Chapter 22 - Chapter 22

"Sinasabi ko na nga ba, tama ako ng nakita. Bakit ka nandito?" Tanong ni Christy habang pinanlalakihan siya ng mata.

"C-christy? Bitawan mo ako." Sambit ni Mira at pilit na kumakawala sa pagkakahawak nito.

"Mukhang naging maganda ang buhay mo ah. Sinong matandang mayaman naman ang kumupkop sayo? Baka nakakalimutan mo, may utang ka pa sa pamilya namin." Gigil na bulong ni Christy kay Mira.

"Utang? Wala akong utang sa inyo." Wika ni Mira at napangisi si Christy. Mabilis niyang hinatak si Mira patungo sa isang tagong hallway at marahas niya itong itinulak.

"Mira, mukhang tumatapang ka na ah. Baka nakakalimutan mo, nasa bahay pa rin namin ang mga gamit ng mama mo. Kung ayaw mung sunugin ko ang lahat ng iyon, mas makabubuti kung susunod ka sa akin." Wika ni Christy at tiningnan si Mira mula ulo hanggang paa. Mabilis na nag-init ang ulo niya nang makita ang magandang damit na suot nito. Kahit simple lamang iyon ay alam niya at sigurado siyang mamahalin ang damit niyang iyon. Maging ang suot nitong sapatos.

Marahas niyang hinablot ang suot nitong kwentas at tinitigan iyon. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang gawa iyon sa mamahaling ginto.

"Mukhang naging maswerte ka nga. Hoy Mira, bakit hindi mo pa nababayaran ang utang mo sa amin. Sabihan mo kung sino man yang matandang mayaman ang kumupkop sayo na bayaran ang lahat ng utang mo para naman tantanan ka na namin."

"Wala akong utang." Wika ni Mira at mabilis na kinuha ang kwentas kay Christy subalit bigo siyang mabawi iyon.

"Christy, ibalik mo sa akin yan. " Utos ni Mira. Ayaw niyang mapunta ito sa pinsan niya dahil iyon ang kauna-unahang regalo sa kanya ni Sebastian at mahalaga iyon sa kanya.

"Ibalik? Akin na to ngayon. Paunang bayad kumbaga. Kung ako sayo, susundin mo na lang ang payo ko. Sasabihan ko si Mama na nandito ka. Ayaw mo naman siguro na malaman ni Kuya Arnold ang lugar na ito di ba?" Nakangising wika ni Christy at nilisan na ang lugar. Naiwang nanginginig sa takot si Mira habang napapatingin sa kanyang kamay.

Pilit na pinakalma ni Mira ang sarili dahil nararamdaman niya ang kakaibang galit na namamayani sa kanyang dibdib.

"Mira, is that you?" Tawag ng isang boses. Nang lumingon siya ay nakita niyang nakatayo si Gunther sa labasan ng hallway.

"Gunther. B-bakit ka nandito?" Tanong niya at lumapit sa binata.

"Are you alright? Bakit namumutla ka? Are you not feeling well?" Tanong ni Gunther at hinawakan ang kamay ng dalaga.

"A-ayos lang ako. Nagulat lang ako kanina." Paiwas na sagot ni Mira at pilit na ngumiti. Hindi na nagpumilit pa si Gunther dahil alam niyang hindi rin magsasalita si Mira. Inakbayan na lamang niya ito at tinungo na nila opisina ni Sebastian.

"Nasa meeting pa si Sebastian, maupo ka muna, ipagtitimpla lang kita ng kape." Wika ni Mira at mabilis na tinungo ang pantry para magtimpla ng kape.

"Thank you Mira." Sambit ni Gunther nang tanggapin ang tasa ng kape kay Mira. Umupo naman ang dalaga sa harap ng binata.

"Bakit ka nga pala napunta rito?"

"Wala naman, I want to invite you and Sebastian to my Father's birthday." Wika ni Gunther habang umiinom ng kape.

"Kelan ba ang birthday ng Daddy mo? Sasabihan ko si Sebastian mamaya." Nakangiting wika ni Mira.

