Chapter 41 - Chapter 41

Humahangos na niyakap ni Sebastian si Mira. Habang nanlalaki naman ang mata ni Dylan nang makita nitong biglang tinakasan ng lakas si Mira, dahil dito ay lalong humanga si Dylan kay Sebastian dahil maging sa kaniya ay si Sebastian lamang ang nakakapagpabalik ng kaniyang katinuan kapag ikinukulong siya ng sarili niyang utak sa isang mapangwasak na personalidad.

"Kuya, buti dumating ka." humihingal na kinuha ni Dylan ang kutsilyo sa lapag at ipinatong iyon sa mesa. 

"Mmm... iligpit mo ang mga taong ito at dalhin sa basement, ikaw na ang bahala, pero huwag mo silang pap*tayin. Ako ang gagawa," gigil na wika ni Sebastian. Dinig na dinig ni Dylan ang pagkiskisan ng mga ngipin ng kapatid, tanda galit na pilit nitong pinipigilan.

Paglabas niya sa kwarto ay nakita pa niyang nakatayo sa labas ang mga kaklase ni Mira habang buhat naman ni Gunther ang walang malay na si Veronica.

"Let's go!" sambit niya at nilisan ang lugar, hindi na niya nagawang kausapin pa ang mga ito at mabilis na tumalikod at dinala na si Mira papalayo sa lugar na iyon. 

Nang maisakay na ni Sebastian si Mira sa kaniyang kotse ay tinungo muna niya si Gunther. Saktong nailapag na din ng binata ang dalaga sa likod ng sasakyan nang makalapit si Sebastian doon.

"Ayos lang ba si Mira? Bakit ganoon ang naging asal niya?" nag-aalalang tanong ni Gunther.

"Hindi ko pa alam, tatawagin ko si Jacob para mas malinawan tayo. Ikaw na muna ang bahala kay Veronica, dadalhin ko si Mira sa hospital para masuri na din siya ni Jacob ng maayos."

"Sige, mag-iingat kayo. Yung mga lalaking iyon, bago mo sila pat*yin, hayaan mo muna akong makabawi sa kanila kahit papaano." usal ni Guntehr at napangisi si Sebastian bago tumango.

Matapos ang usaping iyon ay tinahak na nila ang magkaibang landas. Dali-daling tinawagan ni Sebastian si Jacob at pinapunta iyon sa hospital na pag-mamay-ari ng mga Vonkreist. Pagdating nila sa hospital ay nakita niya si Jacob na nakaabang na sa knila sa labas. Mabilis na silang pumasok at dinala si Mira sa private laboratory ni Gunther. Doon ay marahan niyang inilapag si Mira at maiging nilinis ang katawan nito bago palitan ng damit katulong ang isang nurse doon.

Matapos mabihisan ang dalaga ay agad ding lumabas ang nurse at naiwan sa loob si Sebastian at Jacob. Ipinasailalim nila si Mira sa ibat-ibang test si Mira upangmasigurado nilang walang magiging problema sa katawan at sa utak nito. Minsan na din itong nangyari noon kay Dylan, ito yung panahon nang aksidenteng mamatay ang alaga nitong aso nang masagasaan ito ng kotse sa daan. Halos nagkagulo ang mga tao noon dahil sa biglang pagwawala ni Dylan. Kung hindi pa dumating si Sebastian ay hindi pa nila ito mapapakalma. 

This time, it's Mira. 

"Ano ba ang nangyari bakit amo'y alak itong asawa mo?" tanong ni Jacob. umaalingasaw kasi ang amoy ng alak sa katawan ng dalaga kahit pa nalinis na nila ito at napalitan ng damit.

"She was forced to drink. Mira lost control when she saw Veronica being humiliated by some trash," Wika ni Sebastian.

Napasinghap naman si Jacob at muling napatingin sa natutulog na si Mira.

"Ibig sabihin, triggering factor niya ang malagay sa panganib ang mga taong mahalaga sa kaniya, plus the intoxication from the alcohol kaya nag-berserk mode siya kanina. How was she, is she powerful?" Tanong ni Jacob habang nangingislap ang kaniyang mata.

"Compared to Dylan, which of them is more powerful?" Tanong ulit nito at napasimangot lang si Sebastian.

"That's your job, not mine. Just make sure she'll be okay." Paalala ni Sebastian at hinaplos ang pisngi ni Mira. She was sleeping peacefully as if nothing bad happened just a while ago.

"For now, let her rest." Mahinang wika niya at naagkibit-balikat lang naman si Jacob bago nilisan ang kwarto nito. He can perfectly monitor Mira in his little dungeon,as long as the sensors are still on her scalp anyway.

Nang mawala na si Jacob ay agad na hinawakan ni Sebastian ang kamay ni Mira, seeing Mira like this makes his heart aches. He doesn't want Mira to experience this pain but who is he to control everything? Hindi siya Diyos upang malaman at mabago ang sitwasyon nito at ang tanging magagawa lamang niya ay ang pangalagaan ito hanggang makakaya niya.

Aside from his grandparents and brothers, Mira is all he have. Without her, he is as worst as the dev*l himself. Muntik na din siyang mawala sa sarili kanina nang makita niya ang sitwasyon nito ngunit mas nanaig pa din ang kalabisan niyang mapakalma ang asawa kesa ang pasl*ngin ang mga lalaking iyon. That time he realizes the great effect of Mira towards his personality. He can be cruel to everyone but not to her. This sudden realization makes him truly vulnerable, para bang ang kahinaan niya ay nakalantad na sa buong daigdig.

