Chapter 38 - Chapter 38

"Sebastian, ikaw? Walang-hiya ka, hindi ba't sabi ko sayo ay magbabayad ako sa takdang oras, bakit mo ako pinatugis sa iyong mga tauhan?" Gigil na tanong ng lalaki. Ang kaninang takot na kaniyang nararamdaman ay napalitan nang galit nang masilayan nito ang mukha ni Sebastian.

"Hindi ito tungkol sa pera Greg. Alam kong alam mo kung ano ang tinutukoy ko. Kung tungkol sa pera, kaya kung maghintay kahit gaano katagal. Subalit, ginalaw mo ang hindi dapat." Mahinahong wika ni Sebastian at lalong nanginig sa takot ang lalaki. Nakakapangilabot ang mga matatalim na mata ni Sebastian.

Agad na nanlaki ang mga mata ni Greg nang marinig ang tinuran ni Sebastian.

"Sebastian, maawa ka, wala akong pagpipilian. Naipit lamang ako. Hindi ko sinasadya." Tarantang wika nito at muling napangisi si Sebastian. Kinuha nito ang baril sa kanyang drawer at sinipat-sipat iyon na animo'y pinag-aaralan ito. Nang makita naman ito ng lalaki ay mabilis nitong iniuntog ang ulo habang nagmamakaawa kay Sebastian.

"Sebastian, hindi ko alam na may kaugnayan sayo ang babaeng iyon. Maniwala ka, nasilaw lamang ako ng pera. Nang malaman kong asawa mo siya ay hindi ko na itinuloy ang balak ko pero huli na dahil nasukol na ako ng mga tao mo." Paliwanag nito habang umiiyak.

"Sige, patatawarin kita kapag sinabi mo sa akin kung sino ang nag-utos sayo na sundan ang asawa ko. Mabuti akong kaibigan Greg pero masama akong kaaway, alam mo yan." Wika ni Sebastian habang nilalaro-laro ang gatilyo ng baril.

"Hindi ko alam kung sino ang nagpa-utos pero Mariano ang pangalan ng lalaking kumausap sa akin. Hindi ko alam kung alias ba iyon o totoo niyang pangalan."

"Ano ang eksaktong iniutos sayo ng Mariano'ng iyon?" Tanong ni Sebastian.

"Sundan ang babaeng nagngangalang Mira, alamin kung saan siya nakatira at kung ano ang mga ginagawa niya sa bawat araw. Kapag may pagkakataon, kukunin ko siya at dadalhin kay Mariano." Wika ni Greg at biglang ipinutok ni Sebastian ang baril. Napasigaw naman si Greg nang tumama ang bala sa kaniyang mga binti.

"Ano ang kailangan nila kay Mira?" Gigil na tanong ni Sebastian kay Greg. Nakatutok na sa noo nito ang dulo ng baril na lubha namang ikinatakot ng lalaki.

"Hindi ko alam. Yung lang ang ibinigay nilanf utos. Hindi nila sinabi kung ano ang kailangan nila. Maawa ka Sebastian, may pamilya akong naghihintay sa akin. Pakiusap buhayin mo ako, pangako hindi na ako magpapakita sa asawa mo." Umiiyak na wika nito habang iniinda ang sakit ng tama nito sa binti.

"Sige, dahil mabait ako ngayon palalagpasin ko ito. Alis!" Wika ni Sebastian at ibinaba sa mesa ang baril na hawak niya. Mabilis na tumayo ang lalaki at iika-ika itong lumabas ng hideout.

"Ganoon lang yun Bro? Hindi mo siya bibigyan ng katakot-takot na parusa?" Tanong ni Leo at napangisi si Sebastian.

"Maglalaro muna kami. Sa tingin mo saan ang punta ng daga matapos nitong makaalpas sa pusa?" Makahulugang tanong ni Sebastian at napatulala lamang si Leo dahil hindi niya mawari kung ano ang ibig sabihin ni Sebastian.

