Chapter 15 - Chapter 15

Pagdating sa kwarto ay agad na pinahiga ni Sebastian si Mira.

"Matagal na ba kayong magkakilala ni Gunther?" Bungad na tanong ni Mira. Humiga naman agad sa tabi niya si Sebastian.

"My maternal family is a friend of the Von Kreist. Magkaibigan si Grandpa Gran at ang Lolo natin. I met Gunther when we were seventeen sa Los Angeles." Sagot ng binata at niyakap ang dalaga. Hindi naman ito pinigilan ni Mira bagkus ay nagsumiksik pa siya sa dibdib nito bago komportableng ipinikit ang mata.

"Rest and sleep. I will stay here." Malamyos na bulong ni Sebastian at hinalikan ang ulo ng dalaga. Nagpatianod naman si Mira sa nararamdaman niyang antok at pagod.

Nang makatulog na si Mira ay ipinikit na rin ni Sebastian ang kanyang mata upang magpahinga. Napakarami niyang dapat asikasuhin bukas at kailangan niya ng sapat na pahinga para doon.

Kinabukasan ay nagising si Mira, napakagaan ng pakiramdam niya at ito na yata ang unang beses na naging mahimbing ang tulog niya nang walang masamang panaginip ang gumising sa kanya. Sa halip ay nagising siya na balot na balot ng init dahil sa bisig ng binatang nakayakap sa kanya. Marahan niyang itinulak ito at doon bumungad sa kanya ang napakaguwapon mukha ni sebastian. Nakapikit ito at banayad ang paghinga habang mahimbing na natutulog. Nakayakap ang isang braso nito sa kanyang beywang habang ang isa naman ay pinaunan nito sa kanya.

She adjusted herself slowly and let her eyes feast on his handsome face. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang asawa na niya ito. And he's being a gentlemen when it comes to her. She knows what comes after marriage at nagpapasalamat siya dahil walang ibang ginagawa ito kundi ang halikan at yakapin siya.

She lifted her hands ang traces the hard contour of his perfect face. Napakakinis ng balat nito na halos walang pinagkaiba sa babae. Matangos din ang ilong nito at ngayon lang niya nalamang mahahaba din pala ang pilik-mata nito.

He was a God.

Nang dumampi ang daliri niya sa mga labi nito at natigilan siya. Biglang nag-init ang kanyang mukha nang maalala ang unang halik na iginwad ng binata sa kanya. She suddenly felt lost to those memories at hindi niya namalayang nagising na ang binata.

Napatitig naman si Sebastian sa dalaga at napansin niya ang mapupungay nitong mata na tila naluluha pa. Alam niyang hindi ito umiyak bagkus resulta lamang ito ng tulog. Bahagya pang nakaawang ang labi nang dalaga na siya naman nagpagising sa natutulog na pagnanasa ng binata. Wala itong sinayang na pagkakataon at mabilis na hinalikan ang nag-iimbetang mga labi ng dalaga na siya naman ikinagulat ni Mira.

Banayad at hindi mapusok ang halik na iyon na unti-unting tumunaw sa puso ng dalaga.

"Breath Mira ."

Wika nang binata nang maghiwalay nang bahagya ang kanilang mga labi bago ito muling ikulong ni Sebastian sa maiinit nitong halik. Halos hindi malaman ni Mira kung gaano katagal na siyang hinahalikan ng binata nang mga oras na iyon dahil ang pakiramdam niya ay lumulutang ang buong katawan niya sa alapaap. Kung hindi lang dahil sa nakahiga sila ngayon ay marahil kanina pa tumumba si Mira dahil sa panghihina.

Namumula ang buong mukha ni Mira maging ang dulo ng mga tenga nito nang tuluyan na siyang lubayan ng binata. Kapwa nila habol habol ang kanilang paghinga habang si Mira naman ay hindi pa rin maakapaniwala.

"Good morning Mira." Masayang wika ng binata at hinawi nito ang buhok na kumalat sa kanyang mukha.

"G-good morning." Nauutal pa niyang sagot dahil ss lakas ng kabog ng kanyang dibdib.

"Mira, what are you doing?" Tanong ng binata na kaniya namang ipinagtataka. Wala naman siyang ginagawa.

"Wala akong ginagawa."

"Mira, are you seducing me this early? You know men are most active in the morning. With you, looking like an adorable deer waiting to be bitten, how can I possibly resist you? I wanted to bite you clean. " Halos pabulong na wika nito at nagsitayuan ang mga balahibo ni Mira sa buong katawan.

Mabilis na naitakip ni Mira ang kanyang kamay sa mukha dahil sa kahihiyan. Malakas na tumawa si Sebastian at pinalis ang kamay ng dalaga sa mukha nito.

"I was just teasing you. Come here, give your husband a morning kiss." Wika pa nito bago siya kinintalan ng halik sa labi. "How's your sleep, little wife?" Tanong ng binata at lalong pinamulahan ng pisngi si Mira. That little endearment made her heart race.

Akmang hahalikan ulit siya ni Sebastian nang matigilan ito dahil sa pagkatok sa labas ng kwarto.

"Young Master Sebastian, nakahanda na po ang almusal, pinapatawag na kayo ni Master Grandell." Tawag ng kung sino sa labas. Mabilis na bumangon si Sebastian at tinungo ang pintuan upang tugunin ang tumatawag bago binalikan si Mira.

"Maligo ka na, nagpakuha ako mg damit na maari mong pagpalitan. Ihahatid ko nlng sa iyo pagkatapos mo." Wika ni Sebastian at tumango naman ang dalaga.

