Chereads / I ONLY HAVE 20 DAYS TO LIVE / Chapter 14 - CHAPTER 14

Chapter 14 - CHAPTER 14

NAKASANDAL si, Aliyah sa kotse niya habang patuloy na tumatangis dahil sa pagkawala ni, Clara.

"Here" Tinignan ni, Aliyah ang nag-abot ng panyo sa kaniya at nakita nito ang mukha ni, Lance. "Kukunin mo ba o gusto mong ako pa ang magpunas d'yan sa mukha mo?" tinanggap na ni, Aliyah agad yung panyo.

Sumandal din si, Lance sa kotse ni, Aliyah at tinignan niya ito. "Sorry...alam kong sa aming lahat, ikaw ang pinaka mas nasaktan." sambit ni, Lance.

"M-May ilang araw pa dapat ang kaibigan ko /*sobs* b-bakit niyo 'yon pinagkait sa kaniya," umiiyak na sabi ni, Aliyah. "Gusto lang ni, Clara na mag-enjoy, maging masaya sa mga natitira niya pang araw." paghagulgol ni, Aliyah.

Dahan-dahan na hinawakan ni, Lance ang braso ni, Aliyah at saka niya ito yinakap.

"Sorry, sorry kung napabayaan ko ang kapatid ko. Kasalanan ko kaya siya maagang namatay. Nabaríl siya dahil sa akin...sinalo niya yung bala na para sa akin, sorry, sorry, Aliyah nawalan ka kaagad ng kaibigan, sorry." hindi napigilan ni, Lance na maging emotional habang yakap-yakap si, Aliyah.

"C-Clara!! / *sniffs*" napaupo si, Aliyah sa lupa kaya umupo rin si, Lance at nanatili pa rin silang dalawa na magkayakap.

"Okay kana ba?" tanong ni, Lance kay, Aliyah at inabutan niya ito ng tubig.

"Thanks" sabi ni, Aliyah.

Tumabi ulit si, Lance kay, Aliyah at tumingin ito sa langit. "Salamat, Aliyah" Tinignan nito si, Aliyah na ngayon ay nakatingin din sa kaniya. "Salamat hindi mo iniwan si, Clara. Salamat sa mga oras na binibigay mo sa kanya. Sa totoo lang hinusgahan ka namin, pinapalayo namin si, Clara sayo kasi akala namin napapasama siya dahil sayo. Pero hindi namin alam na sa tuwing kailangan niya ng taong iiyakan, masasandalan, masasabihan ng problema, ikaw pala palagi ans nasa tabi niya. Maraming salamat, Aliyah. Kung wala ka, baka noon palang iniwan na niya kami." malit na ngiting dugtong ni, Lance.

"Deserve ni, Clara ang masayang buhay. Sa dami ng hirap na pinagdaanan niya sainyo, deserve niyang sumaya. Kaya kahit oras ko sa sarili ko kaya kong ibigay sa kaniya." sambit ni, Aliyah. "Alam mo ba hindi na siya pumapasok sa University. Ang gusto nalang niya ay magpunta sa beach, minsan sa tree house naming dalawa at kung saan-saan. Baka nga bumagsak na rin ako ngayon kasi minsan nalang ako kung pumasok.

Mas gusto ko kasi na masamahan si, Clara sa mga gusto niyang gawin. Gusto kong nakikita siyang masaya at nag e-enjoy." nakangiting sabi pa ni, Aliyah.

"Sobrang close niyo ni, Clara tama?"

"Sobra-sobra. Dikit na kami ni, Clara at magkapatid din ang turingan naming dalawa. Mahal na mahal ko si, Clara...malabo rin na makahanap pa ako ng kagaya niyang totoo sa pagkakaibigan namin." maliit na ngiting sagot ni, Aliyah.

Bumalik si, Lance sa bahay nila at dumeretsyo siya sa kwarto ng kapatid na si, Clara.

Naupo ito sa kama. May nakita rin siyang isang maliit na regalo na naka box sa ibaba ng kama kaya naman kinuha niya 'yon. Nakita nito ang pangalan niya na nakasulat doon sa ibabaw ng regalo. May maliit na papel din na naka-ipit doon kaya kinuha niya rin 'yon at binuksan.

