Chapter 9 - Chapter 9

Matapos makabalik sa mansiyon, agad na din silang nagpahinga. Nakatulala naman si Mira habang nakatingin sa kisame. Hindi pa rin mawala sa isip niya si Gunther at ang pangitain niya dito.

Lumipas pa ang isang linggo at tuluyan na ngang nasanay si Mira sa buhay niya kasama si Sebastian. Naging normal na din sa kanya ang ipagluto ito kapag wala siyang ginagawa. Kapag nasa trabaho naman ang binata ay nasa study room lang siya at nagbabasa ng kung anu-anong libro. Kalimitan pa nga ay tumutulong siya sa mga gawaing bahay na kaagad naman siyang sinasaway ng mga katulong. Sa isang linggong pananatili niya roon ay malimit na siyang nakakaramdam ng paghilab ng kaniyang tiyan dahil sa gutom. Naiisip niya tuloy, ano na kaya ang sitwasyon ng kaniyang tiyahin at nang pamilya nito.

Sa kaniyang pag-iisip ay hindi niya namalayan ang pagtunog ng kaniyang cellphone. Napapitlag na lamang siya nang marinig niya ang pag katok sa pintuan sa labas. Tumayo na siya at tinungo ito at doon niya nakita ang cellphone niyang umiilaw, agad din naman niyang dinampot ito at sinagot.

"Hello Sebastian?"

"Mira, ipapasundo kita kay Ignacio, meron tayong pupuntahan saglit. Magbihis ka." Wika ng binata.

"Okay." Tugon naman niya at mabilis nang nagbihis at nag-ayos. Matapos ay agad din siyang bumaba upang hintayin si Ignacio.

Nang makita niya ang pagdating nito ay agad na siyang sumakay sa sasakyan.

"Nasaan si Sebastian, Manong Ignacio?" Tanong niya sa lalaki.

"Nasa opisina pa ma'am. Ang sabi lang niya sunduin kayo at ihatid doon."

"Ganun ba." Tumingin siya sa labas ng bintana at pinagmasdan ang mga lugar na nadadaanan nila. Makalipas lamang ang tatlumpung minuto ay narating na nila ang SS Corp. na pagmamay-ari ni Sebastian. Natatayang nasa fifty floors ang building na iyon at nasa pinakataas ang opisina ni Sebastian. Hindi naging maganda ang una niyang punta roon kaya naman ay tahimik lamang siyang sumusunod kay Ignacio.

Pagdating niya sa opisina ng binata ay nakita niya itong kausap si Beatriz, pansamantala muna siyang umupo sa sofa at hindi na inistorbo ang mga ito.

Nang matapos na ito ay agad din naman itong lumapit sa dalaga. Inabot nito ang isang folder , nang buksan niya ito ay nakita niyang naglalaman iyon ng kanyang birth certificate at iba pang papeles niya. Nagtataka naman niyang tiningnan ang binata ngunit kalaunan ay ipinagsawalang bahala din naman niya ito. Mayaman si Sebastian kaya kahit ano ay kaya niyang gawin.

"Bakit mo kinuha ito?"

"I am planning to enroll you in college, hindi ba't gusto mong mag-aral?" Tanong ng binata at tahimik siyang napatingin sa folder na iyon. Matagal na niyang pangarap na makapagtapos pero dahil wala siyang pera ay permanente na niya itong kinalimutan.

"Gagastos ka ng malaki kapag nag-aral ako. Nakakahiya na, hindi ko naman pera ang pera mo." Malungkot na wika niya. Sapat na sa kaniya ang makakain ng sapat sa bawat araw. At ang isang planong naiisip niya ay ang maghanap ng trabaho upang makaipon.

"Iyon ba ang iniisip mo? Hindi naman ako naniningil, ang pagtulong ko sa iyo ay bukal sa loob ko Mira. Isipin mo na lang na ito ang bayad ko sa pagliligtas mo sa buhay ko. If not for you, I won't be here." Wika ng binata at hinaplos ang pisngi niya. Isa pa ito sa nagpapahirap sa mga desisyon niya. Dahil sa bawat araw na kasama niya ang binata ay unti-unti na siyang nasasanay sa presensya nito. Pakiramdam pa nga niya ay nahuhulog na ang loob niya rito.

Tiningala niya ang binata at umiling dito.

"Ayokong maging isang pabigat sayo Sebastian. Paano kung isang araw magsawa ka na sa pagtulong sa akin? Paano kung sa araw na iyon nasanay na akong dumepende sa yo ? Paano kung isang araw, mawala ka at iiwan mo rin ako?" Emosyonal na tanong niya. Lahat ng nagpapagulo sa isip niya ay tila ba isa-isang nagiging malinaw sa kanya. Aaminin niya, isa si Sebastian sa mga taong naging mahalaga na sa kanya. Hindi na niya alam ang gagawin kung pati ito ay mawala sa kaniya.

"Ano ba ang gusto mo Mira?"

"Trabaho, nais kong magtrabaho para makaipon ako ng pera. Sa ganun ay hindi ako maging pabigat sayo. Hindi mo ako kaano-ano pero pera mo ang ginagastos ko. Lahat ng kailangan ko ibinibigay mo nang walang reklamo. Wala naman tayong relasyon para gawin mo yun, tsaka..."

