Chapter 21 - Chapter 21

"It counts,Sweetie." Sagot ni Sebastian at hinawakan ang kamay ni Mira.

"You have to be careful always, tandaan mo, hindi sa lahat ng oras ay kasama mo kami. Kapag may nakita kang kahina-hinala, umiwas ka na kaagad. Always bring your phone with you, that way I can always locate where you are." Wika pa ng binata at tumango naman si Mira.

"Okay." Sagot naman ni Mira at yumakap na sa binata. " Salamat Bastian."

"Silly girl." Natatawang wika ni Sebastian at hinaplos ang buhok ng dalaga. Marahan nitong hinawi ang buhok nitong kumalat sa kanyang mukha at dinampian ng halik ang labi nito.

"Magpahinga ka na. I know it's your last day in school tomorrow. Bakasyon na and I will have you go with me in the office." Wika ni Sebastian ay tumango naman si Mira.

Kinaumagahan ,maaga pa lamang ay naiayos na ni Mira ang kanilang babaunin sa Office ni Sebastian. Nag-iwan na rin siya ng pagkain para kay Dylan. Araw iyon ng Sabado kaya alam niyang pupunta si Nana Lorna para maglinis ng bahay.

Habang abala siya sa kanyang ginagawa sa kusina ay narinig niya ang pagbukas ng entradanh pinto. Hindi naman niya agad pinansin iyon dahil akala niya ay si Dylan lamang iyon. Paglingon niya sa pintuan ng kusina kung saan siya naroroon ay tumambad sa kanya ang isang matandang lalaki na halos puti na ang lahat ng buhok nito sa ulo. May hawak-hawak din itong kulay itim na baston at nakasuot ng kulay asul na polo at itim na pantalon.

He was looking at her with widen eyes na tila ba hindi iyon makapaniwala sa kanyang nakikita.

"Good morning po." Nagtataka man ay minabuti pa ring bumati ni Mira sa matanda. Mukhang hindi naman ito isang masamang tao dahil wala din siyang nararamdamang kahit na anong masama rito. Di tulad sa daddy ni Sebastian.

"Ikaw na ba ang asawa ng apo ko? Napakagandang bata. Halika, tulungan mo nga ako dito." Malumanay na utos ng matanda na agad din namang sinunod ni Mira. Tinulungan niya itong maglakad at pinaupo iyon sa silyang malapit sa kanila.

"Anong pangalan mo hija?" Tanong nito.

"Mira po." Sagot ni Mira. "Kayo po ang Lolo ni Sebastian? Bakit po kayo napunta ng ganito kaaga? Kayo lang ba? Dapat ay tinawagan niyo si Sebastian para masundo namin kayo. Paano kung may mangyaring masama sa inyo sa daan?" Sunod-sunod na wika ni Mira habang naghahanda ng maaligamgam na tubig para sa matanda. "May dala po ba kayong gamot niyo?" Tanong ulit niya rito.

"Nasa kotse." Sagot ng matanda habang titig na titig sa dalaga.

"Saglit lang po at kukunin ko." Wika ni Mira at patakbong kinuha ang gamot ng matanda sa dala nitong sasakyan. Mukhang kagagaling lamang ito kung saan dahil may maleta siyang nakita sa kotse nang kunin niya ang bote ng gamot nito.

Matapos mapainom ng gamot ang matanda ay hinayaan na muna niya itong makapagpahinga. Ipinaghanda na rin niya ito ng pagkain para naman makapag-almusal na ito.

"Natutulog pa po si Sebastian pero mamaya bababa na rin ito. Kumain po muna kayo, alam kung galing kayo sa mahabang byahe."

Napatingin naman ang matanda sa inihanda ng dalaga at buong gulat niya itong tinitigan. Bahagya itong natawa at kinuha ang kutsara bago tikman ang nakahanda sa harapan niya.

