Chapter 14 - CAHPTER 14

"ANG SULIRANIN NI JENNA AT ANG ARAW NG PAGSASANAY SA BUNDOK YAYAISA"

ANG NAKARAAN,

Nagpunta na ng pilipinas si Alpia upang tagpuin si Ofelia at para na din makausap ang pinsan ni Gloria na si Jenna.

ANG KARUGTUNG,

Matagumpay ang paglalakbay ni Alpia gamit ang mahiwagang lagusan mula sa kanyang hardin.

"Nandito nako, hindi padin nag babago ang bahay ni Ofelia!" Sabi niya sa sarili at agad niyang pinuntahan sa loob ng bahay ang kaibigan.

"Ofelia narito nako!" Sambit ni Alpia.

"Mabuti naman at Ligtas ka Alpia. Hindi nako magpapatumpik pa! nagtungo si Sitan noong isang araw upang kunin ang mga pangalan ninyo. Ngunit ayaw ko kayong ipahamak, ibinigay ko ang ibang pangalan ng mga kasamahan natin dito." Sabi ni Ofelia.

"Ofelia, baka sila ang mapahamak!" Pag-aalalang sabi ni Alpia.

"Alam ko, pero kelangan ko kayong iligtas!" Sagot ni Ofelia sakanya nang biglang may isang uwak ang dumating at pumasok ito sa loob.

"Nandito na si Raven." Sabi ni Ofelia. Ilang sandal pa ay nagpalit anyo ang uwak at naging isang tao.

"Ikaw lang ba raven? Nasaan ang ikatlo?" Tanong ni Alpia.

"Sad to say Guro, hindi ko pa kilala ang ikatlo. Baka si Miss Ofelia alam nya?" Sabi ni Raven.

"Oo, nararamdaman ko na sya." Sabi ni Ofelia nang biglang lumakas ang ihip ng hangin at biglang nag dilim ang kalangitan sabay kulog at kidlat.

"Sino siya Ofelia?" Tanong ni Alpia. Ngumiti lang si Ofelia may malakas na kidlat ang tumama sa lupa at mula doon ay lumabas si...

"Mia? Si Miss Mia ang ikatlo?" Sabi ni Raven habang pinagmamasdan si Mia na punong-puno ng kuryente ang kanyang buong katawan.

"Siya nga! Ang isa sa mga estudyante mo dati!" Sabi ni Ofelia.

"Guro? Ikaw ba yan?" Sabi ni Mia nang Makita si Alpia.

"Ikaw na ba yan Mia? Ang laki na ng pinagbago mo!" Sabi ni Alpia at agad siyang niyakap ni Mia.

"Ngayon ay kompleto na kayo, kelangan ninyong magtungo sa mga diwata sa bundok Yayaisa. Upang magsanay! Ibibigay sa inyo ang mapa!" Sabi ni Ofelia sabay abot kay Alpia ng mapa.

"Salamat Ofelia!" sabi ni Alpia.

"Mag-iingat kayo, iligtas nyo ang mundo ng mga tao at pati narin ang dalaket!" Sabi ni Ofelia.

Samantala dumating na ang mga diwata na sina Maria Makiling, Lalahon at Gassia.

"Narito na kayo sa paanan ng bundok Yayaisa, ngunit bawal kayong gumamit ng inyong mga salamangka upang mabilisang maka akyat sa bundok. Katulad ng sinabi ko, ang bundok ay may harang gawa ni Alunsina upang protektahan sina Theo at Catalina." Salaysay ni makiling kina Ian, Jenna at Tyler.

"Bago kayo makaakyat sa tuktok, may mga pagsubok kaming inilagay sa paligid na kelangan ninyong paglagpasan. Ang babagsak sa pagsasanay at pagsubok ay mawawalan ng kapangyarihan." Sabi ni Lalahon.

"Ano pa ba ang pinagbago? Wala nakong kapangyarihan ngayon!" Sabi ni Jenna.

"Jenna? Maari ba kitang makausap?" Sabi ni Makiling. At agad naman itong lumapit kay Makiling.

