Chapter 16 - CHAPTER 16

"ANG SUMPA NG LIBRO NG KAHILINGAN (PART 2)"

ANG NAKARAAN,

Sinimulan nang mga tagalipon at mga itinakdang engkanto ang unang pagsubok na ibinigay ng mga diwata sa kanila.

"Kelangan ninyong makuha ang hikaw ng sarangay na walang gamit na kapangyarihan. Ang sino mang lalabag sa rules ay hindi na makakapagpatuloy sa susunod na pagsubok." Sambit ni Gassia at agad itong naglaho sakanilang harapan.

ANG KARUGTONG,

Sa Kanlaon, nag usap-usap ang mga diwata tungkol sa mga pagsubok na kanilang ibibigay nang biglang dumating si Mariang Sinukuan at nanghihina ito.

"Mariang Sinukuan? Ayus ka lang? anong nangyayari tila't nanghihina ka?" Bungad na tanong ni Lalahon sakanya.

"Mga kasamahan kung diwata, nararamdaman kung muli nanamang gagamitin ni Sitan ang libro ng kahilingan sa kasamaan. Natatakot ako at baka gamitin niya ito sa mga ating kapanalig. Hindi pa lubusan alam ni Jenna ang kakayahan ng libro nya." Sabi ni Mariang Sinukuan.

"Nababagabag din kami Sinukuan, ngunit hanggang naroon pa sa libro ang iyong sumpa, ay magiging ligtas pa din ito." Sabi ni Magayon.

"Magayon nanghihina na ang aking harang na ginawa, natatakot ako sa sumpa na ipapataw ng libro." Sabi ni Sinukuan.

"Sandali, wala man akong alam sa libro ni Jenna? May sumpa ito?" Tanong ni Gassia.

"Syang totoo Gassia, nilagyan ng sumpa ang libro noong unang makuha ito ni Sitan at ginamit sa mga dating tagalipon." Sabi ni Maria Makiling.

THROWBACK,

Habang sa kalagitnaan ng digmaan ang mga dating tagalipon laban kay Sitan.

"Daragang Magayon ako na ang bahala sa kay Sitan. Tumakas na kayo ng mga diwata!" Sabi ni Cathy habang nag-aapoy ang kanyang buong katawan.

"Cathy?" Tanging-naisagot ni Magayon.

"Sige na po, Utang na loob!" Sigaw ni Cathy at ibinuhos niya ang kanyang buong lakas upang labanan ang diyos ng pagkawasak at kaguluhan. Samantala agad namang nag anyong ibon si Magayon at lumipad palayo sa labanan kasama ang kanyang mga kasamahang diwata na sina Sinukuan, Lalahon, Dalikmata, at Lihangin.

Samatala si Michael naman ay nasa likud niya.

"Cathy handa kana ba?" Tanong ni Michael sakanya.

"Tinatanong pa ba yan?" Sagot ni Cathy.

"HAHAHA! Mamamatay na kayong Lahat!" Sabi ni Sitan habang hawak ang Libro ng Kahilingan.

"Mga Kasama ang huling plano natin, handa na ba kayo?" Tanong ni Michael sakanyang mga kasamahan at tumango lang ito.

"Kapayapaan!" Sigaw ni Gretchella habang umuuga ang buong paligid.

"Ngayon na!" Sambit naman ni Amethyst kasabay niyan ay isang malakas na hangin ang bumulot sa paligid.

Naghawak-hawak ng kamay silang anim at sabay sabay nilang ginamit ang kanilang buong lakas upang magapi ang diyos ng kaguluhan.

"Lupa" - sigaw ni Gretchella.

"Apoy"- Cathy.

"Ha-hangin" – Amythyst habang nahihirapan na sa paghinga.

"Yelo" – Lucas.

"Tubig"-Michael.

At ang panghuli ay si Charity ang kakayahan niya ay katulad ng kay Jenna.

"Sinasamo naming ang mga elemento na aming tinataglay, Hinihiling naming sa librong hawak ni Sitan na wakasan ang aming buhay kapalit ang kapayapaan." Sabi ni Charity habang dumudugo na ang kanyang ilong.

"Hindi mo magagawa yan pepetsugeng babaylan, mas malakas ako!" Natatawang sabi ni Sitan.

