HAPPY READING!!
ISANG linggo ang nakalipas. Nandito ako sa tree house ni Aliyah at kasama ko rin siya ngayon. Nakatayo siya sa likod ko at inumpishang guputin ang kaonting buhok na natitira sa ulo ko.
Nakangiti akong nakatingin sa salamin, pero si Aliyah, napansin kong maluha-luha ang mga mata nito.
"Aliyah, ano kaya moba ng gupitan kasi kung_"
"H-Hindi kaya ko clara ako na (*sniffs*" Pinunasan niya ang luhang tumulo sa mata niya. Nag-aalala tuloy ako bigla. Ramdam kong nasasaktan siya.
Sa bawat gupit niya sa buhok ko tumutulo ang luha niya na kaagad din naman niyang pinupunasan. Tumingin din siya sa salamin at nginitian ako.
Matapos na gupitin ni Aliyah ang buhok ko, humarap siya sa akin at nilagyan naman ako ng make-up. Pinasabay ko na ang pagpapalagay ng make-up dahil na rin sa putla ng mukha ko. Kahit nga ang mga braso ko ay hindi ko na rin masasabi na normal pa ang kalay.
"A-Ang ganda mo" hikbing papuri ni Aliyah
Nginitian ko si Aliyah, at tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Grabe na pala ang pinayat ko, hindi ko na halos makilala ang sarili ko.
Tinignan ko si Aliyah, bago ako tumayo.
Pagkatayo ko, muntikan na akong matumba pero inalalayan naman kaagad ako ni Aliyah.
"Bakit clara?"
Napahawak ako sa ulo ko at napadaing sa sakit. Parang pinipiga ang ulo ko sa sobrang sakit. Sobrang sakit talaga
"A-aaahh Aaaahh" namimilipit kong daing.
"A-Aliyah ang saket ng ulo ko" hagulgol ko
"Clara, clara halika" kaagad akong inalalayan ni Aliyah, pahiga sa kama.
"Sa dali tatawag ako ng doctor."
Kinuha niya kaagad yung cellphone niya kaya hinawakan ko ang kamay nito at inilingin ko siya.
"Please, p-please huwag na aliyah " umiling kong pakiusap
Naupo siya kaagad sa gilid ng kama at mahigpit na hinawakan ang kamay ko. "H-Hindi mona kinaya yung saket Clara, Bakit kasi hinayaan mong lumala yan? Clara, mangako ka please, wag na wag mokong iiwan" Pinunasan ko ang luhang tumulo sa mata ni Aliyah, at nginitian ko siya kahit na sobra pa rin akong namimilipit sa sakit.
"Sa-Salamat aliyah" papikit-pikit na ang parehong mata ko at kahit anong pilit kong dilat ito, hindi ko pa rin magawa.
"Sige na clara, matulog kana"
Pinikit ko na ang mga mata ko. "Gigising kapa Clara, iintay in kitang magising clara."
"AUTHOR'S POV"
Nakikiusap po ako, hirap na hirap na ang kaibigan ko...tama na please" hagulgol na dasal ni Aliyah, habang nasa labas ng tree house at nakatingin sa langit, hawak ang isang rosaryo.
"Lord, alam kong minsan lang po ako mag dasal at lumapit sayo...pero nakikiusap po ako sayo, baka pwedeng bawiin mo yung sakit ni Clara...baka kaya pang gawan ng paraan, k-kaya ko naman po na maniwala sa himala eh.
Hapon na nagising si Clara, at kahit papano ay naging maayos na rin ang kalagayan nito.
Sinusubuan siya ngayon ni Aliyah, ng pagkain para kapag umuwe na ang kaibigan nitong si Clara, ay okay lang kahit hindi na siya kumain.
"Uminom ka muna ng tubig" Inabot ni Aliyah, ang baso ng tubig sa kaibigan at uminom naman agad si Clara.
Inilapag ni Clara ang baso at tumingin kay Aliyah. "Aliyah salamat sa pag aalaga mo saken, napakalaking tiling mo, Hindi ko na alam kung paano ba kita mababayaran, kung paano ba ako maka kaba we sayo. "
Binitawan sandali ni Aliyah, ang hawak niyang kutsara at hinawakan sa kamay si Clara. "Kahit kailan Hindi kita sisingilin at never akong maniningil Clara alam moyan, bagong mabuting kaibigan Karin sa akin, nandyan Karen para saken kapag kelangan ko ng malalapitan mag kaibigan tayo clara." nakangiting sabi ni Aliyah. "Pero clara kung ako ang ma susunod A-Ayokong mawala ka, ayoko ng iwan moko sa lahat na naging kaibigan ko Ikaw lang ang nag-isang tunay."dagdag pa ni Aliyah, na ikinaluha ni clara ất niyakap ang kaibigan
Gabi na nakauwe si Clara at inihatid siya ng kaibigan niyang si Aliyah, sa mismong bahay nila. Hindi sana papayag si Clara, pero nag pumilit si Aliyah, kaya walang nagawa si Clara.
