Chapter 23 - Chapter 23

"Salamat Bastian, dahil sayo naramdaman ko ang pagmamahal ng isang pamilya. Napakaswerte ko dahil nakilala kita." Wika ni Mira at napangiti naman si Sebastian.

"I should be the one saying that Mira, Thank you for coming to my life. Thank you for saving me and thank you for giving me the chance to love you." Halos pabulong nang wika ng binata bago nito dinampian ng banayad na halik ang kanyang labi.

Tumagal din ng ilang minuto ang halik ng binata na halos ang buong katawan niya ay nakahilig na dito dahil sa panghihina. Nakayakap sa leeg ng binata ang kanyang braso habang nasa beywang naman niya ang mga braso nito.

"You better rest first, siguradong hindi ka pakakawalan ni Lola bukas." Bahagyang natatawa pa si Sebastian habang pinagmamasdan ang napakagandang mukha ng dalaga.

"You're really pretty Mira." Bulong ni Sebastian at natawa naman si Mira.

"Gwapo ka rin naman." Nakangising wika ni Mira na ikinatawa naman ng binata.

"Talaga, kung gwapo ako, sino ang mas gwapo ako o si Gunther?" Tanong nito.

"Syempre ikaw, gwapo din naman si Gunther, sabihin na nating lamang ka sa kanya ng dalawa." Pabirong sagot ni Mira sa tanong nito.

"Dalawa lang ang lamang ko?" Nakangiting tanong ni Sebastian habang mahigpit pa ring nakayakap sa dalaga.

"Lamang ka naman di ba?" Natatawang wika ni Mira at mabilis na kumawala sa binata ngunit mabilis din siyang napigilan ng binata. Saglit pa silang nagbiruan at nagtawanan bago sila tuluyang magpahinga.

Kinaumagahan ay maaga pa lamang ay may kumakatok na sa kanilang pintuan. Agad din namang nagising si Mira dahil sa ingay ng katok sa labas. Akmang papabangon na siya ay pinigilan naman siy ni Sebastian kung kaya't muli siyang napahiga.

"Bastian, may kumakatok, baka ang Lola na yun." Wika ni Mira.

"Mmm. Mamaya na. Hayaan mo muna sila. Magpahinga ka muna." Bulong ni Sebastian at niyakap ang dalaga. Muli itong nakabalik sa pagtulog kung kaya't wala nang nagawa si Mira kundi ang manatili doon at hayaan na muna ang kumakatok sa labas. Kalaunan ay natigio din ang pagkatok sa pintuan nila at muli nang nakatulog si Mira. Nang magising siya ay halos pasikat na ang araw, wala na din sa tabi niya ang binata at naririnig niya ang banayad na lagaslas ng tubig sa banyo. Bumangon na siya at inayos ang kanilang higaan bago kumuha ng gamit sa bitbit nilang maleta.

"Gising ka na pala. Maligo ka na para sabay na tayong bumaba." Wika ni Sebastian nang makita itong nakaupo sa sahig habang kumukuha ng damit sa maleta.

"Okay. " Sagot ni Mira at mabilis na pumasok sa banyo para maligo.

Matapos maligo at magbihis ay bumaba na sila at naabutan nilang nag-aalmusal na ang dalawang matanda.

"Oh, tamang-tama ang baba niyo, sumabay na kayo sa amin. Kamusta ang tulog mo Hija?" Agad na tanong ng Lola ni Sebastian.

"Ayos naman po, nakatulog po ako ng maayos. Wow, ang sarap naman po ng inihanda niyo." Natatakam na wika ni Mira. Umupo na siya sa tabi ng matanda at nagsimula nang kumain. Tuwang-tuwa naman ang Lola ni Sebastian habang pinapanood si Mira na kumakain, wala ding tigil sa paglalagay ng pagkain ito sa plato ng dalaga na hindi naman tinatanggihan nito.

"Siya nga pala Sebastian, tungkol sa kasal niyo ni Mira, nasabihan niyo na ba ang pamilya niya?" Biglang tanong ng Lolo nito. Napatingala naman si Mira at napatingin kay Sebastian.

"Hindi pa Lo, pero balak ko na ding sabihan ang pamilya niya." Sagot lang ng binata at biglang nag-alala si Mira. Ayaw niyang malaman ng kanyang tiyahin ang tungkol sa kasal niya kay Sebastian dahil magiging magulo lamang ito kapag nagkataon. Kilala niya ang pamilya ng tiyahin niya, sakim at hindi nakokontento ang mga ito at baka kung anu-ano pa ang hihingin nito sa pamilya ni Sebastian.

"Mabuti kung ganun. Mas maigi kung mas maaga ay masasabihan mo na ang pamilya niya para maging matiwasay ang ating paghahanda. " Wika ng Lolo niya at napatango naman si Sebastian.

Nang magtama ang kanilang paningin ay nginitian niya ang dalaga at sinenyasan ito na bumalik sa pagkain.

Matapos kumain ay nagdesisyon ang Lola ni Sebastian na mamasyal sa malapit na mall kasama si Mira. Hindi naman nagpahuli ang Lolo nila at sumama na rin ito. Lulan sila ng isang sasakyan at masayang nagkukwentuhan si Mira at Miranda sa likod ng sasakyan habang nasa harap naman ang Lolo Francis at si Sebastian. Si Sebastian na din ang naatasang maging driver nila nang araw na iyon.

Pagdating sa mall ay agad na tumungo ang mga ito sa isang malaking botique.

"Naku, iyan talagang Lola mo, ayaw papigil. Kahapon pa lamang ay kinukulit na ako. Dadalhin daw niya dito si Mira para maibili niya ng mga damit."natatawang wika ni Francis sa apo.

