Chapter 9 - CHAPTER 9

" Ang Lihim ng Diwatang si Gassia "

Question of the day, Galing Kay saating masugid na taga basa.

" Hi, Author gusto ko lang pong malaman kung saan nyo kinuha ang pangalang Gassia. Dahil sya lang po Kasi ang iba sa mga Filipino Diwatas. Then I try to search diwata Gassia. Wala naman po, not unlike kina Makiling, Magayon, Dalikmata na Galing talaga sa Filipino Mythology. I love Gassia Kasi, She so funny para syang Bading mag salita. And napakatapang nya. "

Sagot :

Kathang isip ko lang si Gassia, para naman Kasi maiba. As you noticed at first Season. Makiling and Magayon lang yung medyo di Funny. I just wanted to say si Gassia ung ginawa Kong parang diwatang Millennial si Gassia. Para malaman nyo kung anong klaseng diwata si Gassia. This is pansit. Read more mga mahal and Don't forget to vote. Thank you.

THE CONTINUATION... 

Sa Bundok Yayaisa kung saan pinapangalagaan ng Diwatang si Malina..

" Malina! " Sabi ng Isang Lalaking nagtatago sa Damuhan.

" Si-sino yan ?" Sabi nya Habang hinahanap ang boses na tumatawag sa kanya. Ilang sandali pa ay lumabas ang lalaki sa mga Damuhan sabay Abut sa Diwatang Malina ng mga Bulaklak.

" Aking Mahal, Bulaklak para sayo.." Sabi ng Lalaki.

" Loko Ka, Edwardo humihingi ka ba ng pahintulot sa mga halaman na pipitasin mo ang kanilang bulaklak. "Sabay hampas ni Malina sa Lalaki.

Samantala, Hindi Alam ni Malina na Sinusubaybayan sila ng isa pang Diwata na si Magayon sa Himpapawid. Gamit ang Anyong Ibon.

" Makiling, mapapahamak ka saiyong ginagawa. " Sabi ni Magayon sa anyong ibon. Upang di mapahamak si Makiling ay nagpasyang nagpakita si Magayon sa kaibigan.

Habang naglalakad sa Gubat si Malina At Edwardo ay may isang malaking ibon ang papalapit sakanila.

" Sandali, Mali dyan ka sa Likud ko tuturuan ko ng Leksyon ang Ibon nato." Sabi ni Edwardo at agad nyang pinana ang malaking ibon.

" Sandali, Kilala ko ang ibong yan!" Sigaw ni Malina ng natamaan na ng Palaso ni Edwardo ang ibon at bumagsak ito sa kanilang Harapan at nagpalit anyo ito.

" Magayon.. ayus ka lang ? May Tama ka sa braso mo. Pasensya na di Alam ni Edwardo na ikaw pala yan. " Humingi ng tawad si Malina sakanyang kaibigan.

" Makiling.. Pinasusundan ka ni Bathala saakin." Sabi ni Magayon habang iniinda ang Sakit sakanyang braso at agad nyang hinugot ang Palaso na naka baon sa kanyang braso.

" Mahal Na Diwatang Magayon, patawad ho at di ko kayo nakilala Akala ko Kasi Aatakehin mo kami ni Malina. " Sabi ni Edwardo.

" Makiling Alam mo namang, Mahigpit sa batas ng Kanlaon ang pakikipag Relasyon sa mga mortal. At Alam mo kung anong parusa sa mga diwatang lalabag dyan. " Sabi ni Magayon.

" Mahal Na Diwata may gamot ako dito.heto !" Sabi ni Edwardo sabay abot Kay Magayon ng isang lunas.

" Alam ko, Magayon ngunit nagmamahalan kami ni Edwardo, Alam kung naiintindihan mo kami Magayon dahil ikaw, Minsan ka na ding Umibig sa mortal. Sa bagandi. "Sabi ni Malina.

" Alam ko makiling, naiintindihan kita ngunit gusto mo bang maparusahan ? Gumagawa ng paraan si Dalikmata upang di ka Makita ni Bathala dito sa Yayaisa. Makiling makinig ka saakin.ngayon pa lamang iwanan muna si Edwardo. At ikaw Edwardo alang-alang Kay Makiling layuan muna sya. " Sabi ni Magayon.

" Ngunit Mahal Na Diwata, Mahal ko si Malina.. " Sabi ni Edwardo.

" Hindi Malina ang kanyang ngalan, Siya si Maria Makiling.." Galit na Sabi ni Magayon ng biglang lumakas ang Hangin.

" Magayon, Hindi ko maaring iwanan si Edwardo. Dahil nagdadalang buhat ako. ( Nagdadalang Buhat Means, Buntis o Preggy ) " Sabi ni Makiling.

