Chereads / I ONLY HAVE 20 DAYS TO LIVE / Chapter 8 - CHAPTER 8

Chapter 8 - CHAPTER 8

CLARA POV

KASAMA ko ulit si Aliyah dito sa beach. Pero napansin ko na medyo tahimik siya. Sumasagot naman siya kapag tinatanong ko, pero parang may kakaiba lang sa kaniya ngayon.

Tumingin nalang muna ako sa alon ng dagat.

Hindi ko maintindihan, pero gumagaan ang loob ko kapag nakakakita ng dagat. Pakiramdam ko ikalawa ang dapat sa masasabi kong safe place. Si Ali, palagi ang una kong safe place.

Kinuha ko sandali ang cellphone ko at tinext ko si kuya. Wala sila sa bahay nung umalis ako, kaya hindi rin nila alam na wala ako doon ngayon. Kahit na ganon sila, kailangan ko pa rin talaga magsabi na umalis ako. Alam kong wala silang pakealam sa akin, pero baka kasi magalit lang ulit sila. Mas okay na yung magsasabi ako.

"Clara!!"

Nilingon ko si Aliyah, na ngayon ay palapit sa pwesto ko. Nginitian ko siya habang palapit siya sa akin. Napansin ko rin ang isang paper bag na bitbit niya.

"Ano 'yan?" nagtataka kong tanong sabay turo sa paper bag na hawak niya

"Ito? Wait lang..." Kinuha niya ang laman ng paper bag. Isang wig 'yon. Binitawan niya ang paper bag at mas lumapit pa siya sa akin. "Para sayo to, isusuot ko sayo" nakangiting sinuot niya ang ash gray na wig sa ulo ko.

"Bagay ba saken?" tumatawang tanong ko sa kaniya pagkatapos niyang isuot ang wig sa ulo ko.

"Bagay na bagay pala talaga sayo yung ganyang kulay, sana noon pa lang pinakulayan na natin ang buhok mo. Ang ganda dami sa kahit Anong kulay na buhok."isang tanong pero ang daming sinabi.

Nginitian ko si Aliyah, at nakita ko naman na kinalikot niya ang camera niya. "Hindi pwedeng wala kang picture, dyan ka pang kukuhanan kita ng litrato mo."

"Dito?" tanong ko at tinuro ko ang pwesto ko.

"Yaeh, wait... move left perfect! And one, two, three, say cheese.... one more na kulang and ako eh, upo ka sa bench dyan sa tabing puno, tapos clara huwag mong harangan yung pangalan natin isasama ko sa pag take."

Sinunod ko ang mga sinabi ni Aliyah, at ngumiti ako sa camera.

Gusto kong ma-enjoy ang bawat segundo, minuto, oras at araw na kasama ang taong hindi nang-iwan sa akin. Meron nalang akong seventeen days, gusto kong i-enjoy pa 'yon. Kaya ko pa! Kaya pa nitong katawan ko. Magagawa ko pang mag-enjoy.

Pagkauwe ko sa bahay naabutan ko sila mama at Ella, may kasama rin silang dalawang gay. Mukhang nagsusukat sila ng gown.

"Ayyy.. madam anak moden?" tanong nung isang gay kay mama.

Tumingin ako kay mama, tumingin din siya sa akin. Ilang segundo pa ang nakalipas bago niya sinagot yung tanong. "Hinde..? Maid sya dito" masakit pala itanggi ng sarili mong ina.

Lumakad na ako papunta sa second floor.

Magbibihis na muna ako bago ko gawin ang ibang gawain ko dito sa bahay.

Pagkaakyat ko sa kwarto ko, bigla nalang akong bumagsak sa kama. Parang nawala sa control ko ang sarili kong katawan. Medyo nananakit din ang mga braso ko, pati ang likoran ko parang tinutusok dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Inahle at exhale ang ginawa ko. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko.

"Clara!! Clara!!!"

Tumingin ako sa pinto ng kwarto ko at pinilit kong tumayo. Pagkatayo ko ay lumakad na ako para buksan yung pinto.

"Kuya Bakit po?" pagkabukas ko ay si kuya ang bumungad sa akin.

