Chapter 35 - Chapter 35

Matapos ang eksenang iyon ay agad nang nagpahinga si Mira while Sebastian rewarded himself a cold shower. Matapos maligo ay muli na siyang bumalik sa higaan at tahimik niyang pinagmasdan si Mira habang ito ay natutulog.

Napaupo naman si Sebastian sa tabi ng dalaga at marahang hinawi ang hibla ng mga buhok nitong kumalat sa kaniyang magandang mukha. Napapangiti siya habang hinahaplos ang makinis nitong pisngi at binabalikan ang maliit nilang tagpo kanina. Mira is too innocent for him, tulad nga ng parating sinasabi ni Carlos sa kanya—Mira is an angel while he is a d*mon.

Kinabukasan, mtapos nilang mag-almusal kasama si Gunther at Liam at agad na din silang umalis sa mansiyon. Nangako naman si Mira na dadalaw sa mga ito kapag wala siyang ginagawa at kapag weekend. Ikinatuwa naman ito ni Liam dahil kahit pa-paano ay makikita niya at makakasama si Mira.

"O sige, mag-iingat kayong dalawa. Tawagan niyo kami kapag may problema kayo. Sebastian, ikaw na ang bahala dito kay Mira. Alam kong hindi mo siya papabayaan kaya panatag ang loob ko." Wika ni Liam na agad din namang tinugon ni Sebastian ng isang ngiti.

Nang tuluyan na silang makaalis sa mansyon ng mga Von Kreist lulan ng kanilang sasakyan ay agad namang napabuntong-hininga si Mira. Nakatanaw siya sa labas ng bintana habang nakasandal sa upuan niya.

Napansin naman ito ni Sebastian at agad siyang napangiti.

"Don't be sad, you can still visit them anytime." Wika ni Sebastian at tumango naman si Mira. Sumeryoso naman bigla ang mukha ni Mira nang mapatingin kay Sebastian.

"Bastian, sa tingin mo, sino kaya ang mga tao sa likod ng pagkakahiwalay ko sa aking pamilya?"

"Sa ngayon wala pa kaming clue, huwag kang mag-alala, sasabihan kita kapag nagkaroon na ng resulta ang pag-iimbestiga ng mga tao ko. Sa ngayon, mag-focus ka na muna sa pag-aaral mo. Malapit na ang final exam mo kaya yun muna ang isipin mo." Wika ng binata at wala nang nagawa si Mira kundi ang sumang-ayon dito.

Wala din naman siyang magagawa kundi ang maghintay ng resulta. Tulad nga ng sabi sa kanya ng Daddy niya ay hindi pa nila alam kung sino-sino ang mga taong kumakalaban sa kanila noon pa man. Hindi nila alam kung saan unang aatake ang mga ito.

Nang marating na nila ang kanilang bahay ay agad naman silang sinalubong ni Dylan at Jacob nang nakangiti.

"How's your vacation?" Birong tanong ni Jacob sa kanila.

"Bakit ka nandito?" Balik na tanong ni Sebastian na ikinatawa naman ni Jacob.

"Bro, kababalik ko lang galing Africa, masyado akong napagod kaya sumama na muna ako kay Dylan. Maganda pala ang bahay ni Dylan kaya napagdesisyonan ko na dito na muna ako titira habang nandito ako." Sagot ni Jacob habang nakasunod ito papasok sa mansyon.

"Don't give me that crap Jacob, parang hindi ko alam na may sarili kang bahay dito sa siyudad ah." Napapailing na wika ni Sebastian bago prenteng umupo sa sofa.

Tahimik namang umupo si Mira sa tabi nito na may malalim na iniisip. Hanggang ngayon ay pilit pa rin niyang hinahalukay ang mga alaalang minsan niyang nasilayan sa isipan ng kanyang ama.

"Mira."

Biglang naputol naman ang pag-iisip ni Mira nang marinig niya ang malamig na tinig ni Dylan. Nakatingin ito sa kanya na animo'y nangungusap ang mga mata.

"Bakit, Dylan?" Tanong niya at umiling si Dylan.

"Huwag mong madaliin, magkakasakit ka kapag pinilit mo." Wika nito at napayuko naman si Mira. Agad din namang napalingon si Sebastian nang marinig nag sagot ni Dylan.

"What is it?"

"Kuya, pinipilit ni Mira na halukayin ang mga alaalang nakuha niya. Minsan ko na din itong ginawa at alam mo ang epekto nito sa katawan namin." Sumbong ni Dylan.

"Hindi ko alam." Wika ni Mira at inosenteng napatingin kay Sebastian. "Bastian, hindi ko naman alam na may masamang epekto ito. Nais ko lang makahanap ng clue para mas mapabilis ang inyong pag-iimbestiga. "Paliwanag ni Mira at napatango naman si Sebastian. He doesn't have the guts to reprimand Mira. Alam niya ang dilemma na pinagdadaanan nito ngayon kay hindi niya rin ito masisisi.

"It's alright, you should listen to Dylan. Alam niya ang mga Pros and Cons sa paggamit ng inyong abilidad. But you have to be careful, okay?" Malumanay na wika ni Sebastian na ikinataas ng kilay ni Jacob.

This is the first time he heard Sebastian softly talking to someone. Napakaamo din ng mukha nito na animo'y nakikipag-usap ito sa isang bata.

"Okay." Sang-ayon ni Mira.

Di naglaon ay nauna nang pumanhik si Mira sa kwarto habang naiwan naman sa sala si Sebastian, Jacob at Dylan. Karga-karga pa rin ni Dylan ang alaga nitong tuta na walang ginawa kundi ang matulog sa braso ng binata.