" Talaga ba Malina magkakaanak na tayo ?" Sabi ni Edwardo.

" Oo, Edwardo.. " Sabi ni Makiling.

" Mahabaging Bathala, Ano ang iyong ginawa Makiling di ka nag iisip. " Sabi ni Magayon ng biglang may isang diwatang dumating at nakinig sa kanilang pinaguusapan.

" Oras na para malaman ni Bathala ang inyong ginagawa.. " Sabi ni Margarita. ( Sa season 1 nakilala nyo si Margarita ang diwatang itinakwil, na syang umalipin kina Jenna at Gloria dati na mortal ding Kaaway ni Magayon. )

" Margarita, Kanina kapa ba dyan? " Sabi ni Makiling.

" Oo, Makiling dinig na dinig ko lahat. At mukhang Dalawang diwata ang mapaparusahan ngayon. Isang tagapangalaga sa Bundok ? At isang Pinunong Walang ginawa kundi takpan ang mga kamalian ng ibang diwata. Paalam Oras na para malaman ito ni Bathala.." Sabi ni Margarita.

" Subukan mong mag suplong, Diwatang ubod ng kapangitan. " Sabi ni Magayon.

" Bakit Magayon ? Natatakot kabang maulit ang dating nangyari sainyo kay Bagandi. ? " Sabi ni Margarita.

" Bakit Magayon, ano ba ang totoong nangyari ?" Tanong ni Makiling.

" Oo nga Magayon, bakit di mo Sabihin ang nangyari!." Sabi ni Margarita.

" Tumigil ka Margarita.," Sabi ni Magayon at agad sya nagpakawala ng isang malakas na hangin sa kanyang kamay at pinatamaan si Margarita.

" Bakit sobrang galit mo magayon? Bakit di mo Sabihin ang totoong parusa sainyo dati ni Bagandi." Sabi ni Margarita.

" Tumigil ka Margarita Kaya kitang tanggalan ng Hangin upang di ka makahinga. " Sabi ni Magayon.

" Ngunit Magayon , nais kung malaman ang totoong nangyari sayo. " Tanong ni Makiling.

" Nung nalaman ni Bathala ang aming lihim na relasyon ni Bagandi.. bukod sa kinulong ako sa madilim na kulungan. Ako pa mismo ang pumatay Kay bagandi. At yun Wala nakung maalala. " Sabi ni Magayon.

" Ikaw ang pumatay Kay Bagandi.?" Sabi ni Makiling.

" Tama ka Dyan Makiling, at mukhang may pangalawang diwata ang mawawalan ng katungkulan.. " Sabi ni Margarita at nag anyong uwak ito.

" Saan ka tutungo bruha.. Sige Makiling kelangan nyong lisanin ang bundok yayaisa. Ako ng Bahala Kay Margarita at Kay bathala. Iligtas muna ang sarili mo. " Sabi ni Magayon at agad nyang sinunandan si Margarita gamit ang Anyong Agila.

" Anong Plano mo Malina.. " Sabi ni Edwardo.

" Hindi ko alam, ngunit ayukong mawala ka sakin Edwardo. " Sabi ni Makiling.

" Mahal Na mahal din kita Malina.. handa akong magpakamatay alang-alang sa kaligtasan ng ating anak. Dalhin moko Kay bathala ako ang sasalo ng Kaparusahan. " Sabi ni Edwardo.

" Ngunit Edwardo, ayuko ng ganyang plano.. " Sabi ni Makiling.

" Dalhin moko Kay Bathala Malina at ako ang mag papaliwanag at Ako an tatanggap ng kaparusahan. " Sabi ni Edwardo.

Ilang sandali pa ay dumating sina Makiling at Edwardo sa kanlaon. At nakita nilang tinataggalan ng Kapangyarihan si Magayon at Dalikmata.

" Sandali itigil nyo yan sa mga kaibigan ko.hindi makatarungan ang parusang ito. " Sigaw ni Makiling at agad pinagalaw ni Makiling ang tubig sa batis ginawa nyang isang malaking Tubig Ahas.

" Dakpin ang taksil.. " sigaw ni Margarita. Kahit nanghihina na si Magayon at Dalikmata agad silang nagtungo sa tabi ni Makiling.

" Sasamahan ka namin Makiling.." Sabi ni Dalikmata.

" Maraming Salamat Dalikmata, " sagot ni Makiling.

"Malina, Nasaan si Bathala upang kausapin ko.." Sabi ni Edwardo.

" Mamaya na yan, taga Lupa..tulungan mo kaming ipatumba ang bruhang yan. " Sabi ni Magayon.

