Chereads / I ONLY HAVE 20 DAYS TO LIVE / Chapter 13 - CHAPTER 13

Chapter 13 - CHAPTER 13

AUTHOR'S POV

MATAMLAY na umuwe si Lance, sa bahay nila. Pagkapasok nito sa bahay nila, tumayo naman agad ang daddy niya na kanina pa siya hinihintay.

"Gabing-gabi na Lance, saan ka ba nanggaling?" galit na tanong ni, Anthony sa anak niya.

"Lance, dvgo ba 'yang nasa damit mo?

Son anong nangyari sayo?" nag-aalalang tanong ni Maggie at nilapitan ang anak at hinawakan sa braso. "May nakaaway ka ba? Sinabi ko na kasi sayo na dapat hindi mo na hinanap ang, Clara na yon. May kaibigan naman siya kaya malamang doon siya nagpunta. Anak? Lance, sumagot kanga."

Lumakad si Lance, at pagkakita nito sa mga vase at picture frame na nakapatong nilapitan niya 'yon. "Ahhhh!! Bwiset!!" galit na galit nitong sigaw sabay basag sa mga vase at frame na ikinagulat nila Anthony at Maggie.

"Lance, tumigil ka!" sigaw sa kaniya ni Anthony.

"Son huwag mong basagin ang mga-ahh!" nagulat si, Maggie nang ihagis ni Lance ang isang vase.

"Ano ba, Lance!"

"Ahhhhh!" pinagsusvntok ni, Lance ang pader nila.

Lumapit naman kaagad si, Anthony sa anak at hinawakan sa kwelyo saka malakas na sinvntok sa mukha. "Sinabi na tumigil kana! Wala kang karapatan a manira ng mga gamit dito, Lance dahil hindi ikaw ang bumili n'yan." napaupo sa sahig si, Lance matapos siyang masmtok ni, Anthony.

Takang-taka sila Maggie at Anthony, nang umiyak bigla si Lance. "Wala na... wala na si, Clara"

Nagkatinginan sina Anthony at Maggie, pagkasabi non ni, Lance. "Anong sinasabi mo? Anong wala na si, Clara?" tanong ni Anthony.

Pinantayan ni Anthony si, Lance saka niya

hinawakan ang kwelyo ng anak. "Sumagot ka, anong wala na si, Clara? Sinundan mo raw si, Clara sabi ng mommy mo, kaya anong sinasabi mong wala na si, Clara?" pigil sigaw na tanong ni Anthony.

"D-Dad, mom..." Tumingin si, Lance sa

mga magulang niya. "W-Wala na si, Clara...patay na siya." hagulgol na dugtong ni, Lance.

Kahit si, Ella na nagising dahil sa ingay nila

ay nanlaki rin ang mga mata dahil sa narinig.

Dali-dali rin siyang bumaba sa hagdan.

Nagluluha ang mga mata ni, Maggie pero umiwas ito ng tingin at natawa. "Joke ba 'yan? Ano sinasali kana rin ni, Clara sa mga walang kwenta niyang pinagsasabi? Gusto niya bang palabasin na patay na siya, ganon ba, Lance? Gusto niya bang kaawaan natin siya? Sabihin mo sa kaniya na itigil ang walang kwenta niyang prank."

Biglang namuo ang galit kay, Lance at naitulak pa nito ang ama at saka tumayo.

Galit ang mga mata nito habang nakatingin sa mommy niya. "kaw ang walang kwenta, mom! Wala kang kwenta!!" sigaw ni, Lance sa ina na kinakita na rin ng ugat sa leeg niya.

"Kuya, huwag mong bastusin at sigawan si, mom" pagsingit ni, Ella.

"Isa ka pa!" durong sigaw rin ni, Lance sa bunsong kapatid. "Dahil sayo kaya napalayas si, Clara. I-Ikaw ang may kasalanan kaya siya napalayas dito, kaya siya namatay /*sniffs*"

"K-Kuya.."