"Wala hong problema, hayaan niyo na ang Lola at minsan lang naman. Kamusta naman ho kayo sa mansyon? Hindi pa ba uuwi si Uncle Steve?" Tanong ni Sebastian.

"Naku, isa pa yang Uncle mo, simula nang mamatay ang Mama mo, ayaw nang umuwi rito. Nagka-usap na kami kagabi, bago ang kasal niyo ay uuwi siya kasama ang mga pinsan mo para makatulong dito. Alam mo naman, tulad namin masyado din noyang dinibdib ang pagkamatay ng Mama mo." Malungkot na wika ni Francis. Bahagya pang naluluha ito dahil sa kalungkutang nanunumbalik sa kanyang kaisipan. Napabuntong-hininga naman si Sebastian ay marahang hinaplos ang likod ng matanda uoang kahit papaano ay maibsan ang kalungkutan nito.

Nag-iisang anak na babae ng mga Saavedra ang kanyang Mama. Dalawa ang kapatid nitong lakaki at si Steve ay kakambal nito. Malaki ang pagkadisgusto nito sa kanyang Ama simula pa man nang una itong ipakilala ng kanyang ina sa kaniyang pamilya. Ngunit anong magagawa nila? Kahit ayaw nila ay wala silang nagawa dahil ito na din mismo ang nagdesisyon na pakasalan ito. Ang panganay naman nilang anak na si Leon ay matagal na rin nanirahan sa ibang bansa simula nang magdesisyon ang ina niyang magpakasal.

Tila ba iyon ang naging mitsa ng pag-alis ng kanyang mga kapatid sa bansa dahil hindi matanggap ng mga ito ang kaniyang naging desisyon. Malapit sa dalawa ang kaniyang ina, simula pagkabata ay lagi itong sumusunod sa kanila ngunit buhat nang makilala niya ang binatang Harris ay tila ba unti-untinh lumayo ito sa dalawang kapatid niya.

"Eh si Uncle Leon Lolo?" Tanong ni Sebastian.

"Uuwi din siya, tuwang-tuwa nang malamang ikakasal ka na. Huwag mo sanang masamain hijo pero nagpaimbestiga kasi ang dalawang tiyuhin mo tungkol kay Mira. Hindi ko naman sila mapigilan kaya hinayaan ko na lamang. Nalaman nilang galing sa mahirap na pamilya si Mira pero huwag kang mag-alala hindi naman sila tutol sa kasal mo. Sinisigurado lamg nila na isang mabuting tao si Mira. "

"Lo, mabuting tao si Mira. Kilala niyo ako at hindi ako basta-basta nakikipaglapit sa mga babae. Si Mira lang ang una at huling babaeng hahawakan ko at mamahalin. " Wika naman ni Sebastian.

"Alam ko hijo. Sinasabi ko lamang sayo uoang hindi mo pag-isipan ng masama ang mga tiyuhin mo. Pero, wala akong tiwala sa pamilya ni Mira. Balita ko oarehonh sugarol ang tiyahin nito at ang asawa niya. " Napapailing na wika ng matanda.

"I know, sila din amg dahilan bakit ko nakuha si Mira. Ibenenta nila si Mira sa pasugalan ni Leo. Mabuti at nandoon ako, bago pa man nangyari yun ay nakilala ko na si Mira. Natatandaan niyo noong unang makauwi ako dito na may nagtangkang patayin ako , Lo? Si Mira ang taong nagligtas sa akin." Kwento pa ni Sebastian at tumango naman ang matanda.

"Sadyang mapaglaro ang tadhana. Mabuti na lamang at hindi katulad ni Mira ang pamilya niya.

"Lo, may sasabihin ako sayo, pero huwag niyo munang ipagsabi kila Uncle at Lola. Hindi ang mga Torres ang tunay na pamilya ni Mira kundi ang mga Von Kreist."

"Ang Von Kreist? Paano?" Gulat na gulat na tanong ng matanda. Dahil sa matinding pagkagulat nito ay muntik pa itong mapatayo sa kanilang kinauupuan.

Sa isip-isip ng matanda ay isang tao lang naman sa pamilya ng mga Von Kreist ang nagkaroon ng pamilya at yun ang ang panganay na anak ng mga Von Kreist na si Antonio na siyang napangasawa ni Allena.

"Anak ni Allena si Mira?" Maluha-luhang tanong ni Francis sa kanyang apo. Nang tumango si Sebastian ay napasandal ito sa sofa at napatingala.

"I knew it. Unang kita ko pa lamang kay Mira ay nakita ko na ang matinding pagkakahawig nilang dalawa. Si Mira ang nawawalang anak ni Allena. Sadya nga talagang mapaglaro ang tadhana." Wika nito habang napapailing. Natahimik naman ang binata at hindi na umimik pa.

Halos magtatanghali na nang matapos mag shopping si Miranda at Mira. Agad din naman silang pumunta sa isang restaurant upang mananghalian. Habang namimili sila ng kanilang kakainin ay may isang hindi inaasahang bisita ang sa kanila ay lumapit.

Napasimangot naman ang dalawang matanda nang makilala ang lumapit sa kanila.

"Ma, Pa. Kamusta na kayo?" Tanong ng isang lalaki. Agad naman itong nakilala ni Mira at maging siya ay napasimangot din.

"Huwag mo akong tatawaging Papa. Simula nang lokohin mo ang anak ko ay wala ka nang ugnayan sa amin." Galit na wika ni Francis. Nabahala naman si Mira nang makita ang matinding galit sa mukha ng Lolo ni Sebastian.