" Walang problema.. " Sabi ni Edwardo at agad nyang inihanda ang kanyang pana.

" Nagsama Sama ang mga Taksil.. mas maganda kung ako ang haharap sakanila. " Sabi ni Margarita.

" Pabida ka kahit kelan, Margarita !"Sabi ni Magayon.

" Bakit ang init ng ulo mo magayon,? Sabi ni Margarita.

" Naiinis ako sa mukha mong nakakasulasok.. " Sabi ni Magayon.

" Sandali magayon, tutulungan ka namin.. " Sabi ni Makiling.

" Umalis na kayo, Dalikmata mata Hanapin nyo ang totoong Bathala. Ikwento muna sakanila. Umalis na kayo. " Sigaw ni Magayon. At agad naglaho sina Makiling.

" Talaga ? Masakit ang mata ko pagnakikita kita magayon. !" Sabi ni Margarita.

" Gusto mo ako na ang magtatagal ng mga mata mo? " Sabi ni Magayon at agad nyang kinuha ang espada ng isang kawal.

Samantala, sina Makiling, at Dalikmata kasama si Edwardo ay hinanap nila si bathala.

" Nalaman namin ni Magayon, na ang nagpapanggap na bathala ay si Margarita lang!" Sabi ni Dalikmata.

"Nasaan Kaya si Bathala.. " Sabi ni Makiling.

" Wag Kang mag aalala, Alam ko kung nasaan sya. Dito tayo.." Sabi ni Dalikmata at agad nmang sumunod sina Makiling at Edwardo.

Balik kina Magayon at Margarita..

" Napaka bilis mo lang patumbahin Magayon." Habang nakatutuk sa leeg ni Magayon ang espada.

" Talaga, pano kung Sabihin ko sayo na mawawalan kana ngayon ng hininga? " Sabi ni Magayon. At Agad nyang ginamit ang kanyang Kapangyarihan. Nakaramdam si Margarita ng hinahabol nya ang kanyang hininga.

" Anong ginagawa mo bruha ka.." Sabi ni Margarita habang nahihirapang huminga.

" Diba Sabi ko sayo, Kaya kitang tanggalan ng Hangin ? Diba ako ang diwata ng Hangin ? At malalaman na ng ibang diwata kung sino ka talaga Margarita kung gaano ka kasama!" Sabi ni Magayon at mas lalo pang hinipitan ang hangin na hinihinga ni Margarita.

Ilang sandali pa ay dumating na si Bathala kasama sina Makiling, Edwardo at Dalikmata.

"Mga kawal, Hulihin nyo ang Taksil na yan." Sabi ni Bathala Habang nakaturo Kay Magayon.

" Mukhang, ako parin ang panalo Magayon.. " Sabi ni Margarita.

Nang biglang sumulpot si Makiling..

" Hindi Margarita, kami !" Sabay gapos sa kamay ni Margarita ng isang kakaibang posas.

Matapos ang ganung Eksena sa Kanlaon..

Dumaan ang ilang Araw, dahil nilabag pa din ni Makiling ang batas.

Pinatira sya ni Bathala sa Mundo ng mga mortal, upang doon nya isilang ang kanyang anak. At nang dumating na ang araw na naisilang ni Makiling ang kanyang anak. Nagkaron sila ni Edwardo ng Dalawang anak na pinangalanan nilang Gassia At Eddie.

Tugon ni Bathala ng makapanganak na si Makiling. Babalik sila ni Edwardo kasama ang kanilang anak para sa parusa na ipapataw ni Bathala.

" Ngayon Makiling, pumili ka ng isang Anak mo na iyong ititira dito sa Kanlaon. " Sabi ni Bathala.

Habang si Makiling Naman ay nais nya ang kanyang mag ama ang kunin.

" Si Edwardo, ay nararapat sa Mundo ng mga Tao ikaw sa ating mundo. Nais kung pumili ka ng isa sa iyong mga anak na isasama mong itira dito sa Kanlaon at ang isa mo pang anak ay aalagaan ng ama nyang si Edwardo. Sino ang iyong Napili. ?" Sabi ni Bathala.

" Si Gassia.. " Sabi ni Makiling.sabay iyak ni Makiling dahil labag ito sa kanyang kalooban.

" Ngayon , ito ang inyong kaparusahan.kayong dalawa ay mawawalan ng mga alala. Magbabalik ang alala mo Makiling pagkalipas ng sampung taon. Ikaw naman Edwardo magbabalik lamang ang iyong alala pag makakabalik ka ng Kanlaon. " Sabi ni Bathala at itinaas nya ang kanyang setro.

TO BE CONTINUE...