Aliyah POV
ALAM kong malabo na talaga ang lahat. Pero sinubukan ko pa rin na mag punta dito sa ospital, dito sa opisina ng Doctor na nag check noon kay Clara.
"I'm sorry Ma. Ventura natagalaan ako."
Tumingin ako kay Doc at naupo naman siya sa swivel chair niya at ngumiti naman ako.
"Ayos lang po doc, pasensya na kayo kung biglaan ang pag Punta ko dito hindi manlang ako naka pag set ng appointment sainyo sorry po."
"It's ok Ms. Ventura wala naman akong masyadong pasyente ngayong araw"
Napatango ako sa sagot ni Doc. "So anong maipaglilingkod ko sainyo Ms. Ventura" tanong nito
"It's about my best friend named, clara" Kumunot ang noo ni Doc pagkabanggit ko sa pangalan ni Clara. "Siya po yung pasyente nyo na sinabihan nyo na may taning na ang buhay sorry doc, pero until now ayaw Kong paniwalaan yon, si clara lang ang bestfriend ko D-Dapat alam ko lahat about sa kanya eh... pero yung saket niya, Hindi ko po agad nalaman yon doc, talaga bang may taning na siya? Baka nag kamale lang kayo?" pinunasan ko ang luhang tumulo sa mga mata ko.
" Two years ago, dinala si Clara Sanchez dito, dinala sya ng ka-klase nya noong araw nayon ako mismo ang tumingin sa kanya, meron si yang cancer sinabihan ko siya na kailangan ni yang iconfine para sa mga test na gagawen namin, pero tumakas siya, pero bumalik siya siguro mga five months nakalipas non bago siya bumalik, binigyan ko siya ng gamot pero mukhang hindi siya nag take non." seryosong lintanya ni Doc. "Sa totoo lang Ms. Ventura napaka Bata pa ng kaibigan mo, kaya pa naman dapat namin si yang gamuten noon pero Hindi siya nag pagamot sarile niyang katawan Hindi niya inaalagaan." dagdag pa ni Doc.
Napayuko ako at pinunasan ko ulit ang pisnge ko.
"Kamusta naba ang kaibigan mo?"
Tumingin ako kay Doc dahil sa tanong niya.
"She's still a live pero sobrang nang hihinayang na siya, pero pinipilit pa rin niyang lumaban." nakangiting sagot ko. "Doc, wala naba talagang pag-asa ba-baka meron pa m-maraming parangarap yung kaibigan ko eh." lumuluha kong tanong
"Maswerte kayo dahil nakakasama niyo pa siya ngayon I-enjoy niyo na lang ang bawat araw hanggat kaya niya pa, pasensya na Ms. Ventura sinh ulam naman namin ng team ko noon pagalingin siya."
Ngumiti ako kay Doc at saka ako tumayo at tumango sa kaniya. "Thankyou po doc, pasensya na po sa abala mauna napo ako" Lumabas na ako sa opisina niya at naglakad na sa hallway ng ospital.
Habang nag d-drive ako, nag ring bigla yung cellphone ko kaya nagsuot agad ako ng headset.
"Clara?"
Kumunot ang noo ko pagkarinig ko sa kabilang linya ang pag hikbi niya.
"Clara? Clara what happened Anong ng yare sayo"
"A-Ali.... A... Aliyah yung ka-kaliwang mata ko/*sniffs*."
"Shocks!!" mas tinodo ko na ang speed ng kotse ko. "Papunta nako nandyan ba parents mo, siblings mo"
"Wa.. wa-wala yung kaliwang mata ko, Hindi maka aninag "
"Malapit na ako clara kaya mobang bumaba papunta sa living room, pumunta kana doon, Papunta na ako dyan susunduin kita."
Lord please huwag niyo po sanang pababayaan ang kaibigan ko. Tama na ang paghihirap niya, tama na please. Huwag niyo naman na 'yong dagdagan pa.
Dinala ko si Clara sa malapit na private hospital. Nandito ako ngayon sa waiting are at hinihintay ko lang ang paglabas nila. Sana naman maayos lang siya. Grabe na ang pinayat niya. Pati ba naman mata niya mabubulag pa.
Naiyukom ko ang parehong kamao ko habang inisip yung pamilya niya. Hindi manlang ba nila naiisip na yung anak nilang si Clara, grabe na yung pinagbago, sa katawan palang mahahalata na. Pati sa ulo, siguro naman nakita na nila si Clara na wala na ang buhok, hindi ba nila naisip na baka may sakit ang anak nila? Ganon ba talaga sila kawalang kwenta.
Hindi ko alam kung bakit may mga kagaya pa nila na nabubuhay sa mundong 'to. Alam kong masama pero, sana sila nalang ang nagkaroon ng sakit na meron si Clara. Sana ang magulang at kapatid nalang ni Clara ang nagkaroon ng taning. Mga bwiset sila.
"Aliyah"
Tumingin ako sa gilid ko, nakita ko si Clara na naka wheel chair habang hila-hila ng isang
nurse.
"Clara?" Nilapitan ko agad siya at saka naman umalis yung nurse. Lumuhod ako para mapantayan ko siya. "Kamusta ka? Masaket ba?"
"P-pumunta tayong beach" nakangiting sabi nito at hindi sinagot ang tanong ko.
Nakita ko ang kaliwang mata niya na nakatakip ngayon. "Ali sa beach gusto ko."
