PINAALIS ko na si Aliyah, matapos niyang maglinis. Kinabahan lang kasi talaga ako na baka mamaya biglang dumating sila mama at papa.
Ngayon nasa living room na sila. Nandoon na rin ang mga bisita nila. Hindi ko kilala kung sino yung mga 'yon, pinaakyat na rin kasi agad ako ni papa dito sa kwarto ko, ayaw niya kasi na makita pa ako ng mga bisita.
Kinuha ko yung guitar ko, si Aliyah ang nag regalo sa akin nito. Noong nag seventeen ako, ito yung niregalo niya sa akin.
Tinigil ko muna ang paggamit ko sa gitara ko at pumasok ako sa cr. Kinuha ko doon yung nilabhan kong damit ko. Kinuha ko rin yung sapatos ko.
Bumalik ako sa kwarto ko at pumatong ako sa swivel chair ko, kaya medyo nag-ingat din ako dahil panay ang pag-galaw. Ilalagay ko kasi yung sapatos ko doon sa taas ng cabinet.
Doon ko kasi talaga ito nilalagay.
"Aaahh" napadaing ako nang bigla akong mahulog sa swivel chair. Sobrang sakit ng paa ko dahil tumama sa ibaba ng cabinet.Pinilit kong tumayo at maupo sa kama.
Inangat ko ang paa ko sa kama at tinignan ko
'yon. May maliit na sugat at may kaonting dugo.
Kumuha ako ng band aid at dinikit ko 'yon sa maliit na sugat ko.
Isang linggo na rin ang nakalipas simula nong araw na malaman kong tatlong buwan nalang pala ang itatagal ko. Baka nga hindi na ako abutin ng tatlong buwan. Naka kapag of na ang buhay ko.
Tumingin ako sa pinto ng kwarto ko nang bumukas 'yon, at niluwa non ang bunso naming kapatid na si Ella.
"labhan mo?" Binato niya sa akin yung uniform niya.
"Saglet lang ella," pigil ko sa kaniya at tumayo na ako. "Aalis kase ako, baka pwedeng mamaya kona labhan, may practice kase kami ngayon kelangan Kong maka Punta don." sana naman pumayag siya
"Ngayon ko inuutos, kaya ngayon moden gawen, O baka gusto mong isumbong kita kay mommy ma sasakyan ka niya for sure, Clara"
Alam ko naman na hindi talaga siya papayag.
Bakit pa ba ako umasa na madadala siya sa pakiusap. Ngumiti nalang ako sa kaniya at tumango.
"Sige, lalabhan kona mamaya na lang ako aalis." nakatango kong sabi
"Tssk?" asik nito bago siya lumabas ng kwarto ko.
Tumingin ako sa mga uniform niya. Konti lang naman, pero kasi put ito kaya kailangan ko talaga masiguro na malinis.
Pagkatapos kong maglaba, pumunta na ako sa lugar kung saan kami magpa-practice.
Nilibot ko ang tingin sa paligid pero wala akong makita na kagrupo ko.
Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan yung isang member namin. Wala kasi akong number nong mismong leader namin, kaya yung member nalang ang tatawagan ko.
Ilang ulit lang na nag ring, sinagot naman din kaagad ng co-member ko.
"Cassandra Nasan kayo, nandito na ako sa lugar kung saan tayo mag pa-practice, sobrang traffic kaso kaya na late ako,"panimula ko mula sa kabilang Linus
"Nako clara, pasensya na kanina pa kame naka Alis dyan, ang Tagal mo kase kaya inunpisahan na namin kahit wala ka sorry" Kaya pala wala na akong naabutan.
"A-ayos lang Cassandra pasensya naden? Salamat"
Nauna niyang binaba ang call kaya binaba ko na rin ang akin. Pilit na napangiti nalang ako at naupo sa bato na upuan.
Kasalanan ko naman kasi talaga kung bakit hindi na ako nakahabol sa practice. Nagging pabigat pa tuloy ako sa leader namin at sa mga co-member ko.
Tumayo na ako at lumakad na paalis. Uuwe nalang ako, wala naman na akong gagawin na iba. Hindi ko rin gaanong kabisado ang buong lugar dito, kaya hindi rin ako makakagala.
Pagkauwe ko sa bahay, pagkapasok ko palang malakas na sampal kaagad ang sumalubong sa akin.
"P-papa" maluha-luha ko siyang tinignan.
Hindi ko alam kung anong nagawa kong kasalanan para sampalin niya ako.
