Chapter 39 - Chapter 39

Kinagabihan nang araw na iyon ay muling tumawag si Sebastian kay Mira upang kamustahin ang buong araw nito. Nagkuwentuhan sila nang dalawang oras mahigit bago sila tuluyang nagpaalam sa isa't-isa para matulog na.

Kinabukasan, ay masayang bumaba si Mira sa kusina upang maipagluto si Liam ng almusal. Naging libangan na din niya ang ipagluto ito habang naroroon siya at maigi din niyang binabantayan ang diet nito na ibinigay sa kanya ni Jacob.

Naging malapit din siya sa mga katulong doon dahil sa likas na magpakumbaba si Mira.

"Auntie Lin, kapag wala po ako, kayo na po ang bahala sa pagkain ni Daddy Liam, kailangan masunod ang lahat ng nakasulat dito sa notebook na ibinigay ni Doc Jacob para mabilis na manumbalik ang lakas niya."

"Walang problema Mira, kailan ba nag alis mo hija?" Tanong ng butihing kasambahay ng mga Von Kreist.

"Kapag nakabalik na po si Sebastian. Baka bukas makalawa po ang balik niya," nakangiting sagot niya sa Ginang. Tumango-tango naman ito bilang tugon habang hinuhugasan ang kanilang mga ginamit habang si Mira naman ay iniaayos na ang mga pagkaing inihanda nila.

Pagbaba ni Liam galing sa kwarto nito ay sakto namang nakahanda na ang mga pagkain sa hapag. Nakangiting sumalubong sa kaniya si Mira at humalik sa pisngi nito.

"Good morning Dad, kain na po tayo. Gising na ba si Kuya Gunther?"

"Mamaya pa ang gising nun hija, magpapahinga raw siya ngayong araw at masyadong napuyat kakatrabaho." Salaysay ni Liam at umupo na sa upuan.

Nagkibit-balikat naman si Mira at sinabayan na sa pagkain ang kaniyang ama. Napuno ng tawanan ng mag-ama ang hapag-kainan. Sa kalagitnaan ng kanilang pagkukuwentuhan ay nakatanggap ng isang mensahe si Mira na kaagaran namang nagpangiti sa kaniya.

"Dad, maaari ko bang papuntahin dito ang kaibigan kong si Veronica?" Tanong ni Mira at napangiti naman si Liam.

"Oo naman hija, bahay mo na rin ito kaya malaya kang dalhin o isama dito ang mga kaibigan mo." Tugon naman ni Lian na lubhang ikinatuwa ni Mira. Matapos magpasalamat dito at agaran din niyang pinadalhan ng mensahe si Veronica.

Magtatanghali na nang dumating si Veronica sa mansyon ng mga Von Kreist. Nalula naman siya nang makita ang napakalawak na daanan patungo sa naturang mansyon.

Nang makita niya si Mira na naghihintay sa harapan ay agad niyang oinahinto ang sasakyan at mabilis na bumaba doon.

"Mira, bakit ka nandito? Bakit nasa bahay ka ng mga Von Kreist?" Agap na tanong ni Veronica. Kilala niya ang mag Von Kreist at isa ang mga ito sa pinakamayamang pamilya sa kanikang bansa. Nagmula sa pamilya ng mga military officer ang mga ninuno ng Von Kreist bago pa man pinasok nang mga ito ang mundo ng pagnenegosyo. Ilan nga sa mga negosyo mg mga ito at ang mga naglalakihang hospital na nakakalat na sa kabuuan ng bansa. Nariyan din ang mga chains of hotels at restuarant na siya namang pinamamahalaan ng bunsong anak ng unang pamilya ng Von Kreist, na tiyuhin naman ng kasalukuyang namumuno sa buong Von Kreist.

"Mahabang estorya Veronica, pasok ka muna. Doon tayo sa garden, siguradong matutuwa ka roon. " Aya ni Mira at hinatak na papasok sa mansyon ang kaibigan. Walang pag-aatubiling sumunod naman si Veronica rito.

Nang marating nila ang hardin ay agad na napasinghap si Veronica sa sobrang ganda nito. Aakalain mong nasa paraiso ka kapag nakaapak ka na roon.

"Last party, bakiy hindi ganiti kaganda ang hardin?" Tanong ni Veronica.

Natawa naman si Mira sa reaksyon ng kanyang kaibigan at dinala niya ito sa gazebo na nasa sentro ng hardin.

"Napakalawak nitong hardin, nasa kabila ang pinagdausan ng pagtitipon. Ang parteng ito ng hardin ay hindi pinapagamit ng mga Von Kreist dahil pagmamay-ari ito ng namayapang asawa ni Daddy Liam ."

"Daddy?" Nagtatakang bulalas ni Veronica.

"Inampon ako ng mga Von Kreist, hindi pa official dahil hindi pa tapos ang proseso," sagot ni Mira at halos mapatili sa kagalakan si Veronica.

"Ibig sabihin, mayaman ka na din girl!" Masyaang wika ni Veronica habang nakayap sa kaibigan.

