Chapter 12 - Chapter 12

Araw ng Sabado at nasa opisina si Mira ni Sebastian nang may pumasok na isang Ginang na nakasuot ng pulang bestida. Nakashades at naka sombrero din ito at aakalain mong isa itong babaeng galing sa isang marangyang pamilya.

"Who are you? Bakit ka nandito sa loob ng opisina ng anak ko?" Tanong nito at napatayo si Mira. Hindi niya alam na may nanay pa si Sebastian. Wala kasi itong nababanggit na kahit ano patungkol dito.

"Ah, eh. Ano po , si Sebastian po ang may gusto na dito ako manatili." Sagot niya at mabilis na inayos ang mga gamit niya sa ibabaw ng center table.

"Bakit, sino ka ba sa buhay ni Sebastian?" Mataray na tanong nito at pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Biglang nakaramdam ng panliliit sa sarili si Mira dahil sa ginawa nito. Alam naman niyang napakalayo ng agwat ng antas ng buhay nilang dalawa ng binata ngunit iba din pala ang pakiramdam kung ipamukha ito sa iyo ng harapan.

Dahil sa sinabi ng ginang ay biglang nakaramdam ng hiya si Mira. Sino nga ba naman siya para manatili sa piling ni Sebastian. Marahil ay dahil sa sobrang kabaitan na ipinapakita ng binata kung kaya't nakalimutan niya saglit ang kaibahan nilang dalawa. Hindi na nakipagtalo pa si Mira dito at tahimik na nilisan ang opisina ni Sebastian. Bumaba siya sa buildinh at lumabas doon upang magpahangin. Napatda ang tingin niya sa mga dumadaang sasakyan at hindi niya namalayan ang sariling unti-unti nang lumalayo doon.

Sa kanyang paglalakad-lakad ay napahinto siya sa isang parke. Pamilyar ang parkeng iyon at sa isip-isip niya ay tila ba minsan na niya itong narating.

She was about to drag her feet out of that place when she noticed a black car right in front of her. Biglang tumahip ang kaba sa kanyang dibdib nang maalala niya si Gunther. Iniikot niya ang paningin at nakita nga niyang papasok si Gunther sa sasakyan nito. Mukhang galing ito sa kung saan at may mga kasama din itong mga binata. Nasa tatlo ang kasama nito at paisa-isa na silang sumakay sa kanilang kotse.

Mira then found herself running towards Gunther's car at huminto naman ito nang makita siyang papalapit. Nakakunot pa ang noo nito na sumalubong sa kanya.

"Mira, anong ginagawa mo rito?" Tanong ni Gunther. Mabilis niyang ang binata papalayo doon at isang malakas na tunog ang siyang nagpagimbal sa kanilang lahat. Walang anu-ano'y hinatak naman ni Mira si Gunther at patakbo nilang nilisan ang lugar. Kitang-kita ni Gunther ang pinsalang natamo ng kanyang kotse dahil sa malakas na pagsalpok ng isang itim na kotse roon. Mabilis niyang tinandaan ang plate number nito habang tumatakbo.

Napatingin naman si Gunthwr sa dalaga na noo'y tila hindi mapakali habang tumatakas sila sa mga kalaban niya. Alam niyang gagalaw ang mga ito kung kaya't nakaplano na ang paglabas niyang iyon. Nais niyang lumabas sa lungga nito ang taong nais siyang ipapatay at para magkaalaman na. Subalit hindi niya inaasahan ang biglang pagsulpot ni Mira sa lugar na iyon. Seryosong-seryoso ito habang tumitingin sa kanilang tinatakabuhan habang siya naman ay abala sa pag-aanalisa ng mga pangyayari.

Nang makita niyang nakasubod sa kanila ang itim na kotseng iyon ay mabilis niyang inilihis ang landas nila ni Mira patungo sa isang maliit na eskenita.

Huminto sila doon at tahimik na naghintay. Itinago naman ni Gunther si Mira sa kanyang likuran. Habol-habol ni Kira ang kanyang paghinga habang matamang nakatitig sa kamay ng binata na noo'y hawak niya. Patuloy kasing dumadaloy sa isipan niya ang mga alaala ng binata.

"Sino kayo? Sino ang nag-utos sa inyo na patayin ako?" Tanong ni Gunther habang nakatingin sa mga lalaking nakamaskara. Nakasuot ang mga ito ng itim na damit habang may itim na maskara ang nakatakip sa mga mukha nila. Hindi din niya mawari kung mga lalaki ito o may napapabilang na babae roon. Nasa apat ang pumasok sa eskenitang iyon, kapwa may mga hawak na patalim at baril.

"Ako amg kailangan niyo di ba? Hayaan niyong makatakas ang kasama ko. Wala siyang kinalaman sa hidwaan natin kaya labas siya rito."

"Walang aalis. Nangahas siyang ikaw ay iligtas kaya sa ayaw mo at sa gusto, damay na siya rito. Ang utos sa amin, walang ititirang buhay sa sino mang magnais ng iyong kaligtasan." Nakangising wika ng lalaki at napahigpit ang hawak ni Gunther sa kamay ni Mira.

"Ano ba ang kailangan niyo?"

"Buhay mo at ang buhay ng kapatid mo. Pero kung sasabihin mo sa amin ang kung saan naroroon ang kapatid mo ay baka magbago pa ang isip ng boss namin at hayaan kang mabuhay." Wika nito na ikinatawa ni Gunther.