"Manghuhula ka ba hija? Nakakatuwa, magkapareho kayo ni Allena." Sambit ng matanda habang kumakain.

"Sino po si Allena, Lolo?" Nagtatakang tanong niya at umiling-iling ang matanda.

"Matalik na kaibigan ng anak ko. Ang Mama ni Sebastian. Nakakatuwang bata rin si Allena, napakamaalalahanin, kahit hindi mo sabihin nalalaman niya. Magkamukha kayong dalawa, nagulat nga ako nang una kitang makita dahil akala ko ikaw siya." Malungkot na wika ng matanda.

"Nasaan na po siya ngayon?" Tanong ni Mira at muling umiling ang matanda.

"Matagal na siyang wala, hija. Namatay sa sobrang kalungkutan dahil sa pagkawala ng kanyang anak." Sagot ng matanda at nagpatuloy na sa pagkain. Napaisip naman si Mira dahil naalala niya si Dylan.

Halos patapos nang kumain ang matanda nang bumaba si Sebastian sa kusina. Nagulat pa ito nang makita ang kanyang abuelo doon na masayang nakikipagkuwentuhan kay Mira.

"Lo, kailan ka pa nakabalik? Bakit hindi mo ako tinawagan?" Nag-aalalang tanong ni Sebastian at natawa naman ang matanda.

"Hindi pa ako uugod-ugod para alalahanin mo. Kung hindi pa ako umuwi, hindi ko pa makikilala ang maganda mong asawa, aba Sebastian kailan mo balak dalhin sa bahay si Mira? Ang tagal na ninyong nagsasama ah." Sermon ng matanda at napakamot lang naman si Sebastian.

"Hinihintay ko lang na makabalik kayo galing sa tour. But since you are here, why don't you stay over for a week."

"No thanks, ayoko nang istorbohin ang buhay mag-asawa niyo at isa pa, naghihintay ang Lola mo sa bahay. Dalhin mo doon si Mira at nang makilala na din niya."

"Alright, I'll bring her tomorrow. Ipapahatid na kita kay Ignacio. Hindi ka na dapat nagdadrive sa edad mong iyan. It's too risky." Wika ng binata at tinawagan nito sa telepono si Ignacio.

The oldman rolled his eyes and continue talking to Mira. Napabuntong-hininga naman ang binata sa inaasal ng kanyang abuelo. Nang tuluyan nang makaalis ang Lolo niya ay doon pa lamang niya nayakap si Mira. .

"Good morning." Bati pa nito at hinalikan ang likod ng leeg ng dalaga. Agad naman nakiliti si Mira at natatawang nag-iwas dito. Napangiti naman si Sebastian nang marining ang malutong nitong tawa.

"Mag-almusal na tayo. Baka mahuli tayo sa pasok mo." Paalala ni Mira at naningkit ang mata ni Sebastian.

"Mira you forgot something." Wika nito sa pinababang boses. Kinilabutan naman ang dalaga at alanganing napatingin sa binata. Alam niya kung ano ito ngunit hanggang ngayon ay hindi niya pa rin magawang gawin ito.

"Mira." Muling tawag mg binata at naoailing si Mira. Bahala na.

Tumingkayad ang dalaga at humawak sa balikat nito. Bahagya niyang hinatak ang binata payuko dahil hindi niya pa rin maabot ito at mabilis na dinampian nang halik sa labi ang binata sabay takbo papaloob ng kusina.

Mabilis lamang ang halik na iyon ngunit tila ba natulala pa ng ilang segundo si Sebastian bago siya nakapagreact. Pagbalik niya sa kanyang huwisyo ay wala na sa harapan niya ang dalaga at nasa loob na ito ng kusina.

Pagkatapos kumain at makapaghanda ay tinungo na nila ang Saavedra Building. Pagdating doon ay dumiretso na sila sa VIP elevator para pumanhik papaitaas. Habang naglalakad sila papunta roon ay tila nahagip ng mata ni Mira ang isang pigurang napakapamilyar sa kanya. It was her cousin Christy, may kausap itong isang empleyado at mukhang naroroon iyon para mag-apply ng trabaho.

