Chapter 13 - Chapter 13

Biglang nagpanting ang tenga ni Sebastian nang marinig ang sinabi ng babae. Walang anu-ano'y bigla niyang sinakal ito na ikinabigla din naman ng ginang. Nanlilisik sa galit ang mga mata ng binata at biglang nanlamig sa takot ang katawan ng ginang.

"Sebastian, malalagot ka sa Daddy mo kapag sinaktan mo ako. " Pilit nitong wika habang sinusubukang kumawala sa pagkakasakal ng binata. "Go ahead, k*ll me, tingnan natin kung sino ang mas mauuna sa hukay, ako o ang pobreng babaeng iyon." Gigil na dagdag ng babae. Namumutla na ito dahil sa wala nang hanging pumapasok sa baga nito. Nang marinig naman ng binata ang pagbabanta nito ay napangisi siya.

"That's right, wala ka sa harap ng Daddy kaya hindi mo kailangang magpanggap na mabait. Kapag may nangyaring masama kay Mira, hindi lang ikaw ang ililibing ko ng buhay, isasama ko pati mga anak mong batugan." Wika pa ng binata bago pakawalan ang babae. Agad niyang tinawag si Beatriz at pinacheck ang CCTV uoang makuta kung saab nagpunta si Mira.

Nang makita niyang lumabas ito ng building ay doon na niya pinagalaw ang mga tauhan niya.

"Get out of my sight, you are not welcome here. My company is mine and it has nothing to do with your so called family." Galit na sigaw ni Sebastian habang nakaturo sa pintuan ang kanyang kamay.

Umismid naman ang ginang at padabog na nilisan ang lugar.

"Sir, hindi sila titigil hangga't hindi nila napapasakamay itong mga pinaghirapan mo. Hindi ko maintindihan ang Daddy mo kung bakit bulag siya sa katotohanan na pera lamang ang habol sa kanya ng babaeng iyon. " Wika ni Beatriz.

Napaupo naman si Sebastian sa upuan nito habang nakatingin sa cellphone ng dalaga na naiwan nito sa kanyang table. Hindi niya alam kung ano ang pinagsasabi ng kanyang madrasta sa dalaga na naging dahilan nang pag-alis nito.

"Beatriz, prepare the documents. I need it now. Once it was done, transfer half of my shares in her name." Wika nang binata at tumango lang naman si Beatriz at agad na kinontak ang abogado ng binata.

Hindi naman malaman ni Sebastian ang gagawin dahil sa pagkawala ni Mira. Hindi niya alam kung saan ito pumunta at wala din naman itong mapupuntahan bukod sa bahay niya. Sinubukan na rin niyang tumawag doon, ngunit hindi din umuwi si Mira.

Maya-maya pa ay nasapo niya ang noo nang maalalang walang dala na kahit singkong-duling si Mira. Paano nga naman ito makakabalik sa bahay niya. Sa kanyang pag-iisip nang maaring puntahan ng dalaga ay bigla naman niyang narinig ang oagtunog ng cellphone niya.

Nang makita niya ang pangalan ni Gunther sa kanyang screen ay agad siyang kinutuban ng masama. Agaran din ang pagsagot niya sa tawag nito at naulinigan niya ang boses ng binata.

"What happened to her? Nasaan kayo? Ayos na ba siya? Gunther Von Kreist, kapag may nangyaring masama kay Mira, hindi ko palalagpasin ito. I won't tolerate anyone hurting Mira. " Gigil niyang wika at mabilis na pinatay ang cellphone. Dinampot niya ang kanyang susi at mabilis na bumaba sa building upang tunguhin ang hospital na pagmamay-ari ni Gunther.

Pagdating sa hospital ay agad din siyang dumiretso sa VIP room na sinabi ni Gunther sa kanya. Pagpasok ay agad na bumungad sa kanya ang natutulog na si Mira. Walang kahit anong galos ito sa katawan at mahimbing ang pagtulog nito. Napaupo naman siya sa tabi nito ay hinawi nang marahan ang buhok nitong nakakalat sa kanyang mukha.

Nagising si Mira nang maramdaman niya ang isang mainit na presensya sa kanyang tabi. Pagmulat nang kanyang mata ay agad na bumungad sa kanya ang gwapong mukha ni Sebastian.

"Sebastian?" Napabalikwas siya ng bangon nang maalala ang mga nangyari. Inilibot niya ang kanyang paningiin at napabuntong-hininga lang siya nang mapagtanto niyang ligtas na siya.

"Bakit ka nandito, baka pagalitan ka ng Mommy mo." Turan ng dalaga at nag-iwas ng tingin dito.

"Yun ba ang pakilala niya sayo? Mira, I only have one mother in this world at sinisigurado ko sayong hindi ang babaeng iyon ang nanay ko. She is just my father's mistress. Hindi ka dapat umalis nang basta-basta. Yous hould have called me instead." Wika ni Sebastian. Bakas sa mukha nito ang pagod at pag-aalala. Bigla naman may kumurot sa puso ni Mira at hinawakan nito ang malaking kamay ng binata.

"Sorry, hindi ko na ulit gagawin iyon. Akala ko talaga Mommy mo siya at ayokong mag-away kayo dahil lang sa akin. Sebastian, I really want to be with you always pero naalala ko,magkaiba ang mundong ginagalawan natin.