Bago pa pumasok si Clara sa loob ng bahay nila, tumingin muna siya kay Aliyah, at tinanguan niya ito. "Sige na Aliyah, umuwe kana. Kaya ko na dito. Salamat sa paghatid mo sa akin" nakangiting sabi ni Clara
"Sure kaba talagang kaya mona gusto mo samahan kita sa loob para maihatid kita sa kwarto mo" nag-aalalang sabi ni Aliyah
"Ano kaba, ayos nako wag kanang mag alala Sige na umuwe kana"
"Okay Sige, goodnight clara" bumeso muna si Aliyah, kay Clara, bago siya lumakad.
Binuksan naman na ni Clara ang pinto at pumasok na siya sa loob ng bahay nila.
Nakakadalawang hakbang palang si Clara, sa loob ng bahay nila nang makita niyang pababa ang mama niya.
"Clara!!!" galit na sigaw ni Mrs. Sanchez
"Halika nga dito bwiset ka!!" galit na hinila ni Mrs. Sanchez ang braso ni Clara at itinulak sa sahig.
"Ma-"
"Nasaan ang bag ko, ninakaw moba ha?!" galit na tanong ni Mrs. Sanchez at mahigpit na hinawakan sa panga si Clara.
"M-Ma nasasaktan po ako"
"Kinuha mo yung bag ko? Nasan na ha ang mahal mahal non clara " sigaw ni Mrs. Sanchez
"Wa-Wala po akong alam sa sinasabe nyo mama" maluha-luhang sagot ni Clara
Habang si Aliyah, ay muling bumalik para ibigay kay Clara, ang wallet nito na naiwan sa kotse niya.
"Mag sisinungaleng kapa ha, mag nanakaw ka nga mahal yon Clara nasan na!?"
Dinig na ding 'yon ni Aliyah, kaya nagmadali ito sa pagpunta sa bahay nila Clara.
"Clara???" sigaw ni Aliyah, at binuksan kaagad nito ang pinto. Nagulat ito pagkakitang sinasaktan si Clara ni Mrs. Sanchez.
"Clara! Bitawan mo sya mrs, Sanchez!!" nanggagalaiting sabi ni Aliyah, at nagmadaling tumakbo papunta sa pwesto ni Clara.
Malakas din niyang tinulak ang mama ni Clara, pagkalapit nito.
"A-Aliyah" takot na takot habang umiyak na napakapit si Clara, sa braso ng kaibigan niyang si Aliyah.
"Sino ka naman??" galit na tanong ng mama ni Clara kay Aliyah, saka ito tumayo.
"Lumayas ka sa bahay ko? O ipapakaladkad kita Palabas?"
"Napaka walang kwentang ina nyo, wala po kayo ng karapatan para saktan ang sarileng anak nyo?" nanggagalaiting sabi ni Aliyah
"Dapat lang sa kanya ang ginawa ko, wala karing karapatan para Sabihan ako kung paano ko siya dapat disiplinahin, nanay niya ako, at ikaw ni Hindi nga kita kilala."
"A-Aliyah umalis kana"
Tumingin si Aliyah kay Clara, na ngayon ay nagluluha ang mga mata. Nakikusap din ang mga mata nito sa kaibigan.
"Aalis ako pero kasama ka clara doon ka muna muna sa bahay namin...." Tumingin si Aliyah sa mama ni Clara. "Sa bahay namin walang mag gaganito sayo doon, walang mananakit sayo doon, lahat kami sa bahay tanggap ka, pamilya rin ang Turing namin sayo doon, kaya aalis ako pero sasama ka sakin m clara." Nilingon ulit ni Aliyah, si Clara at tinanguan nya ito.
"At Akala mo hahayaan Kong sumama sayo si clara dito lang sya kaya Ikaw ang umalis sa bahay ko!!" Hinila bigla ni Mrs. Sanchez sa braso si Aliyah, at kinaladkad.
"Ma, Ma tama na please." sigaw ni Clara
"Bitawan mo nga ako" - Aliyah
"Lumayas ka, dito lang si clara layas!!"
"Ano ba?" tuluyan na ngang nakalabas si Aliyah, at malakas na sinara ni Mrs. Sanchez ang kanilang pinto, at nilock niya rin ito.
"Buksan nyoto parang awa nyona wag nyong saktan si clara" sigaw ni Aliyah, mula sa labas ng bahay.
"Halika dito?" galit na hinila ni Mrs. Sanchez sa braso si Clara. "Sino yung babaeng yon? Sumagot ka"
"Ka..... k-kaibigan ko po"
"Bwiset ka clara pareho kayo ng kaibigan mo bwiset letche ka!!!" galit na galit na sabi ni Mrs.
Sanchez saka niya iniwan si Clara.
Napahagulgol nalang si Clara ng iyak habang namimilipit sa sakit.
Pinilit ni Clara, na tumayo at paika-ika na lumakad papunta sa pintuan.
Pagkapunta ni Clara sa pintuan, binuksan na niya ang pinto at nakita niya doon si Aliyah.
"Aliyah-"
"Clara"yinakap kaagad ni Aliyah si Clara, at nang bumagsak si Clara sa sahig, inalalayan niya ito para hindi maging masakit ang pagkabagsak. "C-Clara sorry wala man lang akong magawa para sayo, para dika na nila ma saktan." Hinawakan ni Aliyah sa pinge ang kaibigan.