Tumingin ulit si, Lance sa ina niya at, "IM-Mom, totoong wala na si, Clara. Na..n-nabaríl siya, d-dapat ako yung mababaríl eh. pero wala, s-sinalo ni, Clara yung bala na dapat para sa akin." umiiyak nitong pagkukwento.

Hindi makapaniwala si, Maggie sa mga narinig at muntikan pa itong matumba mabuti nalang at naalalayan naman siya agad ni, Ella.

itong imik. Nakayuko lang ito habang nakayukom ang parehong kamao.

"Na-Nasaan ang kapatid mo, Lance?" umiiyak na tanong ni, Maggie.

"Nasa morgue na siya ngayon."

Nanginginig ang mga binti ni, Maggie pero pinilit pa rin nito na lumakad at lumapit sa asawa. "Anthony, puntahan natin si, Clara doon.. pumunta tayo" pakiusap nito sa asawa.

Naunang lumakad palabas si, Anthony at dali-dali namang sumunod sila, Maggie, Ella at Lance, sa kaniya.

Pagkarating nilang pamilya sa morgue, pumasok na silang lahat doon. Nagpaiwan si, Lance sa likod at sila, Anthony, Maggie at Ella, lang ang mismong lumapit sa katawan ni, Clara.

Dahan-dahan na binaba ni, Anthony ang puting tela na nasa mukha ng anak at pagkababa nito, bumungad sa kanilang lahat ang walang buhay na si, Clara.

"Shít" nagulat si, Ella sa nakita at napaiwas ng tingin.

Pigil na pigil naman si, Anthony sa kaniyang luha pero masyadong traydor ang luha niya at nagsibagsakan agad iyon. "Clara!!" umiiyak nitong sigaw at yinakap ang katawan ng anak.

"Anak ko /*sniffs* n-nandito na si, papa gumising kana d'yan, anak"

"C-Clara /*sobs**

Napaupo sa sahig si, Maggie kaya yinakap siya agad ng anak niyang si, Ella. Panay ang pag-iyak ni, Maggie habang nakatingin kay, Clara.

Tanging pag-iyak lang nila, Anthony, Ella at Maggie, ang maririnig sa morgue.

Tahimik na umiyak lang si, Lance at lumakad na rin siya agad paalis doon sa morgue.

"Aliyah" pagtawag ni, Clara sa kaibigan.

Humarap si, Aliyah at nakita nito ang kaibigan na si, Clara. "Clara" napangiti bigla si, Aliyah pagkakitang bumalik na ang dating buhok ng kaibigan at ang dating maayos na pangangatawan. "Magaling kana" masayang sabi ni, Aliyah.

"Magaling na ako, Aliyah. Maraming salamat sayo"

"Ang saya ko para sayo, Clara." Niyakap nito kaagad si, Clara na kaagad din namang tinugunan ni, Clara.

"Aliyah, may isang hihilingin sana ako sayo"

Humiwalay si, Aliyah kay Clara, at tumango siya sa kaibigan. "Kahit ano, Clara"

"Kapag wala na ako, huwag kang malulungkot, Aliyah." hiling ni, Clara sa kaibigan. "Gusto kong makita ka palagi na nakangiti, totoong ngiti at hindi peke. Alam kong may problema ka rin sa pamilya mo, malalagpasan mo 'yan, Aliyah. Ikaw pa, Ali alam kong kayang-kaya mo ang lahat, malakas at matapang ka kaya. Huwag kang susunod agad sa akin okay? Gusto kong sumaya ka. Sana nagawa kong pakiusapan ang mommy mo. " nakangiting sambit ni, Clara. "Yung sinabi ko sayo, huwag kang malulungkot. Mahal na mahal kita, Aliyah. Salamat sa pagiging mabuti, pag-aalaga at pagmamahal mo sa akin. Hindi ko pinagsisihan na nakilala kita. Paano, Aliyah aalis na ako." nakangiting paalam ni, Clara.

