid ang pawisan niyang katawan at mukha. Pagkuwa'y lumapit ito kay Antonio at tinapik sa balikat.
"Hulaan ko, napagalitan ka na naman ni Dad. Huwag mong intindihin ang mga sinsabi niya, gawin mo lang ang dapat mong gawin at magkakaayos din kayo." Abiso ni Rimo at kumuha ng tubig sa personalized refrigerator na nadoon sa loob ng gym. Hinagisan naman niya ng canned beer si Antonio bago ito kinumusta.
"Maayos naman ang buhay ko sa poder nila, malapit nang mailipat sa pangalan ko ang buong ari-arian nila at walang kaalam-alam ang matanda."
"Hmmm... Magaling, malaking tulong sa organisasyon ang perang makukuha natin sa kanila. Pagbutihan mo pa Antonio, siguradong matutuwa sayo si Dad. " Saad pa ni Rimo at ngumiti naman si Antonio. Tumango siya at agad na ding nagpaalam dito.
Samantala, nagkita-kita na ang grupo sa Arcadia Hotel na malaput sa Regal Plaza. Mula sa balcony ng kinaroroonan nilang Presidetial suite ay tanaw nila ang kabuuan ng lugar. Nakaupo si Mira roon habang tahimik niyang pinagmamasdan ang lugar. Nagkikislapan ang mga ilaw sa paligid nito at napakatahimik ng gabi. Sino ang mag-aakalang sa ganoong katahimik na lokasyon ay may nagkukubling nakakapangilabot na lugar. Para din itong tao, na sa akala mo ay napakabuti ngunit sa likod ng maamo nitong maskara, nagkukubli ang isang mapanakit na dem*nyo.
"Bakit ang lalim naman ng iniisip mo?" Untag na tanong ni Sebastian at marahan niyakap si Mira mula sa likuran nito.
"Wala naman, naisip ko lang kung bakit nangyayari ang lahat ng ito. Yung nangyari kay Dylan, sa akin at sa inyo. Para tayong pinagbuhol-buhol ng tadhana para magsama-sama."
"Mamaya, susubukan kong palawakin ang sakop mg aking isip, sana lang gumana. Hindi ko alam kung kakayanin ko Bastian. Natatakot akong malaman ang totoo, subalit nais ko ring malaman ito."
"Don't be scared Mira, alalahanin mong nandito ako palagi sa likuran mo. I can be your shield, kahit umulan pa ng bala, sasaluhin ko iyon para lang ligtas ka. " Wika ng binata at iniharap nito ang katipan. Hinaplos niya ang pisngi nito at akmang hahagkan nang biglang bumukas ang pinto at masayang pumasok doon si Carlos at Beatriz na agad ding natigilan.
Malakas na hampas ang natanggap ni Carlos mula sa asawa at natawa naman si Carlos.
"Pasensiya na bro kung naistorbo ko ang sweet moment niyo ni Mira. Naisip kasi namin na gawing espesyal ang araw na ito para kay Dylan. Sa buong buhay na nakasama natin siya ito ang unang beses na pumayag siyang i -celebrate ang birthday niya. Ano sa tingin mo? Mayaman ka naman kaya, paniguradong sisiw lamg sayo ito."
"Nakausap na din namin ang mismong chef ng hotel para ipasadya ang mga paboritong pagkain ni Dylan." Dagdag naman ni Beatriz sa sinabi ng esposo nito.
"Magandang ideya yan kung ganon, sa dami ng masasalimuot niyang alaala, dapat mapalitan na iyon ng masasaya." Sang-ayon naman ni Mira.
"O, siya gumayak na tayo, siya na muna ang pagbantayin natin dito para hindi niya tayo mapansin." Wika naman ni Sebastian. Nagsikilos na sila, at pansamantalang pinagbantay muna nila sa balcony si Sylan para magmasid.nmatalas ang pandinig at paningin ni Dylan sa gabi kaya hindi ito nakahalata sabplano ng kaniyang mga kapatod. Wala din namang naging problema sa grupo nila Sebastian at maayos nilang naihanda ang mga sorpresa para kay Dylan. Sumapit ang alas otso ng gabi, pansamantala nilang isinantabi ang kanilang misyon para maayos na maipagdiwang ang ika-dalawamput-isang taong kaarawan ni Dylan.