Pagdating ni Mira sa kwarto ay agad na siyang nahiga roon at marahang ipinikit ang kaniyang mata. Pansamantala niyang isinarado ang kaniyang isipan upang kahit papaano ay magkaroon siya ng katahimikan hanggang sa tuluyan na nga siyang lamunin ng kadiliman.

Halos hapon na nang magising si Mira at pagmulat niya ng knaynag mga mata ay bumungad sa kaniya nag liwanag na galing sa papalubog na araw. Marahan siyang bumangon at nasipat niya si Sebastian na nakaupo di kalayuan sa higaan at meron itong ginagawa.

"Bastian, bakit dito ka nagtatrabaho? Hindi ka ba nahihirapan?" Tanong niya. Pansin niya ang mga folders na nakaparok sa maliit na mesa habang pinagkakasya niya ang sarili na pirmahan ito sa ibabaw ng kanyang hita. .

"Patapos na ako. Hinihintay kitang magising . Kamusta na ang pakiramdam mo?" Tanong ni Sebastian at maiging pinakiramdaman ni Mira ang sariling katawan. Wala naman siyang nararamdamang kakaiba sa kaniyang sarili, wala din namang masakit sa kaniya. Marahil kanina ay nakatulog lamang siya dahil sa pagod niya sa byahe.

"Ayos naman ang pakiramdam ko." Sagot niya at tumabi sa binata. Yumakap siya sa braso nito at sumandal sa balikat ni Sebastian.

"Bastian, naisip ko lang, kung ang Mommy ko ay isang Sielvan, hindi kaya kaaway ng Sielvan ang dahilan ng pagdukot sa akin?"

"Posible din iyan. Kaya lang Mira, mas mahirap ang maghanap ng kalaban ng mga Sielvan, dahil ang angkang pinaggalingan ng Mommy mo ay isang angkan ng mga dalubhasang scientist. Namumukod tangi sila dahil natural ang kanilang mga kakayahan." Wika ni Sebastian at namilog ang mga mata ni Mira sa pagkagulat.

"At Mira, ayon din sa Daddy mo, tatlo lamang sa angkang iyon ang may natural na mga kakayahan. Yun ay ang Mommy mo at ang dalawa pa niyang kakambal."

"Yung dalawang kakambal ni Mommy, bakit hindi niya kamukha? May pagkakahawig sila nang kaunti pero hanggang doon lang iyon."

"Fraternal twins sila kaya hindi sila magkakamukha. Sa ngayon ay wala pa kaming impormasyon sa kinaroroonan ng dalawa pa niyang kapatid at kung buhay pa ba ang mga ito."

"Alam kong marami kang katanungan at mga nais malaman. Pero Mira, isipin mo sana mun ang sarili mong kaligtasan at kalusugan. Your ability is not omnipotent, meron ka pa rin kahinaan at limitasyon." Paalala ni Sebastian at napatahimik naman si Mira. May punto at tama nga naman ito. Ngayon pa lamang niya unti-unting natutuklasan ang mga iba pa niyang kayang gawin. Hindi din magiging pabor sa kanya kapag sinubukan niyang abusuhin ito.

"Naiintindihan ko. Sorry Bastian, hindi na mauulit." Wika niya at napangiti naman si Sebastian.

Kinabukasan ay balik eskwela n asila ni Dylan. Tuwang-tuwang napayakao si Veronica kay Mira na aakalain mong isang buong taon silang hindi nagkita. Kamustahan dito, kamustahna doon. Walang patid ang kanilnag pag-uusap hanggang sa tuluyna na ngang magsimula ang kanilang klase.

Lumipas pa ang mga araw at dumating na ang araw ng kanilang exam. Natapos ang buong araw na iyon na halos lahat sila ay pagod na umuwi sa kani-kanilang bahay. Ngunit sabik din dahil sa wakas ay natapos na ang isang buong taon nila sa school at bakasyon na.

"Bakasyon niyo na, anong plano mo?" Tanong ni Sebastian kahit pa alam na niya ang nais ng dalaga.

"Bastian, pwede ba akong mag stay kila Daddy? Kahit ngayong bakasyon lang?" Tanong niya at yumakap naman si Sebastian sa kanya. "

"Of course, alam kong yan ang hihilingin mo. Tamang-tama mangingibang bansa ako dahil kailangna kong i-check ang isa nating kompanya sa Los Angeles. Mapapanatag ako kung doon kita iiwan sa Daddy mo." Wika ng binata na ikinagulat ni Mira.

"Aalis ka?" Biglang nalungkot si Mira at napangiti si Sebastian. Hinalikan niya ito sa labi bago sagutin.

"Just for a week, babalik ako agad. Tatawagan kita palagi, okay ."

"Okay, mag-iingat ka." Wika niya at hinawakan ang kamay ni Sebastian. Buong pagtataka niyang tinitigan nag binata at saka napailing.

"Bakit Mira?"

"Wala naman, tawagan mo ako palagi ha. " Sambit ulit niya at natawa na si Sebastian. He pulled Mira unto his lap ang rewarded her with a fiery kiss.

"I will call you often when I am not busy. I will miss you Mira." Bulong ng binata

"Ma-mi-miss din kita Bastian." Sambit niya at isinubsob ang mukha sa dibdib ng binata. Natawa naman si Sebastian dahil para itong isang pusa na nagsusumiksik sa kanyang dibdib. Her soft lithe body is like a fluffy pillow on his arms. Nais niya itong yakapin ng sobrang higpit but he was scared to crushed her.

Lumipas ang buong araw na iyon na lagi silang magkasama. Kapag meron ginagawa si Sebastian ay nasa tabi lamang si Mira na nakamasid sa kaniya. Kapag wala naman itong ginagawa ay nauuwi sa yakapan at halikan ang bawat minuto nilang magkasama.