Chapter 11 - Chapter 11

"Ikaw Mira, may boyfriend ka na ba?" Agad na pinamulahan ng pisngi si Mira dahil sa tanong na iyon ni Veron. Napangisi naman ang dalaga at agad na kiniliti siya sa kanyang tagiliran.

"Uyyy, sinasabi ko na nga ba. Ang mga mukhang ito alagain talaga. Ano, gwapo ba ang boyfriend mo?" Tukso nito at paiwas na natawa si Mira.

"Tigilan mo nga si Mira. Kakakilala niyo pa lang chichikahin mo na agad ang boyfriend niya." Biro pa ni Yumi ngunit ang pagmumukha nito ay tila ba nasasabik din sa kanyang sasabihin.

"Mas mabuti nga na alam ko di ba. At isa pa di ko ugaling lumandi sa boyfriend ng mga kaibigan ko, kaya kung meron man ipaalam niyo na dapat sa akin, okay." Wika pa nito at nagtawanan sila. Pagkatapos ng klase nila noong araw na iyon ay si Veron ang nakasabay ni Mira sa paglabas ng building nila.

Pagkalabas pa lamang ay agad silang sinalubong ng isang grupo ng mga babae na halatang galit.

"Look who's here. Ang mang-aagaw." Maarteng wika ng isang babaeng humarang sa kanila.

"Wow, at kasama niya ang bagong salta. So ano to, bagong recruit mo ba ito oara mang-agaw ng boyfriend ng ibang girls sa campus?" Dagdag pa ng isa.

Napakunot naman ang noo ni Veronica at bahagyang kinamot ang tenga niya.

"Alam niyo girls, kung ako sa inyo, hindi ako ang hinaharangan niyo. Bakit hindi niyo na lang ikadena iyong mga boyfriends niyo o di kaya naman ay piringan niyo. Hindi 'yong titingin-tingin sa kagandahan ko, tapos ako ang nasisisi sa kamanyakan nila. Kasalanan ko ba na ipanganak talaga akong maganda at kaakit-akit?" Wika ni Veronica na animo'y hindi na bago rito ang mga ganoong sitwasyon.

Halos mapanganga naman ang tatlong babaeng humarang sa kanila at tila ba na natigalpo ang mga ito dahil sa sinabi ni Veronica.

Napahagikgik naman si Mira habang hatak-hatak siya ng dalaga papalayo sa mga babaeng iyon.

"Bakit ka natatawa, hindi ka ba naniniwala na maganda ako?" Tanong ni Veronica at umiling si Mira.

"Maganda ka." Sang-ayon niya at nag-thumbs up pa. Inakbayan naman siya ni Veronica at tatawa-tawa nilang tinahak ang daan papalabas ng kanilang paaralan.

Nang makalabas na sila ay nakita nila ang isang military car na nakaparada di kalayuan sa sa gate ng kanilang paaralan. Kumaway doon si Veronica at bumaba ang isang matangkad na binata roon.

"Halika, ipapakilala kita." Wika ni Veronica sabay hatak kay Mira. Pagdating nila sa harap ng binata ay agad nitong tinanggal ang suot nitong sombrero.

"Kuya Ethan, this is Mira, my new classmate. Mira, this is Kuya Ethan, he's my cousin." Pakilala ni Veronica sa kanya. Napatingin naman agad siya sa binata at nakipagkamay dito. Pilit niyang isinara ang kanyang isipan upang kahit papaano ay magawa niyang maiwasan ang pagbasa ng isipan nito.

"Nice to meet you Mira. Alam mo, you look familiar."

"Sus, si Kuya, tigilan mo nga itong kaibigan ko. Para sabihin ko sayo may boyfriend na si Mira kaya wala ka nang pag-asa." Sabad ni Veronica at napatawa lamang ang binata.

Ngumiti lamang si Mira at sa di kalayuan ay nakita niyang paparating ang kotse ni Sebastian. Alam niyang lulan lang nito ay si Ignacio dahil nasa trabaho pa ang binata.

"Nariyan na rin ang sundo ko. Veronica, mauuna na ako sa inyo ha. Kinagagalak din kitang makilala, Ethan." Sambit niya bago sinalubong ang papahintong kotse.

"How's your first day?" Biglang wika ni Sebastian pagpasok ni Mira sa kotse. Nagulat pa siya dahil hindi niya inaasahang naroroon ito dito.

"Sebastian? Hindi ba't may trabaho ka?" Tanging naitugon niya rito.

Ngumiti naman si Sebastian at tumingin sa relo niya.

"I still have thirty minutes. Nag break muna ako sa trabaho para masundo at maihatid ka sa bahay. " Wika pa nito at pinamulahan ng pisngi si Mira. Tila ba may kung aning kuryente ang kumiliti sa kanyang puso nang marinig iyon sa binata.

"So how's your first day?" Muling tanong ng binata.

"Great, halos naging kaibigan ko ang mga girls sa klase ko. At mukhang mababait din naman ang mga boys doon. Mabait din ang instructor ko."

"That's good. Sabihin mo sa akin kapag may nang bully sayo."

"Okay." Sagot lang ng dalaga at mabilis na iniiwas ang tingin sa binata dahil ramdam niya ang kakaibang pag-iinit ng kanyang mukha. Pagdating sa mansyon ay agad ding nagpaalam ang binata. Tulad ng sabi nito ay sinundo at inihatid lang siya nito sa bahay nila. Pagkatapos niyang maiayos ang kanyang gamit sa kwarto niya ay agad din naman niyang tinungo ang kusina para ipagluto si Sebastian.

Nang makaluto na siya ng tatlong putahe ay agad din naman siyang nagpadala ng message sa binata na nagluto siya ng hapunan nito.

