Chapter 13 - CHAPTER 13

"ANG LAGUSAN SA MAHIWAGANG HARDIN NI ALPIA"

ANG NAKARAAN,

Inilahad ni Alpia ang kanyang tunay na katauhan sa kanyang pinagkakatiwalaang tao na si Gloria, at napagdesisyunan din niyang mag-punta na sa Pilipinas upang hanapin sina Jenna.

Samantala si Ian ay nakabalik na sa ating mundo ngunit, Misteryo pa din ang sinabi ni Olivia sakanya.

"Pasensya na at hindi ko naibalik ang buhay ng iyong katipan na si Charlie. Dahil na siguro naabutan ng liwanag ng buwan ang aking mga bulaklak na dala." Sabi ni Olivia at tuluyan na itong pumasok sa lagusan.

ANG KARUGTUNG,

Habang papunta sina Gloria at Alpia sa hardin ay biglang nag ring ang telepono ni Alpia.

"Ofelia bakit?" Tanong dito sa kausap.

"Ano? Mag-iingat kayo riyan. Sasabihan ko kaagad si Raven. Ngayon ay papunta nakong Pilipinas. Magkita nalang tayo sa bahay mo." Sabi ni Alpia sabay baba ng telepono.

"Alpia anong nangyari?" Tanong ni Gloria.

"Nanganganib ang mga Engkantong itinakda Gloria, dahil hinahanap na kami ni Sitan. Ngunit magtutungo pa din ako ng pilipinas upang hanapin ang pinsan mo." Sabi ni Alpia.

"Kung ganun, mag iingat kayo Alpia. Wag kayong mag-aalala alam kung tutulungan ka ng pinsan na si Jenna." Sabi ni Gloria.

"Narito na tayo Gloria." Sabi ni Alpia sabay tanggal ng kanyang hairpin sa buhok at mula doon ay nasilayan ni Gloria ang mahabang buhok ni Alpia.

"Alpia napakahaba pala ng iyong buhok." Manghang sabi ni Gloria.

"Matagal ko din itong inalagaan." Sagot ni Alpia sabay bukas ng gate sa kanyang hardin.

"Napaka ganda naman dito Alpia, ang daming bulaklak. Diba restricted area ito?" Sabi ni Gloria.

"Oo, dahil may lihim ang aking hardin. Halika samahan moko." Sabi ni Alpia kay Gloria. At tuluyan silang pumasok sa loob ng hardin.

Samantala sa bahay ng mga Adonis.

"Jenna nandito nako. At dala ko na ang mga halamang pinakukuha mo!" Sabi Ian sabay lapag sa lamesa. Ngunit si Jenna ay nakatulala lang.

"Anong nangyayari kay Ate Jenna mo?" Tanong ni Ian kay Tyler.

"Nawawala ang Libro ni Ate. At nakapasok siya dito sa bahay ng walang kahirap hirap." Sabi ni Tyler.

"Teka bakit ka bumangon? Mabuti naba pakiramdam mo? Sinong nakapasok? Papano nakapasok?" Tanong ni Ian sakanya.

"Nagpapanggap siyang Bilang si Aya at ginaya rin niya ang aking mukha." Sabi ni Jenna.

"Ano? Si Sitan ba ito?" Tanong ni Ian.

"Hindi dati siyang tagalipon, at naglilingkod na ito sa panig ng kadiliman." Sabi ni Jenna.

"Ay sya nga pala, pinasasabi ni Olivia na kelangan mong lutuin itong mga halaman bago, sumikat ang unang buwan mamayang gabi." Sabi Ian.

"Kung ganun, lulutuin ko na ito. Maiwan ko muna kayo" Sabi ni Jenna at agad itong tumayo upang ihanda ang lunas para kay Tyler.

Balik kina Alpia at Jenna.

"Saan na ba tayo Alpia? Sobrang lawak ng Maze na to, at napansin ko ha? Na bawat maze ay may ibat-ibang uri ng mga bulaklak na sa tanang buhay ko ngayon ko lang nakita." Sabi ni Gloria.

"Good observation, magagamit mo yan kapag babalik kana sa store. Sa ngayon nandito na tayo sa lagusan." Sabi Alpia habang nakaharap sa isang malaking bulaklak na kulay dilaw.

