SIXTEEN days nalang ang meron ako.
Ngayong araw rin ang kaarawan ni kuya.
Mamayang gabi nga ay magkakaroon ng pool party. Ang mga bisita lang naman daw ay ang mga kaibigan ni kuya at Ella. Paniguradong mas maraming bisitang dala si Ella, dahil marami siyang kaibigan.
"Ayusin niyo 'yan. Birthday ng anak kong lalaki kaya dapat maayos 'yan. Nakakahiya sa mga friends niya kapag naging palpak ang birthday niya." masungit na sabi ni mama sa mga nag-aayos.
Nakasilip lang ako habang nakatago sa pader.
Hindi nila ako pinapababa kasi may lang bisita na, makulit lang talaga ako kaya sumilip ako dito. May lang kaibigan na rin si kuya na maagang nagpunta dito.
"Mom, bakit ba kasi may paganito ka pa? Hindi na ako bata, dapat nga lumabas nalang kami ng mga kaibigan ko." Iling na sabi ni kuya.
"Once in a year lang ang birthday
Lance, kaya hayaan mo na ako." nakangiting sagot ni mama. "Isa pa hindi naman pang baby ang party na 'to, pool party ito my son, bagay ito sa mga kagaya niyo. For sure magugustuhan ito ng mga friends mo na dadating pa mamaya." dagdag pa nito
Napangiti nalang ako habang pinapanood silang nag-uusap. Napasandal nalang din ako sa pader habang inisip na sobrang swerte nila kuya at Ella, kila mama at papa. Ako never nilang na-celebrate ang birthday ko. Naranasan ko lang mahandaan at ma-celebrate ang birthday ko noong sixteen ako. Si Aliyah at ang family niya ang kasama kong nag celebrate non.
Hanggang ngayon hindi pa rin maalis sa isip ko yung mga sinabi kagabi ni mama. Hindi niya ako anak, kaya kahit kelan hindi ko talaga mararanasan at mararamdaman na mahalin nitong pamilya na 'to.
Siguro kung siya talaga ang mama ko, baka hindi ganitong buhay ang nararanasan ko ngayon. Pero kung sakaling may taning pa rin ang buhay ko, malamang nandito sila sa tabi ko para damayan at alagaan ako.
Sana.. sana kahit isang beses lang, sana maramdaman ko ang pagmamahal nila. Kahit sa pagpapanggap lang ay masaya na ako.
Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Inulit ko ang ginawa kong bracelate para kay kuya. Wala akong nabili na iba, kaya beads ang nabili ko nung nakaraan. Mas maganda rin siguro kung gawa ko mismo ang bibigay ko sa kaniya.
/*tok tok tok tok
Sunod-sunod na katok sa pinto ko kaya nagulat ako. Dali-dali kong hinila ang comforter ko para maitago ang mga ginagawa ko.
Tumayo na ako at lumakad saka ko binuksan ang pinto. Pagkabukas ko, bumungad sa akin si mama. "Ma, m-may ¡uutos ka po ba?"
"Wala. Pero gusto ko lang ipaalala sayo Clara, na hindi ka pwedeng lumabas sa kwartong 'to hanggat hindi natatapos ang araw na 'to. Birthday ngayon ng kuya mo, huwag mo sanang sirain."
Duro niya sa akin at binaba rin niya agad ang daliri niya. "Isa kanang kahihiyan sa pamilyang 'to Clara, huwag mo na sana dagdagan pa. Nagkakaintindihan ba tayo?" taas kilay nitong tanong.
"O-O-Opo, mama" nakangiting sagot ko.
"Good" Tumalikod na rin siya at akala ko aalis na pero humarap na naman ulit siya sa akin.
"Padadalhan nalang kita ng food mo dito para wala kanang maging rason para bumaba pa." matapos niyang sabihin 'yon ay tuluyan na siyang umalis.
Sinara at nilock ko na ang pinto ng kwarto ko.
Bigla nalang gumuhit sa labi ko ang matamis na ngiti at napahiga agad ako sa kama at nag gulong-gulong doon. Hindi ko alam pero ang saya ko ngayon. Pakiramdam ko naging concern bigla si mama sa akin. Hindi naman siya ganon sa akin noon, kaya ngayon ramdam na ramdam nitong puso ko ang pagkasaya. Nihindi nga mawala-wala sa labi ko ang ngiti.
Napaupo ako sa kama dahil nag ring bigla yung cellphone ko. Tinignan ko kung sino
'yon, nabasa ko naman ang pangalan ni, Aliyah sa screen ng cellphone ko kaya sinagot
ko na.
"Aliyah, kamusta ka?" unang pabungad
ko.
"Ako yung tumawag, ikaw ang nangumusta. Pero okay lang ako Clara.
"Bakit ka pala napatawag, Ali?"
"Gusto sana kitang ayain dito sa bahay, nagluto kasi si mommy, at nag request ako sakaniya ng paborito mo."
Napahawak ako sa labi ko at napatango. "Ali, sorry hindi ako makakalabas sa bahay. Maraming tao dito ngayon eh."
"Huh? Anong meron?"
