Chapter 47 - Chapter 47

Subalit nagkamali siya, hindi niya lubos akalain na ang panaginip na iyon ay isa palang babala na dapat niyang seryosohin. Araw iyon ng byernes at katatapos lamang ng kanilang klase sa gym. Nagtatawanan sila habang papalabas ng gate kaya hindi nila napansin ang paglapit ng apat na kalalakihan patungo sa kanilang kinaroroonan. Unang nahablot ng lalaki si Veronica na ikinagulat ni Mira. Nanlaki ang mga mata niya nang makita niyang sapilitang isinakay nito si Veronica sa itim na van. Mabilis siyang tumakbo patungo rito at sinuntok ang unang lalaking kaniyang naabutan. Tumilapon ito sa di kalayuan na ikinabigla naman ng mga kasamahan nito. Patyloy na inatake ni Mira ang mga ito hanggang sa makalapit siya sa van at mahawakan niya si Veronica. Akmang hahatakin na niya ito palabas ng van ay naramdaman niya ang pagpukpok ng isang matigas na bagay sa kaniyang ulo at bumagsak siya sa loob ng van.

"L*ntik, bilisan niyo na. Dumarami na ang mga tao." Sigaw ng lalaking pumukpok sa ulo ni Mira at nagmamadaling sumakay na ang mga kasamahan nito sa van at mabilis na pinaharurot iyon papalayo.

Huli na nang marating ni Dylan ang gate dahil huli na din nang marinig niya ang pangyayaring iyon. Mabilis niyang tinawagan si Sebastian at iniulat dito ang nangyaring pagdukot kay Mira at Veronica.

Sa loob ng van ay umiiyak na yakap-yakap ni Veronica si Mira na noo'y may dugo sa likod ng ulo nito. Wala din itong malay at tila ba may sa uwak ang mga mata ng mga lalaking nakabantay sa kanila.

"Ano ba ang kailangan niyo?" Umiiyak na tanong ni Veronica.

"Tumahimik ka kung ayaw mong magaya diyan sa kaibigan mo." Saway ng lalaki at napipilian si Veronica. Nasa kalagitnaan sila nang byahe nang magising si Mira.

"Mira, ayos ka lang ba?" Tanong ni Veronica. Napaupo naman si Mira at tinitigan ng masama ang mga kalalakihan.

"Ikaw si Mira?" Biglang baling na tanong ng isang lalaki at tumingin ito sa mga kasama.

"Muntik na tayong magkamali boss, buti naisama natin ang pakay natin, kung hindi lagot tayong lahat." Dagdag pa nito at narinig nilang nagmura ang mga ito.

Huminto ang sinasakyan nilang van sa isang tagong bodega sa lugar na hindi pamilyar sa kanilang dalawa. Agad namang kinuha ng mga lalaki ang dala nilang cellphone at sinira ang mga ito bago itinapon.

Marahas silang hinatak papasok sa bodega at ikinulong sila sa isang kwartong walang bintana. At ang tanging pinto na pwede nilang labasan ay bantay sarado mg dalawang malaking lalaki na nandoon sa labas.

"Mira, anong gagawin natin?"

"Don't worry Vee, kapag hindi tayo makauwi, siguradong hahanapin tayo ni Sebastian at Kuya Gunther. Tandaan mo nandoon pa sa school si Dylan." Mahinahong wika ni Mira at malalim na nag-isip. Hindi si Veronica ang pakay ng mga ito kundi siya. Nagkamali lang ang mga ito kaya nadamay si Veronica. Napatingin si Mira sa kaibigan at niyakap ito. Kahit takot siya ay hindi niya ito maaring ipakita sa kaibigan. Kahit sisiga-siga itong si Veronica ay alam niyang isa pa rin itong babaeng may kinakatakutang katulad niya.

"Huwag kang matakot, dahil hindi kita iiwan. Huwag tayong magpapakitang natatakot tayo Vee. Pangako, poprotektahan kita." Bulong ni Mira sa kaibigan. Tumango naman si Veronica at mahigpit na niyakap si Mira.