"Kailangan Kong isuot to mamayang gabe, Labuan mo na agad para Naruto." Inaabot niya sa akin yung damit niya

"Ahh ahm, sige po la-labhan kona po" nakangiting tango kong sagot sa kaniya.

Lumabas na ako sa kwarto ko at sinirado ko na yung pinto. Nakakadalawang hakbang palang ako, pero napahinto rin agad dahil sa biglang may humawak sa kamay ko.

"Hindi kaba kumakain, ang payat mona ha? May saket kaba? Clara?"

lang ulit akong napalunok dahil sa tanong ni kuya. Nilingon ko siya at nginitian sabay iling. "Wa-wala po kuya kumakain naman po ako super diệt lang po talaga" sana maniwala

"Bilisan mona, labhan mona yan."

"O-Opo kuya" tangong sagot ko at dumeretsyo na ako sa pagbaba.

Pagkarating ko sa likod ng bahay, kinuha ko na doon yung mga gagamitin ko. Kukusutin ko ang damit ni kuya tutal isang piraso lang naman ito.

Habang nagkukusot ako, may bigla namang naghagis ng mga labahan sa harapan ko.

"Isabay mona sa pag lalaba itong saken?"

Inangat ko ang tingin ko at nakita ko si Ella na naka cross-arms, sabay irap saka tumalikod at lumakad paalis.

Yung isang labahan ko, naging tambak bigla.

Halos isang basket yata itong labahan ni Ella.

Kinahapunan nagpunta ako sa bahay nila Aliyah. Hindi ito alam ni Aliyah, dahil gusto kong i-surprise siya.

Pinapasok kaagad ako ng maid nila dahil kilala naman na nila ako.

Hindi pa man ako nakakapasok sa mismong living room, napahinto na ako dahil narinig kong nagtatalo sila tita at Aliyah.

"Titira kana kasama ni axel! Ikakasal naden naman kayo? That's my final decision, Aliyah!" ding kong sigaw ni tita kay Aliyah.

"No mom! It's a big No!! Maawa ka naman sa akin, hirap na hirap na akong ipilit sayo na ayaw ko nga, na hindi ko nga gusto at kahit kailan hindi ko gugustuhin ang Axel nayon??"

Sa boses palang ni Aliyah, alam kong umiiyak na siya.

Dinadamayan niya ako araw-araw, pero siya rin pala, kailangan niya rin pala ako. Palagi nalang ako ang inuuna niya. Hindi ko na rin namalayan na may problema na rin pala ang kaibigan ko.

"Agrrrrrrrrh!!! Mag sama sama kayong lahat I hate you all!!!"

Tumingin ako kay Aliyah, na patakbong umakyat papunta sa second floor nila. Mukhang galit na galit siya.

Gusto ko siyang lapitan, pakalmahin at yakapin. Kailangan din niya ngayon ng mapagsasabihan sa mga problema niya

"Ma'am si ma'am Clara po nandito" shit! Sinabi pa talaga ni ateng maid na nandito ako.

"Si clara? Where is she? Papuntahin mo siya dito" ding kong sabi ni tita.

Umayos kaagad ako at ilang ulit akong napalunok. Baka malagot ako, nakinig pa naman ako sa kanilang mag-ina.

"Ma'am clara pinapapasok napo kayo ni Ma'am " Tumingin ako sa maid nila Aliyah at ngumiti nalang ako, kahit na ang totoo ay kinakabahan ako.

Pumasok ako at nakita ko nga si tita.

Mukhang nagulat pa ito pagkakita sa akin at kaagad akong nilapitan.

"My ghaaad! Clara anong nang yari sayo?" yumakap si tita sa akin at humiwalay rin agad. "Halika, maupo ka muna"

"S-salamat po tita" nakangiting sabi ko at naupo ako sa sofa. Tumabi naman siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Yaya ipag handa mo ng makakain si clara at inumin." utos ni tita

"Nako tita? Wag na họ" pagtanggi ko.

"Masamang tumanggi sa grasya clara, Sige na yaya kuhanan mona sya" nakangiting sabi ni tita na ikinangiti ko nalang din. "Alam ko ang nangyayari sayo clara, pero wala akong kaalam alam na ganyan na pala ang nangyayari sa katawan mo, Bakit kumikilos ka pa? Diba dapat naka higa ka na lang ngayon?" bakas ang pag-aalala sa mukha ni tita habang nakahawak sa mga kamay ko.