"Birthday ni kuya, kaya nagsisidatingan na yung ibang bisita. Hindi ako makalabas, ayaw kasi ako payagan ni, mama. Alam mo naman." Napakamot nalang ako sa ulo ko.
"Naiintindihan ko Clara, sige mag-enjoy ka nalang muna d'yan. Bukas nalang, bye"
"Salamat Aliyah, bye"
Binaba ko na ang cellphone ko at bumalik na ulit ako sa tinatapos kong bracelate.
Kinagabihan, napaka ingay na sa pool area.
Sumilip ako sa bintana, hawak ko rin ang kurtina para tama lang ang nakikita ko. Paniguradong hindi nila ako mapapansin.
Napangiti nalang ako pagkakita ko kay, kuya na sobrang nag e-enjoy. Mukhang nagustuhan nga niya ang pool party na hinanda ni mama sa kaniya.
Napatingin ako sa hawak kong bracelate na ako mismo ang gumawa. Gusto ko sanang puntahan si, kuya para batin at ibigay sakaniya itong ginawa ko, pero kasi hindi naman ako pinayagan ni, mama na bumaba.
Ayaw niya kasi na makita ako ng mga bisita ni kuya. Siguro bukas ko nalang ibibigay.
Tumingin ulit ako sa ibaba, bigla akong napaatras at nabitawan ko rin ang kurtina dahil nakita ko si, kuya na nakatingin dito sa taas.
Sana naman hindi niya ako nakita. Malalagot talaga ako kapag nakita niya ako.
Inip na inip na ako dito sa kwarto ko.
Nakakain naman na ako, pero gusto kong lumabas.
Hindi naman siguro nila ako makikita. Hindi nalang din ako magpapakita. Sobrang bored na bored lang talaga ako dito sa kwarto ko. Wala na kasi akong magawa na iba.
Kanina nagbasa lang ako ng libro, inulit yung bracelate ni kuya, nag guitar tapos pagulong-gulong lang sa kama ang mga ginawa ko.
Tumayo ako at tumingin sa pintuan. Siguro naman kapag sinubukan kong lumabas, hindi naman siguro nila ako mapapansin.
"Wooohh! Kaya ko 'to" Lumakad na ako at hinawakan ko na ang doorknob. Napapikit nalang ako sabay ikot sa doorknob.
Sumilip muna ako, pagkasilip ko nakita ko si mama, sa bandang dulo. Nakaupo siya sa sofa habang natutulog.
Lumabas ako ng kwarto at dahan-dahan na naglakad palapit kay mama. Pagkalapit ko nga ay kinuha ko yung jacket niya na nakalapag sa tabi niya. Dahan-dahan kong pinatong 'yon sa katawan niya. Malamig kasi dito sa second floor, baka ginawin siya.
Napagod siguro siya bung araw. Mas excited pa kasi siya kesa kay, kuya kanina.
Hinalikan ko muna sa noo si mama. Gumalaw ito kaya kinabahan ako, pero mabuti nalang dahil hindi siya nagising.
"Good night, mama. I love you po" nakangiting sabi ko at lumakad na ulit ako pabalik sa kwarto ko.
LANCE POV
11 p.m. na at nagsi-uwian na ang mga bisita ko at ang mga inimbita ni Ella. Nandito ako sa second floor ngayon. Lalakad na sana ako para magpunta na sa kwarto ko, pero napatingin ako sa kwarto ni Clara. Ang alam ko buong araw hindi siya nakalabas dahil sa utos ni mom.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero binuksan ko ang pintuan ng kwarto niya at pumasok ako sa loob. Pagkakita ko sa kaniya, mahimbing na siyang natutulog.
Lumapit ako sa kaniya. Napansin kong hindi nakaayos sa katawan niya ang comforter kaya hinawakan ko 'yon. Bago ko pa maayos ang comforter niya, napansin ko ang mga pasa at kaonting sugat sa braso niya. Pati ang binti niya ay may pasa rin.
Naupo muna ako sa gilid ng kama niya.
Hinawi ko ang buhok nito na nasa mukha niya. Nagtataka tuloy ako ngayon kung bakit sa tuwing nakikita ko siya sa ibaba ay palaging may takip ang kaliwang mata niya. Pero ngayong tulog siya, inalis naman na niya.
Tinignan ko ulit ang mga pasa niya. Hindi namin 'yon nakikita sa tuwing nasa ibaba siya. May nilalagay siguro siya para takpan ang mga pasa niya.
Tumayo na ako dahil baka magising pa siya.
Inayos ko na rin muna yung comforter niya at lumakad na ako.
Aalis na sana ako pero napahinto ako pagkakita ko sa cabinet niya na nakabukas. Lumapit ako doon at isasarado ko na sana pero may nakita akong dalawang bote ng gamot. Kinuha ko 'yon at nakita kong puno pa. Parang hindi nabawasan. Tumingin ako kay Clara, nang bigla siyang gumalaw kaya dali-dali kong binalik yung dalawang bote at sinara ko na ang cabinet niya.
Lumabas na ako sa kwarto ni Clara at nilock ko 'yon.
Hindi maalis sa isip ko yung mga gamot. Para saan kaya yon? Bakit parang walang bawas?