Hindi na natapos ni Mira ang kanyang sasabihin nang biglang hapitin ng binata ang kanyang beywang at bigla siyang hinalikan nito sa kanyang mga labi. Bakas ang pagkagulat sa mukha ng dalaga dahil sa ginawang iyon ng binata. Sinubukan pa niyang itulak ito ngunit dahil sa lakas nito ay wala siyang nagawa kundi ang magpatianod dito. Pakiramdam niya ay sasabog na sa kaba ang kaniyang dibdib at idagdag mo pa ang mauubusan na siya ng hangin dahil sa ginagawa ng binata.

Nang maramdaman naman ni Sebastian ang panghihina ng dalaga ay agad din niya itong pinakawalan. Pulang-pula ang mukha nito at nakaawang naman ang labi nito habang habol-habol ang paghinga.

"Sweet." Sambit pa ng binata habang nakatitig sa labi ng dalaga. Matagal na niyang gustong gawin ito at kanina lamang siya nakakuha ng tamang pagkakataon. At hindi nga siya nagkamali. Mira's lips are soft and sweet and it was addictive.

"Sebastian, bakit mo ginawa iyon?"

"Hindi pa ba obvious? It's because I like you. Tama nga siguro si Carlos, You were my type. Of all the women I have meet before, ikaw lang ang tanging babaeng hindi ako nagkakaroon ng aversion. You were special. " Sagot naman ng binata at tila may sumabog na confetti sa utak ng dalaga. Isabay mo na din ang makukulay na fireworks na tila nagpasilaw sa mga mata niya.

"Y-you like me?" Maang na tanong ni Mira na hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyayari? Paanong ang isang Sebastian Saavedra na isang lalaking ubod ng gwapo at yaman at magkakagusto sa isang tulad niyang anak sa hirap, walang kaclass-class at hindi rin naman kagandahang babae?

Sebastian is like a God while she is nothing but a mere servant.

"Hindi maari..." Sambit niya na kahit siya ay naguguluhan na din. Napatingin siya sa binata at nakita niya kung paano kumunot ang noo nito at dumilim ang mukha nito. Kinabahan naman siya dahil alam niyang galit ito.

"Why? Is it because of someone else? Gunther? Napapansin ko nitong mga nakaraan ay wala kang naging bukambibig kundi ang lalaking iyon. Why? Do you find him more handsome than me?" Tanong ng binata ay napipilan si Mira.

Iyon ang dahilan kung bakit gumagawa na ng aksyon si Sebastian. He felt threatened by Gunther. Ayaw niyang pagsisihan ang lahat sa huli kaya susugal siya sa pagkakataong ito. It's either she chose him or she chose to stay with him. Walang Gunther, walang kahit sinong maiinvolve.

"Hindi sa ganon. Sebastian, magkaiba tayo ng buhay na tinatamasa, langit ka, lupa lang ako. Ano na lamang ang sasabihin ng mga tao sa paligid mo kapag nalaman nilang isang hampaslupa ang nagugustuhan mo?" Tanong niya at umiling ang binata. Hinatak niya ang dalaga at niyakap ito.

"No, you're not like that. I don't care, isa lang ang gusto kong malaman. May pag-asa ba ako sa puso mo?" Mahinang tanong ng binata at tila gusto nang bumigay ng tuhod ni Mira dahil sa boses nito. Sino ba naman ang hindi manghihina kung isang adonis ang bigla na lamang magtatapat ng pag-ibig sayo?

"You don't have to answer, just give me a chance to prove my feelings for you. Iyon lang ang hinihingi ko. And accept everything I give you. If you want to make me proud, go to school and prove yourself. Kung naiilang ka pa rin, I have a proposition, work with me on the weekends and I will give you a full scholarship until you graduate. Does that sound better?"

"Anong trabaho?" Tanong ni Mira na halatang kinakabahan sa offer ng binata.

"Just stay with me, do mundane tasks, like getting me a cup of coffee, fixing my things, cooking for me. You can do anything." Wika nito at lumapit ang mukha nito sa kanyang tenga.

"You can also, do something that can make me happy." Patuksong bulong pa nito at mabilis na lumayo si Mira sa binata. Pahagalpak namang tumawa ang binata dahil sa reaksyon ng dalaga. He really likes teasing her, her reactions are priceless. Hindi niya sukat-akalain na ganito pala ang pakiramdam kapag kasama mo ang isang taong nagpapasaya sa iyo.

"What are you thinking, my thoughts are clean."kaila ng binata habang tumatawa.

Clean? Bakit pakiramdam ni Mira ay lahat ng mga salitang ibinubulong ng binata sa kanya ay marumi? Bahagya pa siyang kinikilabutan dahil dito.

"So what is your decision?" muling tanong ng binata at napatingin naman si Mira sa folder na hawak-hawak niya. Hindi niya alam kung magiging tama ba ang desisyong gagawin niya subalit hindi din niya malalaman kung hindi niya susubukan. At dahil doon ay wala na siyang pagdadalawang isip na pumayag sa suhestiyon ng binata. Natuwa naman si Sebastian at mabilis na ipinaayos kay Beatriz ang enrollment ng dalaga.