Chereads / I ONLY HAVE 20 DAYS TO LIVE / Chapter 10 - CHAPTER 10

Chapter 10 - CHAPTER 10

FIFTEEN days, pagod na pagod na ako.

Gusto ko na magpahinga ngayon. Gusto kong matulog na at hindi na magising kailangan man.

Pero gusto ko pang makasama si Aliyah at ang pamilya ko. Kahit na sinasaktan ako ng pamilya ko, nananaig pa rin sa akin na pamilya ko sila.

"Clara" Naupo sa tabi ko si Aliyah. "Hindi naman sa ayaw ko na dito sa beach, pero matanong nga kita, bakit ba gustong-gusto mo dito? I mean 'di ba gusto mo pang mag-enjoy? Marami pa tayong lugar na pwedeng puntahan"

Nilingon ko si, Aliyah at nginitian ko siya.

"Alam mo kung bakit? Sa alon kasing dagat gumagaan ang mabigat kong pakiramdam. Yung feeling na kapag nahahanginan ako dito at kapag naririnig ko ang hampas ng alon nitong dagat, mabilis na gumagaan ang pakiramdam ko." nakangiting sagot ko.

"Kaya pala…..here"

Tumingin ulit ako sa kaniya pagkabigay niya sa akin ng orange na binalatan na niya.

"Thank you" nakangiti kong tinanggap yung binigay niya. "Aliyah, kamusta kana?" biglaang tanong ko na parang ikinataka niya pa.

"Ha? Of course, I'm good" tango at nakangiting sagot niya.

"Please, Aliyah huwag ka sanang maglilihim sa akin, kung may problema ka magsabi ka. Kaya pa kitang samahan at damayan, kaya hanggat nandito pa ako, sana mag kwento ka rin sa akin." nakangiting sabi ko. "Ayaw kong iwan ka dito na wala manlang akong nagawa para tulungan ka at damayan ka kung sakaling may problema ka man ngayon." dugto ko pa

Ngumiti si, Aliyah sa akin at tumango. "Y-

Yeah, thank you, Clara" sumandal siya sa balikat ko kaya napangiti nalang din ako. "Clara, ang kuya mo tumatawag

Napatingin ako bigla sa cellphone ko at dali-dali kong sinagot ang tawag ni kuya.

"Kuya?" Tumayo ako at naglakad-lakad sa beach.

"Nasaan ka, Clara?"

Bakit parang galit siya?

"Umm pauwe na po ako, kuya" pagsisinungaling ko at nilingon ko si Aliyah.

"Bilisan mo ang pag-uwe. May kailangan tayong pag-usapan."

Binabaan na niya agad ako kaya naman sobra ang pagtataka ko.

"'May problema ba, Clara?" tanong ni Aliyah, kaya napakibit bakikat ako.

"Hinahanap na ako ni kuya, baka may kailangan siyang ipagawa sa akin. Umm Ali, pwede mo ba akong ihatid?"

"Yeah, sure. Tara na"

Lumakad na kami paalis sa beach. Medyo kabado ako ngayon. Baka saktan ulit ako ni kuya. Baka mamaya may kasalanan nanaman pala akong nagawa.

Pagkauwe ko sa bahay hinanap ko kaagad si kuya.

"Kuya Lance!" sigaw ko at dumeretsyo ako sa second floor. "Kuya, nandito na po ako." Pagkaakyat ko, nakita kong bukas ang kwarto ko kaya nagmadali ako sa pagpunta doon.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay nagulat ako pagkakita kay, kuya, at yung mga dating gamot ko ay nakatapong ngayon sa kama ko. Pati yung inhaler na ginagamit ko pa ngayon, at yung dating nebulizer ko ay nasa kama ko rin.

"Kuya, bakit mo pinakealaman ang mga gamit ko?" gulat kong tanong at lalapitan ko na sana ang mga nilabas niya pero hinarangan naman niya ako. "Kuya, excuse me po, itatabi ko yung mga kinalat mong gamit ko."

Tumingin siya sa kama ko at dinampot niya yung dalawang bote ng dating gamot ko na hindi ko ininom. "Sayo 'to? Sagot?!" sigaw niya na ikinabigla ko.

"Hi-Hindi po" natatakot kong sagot. "S-Sa kaibigan k-ko po 'yan n-noon, pi-pinatago lang po niya." nakayukong dagdag ko pa.

"Mga gamot, inhaler, nebulizer, ang dami pa Clara, lahat 'to sa kaibigan mo?" galit niyang tanong na parang ayaw maniwala sa sinabi ko. "Huwag kang magsisinungaling, Clara. Sasabihin mong sa kaibigan mo 'yan at pinatago sayo, bakit wala ba silang bahay huh?! Umamin ka nga, Clara, may hindi ka ba sinasabi ha?"

lang beses akong napalunok at ang parehong kamay ko ay inilagay ko sa likoran ko at paulit-ulit kong kinurot.