Sa ngayon ay hindi pa niya alam bakit siya pinadukot at kung sino ang nag-utos dito. Ngunit basi sa lalaking humawak sa kaniya kanina ay isang taong kilala si Sebastian ang nag-utos dito. Ilang beses niyang narinig sa alaala nito ang pangalan ng kaniyang asawa at kung gaano kalaki ang galit ng taong iyon kay Sebastian.

"Sa tingin mo Mira, pera kaya ang dahilan ng pagkidnap nila sa atin?"

"Hindi Vee, ako ang kailangan nila dahil malaki ang galit nila kay Sebastian." Tugon naman ni Mira at nanlaki ang mata ni Veronica.

Pagkuwa'y itinuro nito sa kaibigan ang kaniyang singsing at bumulong dito, "alam kong sa mga oras na ito ay alam na ni Sebastian kung nasaan tayo, hintayin na lamang natin sila. Sumunod tayo sa mga pinag-uutoa nila para hindi tayo mapahamak".

"Vee..."

Hindi pa man din natatapos magsalita si Mira ay buglang bumukas ang pintuan at pumasok mula roon ang isang lalaking nakasalamin at walang anu-ano'y hinatak si Mira palabas doon. Napasigaw naman si Veronica at pilit na hinahatak si Mira pabalik ngunit wala na siyang nagawa nang sapilitan na silang paghiwalayin ng mga ito.

Sumenyas naman si Mira kay Veronica na huwag itong mag-alala sa kaniya. Ngunit hindi maiwasan ni Veronica ang hindi gawin iyon. Anong laban ni Mira sa mga taong iyon? Kinakabahan nagpalakad-lakad si Veronica sa loob ng silid na iyon ngunit hindi siya makapag-isip ng solusyon.

"Sebastian bilisan mo. Nasaan ka na ba? Kinuha na nila si Mira." Sambit ni Veronica habang napapaupo na sa sahig.

Sa kabilang banda, dinala ng lalaki si Mira sa isa pang kwarto, higit itong mas maliit at walang kahit anong liwanag ang makikita roon. Napakalamig din ng silid na iyon na aakalain mong nasa loob siya ng isang refrigerator.

Pinagkiskis ni Mira ang kaniyang kamay at inihipan iyon upang maibsan ang lamig na kaniyang nararamdaman. Napabuntong-hininga rin siya at lihim na nagpapasalamat na hindi isinama ng mga ito si Veronica rito.

"Sigurado ba si Boss dito? Mga bata lang ito ah. Yung isa apo ng General, anong gagawin natin doon?" Naririnig niyang usapan ng mga lalaki sa labas ng kwarto.

"Tumahimik ka kung ayaw mong pati ikaw mapahamak. Kilala mo si Boss kapag sinabi niya, kailangang sumunod tayo." Turan naman no'ng isa.

"Bahala na nga muna kayo diyan,magpapahingin lang ako." Wika ng naunang magsalita at narinig niya ang pag-alis nito sa harap ng pintuang iyon. Kinapa ni Mira ang pintuan at pinakiramdaman ang mga taong naroroon.

May dalawa pang natira sa labas, hinawakan niya ang parteng nagsisilbing pohitan ng pintuan at saka nagconcentrate. Ngayon lamang niya ito susubukan sa tanang buhay niya at sana ay umubra ito.

Itinuon niya ang kaniyang pansin sa mekanismong napapaloob sa doorknob na iyon upang mahanap ang lock nito. Nang tuluyan itong mahagip ng kaniyang isipan ay walang kahirap-hirap niya itong pinihit gamit ang isip niya. Napangiti naman siya nang marinig niya ang mahinang tunog mula rito hudyat na tuluyan na nga niyang nabuksan ang nakalock na pinto.

Dahan-dahan niyang pinihit ang doorknob at buong lakas itong itinulak dahilan upang tumama iyon sa mukha ng dalawang nagbabantay. Napasubasob ang mga ito sa sahig at saglit na nawalan ng kakayahang mag-isip dahil sa sobrang pagkagulat.