"Anong Oras na tapos ngayon ka pang umuwe, uwe paba yan ng isang matinong babae ha?!!" galit niyang sigaw na ikinayuko ko. "Tama talaga mga kapated mo, lumalandi ka nga talaga ano Clara, nagiging pokpok kana?!" gulat kong tinignan si Papa at pinipilit ko ang sarili ko na hindi bumagsak ang luha ko sa harapan niya.
Tumingin ako kila Ella at Kuya Lance. Si Ella nakatingin din sa akin, pero si kuya umiwas kaagad ng tingin.
"Sumama nanaman siguro yan sa malandeng kaibigan nya, what's her name gain Clara, Aliyah? Yeah right, Aliyah"
Inilingin ko si Ella, matapos niyang sabihin
'yon. Inis akong lumakad palapit sa kaniya at naitulak ko siya paupo sa sofa, na ikinagulat nila kuya at papa.
"Ano ba?" galit na sigaw ni Ella, at inis na
tumayo.
Yukom na yukom ang parehong kamao ko habang nakatingin sa kaniya. "Wala kang karapatan para pag salitaan ng ganyan ang kaibigan ko, ako ang nakakakilala sa kanya kesa sainyo" buong lakas kong sigaw.
Bigla akong hinawakan ni papa sa kamay at pinaharap niya ako saka ulit sinampal. Doon sa pangalawang sampal niya nagsibagsakan ang luha ko.
"Wala kang karapatan saktan ang anak ko, umakyat kana sa kwarto mo"
Anak mo rin ako, papa!
Umiiyak ko silang tinignan lahat bago ako tumakbo papunta sa kwarto ko. Binilisan ko sa pag-akyat kahit hinihingal na ako.
Pagka-akyat ko sa second floor, pumasok kaagad ako sa kwarto ko at nag lock kaagad ako ng pinto.
Napahawak ako sa dibdib ko, bigla nalang
'yong nanikip at sumasakit din. Hirap na hirap akong huminga.
Dali-dali kong binuksan ang isang drawer ko at kinuha ko doon ang inhaler ko. May konti pang laman kaya ginamit ko na.
Napasandal nalang ako sa cabinet ko at hinayaan ko ang luha ko na tumulo, dahil kahit anong punas ko, patuloy pa rin na tumutulo. Naramdaman ko rin na nanlalabo ang pangin ko, hindi dahil sa luha dahil iba ang nararamdaman ko.
Naramdaman ko nalang ang katawan ko na bumagsak na sa sahig at onting liwanag na lang den ang nakikita ko.
Nagising ako dahil sa ingay. Tumingin ako sa tabi ko at nakita ko ang cellphone ko na umiilaw. Kinuha ko 'yon at kumunot ang noo ko dahil si Aliyah ang tumatawag.
"A-ali"
"Buti naman at si ahoy mona ang tawag ko justo clara, kanina pa ako Panay tawag sayo eh, ano bang nangyari at ngayon mo lang dina got? Grabe ang pag-alala ko sayo."
Inalala ko yung nangyari. Nakita ko nalang din ang sarili ko na nakahiga sa sahig. Dali-dali akong umupo, pero para namang tinusok ang ulo ko dahil sa pagkabigla.
"Clara?"
Tinignan ko muna ang oras sa cellphone ko.
11:43 p.m. na. Ibig sabihin dalawang oras pala akong nawalan ng malay.
"Aliyah? Sorry nakatulog kase ako eh"
"Sige, pasensya na sa istorbo okay nako ngayon dahil naka usap na kita na sigurado Kong okay ka. Sige na clara matulog kana ulit, gigising kapa bukas."
Tumayo na ako at pumunta sa kama ko at doon ako umupo. "Sige aliyah, matulog kana din kitakits na lang tayo tomorrow goodnight"
Binaba ko na ang cellphone ko. Napatingin naman ako sa inhaler ko na nasa sahig. Kahit na sobrang pagod ang buong katawan ko, pinilit ko pa rin na tumayo at kinuha ko yung inhaler ko para ibalik sa pinaglagyan ko.
Matagal na yung inhaler ko, mabuti nalang talaga at may laman pa 'yon kanina. Kahit papano naging okay ako. Akala ko hindi na ako magigising matapos kong himatayin. O anginoon, salamat po dahil nagising pa ako.
Kinaumagahan pagkagising ko ay gumayak na kaagad ako at nag-asikaso na ng breakfast nila.
Tumingin ako sandali sa pumasok sa kitchen, nakita ko si Kuya Lance, na dala na ang gamit niya. Hinanda ko na rin kaagad yung breakfast nila sa table.
"Goodmorning po" nakangiting bati ko saka ako bumalik sa ginagawa ko.
Nilagay ko sa isang malapad na plato yung bread at binitbit ko na 'yon. Pagkaharap ko, muntik ko pang mabitawan ang bitbit kong plato dahil nagulat ako kay Kuya Lance, na nasa harapan ko ngayon.