'Happiest birthday, Kuya Lance. Gusto kong batin ka personal kaso natatakot ako sayo. Oo nga po pala may ginawa akong regalo para sayo. Sana po magustuhan mo. Pasensya kana, kuya kung hindi yan mamahalin ha, ayan lang po kasi talaga ang kinaya ng badget ko. Pero kapag naman nakaluwag-luwag ako bibilhan kita ng mas maganda at mamahalin. Balak ko po sana iabot ang regalo ko sayo sa huling araw ko. Mahal na mahal po kita, kuya. Mag-jingat ka po palagi. Ikaw na rin po ang bahala kila, mama, papa at Ella, kapag nawala na ako. Mahal na mahal ko po kayong lahat. Mamimiss ko rin po kayo. Paalam po. Nagmamahal, Clara'

Nagsituluan ang luha ni, Lance pagkabasa sa sulat ng kapatid. Nilapag niya muna ang papel sa kama at binuksan na niya ang regalo.

Doon ay nakita nito ang handmade bracelate.

Kinuha 'yon ni, Lance na mas lalong nagpaluha sa kaniya. Pati ang sulat ng kapatid ay kinuha niya ulit.

"Sorry, Clara/*sniffs* s-sorry" umiyak na hinalikan ni, Lance ang sulat at bracelate na galing kay, Clara.

Kinagabihan, nakita ni, Ella ang, Kuya Lance niya na nakaupo sa isang upuan at tahimik na nakatingin sa langit.

Nilapitan ni, Ella ang kapatid, "Kuya Lance, umuwe na po yung ibang kamag-anak natin."

"'Masaya kana ba?" walang emosyon na tanong ni, Lance.

"K-Kuya.."

Tumayo si, Lance at tinignan ang bunsong kapatid. "Okay kana ba? Wala na si, Clara!" galit na hinawakan ni, Lance sa braso si, Ella.

"Kuya, nasasaktan po ako" daing ni, Ella.

"Nawala si, Clara dahil sayo! Namatay ang kapatid natin dahil sayo, Ella! lang araw pa sana ang meron siya, para magawa pa niya ang mga gusto niyang gawin, pero hindi niya nagawa. Kung hindi siya napalayas dahil sayo sana nandito pa siya, sana wala tayong pinaglalamayan ngayon." emotional na pasigaw na sabi ni, Lance.

"Lance..." Tumakbo kaagad si, Maggie nang makita ang mga nangyayari sa dalawa niyang anak. Sumunod din naman sa kaniya ang asawa na si, Anthony.

"Hindi sana siya napalayas kung 'di dahil sayo!!" galit na sigaw ni, Lance kay, Ella.

"Bitawan mo si, Ella, Lance" Hinawakan kaagad ni, Maggie si, Ella at nilayo kay, Lance.

"Huwag mong sisihin ang kapatid mo, Lance. Walang may gusto nito, hindi niya ginusto ang nangyari kay, Clara." may lungkot sa mukha na sabi ni, Anthony.

"M-May sakit si, Clara ilang araw nalang ang meron siya, mom, dad. gusto pa niyang ma-enjoy ang mga araw na 'yon. Matagal na siyang may sakit at may t-taning na rin ang buhay niya. Hindi manlang niya naramdaman ang pag-aalaga natin at pagmamahal sa kaniya." umiyak na sabi ni, Lance at iniwan niya ang pamil ya niya doon.

"K-Kasalanan ko, mom, dad /*sobs" umiiyak na paninisi ni, Ella sa sarili kaya yinakap siya agad ng ina niya at nilapitan naman siya ng ama niya.

"N-No/*sniffs* wala kang k-kasalanan okay? Huwag mong sisihin ang sarili mo, anak." sambit ni, Maggie.

Hating gabi na umuwe sila Maggie, Anthony at Ella, sa bahay nila. Habang si, Lance ay nanatili sa chapel kung saan naka burol ang kapatid.

Pinatulog na muna nila, Maggie at Anthony, si Ella sa kwarto nito.

Nagpunta naman si, Maggie sa kwarto nila ng asawa niya at tinignan ang computer.

Binalikan nito ang mga nakaraang kuha sa cctv ng bahay nila.

Napatakip nalang sa bibig si, Maggie pagkakita sa mga ginagawa ni, Clara sa bahay. Nakita rin nito kung paano mamilipit at mahirapan dahil sa sakit ang anak. Nakita rin niya kung paano niya saktan si, Clara at kung paano itrato nila, Lance at Ella si, Clara.

Nakita rin nito ang ginawang paghalik sa kaniya ni, Clara sa noo noong araw na birthday ni, Lance at nakatulog siya sa sofa.

"Maggie..." Napatingin si, Anthony sa pinapanood ng asawa.

"/*sniffs* C-Clara" napahagulgol ng yak si, Maggie.