"Pasensya na po saaking kabastusan. Hindi lang talaga ako makapaniwala na naiwala ko ang libro ng aking ama." Malungkot na sabi ni Jenna.

"Alam ko Jenna, at naiintindihan kita. Pero sa ngayon kelangan mong magtiwala sa iyong natural na kakayahan. Pasensya na sa sasabihin ko. Pero parang umaasa ka na sa Libro ng iyong ama. Hindi mo naalala? Noong nasa kamay kapa ni Margarita? Ikaw ang pinakamalakas si Margarita ay umaasa sayong mga kakayahan. Wag mo naman sanang gayahin siya. Alam kung mababawi natin ang libro mo. Pero hindi pa sa ngayon." Sabi ni Maria Makiling. At tuluyan na itong umiyak.

"Malakas ka Jenna! Tandaan mo yan! Ikaw ang kanilang liwanag. Kung manghihina ka papano na sila?" Sambit ni Gassia.

"Tama si Gassia!" Dagdag na sabi ni Lalahon.

Habang ang tatlong engkantong itinakda ay agad nagtungo sa paanan ng bundok Yayaisa.

"Mag tutungo na kami Ofelia." Paalam ni Alpia sa matanda.

"Sge mag iingat kayong mabuti!" Ngiting sabi ng matanda.

Unang nagpalit ng anyo si Raven bilang isang uwak, habang si Mia naman ay nag anyo bilang isang ibon na may kidlat na bumabalot sa kanyang buong katawan.

Pang huli naman si Alpia na nagpalit anyo bilang isang phoenix na nag-aalab ang mga pakpak.

"Humayo kayo at iligtas ang sanlibutan! Hindi na kelangan ng ika-apat na engkanto, dahil taglay na ni Alpia ang elemento ng kalikasan at apoy." Sabi ni Ofelia sakanyang sarili.

At nagtungo na ang engkantong itinakda sa bundok Yayaisa.

"Nasaan si Jake?" Tanong ni Ian.

"Hindi ko alam at wala akong paki-alam!" Sagot ni Tyler sa kapatid at biglang lumakas ang hangin.

"Tyler itigil mo yan! Emosyon mo!" Saway ng nakakatandang kapatid.

"Sorry!" Sagot niya at ulang sandali pa ay dumating na si Jake at nasa anyo ito ng isang tigre.

"Ang galing nag anyong tigre ka sa syudad? Galing para mo na ding pinapunta ang mga animal unit dito." Sabi ni Tyler.

"Wag po kayong mag-aalala? Nag motor ako papuntang bayan. Dahil makitid na ang daan papunta dito ay doon nako nag palit ng anyo. At sinigurado ko rin na walang nakakita sakin." Sumbat ni Jake.

"Jake? Tyler itigil nyo yan hindi yan healthy. Lalo nat nasa iisa tayong team!" Saway ni Jenna. Dahil doon ay mas narealize niya na mas kelangan niyang tutukan ang dalawa.

"Tama nga ang mga diwata may mas malaking problema pa sa pinoproblema ko!" Sabi niya sakanyang sarili.

Samantala Sa bundok Yayaisa.

Ligtas naisilang ni Catalina ang kanyang sanggol sa tulong na din ni Alunsina.

"May nakikita akong parating!" Sabi Catalina.

"Ano yun love?" tanong ni Theo.

"Papunta na ang tatlong engkantong itinakda."Sabi ni Catalina.

"Kung ganun, sanay matagumpay ang gagawing pagsasanay nila sa ibaba ng bundok." Sabi ni Magayon.

"Mahal na diwata papano ang aking anak?" Tanong ni Catalina.

"Wag kang mag-aalala, dahil si Alunsina na ang bahala sa anak mo. Ibabalik naming ang anak mo kapag maayus na ang lahat." Sagot ni Magayon.

Balik sa ibaba ng bundok.

"Sino pa ang inaantay natin Makiling?" Tanong ni Jenna.

"Sandali paparating na sila!"Sagot ni Makiling.

"Sino sina Kuya Theo?" Tanong ni Tyler.

"Hindi ang mga engkantong tutulong saatin." Sabi ni Lalahon.

Stay tuned for the next episode...