"Sa susunod pa namang linggo. In-inform ko na lang kayo ng mas maaga para mapaghandaan na rin ni Sebastian at wala siyang maging appointment sa araw na iyan." Wika naman ni Gunther at napatango lang si Mira. Bahagya niyang kinalimutan muna ang mga nangyari kanina at gagawa na lamang siya ng paraan upang mabawi ang kwentas kay Christy. She doesn't want her to touch the things given by Sebastian. Kahit pa sabihin nitong pangbayad sa utang na loob niya sa mga ito.

"May problema ka ba Mira? Noon nakita kita kanina, bakit parang may kinatatakutan ka? Did someone bullied you?" Tanong nito na tila ba siguradong-sigurado ito. Akmang sasagot na sana siya upang pagtakpan ang mga nangyari ay bigla naman bumukas ang pinto at pumasok mula roon si Sebastian habang may kinakausap sa telepono.

Bahagya itong napatingin kay Gunther bago ibinaling ang pansin sa dalaga. Nang matapos nito ang tawag ay agad naman itong lumapit sa dalaga at hinagkan ito sa noo.

"What brings you here, Gunther?" Tanong ni Sebastian habang hinahaplos ang buhok ni Mira.

"Nothing much, pinapaalala ko lang na invited kayo sa birthday ni Daddy, Sana makapunta kayo ni Mira next sunday." Wika ni Gunther at tumango lang si Sebastian dito

"Walang problema at bakasyon din naman ni Mira. Pupunta kami." Sagot ng binata na ikinatuwa naman ni Gunther. Alam ni Sebastian ang totoong pakay nito. Nais nitong dalhin niya si Mira sa Mansyon ng mga Von Kristoff upang makilala na ito ng kanilang padre de pamilya. Hindi naman iyon tinutulan ni Sebastian dahil karapatan din naman nila ang makasama si Mira.

They were her blood-related relatives on the first place.

"That's great! O siya, hindi ko na kayo iistorbohin pa, I will wait for you next sunday. Goodbye Mira. " Sambit ni Gunther at bahagyang niyakap ang dalaga na hindi naman ipinagkait ni Sebastian sa binata.

Nakangiting nagpaalam naman dito si Mira. Nang makaalis na ang binata ay inihanda na ni Mira ang kanilang tanghalian.

"How's your rest?" Tanong ni Sebastian habang kumakain sila.

"Maganda naman ang pahinga ko. Nakatulog ako ng mahimbing." Sagot ni Mira. Bahagya siyang napahinto sa pagkain at tinitigan si Sebastian.

"Bastian, bukas ba tayo uuwi sa inyo o mamayang gabi?" Tanong ni Mira sa binata.

"Mamaya, dadaan lang tayo sa mall para mabilhan ng pasalubong sina Lolo at Lola." Sagot ng binata at napatango naman si Mira.

Pagsapit nga ng hapon nang araw na iyon ay tumungo na sila sa mall para mabilhan ng regalo ang mga matanda. Agad din silang pumunta sa isang malaking store na kung saan nagbebenta ng mga health essentials na kailangan ng mga ito.

"Wow, sa tingin mo maari din ba nating bigyan nito ang daddy ni Gunther bilang regalo?" Tanong ni Mira na ikinatawa ni Sebastian.

"Oo naman, matutuwa ai Uncle kapag iyon ang iniregalo mo sa kanya. Go ahead ang choose." Wika ng binata at excited na naglibot sa Mira sa store na iyon. Sa dami ng mga food supplements at health essentials na naroroon ay bahagyang nahirapan si Mira sa pamimili.

Nang makapili na siya ay agad din nilang ipinabalot iyon kasama ng mga binili nila para sa abuelo at abuela ni Sebastian.

Pagdating nila sa mansyon ay agad nilang natanaw ang dalawang matandang matiyagang naghihintay sa labas ng mansyon. Nakaupo ang mga ito sa silya na nakaharap sa di kalayuan sa pintuan ng bahay.

