Chereads / I ONLY HAVE 20 DAYS TO LIVE / Chapter 15 - THE END

Chapter 15 - THE END

1 YEAR LATER, nakapag patayo si, Aliyah ng isang cafe at pinangalanan niya yon na YAHLARA CAFE. Pinagsamang pangalan nilang dalawa ni, Clara.

Hindi na rin natuloy ang dapat na kasal nila ni, Axel dahil pumayag na ang mommy ni, Aliyah na hindi na ituloy. Nalaman ni, Aliyah na kinausap pala ni, Clara ang mommy niya para pakiusapan na 'wag ituloy ang kasal.

Masaya ang buhay ngayon ni, Aliyah dahil next year ay ga-graduate na siya. Pero may lungkot pa rin sa puso niya dahil hindi na niya makakasama si, Clara sa mga gala at kulitin.

"Good morning"

Inangat ni, Aliyah ang ulo at tinignan kung sino 'yon.

"Lance? Anong ginagawa mo dito" nagtatakang tanong ni, Aliyah.

"'May dala ako" nakangiting lumapit si, Lancekay Aliyah, at binigay ang dala na boquet flower.

"Para sa akin?" tanong ni, Aliyah.

"Yeah" tangong sagot ni, Lance. "Umm may gagawin ka ba ngayong araw, Aliyah?" tanong pa nito na medyo ipinagtaka ni, Aliyah.

"Gagawin? Wala naman. Pero pupunta ako sa sementeryo para dalawin si, Clara at dalhan ng bulaklak." sagot ni, Aliyah.

"Sakto doon din ang punta ko ngayon, sabay na tayo?"

"Okay. Tara na." sabi ni, Aliyah at iniwan niya muna ang boquet at naunang lumakad palabas ng cafe niya at nakasunod naman sa kanya si, Lance.

Pinagbuksan ni, Lance ng pinto sa passenger seat si, Aliyah bago siya umikot papunta sa driver seat.

Pagkarating nila sa sementeryo nilapag ni, Aliyah ang dala nyang bulaklak para kay, Clara.

"Kamusta kana d'yan, Clara?" naupo si, Aliyah at nginitian ang lapida ng kaibigan.

"Alam mo ba may sarili na akong cafe at yung cafe na 'yon, yung pangalan niya ay ang pinaghalong pangalan nating dalawa. Sorry ngayon ko lang nasabi sayo ang tungkol sa cafe. " dugtong pa ni, Aliyah.

Tumabi naman sa pagkakaupo ni, Aliyah si,

Lance.

"Sigurado ako na kung nasaan man ngayon ang kapatid ko, masaya na siya." nakangiting sabi ni, Lance.

Napadako ang tingin ni, Aliyah sa pulsuhan ni, Lance. Kumunot ang noo niya dahil natatandaan niya ang mga beads na 'yon.

Dahil sa sobrang pagtataka ay hinawakan niya ang kamay ni, Lance para tignan sa malapitan.

"Mahiya ka nga sa kapatid ko, chumachansing kana sa akin e." pabirong sabi ni, Lance kaya dali-daling binitawan ni, Aliyah ang kamay ni, Lance.

"Anong chumachansing, assumero ka masyado. Hoy tinitignan ko lang ang suot mong bracelate, never akong chumansing sayo." pagmamataray ni, Aliyah.

"Itong bracelate ko? Kay, Clara galing 'to. Palagi kong suot 'to simula nung makuha ko, tapos isang taon na ang nakalipas ngayon mo lang napansin?" nakataas ang parehong kilay ni, Lance kay, Aliyah.

"Kay, Clara galing? Bakit? Paanong nagawa pa n'yang gawan ka n'yan?" may pagtatakang tanong ni, Aliyah.

"Bakit naman hindi e, kuya niya ako?… Kidding. Regalo niya sa akin 'to noong birthday ko. Pero nakuha ko lang 'to kung kailan wala na siya." sambit ni, Lance. "Alam mo ba, Aliyah sobra-sobra ang pag-iingat ko sa bracelate na 'to. May isang beses nga habang nag sha-shower ako, inalis ko kasi sa kamay ko itong bracelate, tapos after kong mag shower akala ko nawala ko na yung bracelate. Hindi ko kasi naalala agad kung saan ko pinatong. Halos masira ko na yung ibang gamit ko sa kwarto dahil sa paghahanap. /*laugh* Kahit sila mom at dad, hinanapan ko rin." pagkukwento ni, Lance.

"Salamat kung iningatan mo 'yan. Pareho lang tayo, yung mga binigay sa akin noon ni, Clara nasa akin pa rin hanggang ngayon. Gusto ko hanggang magka boyfriend na ako, magkaroon ng asawa't anak, gusto ko nasa akin pa rin yung mga binigay ni, Clara."

"Advance mo naman. Boyfriend tapos asawa't anak agad? Aliyah, hindi ka pa Kaya graduate."

"Hindi ko naman sinasabi na ngayon na agad. Sinasabi ko lang na kahit ilang taon pa ang lumipas, yung mga bagay na galing kay, Clara ay nasa akin pa rin at patuloy kong iingatan."