"Aalis ka agad? Teka lang naman, Clara." Hahawakan na sana ulit ni, Aliyah sa kamay si, Clara pero bigla nalang itong umatras at bigla nalang din nawala. "Clara? Clara, nasaan ka?" umikot ng tingin si, Aliyah pero puro dilim lang ang nakikita nito sa kahit saang sulk siya tumingin.

"Clara, sandali lang...Clara, hintayin mo ako, huwag ka munang umalis-Clara!!" hinihingal na napaupo sa kama si, Aliyah at mahina nitong sinampal ang sarili. "Panaginip lang pala" nasabi pa nito sabay tingin sa bintana.

Bumaba na muna sa kama si, Aliyah at naghilamos at nag toothbrush. Pagkatapos ay lumabas na siya ng kwarto niya. Habang naglalakad si, Aliyah papuntang kitchen ay ipinagtaka niya ang tumatawag sa cellphone niya dahil unknown number ion. Pero sinagot pa rin niya dahil inakala niyang kakilala niya na nagpalit lang ng sim.

"Yes? Who's this?" panimula ni, Aliyah.

"Aliyah? Aliyah, right?" tanong sa kabilang linya.

Napakunot ang noo ni, Aliyah dahil kilala siya nito.

"Yeah?" patanong na sagot ni, Aliyah.

"Si, Lance ito kapatid ni, Clara"

"Anong kailangan mo? Nasabi ko na sayo ang tungkol sa sakit ni, Clara kaya bakit tumawag ka pa?" takang-taka na tanong ni, Aliyah at kumuha rin ito ng tubig saka ininom.

"May bad news ako about kay, Clara"

Nagsimula na ang halo-halong pag-isip ni

Aliyah. Hindi niya maintindihan pero sobra-sobra ang pagkakaba na nararamdaman niya ngayon.

"Wala na si, Clara, patay na siya"

Nabitawan bigla ni, Aliyah ang basong hawak pagkasabi non ni, Lance.

"Anong sabi mo? Bawiin mo 'yan!

Hindi pa patay ang kaibigan ko, hindi pa, Lance. Huwag na huwag mong babanggitin ang ganyan sa akin, talagang susugurin kita sa bahay niyo.

Wala na akong pakealam kung magalit pa sa akin si, Clara kapag sinugod kita d'yan." inis na sabi ni, Aliyah.

"Kung gusto mong pumunta sa bvrol ng kapatid ko, dito siya binurol sa chapel ng San. Agustina. Pumunta ka nalang"

Binaba na ni, Lance ang cellphone at nakatanggap naman si, Aliyah ng message galing kay, Lance.

¡Lance: Kagabi siya namatay, I'm sorry ngayong umaga ko lang nasabi sayo.]

Nabitawan ni, Aliyah ang cellphone niya at pabagsak na napaupo sa sahig.

"No.. Clara!!" hagulgol nitong sigaw.

Nakalagay naman ang sang kamay nito sa dibdib dahil bigla yong nanikip dahil sa balitang natanggap niya.

Nagmadaling nagpunta si, Aliyah sa bvrol ng kaniyang kaibigan na si, Clara. Pagkapunta nito doon, nakita niya kaagad na maraming tao sa labas at loob. Nakaputi at itim din ang suot ng lahat.

Patakbo siyang umakyat sa hagdan ng chapel at pagkapasok niya sa loo doon niya nakita ang isang kabaong at ang litrato ni, Clara.

Durog na durog ang puso ni Aliyah, sa mga nakita niya. Lumakad na siya ulit at nilapitan ang kabaong ng kaibiagn.

Pagkalapit niya, doon niya nakita ang mukha ni, Clara. Tanging mukha nalang ang pinakita at ang katawan ay natakpan na.

"Cla..." napahawak sa dibdib si, Aliyah habang nakatingin sa kaibigan. "C-Clara *sobs* paanong? paano nangyari, Clara? Sabi mo mag-enjoy pa t-tayo 'di ba? Ba...bakit? Hindi ko maintindihan,

Clara bakit iniwan mo agad ako (*sniffs*" hagulgol ni, Aliyah.