"Who told you that? May sinabi siyang kalokohan sayo? Don't you dare listen to her. Anong magkaiba? Iisa lang naman ang mundo. Kung ang estado ng buhay natin ang problema, I can perfectly adopt to yours, sanay ako sa hirap, lahat nang meron ako ngayon ay pinagsikapan kong maabot, no one in my father's side help me. Kaya wala silang karapatan na husgahan ka." Pigil na galit na wika ni Sebastian.

"Pero Sebastian..."

"No buts Mira. If you really want to be with me, then marry me. Sino pa ang manghuhusga sayo kung kasal na tayo. Let them bark all they want, hindi nun mababago ang katotohanan na mahal na kita." Wika ng binata na ikinagulat naman ng dalaga. Nakaawang ang bunganga niya habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa binata.

"Yes Mira, I love you. I don't care if you don't love me now, I will make you love me soon." Mas mahinahon nang wika ni Sebastian at marahan nitong isinara ang nakabukang bunganga ng dalaga bago ito kintalan ng mabilisang halik sa labi. "So please, don't underestimate yourself. You are way special than them. Never akong nahumaling ng ganito sa mga babae, Mira you are the first. "

"Sebastian, paano kung..."

"No more what ifs. Maya-maya darating dito si Beatriz kasama ang aking lawyer. I already prepared everything. Isang pirma mo na lang and we are legally married. My father wants me to marry someone on his side to monopolize everything I have. Matitiis mo ba ako? They will seize everything at walang matitira sa akin kundi ang pang-aapi at panghahamak nila sa akin. "Malungkot na wika nito but if you marry me, I will transfer my shares to you, that way mapoprotektahan ko ang mga bagay na mahalaga sa akin. It's like I hit to birds with one stone. I get to marry the girl I love and protect what I worked hard to have. "Mahabang paliwanag ng binata.

"Okay." Wika ni Mira na tila wala sa sarili. Naawa kasi ito sa binata at nabalot ng kalungkutan ang kanyang puso. She wants to be with him and protect him. Nais niyang tulungan ito at kung ang pagpapakasal dito ay makakatulong, walang pag-aatubili niya itong gagawin. Perhaps, Sebastian is a good guy. Mabait, maalaga at ito ang tangjng taong tumulong sa kanya sa oras ng kanyang kagipitan.

"Mira, is that a Yes?"tila hindi makapaniwalang tanong ni Sebastian. Kumikislap ang mga mata nitong tila ba isang batang tuwang-tuwa.

"Yes." Sagot ni Mira at bigla naman siyang niyakap ng binata dahil sa katuwaan. Ilang araw na din siyang hindi makatulog dahil sa kaba at pagdadalawang -isip. Paano kung ayaw ni Mira? Paano kung manatiling matatag ang desisyon nito na ayaw pa niya? Nang marinig niya ang matamis na oo ng dalaga ay tila ba ang mga lantang bulaklak ay unti-unting nabuhay at nagkaroon ng magandang kulay. Sa pagkakataong iyon ang madilim na mundo ni Sebastian ay tila nagkaroon ng isang liwanag.

"Mira, hindi ka magsisisi sa desisyon mo, pangako ko yan sayo." Wika pa ng binata at mahigpit na niyakap ang dalaga bago ito kinintalan ng halik sa noo. Bahagyang napangiti naman si Mira at tumango bioang pagsang-ayon dito. Alam niyang wala siyang pagsisisihan dahil basang-basa niya sa isipan ng binata ang pagiging sincere nito at totoo.

Nang dumating na si Beatriz at amg abogado nang binata ay agad na nilang inayos ang mga papeles para sa kanilang kasal. Civil lang muna upang kahit papaano ay maging legal ang kanilang pagsasama at para maiayos na din ni Sebastian ang paglilipat ng mga ari-arian niya sa dalaga.

Iyon lang naman kasi ang habol ng kanyang ama. Ang kanyang mana, dahil nakasaad sa kasulatan na hindi iyon mapapasakamay ng binata hanggat hindi pa siya ikinakasal. King hindi dumating si Mira sa buhay niya ay paniguradong maaangkin ito ng kanyang ama at nang kalaguyo nito.

Meeting Mira in this life was the best thing that happened to him. Ito din ang nagpa-realize sa kanya na hindi sa lahat ng pagkakataon ay nananaig ang pera at materyal na bagay. Nagiging sanhi lamang ito ng hindi pagkakaunawaan at away sa pagitan ng dalawa o tatlong panig.

He felt contented with Mira in his arms. Pakiramdam niya ay ito na ang pinakamasayang araw sa buong buhay niya. At sana magtuloy-tuloy na ito. Sebastian pulled out something from his trouser. It was a small velvet box with golden outline. Binuksan nito ang box at doon bumulaga sa harap ni Mira ang isang simpleng singsing na may maliit na diamond.

"I prepared this way before I enrolled you in college. You are still a student, kaya hindi ko muna pinalakihan ang diamond. I hope you like it." Wika ng binata at namangha ang dalaga.

Kumislap ang mga mata nito habang nakatingin sa singsing. Nang maisuot na ito sa kanyang daliri ay lalo siyang namangha sa ganda nito.

"I love it. Salamat, Sebastian." Sambit ni Mira habang tila naluluha sa kagalakan. Parang napakabilis ng mga pangyayari at wala siyang ibang maisip kundi ang iiyak ang kaniyang kasiyahang nararamdaman. Hindi man niya aminin. Alam niya sa kanyang sarili na nahuhulog na din ang loob niya sa binata.