Chapter 7 - Chapter 7

Pagdating nila sa building na pagmamay-ari ni Sebastian ay agad na silang dumiretso sa pinakatuktok nito kung saan naroroon ang opisina ng binata. Lulan sila ng VIP elevator at hawak-hawak pa rin ng binata ang kamay ni Mira. Tila ba natatakot itong mawala sa paningin niya at iyon ang paraan niya upang masiguradong hindi ito makakalayo sa kanya. Pagbukas ng elevator ay tuloy-tuloy naman sila papasok sa isang hallway at ramdam ni Mira ang mga matatalim na tingin ng mga taong nadadaanan nila.

Ilang na ilang siya at pilit na hinahatak ang kamay mula sa binata ngunit lalo lamang humihigpit ang pagkakahawak nito sa kanya. Pagpasok nila sa opisina nito ay agad na siyang pinaupos nito sa sofa malapit sa bintana. Nalula naman si Mira sa ganda ng tanawin mula roon.

"Kapag nagutom ka sabihan mo lang ang mga sekretarya ko sa labas, may dadaluhan langbako sandali. Pagkatapos nito uuwi na tayo." Wika pa ng binata at ipinatawag na sa intercom ang kanyang assistant.

"Beatriz, iiwan ko lang saglit dito si Mira, sabihan mo muna sila sa labas na asikasuhin siya bago ka sumunod sa akin sa board room." Utos ng binata sa babaeng kakapasok lang sa opisina nito.

"Yes, Sir. " Tugon naman ng babae at lumabas na ng opisina. Nilingon naman ni Sebastian si Mira na noo'y nakatanaw lang sa labas ng bintana. Napangiti naman siya at iniwan ang isang cellphone sa tabi nito.

"Naka-save diyan ang number ko at number ni Nana Lorna at Ignacio. Kapag na bored ka, pwede kang maglaro muna. That's yours kaya malaya kang gawin ang gusto mo diyan. Connected na rin iyan sa wifi dito at sa bahay." Mahabang wika ng binata at napatanga naman ang dalaga. Napatitig ito sa cellphone na nasa tabi niya.

"You can message me if you want. " Wika pa ng binata sabay kindat dito. Natawa naman si Mira at dinampot na ang cellphone.

"Salamat, Sebastian." sambit pa niya at ngumiti sa binata. Bahagyang umangat ang mga labi ni Sebastian at marahang ginulo ang buhok nito bago nagpaalam na aalis na. Kahit maging hanggang sa meeting nito ay nakangiti pa rin nag binata at halos kilabutan naman ang mga kasama niya dahil dito.

"Ms. Bea, sigurado ka bang okay lang si Boss? Wala naman sigurong ililibing mamaya di ba?" Pabulong na tanong ng isang executive director sa kompanyang iyon. Napakunot-noo naman si Beatriz sa sinabi nito at tinapik nito ang kanyang mesa.

"Kung ayaw mong ikaw ang ilibing ni Sir mamaya, mag focus ka." Mahinang saway ni Beatriz at muli nang itinuon ang pansin sa kanilang boss. Kasalukuyan silang nakikinig sa report ng isang Branch Director habang si Sebastian naman ay tila abala sa cellphone nito. Paminsan-minsan ay tila napapangiti ito bago ito magtipa sa telepono.

Ito ang kauna-unahang pagkkaataong nakita niyang tila masaya ang kanilang boss. Sampong taon na din siyang nagtatrabaho bilang assistant nito. Isa siya sa mga taong naging kasama nito simula pa lamang noong itatag niya ang kompanyang ito. At isa rin siya sa mga nakakaalam ng malaking pagkadisgusto ng binata sa mga babae. Kahit siya na assitant nito ay hindi magawang makalapit dito ng kahit isang metro. Kapag meron itong ibinibigay na gamit o bagay ay laging ilag ang binata. Nasanay na rin siya sa ugaling ito ni Sebastian dahil kung tutuusin ay magkasama na silang lumaki ng binata. Kaya ganoon na lamang ang gulat niya nang magdala ito ng babae sa kanilang opisina at ang matindi pa ay magkahawak kamay pa ang mga ito. 

'Mukhang nakahanap na rin siya ng kanyang magiging katipan' Napangiti na lamang siya sa isiping iyon.

Habang nakikipag-usap si Mira sa binata sa text ay bigla siyang nakaramdam ng uhaw. Tumingin siya sa paligid at wala siyang nakitang tubig roon. Tumayo na siya at lumabas ng opisina upang kausapin ang mga babaeng naroroon. Nakita niyang ang iilan dito ay abala sa kanilang ginagawa at isang babae ang nakaagaw ng pansin niya. Nakaupo ito sa upuan habang nag-aayos ng kanyang kuko.

"Excuse me, miss saan ako pwedeng makakuha ng tubig?" Mahinahong tanong ni Mira dito. Napaangat naman ng mukha ang babae at napakunot ng noo.

"Mukha ba akong maid, para hingian mo ng tubig? Tsaka sino ka ba?" Mataray na tanong nito na ikinagulat ni Mira. Nagpalinga-linga siya nang marinig ang pagbubulungan ng mga ito, nakita niyang halos lahat ng naroroon ay napapatingin sa kanya.

"Alice, ano ka ba, bisita siya ni Sir Sebastian." Saway ng isa pang babae.

"Bisita?" Tumayo ito sa kinauupuan at tiningnan si Mira mula ulo hanggang paa. "Walang kaclass- class, paano magiging bisita ni Sir ang isang tulad nito?" Patuyang wika pa nito at napayuko si Mira. Tiningnan niya ang sarili at wala naman siyang nakikitang mali sa kanyang suot o kaniyang itsura para kutyain siya ng ganoon ng babae.