"What's wrong? Let's go Mira." Tawag ni Sebastian at sumakay na sila sa elevator. Ipinagsawalang bahala na muna niya ang nakita dahil baka namamalikmata lamang siya.

"Did you see someone you knew ?" Tanong ni Sebastian at hinaplos ang ulo nito.

"Wala, baka akala ko lang. " Simpleng sagot niya at tumango naman ang binata. Pagdating nila sa opisina ni Sebastian ay agad din nminayos ni Mira sa pantry ang kanilang baon. Iinitin na lamang niya ito mamaya sa tanghalian.

"Mira, I have a meeting later at nine. Kung inaantok ka, magpahinga ka lang doon sa kwarto, I already told Beatriz to let you rest here, walang mang-iistorbo sayo. " Wika ng binata pagkalabas niya ng pantry. Nakatuon ang pansin nito sa mga dokumentong binabasa nito.

"Wala ka bang ipapagawa sa akin?" Tanong niya at napaangat ng ulo si Sebastian.

"Wala, dinala kita rito para makapagrelax ka. Bukas pupunta tayo sa ancestral house para dalawin sila Lola. You need rest." Wika ng binata.

"Okay." Sagot niya dito bilang pagsang-ayon. Tama nga naman ang binata she need rest. Bahagya na rin siyang nakakaramdam ng antok kaya naman mas minabuti na rin niyang sundin ang suhestyon nito. Pagpasok niya sa kwartong sinasabi nito ay agad siyang nalula sa ganda nito. Ilang beses na siyang pabalik-balik sa opisina ni Sebastian ngunit ito ang unang pagkakataong nakapasok siya sa kwartong iyon. Ang buong akala niya ay isa iyong board room o di kaya naman ay extension ng office niya pero hindi. Isa iyong kwarto na kompleto sa lahat. May kama, lampshade may study table. Ang desinsyo at kulay ay halos katulad lamang ng kwarto nila sa bahay.

Humiga na siya sa kama at tumitig sa kisame. Agad din siyang nakaramdam ng antok kung kaya't ipinikit na niya ang kanyang mga mata para makapagpahinga.

Hindi niya alam kung gaano katagal na siyang nakatulog dahil paggising niya ay madilim na sa kwarto at ang tanging liwanag na nakikita niya ay ang liwanag na galing sa lampshade na nasa gilid ng kanyang ulo. Bumangon siya at tinungo ang bintana upang buksan ang kurtina. Maliwanag pa sa labas. Ang buong akala niya ay gabi na.

Nang tingnan niya ang kanyang cellphone ay nakita niya mag-aalas onse pa lamang ng umaga. Matapos maghimalos at ayusin ang sarili ay lumabas na siya sa opisina ni Sebastian.

Sa kanyang pagkaburyong ay napagdesisyunan niyang mag-ikot ikot muna sa building para naman malibang ang sarili.

Sa kanyang pag-iikot ay nadapo nga siya sa isang lugar kung saan maraming aplikante ang nakapila roon. Nakasuot ang mga ito ng mga damit na madalas gamitin ng mga nag oopisina. Napakapormal nang mga ito habang naghihintay at bakas din sa mga mukha nito ang kaba at antisipasyon.

"Excuse me Miss, nakapila ka ba?" Biglang tanong ng isang babae. Agad itong nilingon ni Mira at umiling.

"Ah, hindi, tumitingin lang. " Wika niya at bahagyang umatras para makapila ito nang maayos.

"Mira? Ikaw ba yan?"

Agad na sumikdo ang dibdib niya sa kaba nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Akmang papalayo na siya ay agad din siyang napigilan nito at ramdam niya ang higpit ng pagkakahawak nito sa kanyang kamay.