"Pasundan mo sa mga tao natin si Greg, alam kung babalik iyon sa taong nag-utos sa kanya."

"Walang problema. " Saad ni Leo at agad na tumawag sa kaniyang telepono.

Napatitig naman si Sebastian sa kaniyang kamay at nagbuntong-hininga. Hindi pa niya alam kung sino ang taong nasa likod ni Greg pero isa lang ang sigurado niya. Hindi niya palalagpasin ang kapangahasan nito. Walang sino man ang maaring magbigay ng panganib kay Mira.

Mabilis na lumayo sa hideout si Greg, nanginginig pa ang mga kamay niya sa sobrang takot dahil sa ginawa ni Sebastian. Napam*ra naman siya nang makita ang sugat sa kaniyang binti na noo'y patuloy pa rin sa pagdurugo.

"Sir, are we going to the hospital?" Tanong ng driver ng taxi'ng kaniyang napara.

"No, drip me to this address ." Sagot niya at ibinigay dito ang isnag kapirasong papel.

Pagdating sa naturang address ay agad na siynag bumaba at pumasok sa isang bar. Iika-ika man ay pinilit niyang makapasok doon upang makausap ang taong pakay niya.

"Hay*p ka Mariano, bakit hindi mo agad sinabi sa akin na asawa ni Sebastian ang taong pinapasundan mo?" Galit na bungad niya sa lalaking sumalubong sa kaniya. Nakatayo lang habang nakapulupot sa braso nito ang isang babae.

"Greg, anong nangyari sayo?" Natatawang taning ng lalaking tinawag niyang Mariano. Binulungan nito ang kasamang babae at napahagikgik naman ito bago nilisan ang kanilang kinaroroonan.

"Maupo ka Greg, hayaan mong gamutin ko ang sugat mo. Huhulaan ko, natimbog ka ni Sebastian at ngayon ay alam na niya ang tungkol sa akin?" Tanong nito habang nakangisi. Tila ba hindi nito alintana ang papalapit na peligro sa buhay niya. Ngayong alam na ni Sebastian ang tungkol sa utos niyang iyon ay paniguradong hindi ito titigil sa pagtugis sa kaniya.

"Sino ba ang nagpautos na pasundan ang asawa ni Sebastian?" Tanong ni Greg habang nappaangiwi sa sakit.

"Hindi mo na kailangang malaman iyon. Manatili ka muna dito habang mainit ka pa sa mata ni Sebastian. " Wika nito .

Napatingin naman si Greg dito, mayamaya pa ay muling bumalik nag babaeng kasama ni Mariano— bitbit nag isang bote ng alak at isang baso. Inilapag ito ng babae sa maliit na mesa at nagsalin sa baso bago ibinigay kay Greg.

"Uminom ka muna. Makakabuti yan sayo." Alok ni Mariano at walang-aatubiling tinanggap ito ni Greg at ininom. Halos makalahati niya ang basong iyon nang bigla siyang makaramdam ng kakaiba sa kaniyang katawan. Nabitawan niya ang baso at bumagsak iyon sa sahig. Lumikha iyon ng nakakarinding tunog na animo'y umaalingawngaw sa tenga ni Greg.

"M–Mariano, d*monyo ka." Nasabi pa ni Greg bago ito tuluyang bumagsak sa sahig habang bumubula ang bibig. Napahalakhak naman si Mariano habang tinititigan ang katawan ni Greg na noon ay wala ng buhay.

"Napakaepektibo talaga ng lasong ito. Nakakatakot, hindi man lang tumagal ng limang minuto si Greg." Tumatawang wika nito. Sinipa-sipa pa niya ang walang-buhay na katawan ni Greg habang ang babaeng kasama naman nito ay muling yumakap sa braso niya.

"Sa tingin mo ay bubuhayin pa kita matapos mong sirain ang tiwala ko sayo? Walang kwenta para sa akin ang mga taong hindi marunong magtago ng lihim. Hindi ka kawalan Greg," Wika pa niya at inis na ipinagpag ang pantalon.