"Elemento ng lupa, pakinggan ang aking kahilingan. Akoy iyong pagbuksan. Lagusan na aking hinahanap iyong ilahad!" Sabi Alpia at biglang umilaw ang malaking bulaklak na kulay dilaw sabay dahan dahang humawi. Mula doon ay nakita nila ang isang kahoy na pinto na may mga baging pang nakapalibot.

"Papano ka makakapasok dyan? Ang daming baging." Sabi ni Gloria.

Agad bumunot ng isang hibla ng buhok si Alpia mula sa kanyang mahabang buhok at ibinagsak ito sa lupa. Mula doon ay dahan dahang nagsi-alisan ang mga bagong na nakakapit sa kahoy na pintuan.

"Ngayon Gloria, papasok nako. Ang pintuang ito ay papunta sa bahay ng aking kaibigang si Ofelia. Katulad ko mahilig siyang magtanim ng mga bulaklak. At Gloria sa oras ng akoy makapasok patakan mo ng dugo mo ang kinatatayuan ko para itoy magsara. Dahil binibigyan na din kita ng pahintulot na makalabas pasok dito sa hardin ko." Sabi ni Alpia.

"Ngunit papano ako makakalabas dito?" Tanong ni Gloria.

"Kaibigan mo na rin ang mga halaman dito sa loob ng hardin ko, magtanong ka lang at ihahatid ka nila sa labasan." Sabi ni Alpia sabay hawak sa doorknob at dahan dahan niya itong binuksan.

Habang sa Kanlaon naman,

"Malapit na silang magsama-sama at maisasagawa na din natin ang unang pagsasanay sa mga engkantong tao at mga tagalipon." Sabi ni Dalikmata.

"Magandang pangitain yan Dalikmata."Ngiting sabi ni Libulan.

"Kung ganun, magtutungo ako ng bundok Yayaisa, upang kamustahin ang mag asawa. Nandoon din ngayon si Alunsina." Sabi ni Maria Makiling.

"Sasama ako sayo Ina."Sabi ni Gassia at tumango lang ito.

"Kelangan ng magsimula ang kanilang pagsasanay dahil lumalakas na ang mga kalaban. At nakikita kung nagdadalamhati si Jenna." Sabi ni Dalikmata.

"Bakit anong nangyari?" Tanong ni Magayon.

"Nawawala ang libro." Sagot ni Dalikamata.

"Nasaan ang libro? Papano nawala?" Tanong ni Magayon.

"Ang libro ay napasakamay na ni Sitan. Dito natin masusubok ang kanilang katatagan." Sabi ni Libulan.

"Pero libulan." Sambit ni Magayon.

"Walang tutulong sakanila, hayaan natin sila." Sabi ni Libulan at naglakad ito pabalik sa kanyang silid.

Samantala nang makapasok na si Alpia sa mahiwagang pintuan, ay agad sinugatan ni Gloria ang kanyang sarili gamit ang isang blade.

"Kaya pala pinagdala niya ako ng blade, dahil pala dito. Akala ko ay magtatabas ng damo."Sambit ni Gloria habang sinusugatan ang Sarili. At nang mapatakan na ng dugo nya ang lupa agad namang nagsara ang pintuan.

Balik sa bahay ng mga Adonis,

"Mahal na diwatang lalahon kayo pala, anong sadya nyo?" Tanong ni Tyler.

"Nasaan si Jenna" Tanong ni Lalahon.

"Nasa kanyang silid po. Nagpapahinga! Sya nga po pala nawawala ang mahiwagan libro niya." Lahad ni tyler sa diwata.

"Alam ko at hindi yan ang dahilan ko kung bakit ako narito." Sabi ni Lalahon.

"Eh ano po?" Tanong ni Tyler.

"Kelangang hanapin ninyo Si Jake. Malapit nang maganap ang pagsasanay ninyong tagalipon at mga itinakdang engkanto. Hindi pwdeng wala ang iyong nobyo. Alam kong masakit ang ginawa nya. Pero alang-alang sa kaligtasan ninyo at sa buong sanlibutan. Pabalikin mo!"Sabi ni Lalahon at agad itong naglaho.

"Masusunod kung yan ang iyong nais Mahal na diwata." Sagot ni Tyler at agad namang nag laho ang diwatang Lalahon.

"Handa na ba akong Makita siya?" Sabi ni Tyler sa sarili. 

Stay tuned for the next episode...