"Aliyah" napahagulgol nalang sa iyak si Clara habang nakatingin kay Aliyah.
"Anong masaket sayo? Clara ayos ka lang ba ano ginawa sayo Clara Sige na, ganito na lang Tara sa ospital pumunta tayo doon dali na Clara"lumuluhang sabi ni Aliyah
"U-umalis kana aliyah please ayos lang ako baka makita kapa ulit ni mama b-baka saktan ka nanaman niya ulit, iwan mona ako dito"
Ramdam na ramdam ni Aliyah, na nanghihina na ang kaibigan dahil sa tono ng boses nito at sa pagiging pautal-utal.
"Hindi kita kayang iwan sa kalagayan mong yan, sumama kana lang sakin clara, Tara na sa bahay namin." pakiusap ni Aliyah at tumayo na ito.
"Sige na aliyah, umalis kana kaya kopa dito kaya parang awa mona iwan mona ko ayos lang ako"
"Claraaa... Kumapit si Clara sa pintuan nila para makatayo, at pagkatayo ay nginitian nito ang kaibigan. "S-sanay na sabay na ako, Hindi na b-bago sa akin na sinasaktan ako dito, umuwe kana Aliyah... salamat kaso dumating Karin kanina, umuwe kana ok maraming salamat Ali."
Pumasok na si Clara sa loob ng bahay at nilock na niya ulit ang pinto.
"Cla-clara maawa ka naman sa sarile mo sumama kana sakin doon ka nalang samim, Sige na please"umiyak na sabi ni Aliyah, sa labas ng bahay nila Clara.
Napatakip sa bibig si Clara, at sunod-sunod na nagsibagsakan ang luha.
Hating gabi na, mahimbing na natutulog si Clara sa kaniyang kwarto. Paakyat naman sa second floor si Ella.
Hindi alam ni Ella kung anong pumasok sa isip niya pero bigla nalang siyang dumeretsyo sa mismong kwarto ni Clara.
Pagkapasok nga nito sa loob, sinara niya ang pinto at nakita niyang mahimbing na natutulog na si Clara. Napakunot ang noo ni Ella dahil may bandana si Clara saulo.
Dahan-dahan siyang naglakad palapit kay Clara. Dahan-dahan din niyang hinawakan ang bandana at saka inalis. Gumalaw lang si Clara, pero hindi ito nagising. Gulat na gulat naman si Ella, pagkakitang wala na ang buhok ni Clara.
Lumabas din kaagad si Ella sa kwarto ni Clara at nilock niya iyon.
Kinaumagahan, habang nag b-breakfast ang pamilya ni Clara, tumayo naman si Ella at nilapitan si Clara na busy sa paghuhugas ng mga pinaglutuan.
Nagulat bigla si Clara nang alisin ni Ella ang bandana nito sa ulo.
"Opssss sorry" -Clara
"/*cough cough cough*n - Lance "WHAT THE HECK?! nag pa kalbo ka clara?" gulat na tanong ni Lance.
"Ella ibalik mona sakin yan" Kukunin na sana ni Clara, ang bandana niya kay Ella, pero binagsak naman ni Ella sa sahig, kaya walang nagawa si Clara kundi damputin 'yon
"Mas bagay sa kanya walang buhok hahaha" pang-aasar ni Ella.
"Ella, umupo kana dito Hindi kapa tapos sa pag kain mo" seryosong sabi ni Anthony sa anak niya.
Tumingin si Clara sa pamilya niya. Maliit na ngiti nalang ang sumilay sa labi nito saka niya sinuot ang bandana.
Pinagpatuloy nalang ni Clara ang gawain niya sa lababo. Nakaramdam ito ng pananakit sa likod at ulo, pero pinilit nalang niya na hindi dumaing.
"Aaahhh" hindi na kinaya ni Clara ang sakit ng ulo niya, pati binti niya ay nangangawit na kaya naman napaupo ito sa sahig, habang ang dalawang kamay ay nakahawak sa ulo.
"Clara" Tumayo agad si Anthony.
"Hayaan mona yang anak mo nag iinarte lang yan" biglang sabi ni Maggie Sanchez sa asawa at tumayo ito.
"Hoy clara linisin mo ang buong bahay dahil may pasok kameng lahat tigil tigilan moyang kaartihan mo" dagdag nito at saka lumakad palabas ng kitchen.
Tumayo na rin si Ella at sumunod sa mommy niya. Kahit si Anthony, ay sumunod na rin sa asawa't anak niya.
Uminom muna ng tubig si Lance at tumayo na rin. Tumingin muna siya kay Clara, at napailing nalang saka niya niligpit ang pinagkainan nila na dapat ay si Clara ang gagawa.
Pagkatapos niyang ilagay sa lababo ang pinagkainan nila, pinunasan na rin nito ang lamesa saka umalis.
Pinilit naman ni Clara na tumayo, pero bumagsak lang ulit siya. Gustong-gusto niyang sigaw ang sakit pero walang lumalabas sa boses niya.