"Teka, paano nangyari yun?"

"Hindi ko din alam, para kasing ang bilis ng lahat. Nandito ako sa kanila ngayon dahil wala si Sebastian. Pansamantala dito niya ako iniwan."

"Ahhh... Kaya pala. Napakaswerte mo talaga Mira. Pero balita ko masungit daw ang anak ni Sir Liam."pabulong na wika nito at natawa naman si Mira.

"Mabait naman si Kuya Gunther. Hindi siya masungit," tanggol na wika ni Mira na ikinangiwi ng labi ni Veronica.

"Masungit yun, narinig ko na napakarami na daw niyang napaiyak na babae sa sobrang kasungitan niya. Sabi pa ng iba, para ka daw pinaliguan ng yelo kapag nagagalit na siya." Wika pa ni Veronica.

"Masungit pala ako sa pagkakakilala mo Miss Veronica?" Nakaangat ang isang kilay na tanong ni Gunther. Marahas na napalingon dito si Veronica at ngumisi.

"Naku, nagkakamali ka ng dinig. Baka guni-guni mo lang yun. Iba yung masungit na tinutukoy ko, hindi ikaw. Alam ko namang mabait ka talaga eh." Nakangiting kaila ni Veronica at napabungisngis naman si Mira.

"Kuya, kaibigan ko si Veronica." Paalala ni Mira at ngumiti naman si Gunther. Muntik pang masilaw si Veronica sa klase ng ngiti nito. Ito ang kauna-unahang pagkakataong nakita niyang ngumit ai Gunther. Hindi niya alam na marunong din palang ngumiti ang mga bato. Nakakamangha.

"Miss Veronica, ano na naman yang naglalaro sa isipan mo?" Tanong ng binata at napakunot ang noo niya. Medyo naririndi kasi siya sa klase ng pagtawag nito sa kaniya.

"Veronica, yan ang itawag mo sa akin." Utos niya at aagad na hinarap si Mira.

"Mira, mapapaaga ang uwi ni Sebastian sa makalawa," wika ni Gunther at napangiti naman si Mira.

"Talaga Kuya? Salamat po!" wika ni Mira. Kahit sa makalawa pa ang uwi ni Sebastian, ngayon pa lamang ay nasasabik na siya rito.

"Kapag may kailangan kayo, nasa loob lang ako. Huwag kayong aalis nang hindi nagpapaalam," paalala pa nito bago nilisan ang gazebo.

"Alam mo Mira, kung hindi ko lang alam na adopted ka aakalain kong magkapatid kayo ni Gunther. May pagkakahawig kasi kayo kapag pinagtabi, lalo na sa may bandang mata." Puna ni Veronica at bigla namang napaisip si Mira.

"Talaga? Parang hindi naman eh." Sambit ni Mira at napangiti. Alam niyang pagsisinungaling ang kaniyang ginagawa ngunit kailangan din niyang sundin ang bilin ng kaniyang ama. Hanggang hindi pa nila nalalaman kung sino ang kaibigan sa kalaban ay hindi pa sila maaaring magpakakampante. Ayaw din naman niyang masangkot si Veronica sa sigalot ng kanilang pamilya.

"Siyanga pala Mira, nagkaayaan ang ating grupo na mag videoke bukas. Sa makalawa pa naman ang dating ng asawa mo di ba? Punta tayo, nakakabore din kasi at isa pa miss ko na din sila."

"Magpapaalam lang ako mamaya kay Sebastian, text na lang kita kung ano ang desisyon niya. "

"Okay, basta sabihin mo sa videoke lang tayo doon sa Elipses Mall."

Masayang nagkuwentuhan ang magkaibigan sa garden at marami din silang natalakay sa buhay ng isa't-isa. Dito isinalaysay ni Mira kung paano niya nakilala ang nga Von Kreist na humantong nga sa pag-aadopt ng mga ito sa kaniya. Natuwa naman si Veronivmca sa balitang iyon dahil kahit papaano ay magkakaroon ng solidong backer si Mira laban sa mga matapobreng kadugo ni Sebastian.

Nang sumapit na ang hapon ay muling nagpaalam si Veroniva na uuwi na.

Kinagabihan, tulad ng inaasahan ay tumawag si Sebastian para kamustahin siya. Dito ay nagpaalam si Mira na lalabas kasama si Veronica kinabukasan. Hindi naman tumutol si Sebastian at karapatan din naman ni Mira ang lumabas kasama ang mga kaibigan nito paminsan-minsan.

"Mira, basta't tatandaan mong mag-iingat ka palagi sa labas."

"Mag-iingat ako. Andun naman siguro si Dylan dahil buong klase naman namin ang lalabas." Humiga na sa higaan si Mira at iniayos ang kumot sa katawan. Bahagya na din siyang napapahikab dahil sa sobrang antok. Nang maulinigan ito ni Sebastian ay nagpaalam na siya rito upang makapagpahinga na sila pareho.