Nang magising si Mira ay ramdam niya ang pagsakit ng ulo niya. Pilit niyang inaalala ang mga nangyari bago siya mawalan ng malay. Sa kanyang pagbabalik-tanaw at doon sumagi sa isip niya ang mga pangyayaring ni sa hinagap niya ay hindi niya aakalaing magagawa niya. Napabalikwas siya ng bagon nang maalala niya si Veronica at doon niya napansin ang maliliit na kableng nakadikit sa kaniyang ulo.

"Don't move." Wika ng isang boses. Inilibot niya ang kaniyang paningin at nakita niya si Sebastian na pabangon na din sa sofa, di kalayuan sa kanya.

"Bastian?" Tila hindi makapaniwalang bulalas ni Mira. Nang makalapit na ang binata ay agad na nagyakap ang dalawa.

"Bastian, si Veronica, hindi ko siya natulungan. Yung mga lalaki..."

"Sssh... It's alright. Ligtas na si Veronica. Inihatid na siya ng Kuya mo sa bahay nito. Ligtas ka na din. I'm sorry if I came too late, " wika ni Sebastian. Umiling-iling naman si Mira habang nakayakap sa asawa.

"Paano ka nakauwi agad? Akala ko ba bukas pa ang dating mo?" Tanong nito nang maalaka ang usapan nila sa cellphone.

"Sosorpresahin sana kita. Mabuti na lang at napaaga ang uwi ko. Sa susunod na lalabas kayo ng mga kaibigan mo, ipagbigay alam mo sa kahit sino sa amin ni Gunther. "

"Sorry Bastian," paumanhin ni Mira.

Maya-maya pa ay muli nang pinagpahinga ni Sebastian si Mira upang makabawi ito ng lakas at tuluyan nang mawala sa sistema nito ang alcohol.

Kinabukasan, matapos masiguradong wala nang problema si Mira agad na din silang bumalik sa mansyon ng mga Vonkreist.

"Mira, ayos ka lang ba?" Bungad na tanong ni Liam sa anak nang makapasok na sila sa bahay.

"Ayos na po ako Dad, medyo sumasakit lang ang ulo ko dahil sa alak. Sorry po kung pinag-alala ko kayo." Nahihiyang wika ni Mira.

"Don't say that, Daddy mo ako kaya nag-aalala ako. It's natural. I'm glad you're okay. " Nakangiting wika nito at napangiti na rin si Mira.

Matapos ang mahabang kamustahan ay nagtungo na sila sa kwarto para muling makapagpahinga. Habang nasa banyo si Sebastian ay umupo si Mira sa kama at matamang tinitigan ang flower vase na nakapatong sa mesa. Gamit ang kaniyang utak at nagconcentrate siya at pilit na pinagalaw ito. Nang makita niyang lumutang ito nang walang kahirap-hirap ay sinubukan naman niya ang mga bagay na higit na mas mabigat sa vase hanggang sa naisipan niyang palutangin ang higaang mismong inuupuan niya.

Pagkadinig niya nang pinto sa banyo na bumukas ay agad niyang ibinaba ang mga bagay na pinalutang niya.

"Are you okay? Bakit hindi ka muna matulog," sambit ni Sebastian at umupo sa kama. Mabilis na bumaba si Mira ss higaan at kinuha ang blower sa kanilang drawer.

"Ayos na ako," sagot pa niya habang lumalapit dito. Isinaksak niya sa gilid ang blower at sinimulan na niyang patuyuin ang buhok ni Sebastian.

"Sebastian, hindi ka ba natatakot sa akin?" Tanong ni Mira.

"Bakit naman ako matatakot sa iyo ?"

"Kasi, kakaiba ako. Hindi ako normal, what if I hurt you, what if I lost myself one day?" Mahinang wika niya habang nakatuon ang kanyang pansin sa malambot na buhok ni Sebastian.

"I can always pull you back, Mira. Basta tatandaan mo, kapag muli kang nawala sa control, dadating ako para hatakin ka pabalik. Hindi ako takot dahil mahalaga ka. Mas takot pa akong mawala ka ng tuluyan," walang pag-aatubiling sagot ni Sebastian at sumikdo ang puso ni Mira. Bahagya itong natigilan bago dahan-dahang napapangiti.

"Bastian, you are so good to me." Sambit ni Mira at hinarap ang binata. Nabigla pa si Sebastian nang makita ang kakaibang kukay ng mata ng dalaga. Hindi niya ito napansin nang lumabas siya sa banyo at ito ang unang pagkakataong nakita niyang nagkaganun ang mga mata si Mira. Animo'y naghahalo ang kukay brown at ginto sa mga mata nito at kumikislap iyon na animo'y apoy ng alitaptap.

"Bastian..." Sambit pa ni Mira bago itinulak sa higaan ang binata. Sa pagkabigla ay walang nagawa si Sebastian kundi ang magpatianod dito hanggang sa naramdama niya nag paglapat ng labi ng dalaga sa mga labi niya at doon lang bumalik ang kaniyang ulirat.

He embrace her small figure and rolled their body exchanging positions.

"Mira, do you know what you are doing?" Seryosong tanong ni Sebastian, ngunit hindi maikakaila sa mukha nito ang kagalakan at pagnanasa sa kanyang asawa.

"Yes." Nang marinig niya ang sagot nito ay lahat ng depensa niya ay bumaba at maging ang pangako nitong maghihintay sa dalaga ay naglahong bigla. He waited for her until she is ready. And this is the time. He doesn't know why, but the Mira in front of her is different, she was courageous and fierce not shy and naive.