"May pasa yung pisnge mo"
"A-Ayos lang po ako" nakangiting sagot ko at doon ako sa gilid niya dumaan, at nilapag ko na sa table yung plato. "Kumain kana po kuya" sabi ko pa at inayos ko rin yung mga plato na gagamitin nilang apat.
"Clara?" Tumingin ako kay kuya. "May saket kaba bakit na mumutla ka"
Hindi ko akalain na mahahalata pala niya.
Sabagay, may taning na ang buhay ko, imposibleng hindi nila mahalata ang pagbabago ng katawan ko.
Nginitian ko si kuya at inilingan, "wala po akong sakit kuya, at sana kaya po siguro mayoral ako kase walang make up, pala go kopo kaso akong nakikitang naka make up" sana gumana ang palusot ko.
"Goodmorning don"
Tumingin kami pareho ni kuya kay mama, pero napansin kong hindi niya kasama sila
Ella at papa.
"Morning mom, wait si ella at dad, Hindi ba sila sasabay mag breakfast" nagtatakang tanong ni kuya
"Maagang umalis dad mo, at si ella naman nauna na rin dahil doon na lang daw siya kakain sa school nila, tayong dalawa lang kakain, let's eat na."
Hinanda ko na ang tubig nila mama at kuya.
"Anong nang yari dyan sa muka mo?" tanong bigla ni mama pagkaupo niya sa upuan niya.
"Wala lang po" nakangiting sagot ko.
Biglang nag ring ang cellphone ko kaya tinignan ko kung sino yung tumatawag. Pagkakita ko sa screen, si Aliyah pala.
"Sa living room po muna ako" paalam ko at lumabas na ako sa kitchen.
Pagkarating ko sa living room doon ko sinagot ang tawag ni aliyah.
"Aliyah? Bakit"
"Nandito ako sa loob ng subdivision nyo, dala ko yung Morse ko. Sabay na tayong pumasok.", bigla akong nagulat sa sinabi niya
"'Ha? Aliyah mamaya pako papasok Hindi pa tapos sila mama at kuya sa breakfast nila, kailangan kopa hugasan yung ginamit nila sa pag kain. Mauna kana sa university Hindi naman ako male-late eh." Jusko talaga ang babaeng ito
"Hihintayin kita, kahit gaano pa katagal yan" seryoso siya? "Basta dito lang ako Hindi ako aalis dahil sabay tayong papasok "seryoso nga siya.
"Aliyah, mauna kana sabi"
"Hihintayin kita ha, bye clara'
"Aliyah? Ali" Tumingin ako sa cellphone ko dahil binabaan niya kaagad ako ng cellphone.
Naglinis na kaagad ako pagkatapos nila mama at kuya sa pagkain. Nahihiya na ako kay Aliyah, dahil seryoso talaga siyang maghihintay sa akin.
Pagkatapos kong maglinis, kinuha ko na ang bag ko at lumabas na ako ng bahay namin.
Nagmadali akong tumakbo para makarating kaagad sa labas ng subdivision.
Kanina pa si Aliyah sa labas, baka nabobored na 'yon kahihintay sa akin.
Pagkarating ko sa labas ng subdivision, nakita ko sa hindi kalayuan ang sasakyan ni Aliyah. Nakita ko rin ang motor ni Kuya Lance at si kuya sa tapat ng sasakyan ni Aliyah. Mukhang may pinag-uusapan sila.
Hindi na muna ako lumakad, nanatili lang muna ako sa kinatatayuan ko.
Pagkaalis ni kuya, tumakbo na ako para mapuntahan na si Aliyah. Gusto ko rin malaman kung bakit siya kinausap ni kuya.
"Aliyah" banggit ko sa pangalan niya at binuksan naman nito ang pinto ng sasakyan niya sa passenger seat kaya sumakay na ako.
"Tara na" nakangiting sabi nito. "Isuot ko seatbelt mo clara"
"Aliyah si kuya yon Bakit siya huminto sa tapat nitong kota e mo? Tyaka ano yung pinag-uusapan niyo? Aliyah, may sinabi ba si yang masasakit sayo? Aliyah mag sabi ka." kabadong tanong ko. Baka kasi tama ang hula ko
"Calm down clara, wala naman syang masyadong sinabe, Hayaan mo nalang yon, huwag mo na lang pansinen, Tara na" nakangiting sagot nito na parang okay lang ang lahat.
Wala ba talagang sinabi si kuya? Bakit feeling ko meron? Imposibleng huminto si kuya sa tapat niya, tapos tititigan lang siya. Malamang may sinabi si kuya sakaniya.