Napatigil naman sa paglakad si, Maggie nang makita si, Aliyah na nasa unahan at umiiyak.

Isang minuto lang siya na napatigil at mabilis na lumakad ulit.

"That kid." - Maggie

"Mom, ako ang nagpapunta sa kaniya dito." sabi ni Lance.

Nagulat ang mga nakakita sa biglang paghila ni, Maggie sa braso ni, Aliyah. Maging si, Aliyah ay nagulat din.

"Anong ginagawa mo dito? Kasalanan mo kaya namatay ang anak ko!" galit na duro ni, Maggie kay, Aliyah.

"Mom, stop" bulong ni, Lance.

"Kasalanan? K-Kasalanan ko pa ngayon? Kayo ang totoong may kasalanan kaya siya namatay!" puno ng sakit na sigaw ni, Aliyah. "Puro sakit at paghihirap ang pinaranas niyo sa kaniya. Ang kapal mo naman Mrs. Sanchez, para tawagin pa siyang anak, eh kahit kailan nga ay hindi ka naging mabuting ina kay, Clara." dagdag pa nito

"Aliyah, tama na. Mom, huwag kana pumatol" pakiusap ni, Lance sa dalawa.

"Hindi ka mabuting halimbawa na kaibigan sa anak ko. Kaya siya late umuwe palagi dahil sayo! Tinutulad mo si, Clara sayo." din na sabi ni, Maggie.

"Kaya siya late palagi umuwe kasi ayaw niya sa bahay niyo. Palagi niyo siyang sinasaktan, palagi niyo siyang pinapahirapan...Sa tingin mo ba, Mrs.

Sanchez hindi ko alam kung anong ginagawa niyo sa kaniya? Lahat ho alam ko! Nakita ko na rin kung paano mo siya saktan, kaya huwag mong isisi sa akin kung bakit late na siya kung umuwe sainyo. Sa labas lang niya nagagawang maging masaya at maramdaman ang pagmamahal na kahit kailan hindi niyo pinaramdam sa kaniya! At sa labas malaya siya sa lahat."

"Wala kang alam sa pamilya namin, manahimik ka!"

"Ikaw ang manahimik!! Never mo siyang tinuring na anak. Huwag kang plastic sa mga tao na nandito ngayon. Ipakita mong masaya ka dahil paniguradong nagtatalon sa saya 'yang puso mo, kasi wala na si, Clara. Sa labas lang nararamdaman ni, Clara na mag-enjoy dahil sa tuwing uuwe siya sainyo, sinasaktan niyo siya-"

"Tama na sabi!" galit na sigaw ni, Lance sa dalawa. "Wala na ba talaga kayong respeto kay, Clara? Pwedeng kahit ngayon lang respetuhin niyo naman siya. Wala na siya dito, sa tingin niyo masaya siya kapag nakikita niya na nagtatalo kayo? Mom, tumigil kana...Ikaw rin, Aliyah tama na. Hindi magugustuhan ng kaibigan mo na ginaganyan mo si, mom. Alam mo ang ibig kong sabihin, Aliyah."

"Oo. Oo, Lance alam na alam ko. Dahil ang kaibigan kong si, Clara sobra-sobra ang pagmamahal sainyong lahat. Ka-Kaya /*sniffs* kaya kahit ilang ulit niyo pa siyang saktan, handa siyang patawarin kayong lahat. G-Ganon niya kayo kamahal." umiiyak na sambit ni, Aliyah na ikinatahimik nila, Lance at Maggie.

Binangga ni, Aliyah si Maggie, sa balikat at dumeretsyo ito sa labas. Pagkalabas ni, Aliyah nakita niya sina, Anthony at Ella. Mas namuo lang ang galit ni, Aliyah pagkakita sa dalawa pero mas pinili nito ang iwasan sila.