"Ku-Kuya, amina na po 'yan" babawin ko na sana yung hawak niya pero nilayo naman niya bigla.

"May sakit ka ba, Clara? Sagutin mo ako!"

"W-Wala po." pinilit kong patatagin ang tono ng boses ko. "p-Pinatago lang talaga sa akin 'yan ng dating kaibigan k-ko. Pero kasi hanggang ngayon hindi niya pa rin kinukuha, wala na rin akong contact niya kaya hindi ko m-maibalik." dagdag ko pa

"Sinong kaibigan ha?"

Napatingin ako sa sahig at kinurot ko ulit ang daliri ko. Hindi pwedeng si Aliyah, ang banggitin ko. Mas lalong hindi siya maniniwala.

"Sinong kaibigan 'yan, Clara?!" nagulat ulit ako sa pag sigaw niya.

"Ja-Jasmine, Jasmine po ang pangalan niya. H-High school friend ko" mabilis kong sagot.

"Siguraduhin mong totoo ang mga sinasabi mo, Clara alam mong ayaw ko sa mga sinungaling." matapos niyang sabihin 'yon ay umalis na siya sa kwarto ko.

Sinara ko kaagad ang kwarto ko at napaupo ako sa kama habang nakalagay sa bandang puso ko ang kanang palad ko.

Muntikan na niya akong mabuking. Pero salamat dahil naniwala talaga siya.

Tinignan ko yung mga nilabas niya, lahat 'yon ay pinagkukuha ko. Kumuha rin ako ng isang malaking bag na hindi ko na ginagamit, doon ko sila nilipat ng lalagyan.

Hindi ko talaga alam kung paano nalaman ni kuya na may mga ganon akong nakatago.

Gumala ako mag-isa. Galing ako kanina sa park at may mga nakilala pa akong bata doon. Kahit papano ay gumaan ang pakiramdam ko sa mga batang lumapit sa akin. Gustong-gusto nilang makipaglaro sa akin kaya pumayag ako. Pero siniguro ko naman na hindi ako gaanong mapapagod.

Nagpaalam din ako kay, mama kanina na gagala ako pero hindi naman niya ako pinansin. Wala naman kasi talaga siyang pakealam sa akin. Pero nagagalit silang lahat kapag hindi ako nagpapaalam.

Katatapos ko lang din ulit bumalik sa beach kanina, at ngayon ay nandito ako sa labas ng cafe. Dito ako napahinto dahil sa pagod.

Napahawak nalang ako bigla sa ulo ko nang maramdaman kong kumirot iyon.

"'Ma'am, ayos ka lang po ba?"

Parang pinitik sa sakit ang ulo ko. Naramdaman ko rin na parang may basa sa ibaba ng ilong ko, hinawakan ko 'yon at tinignan ko ang daliri ko.

Dugo?

"Ma'am?-Uyy tulong!! Ma'am?"

"Anong nangyari sa kaniya?"

"Tumawag na kayo ng ambulansya!"

Sumisikip ang dibdib ko at lumalabo na ang paningin ko. Hindi ko na rin gaanong maintindihan ang mga sinasabi ng tao sa paligid ko. Pero ramdam kong marami na ngayong tao ang nakapalibot sa akin.

9:48 p.m. na ako nakauwe sa bahay. Tumakas lang talaga ako sa ospital kanina dahil ayaw nila akong payagan na umuwe.

Malakas na sampal ang sumalubong sa akin pagkalabas ni papa, galing kitchen.

"P-Pa" napahawak ako sa pisnge ko dahil sa sakit ng sampal niya.

"Matinong uwe pa ba ito ng isang matinong babae ha, Clara?!" galit na galit na sigaw ni papa.

"Dad, stop na. Clara, umakyat kana sa kwarto mo" seryosong sabi ni kuya.

"Hayaan mo ang daddy mo, Lance.

Lumalaki na ang ulo n'yang si, Clara kaya dapat lang sa kaniya 'yan." - mama

"Hindi kana talaga nagtino! Kakasama mo sa kaibigan mo kaya nagging ganyan kana. Wala kang kwenta, Clara, wala ka talagang mararating sa buhay. Kabata-bata mo pa ang landi mo na." duro ni papa sa akin.

Pinilit kong tignan ang pamilya ko. Malabo nalang ang nakikita ko ngayon. Kahit na anong pilit kong pag dilat sa mata ko, malabo na talaga ang nakikita ko. Pinilit ko pa ang sarili ko na maglakad na parang normal lang, pero hindi ko na kinaya.

"Cla-Clara!!" narinig ko pang sigaw ni kuya bago tuluyang mandilim ang paningin ko.