Kasalukuyan naman nagpipirma ng mga papeles si Sebastian nang matanggap niya ang mensahe ng dalaga. Agad siyang napangiti na ikinagulat naman ng kanyang kaibigan na noo'y kanina pang nakaupo sa sofa, di kalayuan sa kanya.

"What the heck bro, huwag ka ngang ngingiti nang ganyang kinikilabutan ako. Parang merong ililibing bukas eh." Reklamo ni Carlos na noo'y himas-himas ang braso na animo'y nilalamig ito. Tinapunan lang naman ito ni Sebastian ng masamang tingin bago nagsalita.

"Why are you here?"

"Nag-aalala ako sayo. Simula nang makilala mo iyang si Mira, ang laki na nang ipinagbago mo. Aba Sebastian, baka nakakalimutan mo ang mundong ginagalawan mo. "

"Hindi ko nakakalimutan iyon."

"Mabuti kung ganon, mahirap itong pinapasok mo, you won't know kung kelan aatake ang mga kalaban mo, at paniguradong ang una nilang pupunteryahin para makalapit sila sayo ay si Mira. " Paalala ni Carlos at napakunot ang noo ni Sebastian.

"Kaya ko nga di ba ipinadala si fourth para bantayan siya di ba?" Wika naman ni Sebastian.

"Iyon ang isang dahilan kung bakit ako nandito. Bakit noong nag-asawa ako hindi mo inutusan si Fourth na protektahan ang misis ko?" Puno ng hinanakit na wika nito, nakakunot din ang noo nito subalit bakas sa mukha nito ang panunukso.

Sebastian rolled his eyes on his friend's antics. Alam niyang nanunukso lang ito kaya hindi din niya seneryoso ito.

"Maiba ako,anong level na kayo ni sis-in-law?" Tanong nito at napatingin sa kanyang relo.

"Oras na para umuwi ang asawa mo. Umuwi na kayo." Wika ni Sebastian at hindi nito pinansin ang tanong na iyon ng kaibigan. Ayaw niya kasing ipaalam dito dahil paniguradong aabot na naman ito sa ancestral house. Alam niyang alam na ng kanyang Abuelo ang tungkol kay Mira at marahil naghihintay lang ang mga ito na siya na mismo ang magdala sa dalaga doon.

Kahit gustuhin man niya ay ayaw niyang ipilit ito sa dalaga. He wanted her to make her own decision regarding this matter. He doesn't want to force her on anything. Nais niyang tanggapin siya ng dalaga nang bukal sa loob nito at walang pagdadalawang isip.

"Kung ayaw mong sabihin, bahala ka. Hindi iyong lagi mo na lang akong ipinagtatabuyan."madramang wika ni Carlos bago umalis sa kanyang opisina. Napailing na lamang si Sebastian at muling tiningnan ang kanyang relo. Nang saktong nasa alas syete na nang gabi ay mabilis na niyang iniayos ang kanyang mga gamit upang makauwi na.

Pagdating sa bahay ay agad siyang nakaamoy ng mabango na galing sa kusina. Mabilis siyang pumanhik sa kanyang kwarto upang magbihis bago tinungo ang kusina.

Naabutan pa niyang hinahango ni Mira ang isang buong manok galing sa oven. Katulong nito si Nana Lorna na siya namang naghahanda ng mga plato sa hapagkainan.

"O, nariyan ka na pala hijo. Maupo ka na at nang makakain na tayo." Tawag pa ni Nana Lorna sa kanya.

"Sebastian, upo ka na riyan." Ulit ni Mira at ipinatong nito ang kinuhang manok sa oven bago tinanggal ang suot nitong gloves at ipinatong ito sa lababo.

Naupo naman si Sebastian at patuloy na tinitigan ang dalaga habang abala naman ito sa pagkuha ng malamig sa tubig sa refrigerator.

Nang makaupo na ang dalaga ay napansin naman nito ang binatang titig na titig sa kanya. May maliit pang ngiting sumilay sa mga labi nito na ikinangiti naman niya.

"Bakit, may nakakatawa ba?" Tanong niya dito at umiling naman ang binata.

"Wala naman, nakakatuwa ka lang pagmasdan. Pakiramdam ko ay isa kang mabuting asawang pinagsisilbihan ako." Sagot nito at naumid si Mira.

Napaubo ito at mabilis namang kumuha ng tubig si Sebastian at ipinainom dito.

"Huwag ka ngang magbibiro ng ganyan Sebastian. Baka may makarinig sayo. " Saway ni Mira at pasimple nang kumuha ng pagkain para mapagtakpan amg kahihiyang nararamdaman niya.

"Hindi naman ako nagbibiro, iyon talaga ang pakiramdam ko eh." Wika ng binata at kumuha na rin iti ng pagkain. Si Nana Lorna naman na kasabay nilang kumain ay pat*y malisya sa pinag- uusapan ng dalaga. Pero ang totoo, ay natutuwa ito.

Lumipas pa ang mga araw at nasanay na din si Mira sa buhay niya. Pagkatapos ng kanyang klase ay sinusundo siya ni Sebastian sa school, kapag naman araw ng sabado at linggo ay sumasama siya rito sa opisina para lang maging literal na kasama ng binata. Wala siyang ibang ginagawa doon kundi ang gawin ang kanyang mga aralin o di kaya naman ay magbasa ng mga librong iniaabot sa kanya ng binata. Wala na din siyang naging balita sa kanyang kamag-anak at ayaw na din niyang alamin dahil panigurado kapag nalaman ng mga ito na maayos na ang buhay niya ay parang linta na naman ang mga itong kakapit sa kanya.