Chapter 12 - CHAPTER 12

"ENCHANTED GARDEN, ANG IKATLONG ENGKANTONG ITINAKDA"

Hi, everyone before we start I want to say Thank you for reading and of course for you guys to understand the whole story, I would prefer you to read the Season 1 which is it was written on English. Anyways, for you to be updated to all the story. Feel free to click the Follow button. Thank you guys and Enjoy!

Okinawa, Japan.

Sa isang flower Shop, Kung saan makikilala natin ang ikatlong engkantong itinakda.

"Ohayohozaimasu!" Bati ng babae sa pumapasok na sa loob ng tindahan.

"I want that orchid? How much?" Tanong ng customer.

"Its only 1000 Yen, since that orchid can survive in winter season, especially this coming December." Sagot ng babae sa customer.

Meet Alpia Sunichi, isang babaeng mahilig sa Halaman at mga bulaklak. Katulad ng pangalawang enkantong itinakda na si Raven. Si Alpia ay may halong banyaga, ang kanyang ina ay isang Pilipino at kanyang ama naman ay Hapones.

"Gloria paki prepare naman itong orchid ni Mrs. Hitori please." Sabi ni Alpia at mula sa isang maliit na silid ay lumabas ang kanyang assistant na si Gloria.

"Yes Miss Alpia." Ngiting sabi nito sakanya.

"Thank you! and please timplahan mo ko ng kape ha? Yung dating gawi. Ihatid mo nalang sa Opisina ko." Sabi ni Alpia at naglakad ito papunta opisina niya.

At nang makapasok na si Alpia sa kanyang opisina ay agad itong umupo sa kanyang komportableng upuan nang biglang may sumulpot sa kanyang harapan.

"Guro! Kelangan ko ng tulong mo!" Sambit ng lalaki.

"Jusko ano kaba, bat moko ginugulat? Teka ang layo nito bat nag teleport ka? Panigurado manghihina ka sa ginawa mong to!" Sabi ni Alpia sa lalaki.

"Pero guro wala na akong oras na tumawag sayo." Sagot ng Lalaki.

"Oh ano ba yun?" Tanong ni Alpia dito. Pag kasagot nito ay agad nag hubad ng t-shirt ang lalaki at ipinakita niya ang isang pamilyar na marka.

"Raven? Ikaw rin?" Gulat na sabi ni Alpia.

"What do you mean Guro na ako rin? Wag mong sabihin na ikaw din meron kang ganito?" Sambit ni Raven sa kanyang guro.

"Oo meron ako." Maikling sagot ni Alpia sa binata.

"Saan patingin!" Sabi ni Raven.

"Hindi pwde." Sagot nito.

"Bakit po?" Tanong dito sakanya.

"Hindi dahil katulad mo nasa dibdib ko! Kaya mag damit kana at bumalik kana ng Pilipinas. Balitaan moko kung anong hakbang ng ating pinuno na si Ofelia tungkol dito" Sagot ni Alpia.

"Sige pero ano ba ang tawag dito guro nakalimutan ko na!" Tanong ng apprentice.

"Yan ang tatak ng kapayapaan. Nagkakaroon lang ang mga engkantong tao nito, dahil ayun sa propesiya ng mga dalaket, oras na nasa panganib ang mga mundo ay tayo ang magsasaayus nito." Sagot ni Alpia sabay tapik sa noo nito at ilang iglap lang ay naglaho ang binata sa loob ng kanyang silid.

"Napaka kulit na bata" Sabi ni Alpia at ilang sandali rin ay dumating na si Gloria dala ang isang tasang kape.

"May kausap kayo dito Miss Alpia?" Tanong nito.

"Ah wala, Pinoy taste ba ito Gloria?" Tanong naman nya.

"Opo." Ngiting sagot ni Gloria.

"Sandali diba sabi ko sayo wag muna akong tawaging Miss, Alpia nalang dahil magka edad naman tayo. Isa pa matalik na magkaibigan ang nanay ko noong nasa pilipinas pa tayo. Kaya din kinuha kitang kanang kamay ko kasi I feel comfortable sayo. Para na nga kitang kapatid. Kaya next time Alpia nalang okay?" Sabi ni Alpia sabay inom ng kape.

"Oo Miss, I mean Alpia." Ngiting sabi ni Gloria.

"Sige ikaw na muna mag bantay sa front desk, tsaka kumain na din kayo mamayang konti ni Doris mag aalas dose na pala." Sabi ni Alpia at tumango lang si Gloria bilang tanda ng pagsang-ayon.

Samantala sa Kanlaon,

"Kelangan ng magsimulang mag sanay ang mga itinakdang engkanto at mga tagalipon, dahil nararamdaman kung lumalakas na si Sitan."Sabi ni Magayon.

"Iyan din ang nararamdaman ko Magayon. Ngunit papano? Hindi sila kompleto?" Tanong ni Dalikamata.

"Napakaraming suliranin nila ngayon Magayon, pagbigyan muna natin sila ng ilang araw pa!" Sabi ni Libulan kasama sina Gassia at Makiling na syang agad nilapitan nina Dalikamata at Magayon.

"Kamusta na ang inyong pag-uusap?" Tanong ni magayon.