"Hindi mo ba alam sitan? Ang librong hawak mo ay may dalawang katauhan?" Sambit ni Gretchella.

"Anong pinagsasabi mo?" Gulat na sabi ni Sitan at ilang sandali pa ay umilaw ang libro niyang hawak at lumabas ang dalawang babae na puti at itim ang buhok.

"Kami ang espirito ng libro, at tinatanggap naming ang inyong kahilingan." Sabin g babaeng may kulang na itim na buhok.

"Hindi maari?" Sigaw ni Sitan gagamitan n asana niya ng bolang apoy ang dalawang babae sa kanyang harapan ng biglang magsalita ang babaeng may putting buhok.

"Wala ka nang magagawa!" Sambit nito at biglang di makagalaw si Sitan sa kanyang kinatatayuan.

"Tunay ngang malakas ang mga ispiritong nagbabantay sa libro." Sabi ni Lucas.

"Ngayon mga tagalipon ng labing dalawang oroskopyo, handa na ba kayo sainyong kahilingan?" Tanong ng babaeng may maitim na buhok at agad namang sumagot si Michael.

"Oo, nais naming mawala si Sitan sa mundong ito ng tuluyan at maibalik sa kaayusan ang mundo. Kapalit ang mga buhay namin." Nang marinig ito ng babaeng may puting buhok.

"Hindi maari yang ninanais nyo, dahil hindi kayo ang nakatakdang makakasupil sa diyos ng kaluguhan, at isa pa? hindi namin kelangan ng anim na buhay." Sambit nito.

"Aano pong ibig nyong sabihin?" Tanong ni Michael.

Ilang sandali pa ay biglang bumagsak si Cathy, at ngumiti naman ang babaeng maitim ang buhok.

Sumunod sina, Lucas, Amythyst, At Charity.

Kitang kita ni Gretchella kung papano nabawian ng buhay ang kanyang mga kasamahan.

"Gretchella, kung sino man saatin ang matitira. Mangako tayo na ipapalaganap natin ang kabutihan at kapayapaan." Sabi ni Michael at pagkatapos niyang banggitin iyon ay sabay sila ni Gretchella na bumagsak ang katawan sa lupa.

Pagkatapos mangyari ang mga yun, ay bumalik sina Magayon, Sinukuan sa lugar kung saan naglaban ang kanilang mga kapanalig.

"Binuwis nila ang kanilang buhay sa walang kwentang labanang ito." Sabi ni Magayon.

"Ngunit ang magagawa lang natin Magayon ay mag-iingat nang husto upang hindi makalabas si Sitan sa Mystique Box. Kasama ang mga labing dalawang oroskopyo." Sabi ni Makiling.

"Para maging protektado ang librong ito, Kelangan kung basbasan ito." Sabi ni Sinukuan.

At agad siyang nag usal ng isang dasal.

BACK TO PRESENT,

"Ang importante, may mga bagong kapanalig na tayong tutulong upang magapi si Sitan." Dagdag na sabi ni Lalahon.

"Kamusta naman Gassia ang mga Sugo na ipinaasikaso ni Libulan sayo?" Tanong ni Makiling.

"Sa katunayan Ina, ay malakas na sila. Tinawag ko silang Sugo!" Sagot ni Gassia.

"Magaling hanggat marami ang mga nasa panig ng liwanag ay madali nating magagapi si Sitan." Sabi ni Dalikmata.

At biglang dumating si Libulan.

"Itigil ninyo ang pagsubok na ibibigay sakanila. Bihasa na ang mga engkantong itinakda, maging ang mga tagalipon, ano pa ba ang papatunayan nila sainyo? Bagkus kelangan na nilang simulant ang pagpigil sa mga alagad ni Sitan na gumugulo sa mga Tao. Hindi kakayanin ng mga Sugo ko ang mga nilalang na iyon. Hindi nyo ba alam ang mga daan papunta dito sa Kanlaon ay may mga suliranin din. Imbes na papuntahin ninyo sila sa bundok sa huling pagsasanay. Dito ninyo sila papuntahin." Sabi ni Libulan.

"Masusunod Pinuno." Sabi ni Makiling At Magayon.

At agad namang nagtungo ang dalawa sa paanan ng bundok upang ipatigil ang pagsasanay, at sabihin ang inutos ni Libulan sa kanila.

Stay tuned for the next episode...