Nang matanaw nang mga ito ang pagpasok ng sasakyan nila Sebastian ay agad din ang pagtayo ng dalawang matanda upang salubungin sila. Nang papalapit na sila sa bahay ay kitang-kita ni Mira ang kasabikan sa mukha ng dalawa.

Ngunit ang mas ikinagulat ni Mira ay sa halip na si Sebastian ang salubungin nang mga ito ay sa kanya ito sumalubong ng mahigpit na yakap.

"Kagandang bata. Halika pasok na kayo at lumalamig na sa labas." Pag-aaya ng Lola ni Sebastian at marahang hinatak si Mira patungo sa loob.

Tuwang-tuwa ito habang magiliw na nakikipagkwentuhan kay Mira habang ang Lolo naman ng binata ay nakangiting nakasunod langbsa dalawa at si Sebastian naman ay naiwang nakatayo sa labas na tila ba isang batang nakalimutan ng kanyang mga magulang. Napapailing na lamang si Sebastian habang nakatanaw sa dalaga na noo'y hatak-hatak na ng kanyang abuela.

"Mabuti naman ay ngayong gabi kayo umuwi, tamang-tama pala ang pagpapahanda ko ng mga paborito mong pagkain." Wika ng Lola ni Sebastian habang nakatingin sa kanya.

"I knew you badly want to see her, kaya inagahan ko na ang pagpunta. Look at you, forgetting your own grandson after seeing my wife." Tila nagtatampo pang wika ni Sebastian na ikinatawa naman ng abuela niya. Dahan-dahan itong lumapit sa kanya at mahigpit siyang niyakap.

"Alam mo din naman na matagal na kaming naghihintay na magdala ka ng babaeng pakakasalan mo dito. Ikaw itong hindi nag-imbeta sa kasal mo. Hindi man lang kami nakadalo." Malungkot na wika nito.

"Don't worry Lola, makaka-attend ka sa kasal ko. We will be having a church wedding soon." Nakangiting wika ni Sebastian na ikinagulat naman ni Mira dahil wala itong binabanggit sa kanya.

"This is supposed to be a surprise. Kaso ang kulit ni Lola." Napapakamot na paliwanag ni Sebastian nang makita niya ang pagkagulat sa mukha ni Mira. Agad naman pinamulahan ng pisngi si Mira dahil sa pagkakatitog ni Sebastian sa kanya.

"That's better. Ang kasal ay isang napakagandang mangyayari sa buhay ng isang babae kay paghandaan mong mabuti. Kailan mo ba binabalak ikasal sa simbahan?"

"Hindi pa namin napag-uusapan ni Mira pero, the sooner the better." Sagot ni Sebastian at tila ba lumutang nag kaluluwa ni Mira sa sobramg kagalakan.

Kinagabihan matapos maghapunan ay pinagpahinga na sila ng dalawang matanda sa kanilang kwarto na ipinasadya pa nito para sa kanilang pagdating.

" Napakasweet ng Lola mo Bastian, biruin mo naihanda niya pa ito." Manghang wika ni Mira habang iniiikot ang paningin sa buong kwarto. Napakaaliwalas ng kwartong iyon. Bukod sa puro mamahalin nag mga gamit ay napakabango at napakalinis ng buong kwarto.

"Malinis talaga sa bahay ang Lola, kay hands on din siya sa mga katulong kapg naglilinis ang mga ito. She can be a nagger sometimes but yes, she's sweet." Sang-ayon ni Sebastian at niyakap ang dalaga.

"Are you happy?" Tanong nang binata habang hinahaplos ang kanyang pisngi.

"Of course, napakabuti mo sa akin, napakabuti ng pamilya mo sa akin, ano pa ang mahihiling ko?" Nakangiting wika ni Mira habang nagbabadyang malaglag sa mga mata nito ang luhang kanina pa niyang pigil-pigil. Nakaka-overwhelm ang pagsalubong ng lolo at lola ni Sebastian at iyon ang unang pagkakataong nakaramdam niya ng sobrang pagmamahal galing sa isang kapamilya.