Lumapit kaagad si, Anthony sa asawa at yinakap.

"'Hi-Hindi ko manlang naiparamdam s-sa kaniya ang / *sobs* a-ang pagmamahal ng isang ina. Hindi k-ko manlang siya nagawang alagaan at pasayahin. S-Sa mga natitira niyang a-araw na dapat sana pahinga nalang niya/*sniffs* kung ano ano pa ang pinapagawa k-ko sa kaniya. nasasaktan ko rin siya.' umiiyak nitong sabi.

"Anlaki rin ng pagkukulang ko kay, Clara. Ako ang ama niya pero hindi ko siya naprotektahan. Shsh t-tama na." sabi ni, Anthony at pilit na pinapakalma ang asawa.

Nasa labas naman ng kwarto nila, Maggie si, Ella at napaluha nalang ito matapos marinig ang pag-iyak ng ina.

Napatakbo si, Ella papasok sa kwarto niya at

dali-daling sinirado ang pinto saka pabagsak

na napaupo sa sahig. Tinakpan nito ang bibig

upang walang makarinig sa pag-iyak niya.

Sa chapel kung nasaan naman si, Lance

tahimik lang itong nakaupo sa upuan habang

hawak ang huling sulat ng kapatid.

Bumalik din ulit sa chapel si, Aliyah at pagkakita nito kay, Lance na mag-isa lang sa

unahan habang nakayuko, lumapit na si,

Aliyah. Naupo si, Aliyah sa upuan na katabi

ni, Lance at kahit isa sa kanila ay walang bumasag ng katahimikan.

Nakatitig lang si, Aliyah sa litrato ni, Clara at

napangiti ito dahil nakangiti doon sa litrato

ang kaibigan niya. Pero kasabay sa ngiting

gumuhit sa labi niya ang pagtulo naman ng

luha niya.

I week passed at ngayon na ililibing si, Clara.

Maraming nagpunta at kahit ang mga kaklase nito ay nagpunta rin.

Tumingin si, Lance kay, Aliyah at ipinatong nito ang braso niya sa balikat ni, Aliyah saka niya ion hinagod para kumalma ito kahit papano sa paghikbi.

Matapos ilibing si, Clara ay nag paalam na ang halos lahat. Ang naiwan nalang ay ang pamilya ni, Clara at si, Aliyah.

"Tara na" aya ni, Anthony sa asawa at mga anak.

"Dad, mauna na kayo nila, mom at Ella, susuod nalang ako." may lungkot sa tono ng boses na sabi ni, Lance.

"Son, mag-ingat ka" Yumakap na muna si, Maggie sa anak bago sila lumakad paalis.

Naupo naman si, Aliyah at nakatigtig lang ito kung saan nilibing si, Clara.

"Mamaya na...gusto ko pang makasama si, Clara." malungkot nitong sagot. "Ikaw bakit nagpaiwan ka pa dito?" tanong din pabalik ni, Aliyah.

"Gusto ko lang din na makasama si, Clara dito. Mamaya na ako uuwe" sagot ni, Lance.

Kinahapunan ay nagpunta sina, Lance at Aliyah sa beach. Sinama nalang ni, Aliyah si Lance dahil nagpumilit ito na sumama.

"Dito kami mahilig magpunta ni, Clara.

Paborito ni, Clara ang lugar na ito, gustong-gusto niya kasi ang dagat." may ngiti sa labi na pagkukwento ni, Aliyah kay Lance.

"Hindi kasi namin siya sinasama noon sa mga pinupuntahan naming lugar, lalo na sa beach. Alam kong gusto niya ang beach, excited kasi siya kapag nalaman niyang magbabakasyon doon, pero hindi naman siya sinasama." lintanya ni, Lance.

"Tss. Ang sama niyo talaga kay, Clara" pag-irap na sabi ni, Aliyah.

"Kaya sobra ang pasasalamat ko sayo. Ang dami mong nagawa para mapasaya ang kapatid namin." nakangiting tugon ni, Lance. Lumakad si, Aliyah papunta sa puno kung saan nakasulat ang pangalan nila ni, Clara.

Pagkalapit niya ay hinawakan niya ang mga nakasulat na pangalan.

"Ikaw ba ang gumawa n'yan?" tanong ni,

Lance.

"No. Si, Clara ang nagsulat nito. Ito ang pinaka paborito kong parte sa beach na ito." nakangiting sabi ni, Aliyah. "Sana manatili ang puno na ito sa beach na 'to, ito lang ang ala-ala ni, Clara dito."