"Kaya kopa po tita, hanggat kaya k-kopa po lumakad, mas pinipili Kong I-enjoy yon, thankyou po sa anak nyo, dahil kung wala si Aliyah, matagal na po akong sumuko, si Aliyah po ang dahilan kaya hanggang ngayon na gagawa kopa rin pumasyal."nakangiting lintanya ko

"Wala na ang maganda at malago mong buhok, isa ang buhok mo sa mga nagustuhan ko sayo, sobrang alaga mo kase sa bugoy mo, iha napaka payat mo na rin," pilit na ngiting sabi ni tita. "Hindi kaba tinatanong ng mga magulang mo? Hindi ba sila nag tataka sa biglaang pag bagsak at pag payat ng katawan mo"

"Nag...." nginitian ko si tita at ako na ang humawak sa kamay niya. "Nagtataka den naman po sila, nagtatanong at nag-alala rin naman po sila sa akin, wag mona po alalalahanin tita, maayos pa naman po ako, may ilang araw pa ako para kayanin at mag-enjoy"

"Sobrang lakas mo Clara, Ikaw ang nag iisang tao na nakilala Kong ganyan, napaka tapang mong bata sobrang swerve ng pamilya mo at kaibigan mo sayo." Hinaplos ni tita ang pisnge ko na halos ikaluha ko. "Kumain kana muna" aya ni tita at kinuha niya ang isang fruit salad na nasa ibabaw ng mesa

"Salamat po" nakangiting tinanggap ko yung binigay niya.

"Ipapatawag mo si aliyah para mapuntahan ka niya dito."

Mabilis kong hinawakan si tita para pigilan.

"Huwag po muna tita.... gusto kopo sana kayo maka usap about kay aliyah." Kumunot ang noo ni tita sa sinabi ko.

"Ano yon' clara?"

"Titaa...." dalawang beses pa akong napalunok dahil sa kaba. "Pasensya napo, narinig kopo kase yung sigawan niyo ni aliyah kanina, nung nasa labas ako." kamot ulo kong dagdag

" I'm sorry, hindi mona dapat narineg yon."

" No tita, Tama lang po na narineg ko yon, atleast po ngayon alam ko na agad na may problema pala ang bestfriend ko, tita balak niyo ipakasal siya, ganon diba?" tanong ko.

Tumango naman si tita bilang sagot.

"Clara, huwag kana sa ang mangialam sa problema namin, hindi mona dapat narineg yon."

"Tita kaibigan kopo si aliyah, same age lang po kami at hindi niya pa po gustong ikasal siya, Hayaan kopo sana muna ang anak niyo na kapag enjoy tita? Nakikiusap po ako, huwag niyo po pilitib si Aliyah, sa isang bagay na ayaw niya, tita baka magising ka na lang isang araw, Malaya na pala ang loob niya sayo, baka isang araw talo kita nalang niya kayo? Kaya tita nakikiusap po ako sayo na sana hindi niyo na po I tuloy, parang asa mona tita huwag po si Aliyah, nasasaktan mona po sya."

Sana kahit sa ganitong paraan ay

makumbinsi ko si tita. Sana kahit sa ganitong paraan ay magawa ko pa siyang mapakiusapan.

Kinagabihan, nandito ako sa kwarto ko at naisipan kong bumaba na muna para uminom ng tubig.

Pagkababa ko ay dumeretsyo na nga ako papunta sa kitchen. Hindi pa man ako nakakapasok, nakita ko na doon sila mama at papa na nag-uusap.

Papasok na sana ako, pero biglang nagbago ang isip ko dahil nabanggit ni mama ang pangalan ko.

"Hindi mo ililipat si Clara sa university na pinapasukan ni lance? Hindi ko gustong ma-enjoy ni Clara ang magandang University na pinapasukan ngayon ng kuya niya." bakit ganito ka sa akin mama?

"Walang masama kung ililipat naten si Clara don, kaya pumayag kanang ilipat siya."