"Maayus naman magayon, sa katunayan ay nakita ni Gassia ang kanyang ama sa lupa. At matanda na ito." Sabi ni Makiling.

"Ano Gassia ayus ka lang?" Tanong naman ni Dalikamata.

"Oo, at ipinaliwanag din ng pinunong LIbulan ang mga dahilan kaya madali ko itong naintindihan. Pero tungkol sa inyong suliranin sa mga tagalipon at mga engkantong tao. Nakausap ko si Ofelia." Sabi ni Gassia.

"Sino si Ofelia?" Tanong ni Magayon.

"Si Ofelia ang kinikilalang pinuno ng mga engkantong nais manirahan sa mundo ng mga tao. Lahat ng mga engkantong lumalabas at pumapasok sa mundo nila ay dumadaan sakanya upang humingi ng permiso." Salaysay ni Gassia.

"Kung anong nangyari?" Tanong ulit ni Magayon at isinalaysay naman ni Gassia ang mga nangyari noong nandoon siya sa bahay ni Ofelia.

Balik naman tayo sa Japan kung saan nakatira ang pangatlong itinakdang engkanto.

Kinagabihan ay kinausap ni Alpia si Gloria.

"Gloria tatapatin na kita! Alam kung may kakaiba kang kakayahan, katulad ng iyong mga kadugo. Isa akong Engkanto." Pagtatapat ng amo sa kanya.

"Alam ko po! Eh ano naman?" Sagot ni Gloria.

"Bakit hindi moko sinaktan o pinarusahan? Ang iyong angkan ay kilala sa larangan ng pangagamot. Lalo na si mang Mariano." Sabi ni Alpia.

"Turo kasi ni Tiyo saamin noon ng aking pinsang si Jenna, na dapat respetuhin ang ano mang uri ng nilalang, at isa pa Alpia, hindi mo kaya ako sinaktan o pagtangkaan ang buhay ko. Kahit alam kong naamoy mo saakin ang pagiging isang dugo ng babaylan." Sabi ni Gloria.

"Sige tama na Gloria ngunit may ipapakita ako saiyo, at palagi akong binabagabang dahil sa markang ito." Sabi ni Alpia at agad naman niyang hinubad sa suot niyang kimono sa harapan ni Gloria.

"Alpia hindi ako lesbian, hindi ako matatablan!" Sabi ni Gloria.

"Baliw, nakikita mo ba ang Markang ito?" Sabi ni Alpia sabay Turo sa kanang dibdib niya.

"Yan ang Marka ng kapayapaan? Ibig sabihin is aka sa mga engkantong tao na hinahanap ng aking pinsan na si jenna." Sabi ni Gloria.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Alpia.

"Ang aking pinsan ay isang tagalipon ng labing dalawang oroskopyo, sabi niya saakin na may bago silang misyon. Ang hanapin kayong tatlo." Sabi ni Gloria.

"Kung ganun kelangan kaming tatlo doon sa pilipinas, wag kang mag aalala dahil ang alam ko. Ang aking apprentice na si Raven ay napili din ngunit ikinalulungkot kung sabihin hindi ko alam kung sino pa ang kasama ko." Sabi Alpia.

"Kung ganon magtutungo kayo ng Pilipinas?" Tanong ni Gloria.

"Oo Gloria at pansamantala kong iiwan sayo itong Flower shop." Sabi ni Alpia.

"Pero wala akong alam dito Alpia." Pag-alalang sabi ni Gloria.

"Kaya mo itong alagaan Gloria naniniwala ako sa Talino at sipag mo! Nakikita ko ang sarili ko sayo." Sabi ni Alpia.

"Kung ganon kelan ka aalis Alpia? Upang ibobook kita ng flight papuntang pilipinas." Sabi ni Gloria.

"hindi na dahil ngayon ako aalis" Sagot ni Alpia habang nag dadamit.

"Ha? Papano?" Gulat na sabi ni Gloria.

"Sumunod ka saakin sa likud." Sabi ni Alpia at sabay nilang tinahak ang daan papunta sa sinsabi ni Alpia.

Samantala ay matagumpay namang nakabalik sa mundo natin si Ian dala dala ang mga halamang gamot na ibinilin ni Jenna sakanya.

"It's nice to be back!" Sabi ni Ian habang nakatingala sa kulay bughaw na langit.

"Tandaan mo Ian, kelangang maluto ni Jenna ang mga halamang gamot nay an bago sumilang ang buwan." Sabi ni Olivia sa kanyang likuran habang papasok na muli ito sa lagusan papuntang Ayden.

"Maraming salamat Olivia." Sabi ni Ian sabay yuko rito.

"Wag kayong mag-aalala, sasama kaming mga Aydenian sa digmaan. Sabihin nyo lang!" Sabi ni Olivia at bago pa man ito pumasok sa Lagusan ay may sinabi pa ito sakanya.

"Pasensya na at hindi ko naibalik ang buhay ng iyong katipan na si Charlie. Dahil na siguro naabutan ng liwanag ng buwan ang aking mga bulaklak na dala." Sabi ni Olivia at tuluyan na itong pumasok sa lagusan.

TO BE CONTINUE...