"Darling let's go." Lambing ng babae na agad din namang sinunod ni Mariano.

Nakaupo si Sebastian sa veranda nang tinutuluyan niyang hotel nang makatanggap siya ng balita tungkol kay Greg. Hindi na siya nagulat nang malamang pat*y na ito dahil sa oras na pinakawalan niya ito ay alam niyang babalik si Greg sa taong nag-utos sa kaniya at ito na mismo nag gagawa ng bagay na hindi niya ginawa—ang kitilan ito ng buhay.

Sa pagkakataong iyon ay pumasok naman si Leo bitbit ang isang folder na naglalaman ng impormasyon tungkol kay Mariano.

"Tauhan siya ni Antonio," Nakasimangot na wika ni Leo. Umupo ito at nagsalin ng whiskey sa baso bago ito tinungga.

"Antonio Kristoff? Ang kapatid ni Dylan? Malaki pa ang atraso niya sa akin dahil sa pagpapalayas niya kay Dylan at ngayon ito naman? Mukhang bored yata siya sa buhay niya. Puwes, bigyan natin siya ng pagkakaabalahan." Nakangising salaysay ni Sebastian.

Kinuha nito ang cellphone at tinawagan ang kaniyang pinagkakatiwalaang tauhan.

"This is me, Lenard. I have a job for you. Nais kong harangan mo ang shipment ng mga produktong iaangkat ni Antonio Kristoff sa Malaysia. Bilhin mo sa pinakamababang presyo ang stocks ng ilan sa mga business niya. Kung kinakailangan bayaran mo ang mga shareholders niya ay wala akong pakialam, basta bilhin mo lahat sa tahimik na paraan." Utos ni Sebastian.

"Talagang paglalaruan mo siya?" Natatawang tanong ni Leo at muling nagsalin ng whiskey sa baso.

"You know what's my bottom line, Leo. My family is my bottom line and whoever touches my bottom line will face the consequences," aniya bago inumin ang whiskey na ibinigay ni Leo.

Muling napatingin si Sebastian sa impormasyon ni Mariano bago ito itinapon sa basurahan.

"You know what, sister-in-law should not see you like this. Baka matakot yun at tumakbo palayo sayo. Ikaw din, iiwan ka niyang sawi." Seryosong wika ni Leo at napatingin lang si Sebastian sa kanya bago magsalita,

"Ganoon ba kababaw ang tingin mo kay Mira? Mira won't be scared because she already knows".

"Sinabi mo?" Tanong nito na nanlalaki pa ang mga mata.

Agad na umiling si Sebastian at napangiti.

"Kahit hindi ko sabihin, malalaman niya pa rin," sagot ni Sebastian.

Napakamot naman ng ulo si Leo dahil hindi niya magawang sakyan ang sinasabi ng kaniyang matalik na kaibigan.

"You know what, parang gusto ko na ring maghanap ng mapapangasawa, para nakakarelate na din ako sa mga kabaliwan niyo. Una si Carlos, and now—you," reklamo ni Leo at natawa lang si Sebastian. Agad namang kinilabutan si Leo nang marinig ang tawa nito. Mabilis siyang lumayo nang bahagya rito na animo'y isang mabangis na hayop si Sebastian.

"Don't you dare snap at me Bro, di ako papatol sayo. Alam mo namang matatakutin ako, lalo kapag ikaw ang kaharap ko. Huwag kang tatawa please. Pakiramdam ko ay nakakakita ako ng dem*nyo kapag tumatawa ka," turan ni Leo at muling natawa si Sebastian. Dumadagundong sa buong kwarto ang malulutong nitong tawa na ikinamangha naman ni Leo. Sa unang pagkakataon ay nakita niyang tumawa ng walang halong karahasan si Sebastian. Iyong tipong, napakabusilak ng tawa nito. Nagtawanan pa sila na tila ba walang nangyaring hindi maganda sa araw nilang iyon.