Matapos nila parehong maligo at magbihis at dali-dali na sioang bumaba sa hapag. Pagdating doon ay agad nilang nakita sa mesa ang matanda kasama si Mikaella at Gunther. Isa pa sa nagpagulat kay Mira ay si Matthew na noo'y gulat ding nakatingin sa kanya.

"Mira?"

"Good morning Sir Matt." Bati ni Mira at binati na rin niya ang matanda at ang iba.

"Napakaliit talaga nang mundo, sino ang mag-aakalang estudyante mo si Mira." Wika nang matanda habang dumadampot ng bacon bago ito ilagay sa plato ni Mira.

"Kain lang hija, huwag kang mahihiya. Pangalawang bahay na din ito ni Sebastian kay ituring mo na din itong bahay mo." Magiliw na wika ng matanda habang nakatingin sa dalaga.

"Mira, huwag ka munang pumasok ngayon, ako na ang bahala sa leave mo." Maya-maya pa ay wika ni Matthew habang umiinom ng kape. "Ikaw naman Sebastian, ayusin mo iyang gusot sa pamilya mo. Ngayong naexpose na si Mira sa madrasta mo, maaring siya ang maging pangunahing target nito para pasukuin ka." Dagdag pa nito at tumango naman si Sebastian.

"Iiwan ko pansamantala si Mira dito. Babalik ako pagkalipas ng tatlong araw. " Simpleng wika ni Sebastian na ikinabigla naman ni Mira. Napatingin siya sa binata at ngumiti lang si Sebastian sa kanya.

"I need to clarify things to my father. Everything I own was my mother's inheritance at wala silang karapatan dito. Hindi siya o ang kabit niya. Mira, stay here obediently, that way, I will not worry about you getting in danger." Wika ng binata at hinawakan ni Mira ang kamay ng binata. Nakahinga siya nang maluwag nang wala itong makitang kahit anong masamang mangyayari sa binata.

"Okay." Tanging sagot ng dalaga at nagpatuloy na sa pagkain. Tahimik lang siya habang nakikinig sa usapan ng mga ito. Panaka-naka din siyang kinakausap ni Mikaella na agad din naman niyang tinutugon. Matapos nilang kumain ay agad ding nagpaalam si Gunther at Sebastian sa kanila. Maging si Matthew ay umalis na din uoang pumasok sa trabaho at ang tanging naiwan sa mansyon ay si Grandpa Grandell at Mikaella.

Kasalukuyan silang nasa garden habang ang matanda naman ay nagbabasa ng libro habang nakaupo sa tumba-tumba nitong upuan. Sila naman ni Mikaella ay masayang nag-uusap sa harap ng mga tanim na rosas na naroroon.

Mira felt flustered while staring at those flowers. Napakaganda ng mga iyon ngunit may kakaibang lungkot siyang nararamdaman habang tinititigan ang mga ito. Pilit naman niya itong binabalewala upang kahit papaano ay hindi mapansin ni Mikaella.

"Hindi ko talaga akalaing kasal na kayo ni Sebastian. But since you are married to him, you have to be careful. I know Sebastian is a good guy, wala siyang ibang babaeng nakakasama dahil na din sa mailap siya sa mga ito pero ang malakung problema ay ang mga kalabanan niya. Isa na dito ang sarili niyang ama." Wika ni Mikaella at napakunot ang noo ni Mira.

"Bakit naman?"

"Sebastian's father was an ambitious and cruel man while his mother was a kind and loving woman. Sa sobrang kabaitan nito ay hindi nito inalintana ang mga panloloko ng asawa niya na naging resulta nga ng kamatayan ng Mama ni Sebastian."

"It was a fixed marriage between the Saavedra and Harris. Everyone thought they were a perfect match. No one ever imagined that Jonas Harris will cause the death of Kelly Saavedra. Sino nga ba ang mag-aakala na pakitang-tao lamang ang lahat na maging ang ulo ng matandang Saavedra ay nabilog nila. Jonas Harris was a calculative man, he was a dem*n incarnate. He won't even spare his own son Sebastian." Dagdag pa ni Mikaella habang napapailing.

Napatahimik lamang si Mira dahil hindi niya inakalang mas malala pa pala ang mga karanasan ni Sebastian sa kanya. She thought he have it easy because he is rich and wealthy, pero nagkamali siya. He was living in h*ll amidst the gold and treasures he had.

"It was the greatest regret of the Saavedra's. Alam mo ba, kung hindi ikinasal si Auntie kay Mr. Harris ay paniguradong nagkatuluyan sila ni Uncle Matthew." Sambit pa ni Mikaella na ikinagulat naman ni Mira. Ang buong akala kasi niya ay bata pa si Matthew. Nang sabihin naman niya ang iniisip niya kay Mikaella ay natawa lang ito.

"Well, marami na din ang nagsabi niyan. Uncle Matthew was already on his late forties but most people found him to be young around twenties or early thirty." Wika ni Mikaella.

"Enough of them, kamusta naman kayo ni Sebastian? Mabait ba siya sayo?"

"Mabait si Sebastian at inuuna niya lagi ang mga kailangan ko. Siguro kung hindi dahil sa kanya ay wala na ako ngayon dito." Sagot naman ni Mira habang hinahawakan ang talulot ng isang pulang rosas.

"That's good. Sabihin mo sa akin kapag binully ka ni Sebastian, ipapabugbog ko siya sa mga pinsan ko." Seryosong wika ni Mikaella at natawa naman si Mira dahil sa sinabi nito. Alam niyang hindi siya sasaktan ng binata dahil ramdam at kitang-kita niya ang sinsiridad nito sa kanya.