"Kung gusto mo ng tubig, bumaba ka sa canteen, doon maraming tubig. Ayan ang elevator, bumaba ka sa first floor at hanapin mo ang canteen." Wika pa ng babae at muli na itong bumalik sa kinauupuan nito.

Tahimik namang sumunod si Mira sa sinabi nito. Tinungo niya ang elevator at pumasok na roon. Pinindot niya ang first floor button at saka hinintay ang pagbaba nito.

Pagbukas ng pintuan ay agad din naman siyang lumabas at iniikot ang paningin sa lugar. Nakakailang minuto din siya sa pag-iikot ngunit hindi pa rin niya mahanap ang canteen na tinutukoy ng babae. 

"Excuse me, itatanong ko lang po sana, nasaan po ang canteen dito?" Tanong ni Mira at napakunot ang noo ng guwardiyang napagtanungan niya.

"Naku Miss bago ka ba rito, nasa third floor ang canteen wala dito sa first floor. Hindi ka ba nasabihan ng mga kasamahan mo?" Nagtatakang tanong nito at umiling lang si Mira.

"Ganun po ba, maraming salamat po."Sambit niya at muling tinungo ang elevator. Napatingin lang naman sa kanya ang guwardiya, bakas sa mukha nito ang pagtataka dahil noon lang niya nakita si Mira doon. 

Nang marating na ni Mira ang canteen ay agad naman siyang humingi ng tubig roon. Isang butihing Ginang ang nagbigay sa kanya ng isang sandwich at naaawa raw ito sa sitwasyon niya. Napangiti lamang si Mira at nakipag-usap rito habang kumakain. Doon din niya nalaman na napagkaisahan siya ng mga babae sa top floor. Ayon pa sa Ginang, merong pantry sa taas dahil doon minsan inihahanda ang mga kape ng mga ka-meeting ng kanilang Boss. Hindi naman iyon pinansin ni Mira dahil hindi naman siya gaanong napagod sa paglalakad. Mabuti nga at nakapaglibot-libot siya doon at nakilala niya si Martha na siyang nagbigay sa kanya ng libreng pagkain.

Matapos kumain ay dali-dali na siyang bumalik sa itaas. Pagdating niya ay nakita niyang nakatayo ng mga babae sa secretarial department habang nakayuko ang mga ito sa harap ni Beatriz. Napalingon naman sa kanya si Beatriz at mabilis siyang nilapitan nito.

"Saan ka galing? Kanina ka pa hinahanap ni Sir Sebastian." Pabulong na wika ni Beatriz sa kanya.

"Bumaba ako para uminom ng tubig." inosente niyang sagot at lalong naningkit ang mata ng dalaga. Marahas niyang nilingon ang babaeng naroroon.

"Pumasok ka na sa opisina, ako na ang bahala dito." wika sa kanya ni Beatriz at tumango naman siya bago tumuloy sa loob ng opisina. Bago pa man sumara ang pinto ay rinig na rinig pa niya ang galit na galit na boses ni Beatriz at ang pahagulgol na iyak ng mga babae. Doon nakatuon ang pansin niya kaya naman nagulat pa siya nang may humatak sa kanya at napasubasob ang mukha niya sa matigas na dibdib ni Sebastian.

"Bakit hindi mo dala ang cellphone mo?" Tanong nito at doon lang niya ito naalala. Tiningala niya ito at agad na bumungad sa kanya ang napakaguwapo nitong mukha. Ngumit siya at tinapik ang mukha nito upang maibsan ang pandidilim nito.

"Bumaba lang ako saglit, masyado akong nalibang sa pakikipag-usap sa isang Ginang doon sa Canteen." Nakangit niyang wika.

Nang makita naman ng binata na hindi ito nasaktan o nadehado ay doon lamang kumalma ang kanina pang galit na gustong kumawala sa kaniyang sistema.

"Sa susunod dalhin mo ang cellphone mo para alam ko kung nasaan ka." mahinahong sermon nito at tumango naman si Mira. Pasimple itong humiwalay sa pagkakayakap ng binata at kinuha ang cellphone niyang naiwan sa sofa. Kahit kasi ito ang tumutulong sa kanya ay hindi pa rin siya komportable sa ipinapakita nitong kabutihan at ang madalas nitong pagiging intimate sa kanya. Mabilis pa rin siyang mailang dito at halos hindi niay maiwasang kabahan kapag nagkakalapit sila.

"Tapos na ba ang meeting mo?" tanong niya at bahagyang lumayo sa binata. Napansin naman ni Sebastian ang pangingilag ng dalaga kaya hinayaan na muna niya ito. Bumalik na siya sa kanyang mesa at inayos ang mga folders doon.

"Oo, gusto mo na bang umuwi?" tanong niya at masayang tumango ang dalaga. Agad naman tinawagan ni Sebastian si Beatriz upang mag-iwan ng utos sa kanyang assistant.

"Sir, ang secretary na sumuway sa utos mo ay pinababa ko na sa accounting para kunin ang huli niyang sahod. Lahat ng nasa secretarial department ay binigyan ko na ng written warnings ayon na din sa nais niyo." Anunsiyo ni Beatriz at napamulagat ang mata ni Mira. Tumingin siya kay Sebastian at tumango lang ito sa assistant niya.

"Good, I'll leave everything to your care, If something come up na hindi mo kaya, tawagan mo agad ako. You can go home early after this." Wika ni Sebastian at kinuha na ang kaniyang bag sa mesa nito.

"Let's go, Mira." Tawag nito sa kanya. Mabilis naman sumunod ang dalaga sa kanya at bahagyang kumaway kay Beatriz bilang paalam dito.