"No! Never!! Hindi ko mama siya anak Anthony, baka nakakalimutan mo Bunga si Clara sa ginawa mong oan loloko sa akin noon, kaya hindi ko ipaparanas sa kaniya ang magandang buhay na nararanasan ngayon nila lance at ella."

Naramdaman kong nanlabo ang mata ko at naramdaman ko nalang ang luha ko na kusang tumulo. Sunod-sunod ang pagtulo ng luha ko habang paulit-ulit na nag si-sink in sa akin yung sinabi ni mama Hindi niya ako anak?

Sila kuya at Ella lang ang anak niya? Kaya ba lahat sila ganon sa akin?

"Clara?"

Yumuko ako at tumakbo kaagad paakyat sa hagdan. Hindi ko muna pinansin ang pagtawag sa akin ni kuya. Baka malaman pa nila mama at papa na nakinig ako sa usapan nila.

Pagkaakyat ko sa kwarto ko, nag lock agad ako.

Matapos kong i-lock ang pinto, tumakbo na ako papunta sa kama ko at dumapa kaagad ako, kinuha ko ang isang unan saka ko 'yon yinakap.

Sa unan ko, nagawa kong humagulgol dahil alam kong walang makakarinig sa akin.

Natatalo ng luha at hikbi ko ang pagkahingal ko. Sumasakit na rin ulit ang likoran ko, pati ang ulo ko, pero mas gusto kong umiyak ngayon.

Kaya pala ganon ang trato nilang lahat sa akin. Alam din siguro nila kuya at Ella, dahil ganon din sila sa akin. Kaya pala wala akong makuhang pagmamahal sa pamilyang 'to dahil anak lang ako ni papa sa ibang babae.

"Clara? Clara buksan mo to may iuutos ako?"

Tumingin ako sa pintuan, tumingin din ako sa salamin na nasa gilid ko. Ayaw kong bumangon para buksan ang pinto dahil mugtong-mugto ang mata ko. Pati ilong ko namumula na rin dahil sa kaiiyak.

Gusto kong ilabas itong sakit na nararamdaman ko. Gusto kong isigaw lahat!

Hating gabi na rin at bumaba ulit ako. Pero dumeretsyo ako sa pool area namin. Gusto kong tumambay doon at ilubog ang mga paa ko. Gusto ko rin mag pahangin sandali.

Pagkapunta ko sa pool area, napahinto ako pagkakita ko kay papa. Nakaupo siya sa isang couch, malapit siya sa mga halaman habang may hawak na béer.

Napalingon siya sa akin, kaya imbes na umalis ako, lumakad pa rin ako at naupo sa tiles. Nilubog ko ang mga paa ko sa pool, habang si papa nasa likod ko lang.

"Anong Ora's na clara Bakit hindi kapa natutulog"

"Hindi pa po ako inaantok" sagot ko.

"Matutulog na ako, iligpit mo yung mga kalat."

Tumingin ako sa sinasabi niyang mga kalat. Mga bote lang pala ng béer.

Tinignan ko rin si papa, bago pa siya makalayo ay nagsalita ako. "Papa, anak nyoba talaga ako ni mama?" tanong ko at inilipat ko ang tingin ko sa mga paa ko na nakalubog sa pool.

Alam ko naman na ngayon na hindi ako anak ni mama. Pero magpapanggap nalang muna ako na walang narinig.

Parang isang minuto yata ang nakalipas bago ako sinagot ni papa. "Anak ka namin, clara"

"Kung ganon... b-Bakit hindi niyo po ako maturing na anak." muling tanong ko at sa pagkakataong ito ay tinignan ko na ulit si papa. Hinayana ko nalang din ang luha ko na tumulo, dahil kanina pa ako nagpipigil ilabas 'to nung makita ko rin dito si рара.

"Clara-

"Hindi niyo man lang po ako kayang mahalin... h-hindi niyo manlang po nagawang iparamdam sa akin kung pano mahalin ng isang ama at ina." nakangiting sabi ko. "Papa, pasensya napo kung ang drama ko, Sige na po matulog na kayo." Tumayo na ako at kinuha ko na yung limang bote na pinag-inuman niya, saka ko siya nilagpasan.