"Sa tingin niyo b*bo ako? Kahit alam ko pa ang kinaroroonan ng kapatid ko, hindi ako t*nga para sabihin iyon sa inyo. Kaya magkamatayan na kung magkamatayan." Sagot naman ni Gunther at hinugot nito ang baril na nakatago sa kanyang beywang at agad na pinaputukan ang lalaking may hawak na baril. Inuna niyang patumbahin ang mga ito upang hindi siya magkaroon ng problema sa mga ito bago niya muling itinakbo papalabas si Mira. Pasimple naman ikinumpas ni Mira ang kamay at isang makaking bakal ang tumilapon sa mga taong humahabol sa kanila.

Nanlaki naman ang mata ni Gunther nang makita ang ginawa ng dalaga.

"Mamaya na ako magpapaliwanag. Kapag hindi tayo umalis dito, mamamatay ka." Wika ni Mira at muling ikinumpas ang kamay. Sa pagkakataong ito ay ang bakod na mismo na gawa sa bakal nag siyang humagis sa kinaroroonan ng mga ito na siyng dumagan sa mga ito. Huminto naman si Gunther at walang pagdadalawang isip na pinaslang ahg mga ito. Wala siyang itinirang buhay at mabilis na tumawag sa kanyang telepono.

"Linisin niyo ang lugar na ito. Hanapin niyo kung sino ang may ari ng plate number na ipinadala ko sa inyo. ". Wika pa ng binata bago pinatay ang telepono.

Seryosong nilisan ni Gunther ang lugar kasama si Mira. Nakatulala naman si Mira, dahil iyon ang unang pagkakataong nakakita siya ng mga taong pinatay. Nanginginig ang kanyang mga laman sa takot ngunit tila ba hindi siya nakaramdam ng awa sa mga taong iyon. Marahil dahil masasama din ang mga ito kaya nararapat lamang sa kanila iyon.

Nang marating na nila ang labasan ay isang kotse ang huminto sa kanilang harapan. Mabilis siyang pinasakay doon ni Gunther. Wala sa sariling sumakay doon si Mira dahil sa panginginig ng katawan niya.

"Patay na ba sila?" Tanong ni Mira. Tumango naman si Gunther. Huminga nang malalim si Mira at doon na tuloy-tuloy na tumulo ang kanyang luha. Agad na nag panic si Gunther dahil iyon ang kauna-unahang pagkakataong umiyak si Mira sa harapan niya. Parang isang batang musmos itong pumalahaw dahil sa kumakawalang takot sa dibdib ng dalaga.

Ikaw ba naman ang makakita ng taong binaril at namatay sa harap mo. Wala nang nagawa si Gunther kung hindi ang yakapin si Mira upang maibsan ang nararamdaman nitong takot.

"It's alright, tahan na Mira." Pag-aalo nito. Patuloy lamg sa tahimik na pag-iyak si Mira habang nasa byahe sila hanggang sa makatulog na din ito sa pagod. Dumiretso naman si Gunther sa hospital na pagmamay-ari nito upang mapatingnan si Mira.

Nang masigurado niyang walang kahit anong problema si Mira sa katawan nito ay inutusan naman niya ang kaibigan niyang doctor na kuhanan ng dugo si Mira.

"Hindi ba dapat may consent tayo sa pasyente bago gawin ito Gunther?"

"Just do it." Inis na wika ng binata at napailing na lamang ang doktor habang kinukunan ng blood sample si Mira.

"Umaaasa ka bang ang babaeng ito ang nawawala mong kapatid? Ilang taon na ba tayong naghahanap, ilang babae na din ang napagkamalan mo?"

"Iba ito, Mikel. This time I'm ninety percent sure. "

"Sinabi mo na rin yan noon, Gunther."

"No, this time I'm..." Hindi na naituloy ni Gunther ang kanyang sasabihin dahil bigla siyang pinanghinaan ng loob?

Paano kung hindi na naman umayon sa kagustuhan niya ang resulta. Saan niya ba hahanapin ang kapatid niya. It's been nineteen whole years since his sister got kindnapped. Dahil sa pagkawala ng kanyang kapatid ay nagkasakit ang kanilang ina dahil sa matinding pangungulila. Five years old na siya that time kung kaya't may isip na siya upang maintindihan ang lahat.

Nang mamatay ang kanilang ina ay isinumoa noya sa puntod nito na hindi siya titigil na hanapin ang kanyang kapatid at dadalhin niya ito sa harapan ng puntod ng kanilang ina.

He is hoping that Mira is his sister. Hindi niya alam kung saan magsisimula ulit kung saka-sakaling maging negative ang result nito.

Samantala, kakatapos lamang ng meeting ni Sebastian nang masaya siyang bumalik sa kanyang opisina. Alam niya kasing naghihintay roon si Mira at nais niya itong ayaing kumain sa labas. Subalit, napawi ang ngiti niya sa labi nang makita ang isang babae doon at hindi niya nakita si Mira.

"Why are you here and where's Mira?" Dumagundong ang boses nito na halos ikatakot ng mga sekretarya niya sa labas ng opisina.

Walang kaemo-emosyong lumingon dito ang babae at ngumiti.

"That poor girl? Pinalayas ko. Hindi siya nababagay rito sa opisina mo. By the way, pinapauwi ka ng Daddy mo sa bahay. Nakauwi na ang kapatid mo kaya nais niyang kompleto tayo sa bahay."