Kinuha naman ni Mira ang pagkakataong ito at mabilis na ipinupok sa ulo ng lalaki ang bote ng alak na naroroon sabay sipa rito. Nakita niyang lumupasay ito sa sahig kasabay ng pag-agos ng malapot nitong dugo mula sa kaniyang ulo.

"Walang-hiya ka!" Galit na sigaw ng isang lalaki at inatake ng suntok si Mira. Mabilis na nailagan iyon ni Mira at mabilis na hinawakan ang braso nito at buong lakas niyang ibinalibag ito sa lupa. Agad na nawalan ngbukirat ang lalaking iyon matapos nitong umungol sa sakit. Patakbong tinungo ni Mira ang silid na kinaroroonan ni Veronica.

"Vee, bilis tumakas na tayo." Yawag ni Mira kay Veronica nang mabuksan na nito ang pintuan.

"Mira, salamat sa Diyos at ligtas ka." Masayang salubong nito at yumakap kay Mira.

"Tayo na, hindi ko alam kung anong lugar ito pero kailangang makalayo tayo rito." Nagmamadaling wika ni Mira at mabilis na hinatak ang kaibigan papalabas ng bodegang iyon. Madilim na nang marating nila ang labasan at marahan nilamg tinahak ang daan papalayo roon nang hindi napapansin ng ibang nagbabantay. Sa pakiwari ni Mira ay nasa siyam na lalaki ang nasa labas ay nagiikot -ikot. Kung aatake nang sabay ang mga ito ay tiyak na hindi niya ito kakayanin. Kaya kailangan makalayo sila roon o madala nila ang mga ito sa isang lugar na maaring niyang malabanan ang mga ito nang paisa-isa.

Nasa kalagitnaan na sila ng pananakbo nang may makapansin sa kanila. Sumigaw ito at agad nitong natawag ang pansin ng kaniyang mga kasama. Nang makita ito ni Mira ang bauong higpit niyang hinawakan ni Mora si Veronica sa kamay at mabilis na silang tumakbo.

Parehong humihingal si Veronica at Mira habang nananakbo palayo sa mga taong humahabol sa kanila. Pakiramdam ni Veronica ay sasabog na ang kaniyang dibdib sa sobrang pagod at nais na rin sumuko ng kaniyang mga tuhod.

Nang maabutan sila nang mga lalaki ay agad na hinarap ni Mira ang mga ito. Dahil medyo madilim na sa lugar na iyon at walang katao-tao ay wala silang mapaghingan ng tulong. Wala rin silbi ang sumigaw dahil wala ring makakarinig. Habol-habol niya ang kaniyang hininga at pakiramdam niya ay umiikot na ang kaniyang mundo. Nang sumugod na ang mga lalaki upang hulihin sila ay agad na itinulak palayo ni Mira si Veronica.

"Vee, takas na. Huwag kang hihinto hanggat hindi mo nakikita sila Kuya." Pasigaw na wika ni Mira at nilabanan ang mga kalalakihan. Wala naman nagaw si Veronica kundi ang maiyak at tumakbo mg mabilis. Hinarang ni Mora ang mga lalaking akamang susunod sa kaibigan. Dahil madilim ay naging madali sa kaniya ang paggamit ng kaniyang kapangyarihan. Walang humpay ang ginawa niyang pagpapalipad sa mga batong nararamdaman niya habang nilalabanan niya ang mga ito. May ibang bumabagsak matapos matamaan nito at may iba din namang nakakatayo pa rin.

Hindi siya pwedeng bumagsak dahil kapag huminto siya ay paniguradong masusukol siya ng mga ito. Nang maramdaman niya ang pagdikit ng isang kahoy sa kaniyang kamay ay inihampas niya agad ito sa pinakamalapit na lalaking kaniyang kalaban. Agad itong bumagsak sa kalsada at lalong umigting ang galit ng iba pa nitong kasama.