Inakbayan bigla ni, Lance si Aliyah na ikinagulat naman ni, Aliyah. "Hoy, Lance! Ikaw ang chumachansing sa akin ha. Kaya kitang upakan kahit sa harapan ng puntod ni, Clara. Alisin mo 'yang braso mo."

"Umayos ka talaga. May galit pa ako sayo" asik na sabi ni, Aliyah. "Oo nga pala, aalis na ako dito sa Pilipinas." dagdag pa ni, Aliyah na ikinataka ni, Lance.

"Bakit naman? Ayaw mo na ba dito?" nagtatakang tanong ni, Lance.

"Hindi naman sa ganon. Babalik din naman ako." nakangiting sagot ni, Aliyah.

"Lance, nandito ka rin pala"

Napatingin sina, Lance at Aliyah, sa tatlong tao na dumating. Napatayo naman agad si,Lance pagkakita sa pamilya niya.

"Kanina pa ho kami dito, kasama ko si, Aliyah" sabi ni, Lance.

"Mauna na ako." Tumayo na agad si, Aliyah at tumingin muna siya sa pamilya ni, Lance.

"Wait lang, Aliyah ihahatid na kita" pagpigil na sabi ni, Lance.

"Sige na, Lance ihatid mo na siya." tangong sabi ni, Maggie.

"Hindi na ho kailangan. Hindi na, Lance Kaya ko naman umuwi. Mauna na po ako." pagkatapos sabihin 'yon ni, Aliyah ay nagmadali na siya sa paglalakad.

ALIYAH POV

Isang taon na nga ang nakalipas. Pero ang galit ko sa pamilya ni, Clara hindi 'yon agad-agad na mawawala. Baka limang taon pa ang kailangan na lumipas bago ko sila mapatawad. O baka hindi ko na sila mapatawad talaga.

Oo nga at nagsisi sila, pero kulang na kulang ang pagsisisi nila. Kulang na kulang ang pag-iyak nila at paghinging sorry sa kaibigan ko.

Pero alam kong masaya na ngayon ang kaibigan ko kung nasan man siya. Gusto kong maging masaya nalang din para sa kanya.

Dumeretsyo ako sa beach, sa puno doon kung saan may inukit na pangalan si, Clara. Napangiti ako dahil nandito pa ang puno.

Nandito pa ang ala-ala naming dalawa ni, Clara. Sobrang saya ko dahil hindi nila inalis ang puno na ito. Sana nga talaga hindi nila balakin na alisin.

"Ate!"

napalingin ako sa mga bata na palapit sa gawi ko. Akala ko lalagpasan nila ako pero sa mismong gilid ko talaga sila huminto.

"Anong kailangan niyo?" tanong ko sa kanila.

"Ate, kaya mo bang magpalipad ng saranggola?" tanong sa akin ng isang cute na batang baba na may ayos na braids."

Saranggola huh? Napangiti ako at saglitan kong tinignan ang pangalan namin ni, Clara na naka-ukit sa puno bago ko ulit tinignan ang mga bata.

"Marunong ako" nakangiting sagot ko doon sa tanong.

"Oo naman. Halikayo" nakangiting sagot ko at pinasunod ko sila sa akin.

Dalawang linggo ang nakalipas bumalik ulit ako sa puntod ng kaibigan ko. Dinalhan ko ulit siya ng bulaklak. Kasama ko si, mom pero nagpaiwan nalang siya sa kotse.

Magpapaalam lang naman ako ngayon kay,

Clara dahil aalis na ako. Pupunta na kami sa

U.S at doon na rin ako magtatapos ng pag-aaral.

"Clara, babalik ako ha. Kapag nakauwi na ulit ako, ikaw ang una kong pupuntahan. Don't worry dahil kahit nasa U.S na ako, palagi pa rin kitang üsipin. Hinding hindi kita makakalimutan, Clara, palagi kang nandito sa puso ko. Paano aalis na ako ha? Bye, Clara."

Pagbalik ko dito sa Pilipinas, sisiguraduhin kong handa na ako. Handa na akong harapin silang lahat na okay na at naka move-on na.

Mas mabuting sa U.S ako mag move-on. Baka kapag doon ako nag-umpisa ulit, maging maayos na ako. At kahit kailan hinding-hindi ko rin papalitan si, Clara dahil nag-isa lang siya. Walang tutulad sa isang, Clara.

Sa pagbalik ko dito successful na dapat ako.

Palagi kong dadalhin ang pangalan ni, Clara sa kahit saan. Gusto kong kasama pa rin ang kaibigan ko sa mga plano ko sa buhay. Gusto namin pareho na maging successful, kaya tutuparin ko 'yon para sa mga pangarap naming dalawa.

Author: Maraming salamat po sa nag basa at mag babasa pa lang, thanks sa supporta sa I ONLY HAVE 20 DAYS TO LIVE :)

MAG COMMENT KAYO KUNG GUSTO NYO NANG STORY NI ALIYAH & LANCE HEHEHE