Nginitian ko siya at tumango ako. Tumayo na ako at pumunta sa likod niya. Napakagat nalang ako sa ibabang labi ko at napatakip ng bibig, habang pinipigilan ko ang sarili ko na lumuha.
"Sige /*laugh* sa beach tayo"
Kailangan na kahit isa manlang sa amin ay maging matatag. Hindi pwedeng maging ako ay maging mahina sa harapan niya.
Mukhang yung kaliwang mata niya, hindi na talaga nakakakita. Kasalanan 'yon ng nanay niya, wala siyang kwentang ina. Sarili niyang anak binulag niya.
Pagkarating namin sa parking, inalalayan ko siya sa pagsakay sa back seat. Hinila ko rin yung wheel chair papunta sa gilid ng parking, saka ako pumunta sa driver seat at sumakay
doon.
"Clara may beach malapit dito walang gaanong tao doon sa ganitong Ora's, doon na lang kita dadalen." nakangiting sabi ko sa kaniya
Wala akong narinig na sagot sa kaniya. Nasa malayo lang ang tingin niya kaya naman nag drive na ako.
Pagkarating namin sa beach, inalalayan ko ulit siya sa pagbaba sa kotse ko. May napansin akong bench sa ibaba, kaya doon ko inalalayan si Clara papunta doon. Mas maganda kung nakaupo siya sa bench.
Pagkarating nga namin sa bench, naupo na kaming dalawa. Tumingin ako kay Clara na nakangiti ngayon habang pinagmamasdar ang alon ng dagat.
Nagtaka ako bigla nang tumayo si Clara at pumunta sa katabi kong puno. May katabi kasing puno itong bench na inuupuan ko ngayon.
"Clara" Kumunot ang noo ko pagkakuha niya ng bote na basag. Mukhang may nag basag dito ng bote tapos hindi manlang niligpit o tinapon. "Clara, baka masugatan ka niyan."
"Ayos lang aliyah" nakangiting sagot niya at may kung ano siyang sinulat doon sa puno.
at may kung ano siyang sinulat doon sa puno.
Pinanood ko nalang ang ginagawa niya. Sinulat niya sa puno ang pangalan niya. Nagtaka tuloy ako lalo. Akala ko tapos na siya sa pangalan niya, sinulat din niya doon sa ibaba ng pangalan niya ang pangalan ko.
"Bakit mo sinulat yung pangalan natin diyan" nakangiting tanong ko
"Para kapag na wala nako may memories tayo sa beach nato." nakangiting sagot niya na ikinawala naman ng ngiti ko.
"Change topic, ayoko sa usapang ganyan nandito kapa nga, pero yung iniisip mo ganyan na."
Lumakad siya palapit sa akin kaya umusod ako para makaupo siya sa bench. "Aliyah, malapit na akong mawala, eighteen days na lang matutulog na ako at Hindi na magigingsing kailan man."
nakangiting sabi niya na parang proud pa siya na pinapaluha ako.
"Shut up" Tumayo ako at tumingin sa dagat, tumakbo ako agad doon. Binasa ko ang paa ko at nilingon ko si Clara. "Maganda ang sunset dito, panoorin natin bago lumubog ang araw" sigaw kong tanong para marinig niya.
Nakita kong ngumiti siya at tumango, tapos nag thumbs up pa kaya napangiti rin ako.
Palubog na ang araw at sabay naming pinapanood ni Clara, ang pag lubog nito. Nakasandal ako sa balikat niya, nakaupo Kami pareha sa buhangin.
"Bukas, gusto ko sanang bumalik dito"
Inayos ko ang pagkakaupo ko at tinignan ko si Clara. "Sige, kung gusto mo bumalik dito babalik tayong dalawa"
"Salamat ali' Tumango ako at yinakap ko siya.
CLARA POV
Pagkauwe ko sa bahay hindi ko nakita doon ang mga kapatid ko pati sila mama at papa. Siguro hindi pa sila nakakauwe ngayon.
Isang oras na rin ako dito sa kwarto ko.
Nakapag luto na rin ako ng dinner para sa kanila. Malapit na rin ang birthday ni Kuya Lance, kaya kanina nagpunta rin kami ni Aliyah, sa mall. Bumili ako ng pwedeng pang-regalo kay kuya. May nakita akong magandang klase ng beads kaya ganon ang binili ko. Naisip kong gawan nalang siya. Relo sana dapat ang bibilhin ko kaso hindi siya mahilig sa relo.
Akala nga ni Aliyah para sa akin yung beads at bracelate na gagawin ko. Ayaw kong aminin sa kaniya na para talaga 'yon kay kuya, kasi paniguradong ikot na naman ang mga mata niya.
Napangiti ako matapos kong maibalot ang regalo ko. Tumayo na ako at nilagay ko 'yon sa likod ng mga damit ko para hindi makita o mapansin.
Lumabas na rin ako ng kwarto at bumaba. Pagkababa ko ay nakarinig ako ng ingay,pagkakita ko nga, nakita ko doon ang pamilya ko na nagsasaya. Hindi rin nila ako napansin agad dahil medyo malayo ako, at may malaking halaman ang nandito sa gilid ng hagdan.
"May result naba?" tanong ni kuya kay
Ella.
"Just wait... OH MY GHOD!!" biglang sigaw ni Ella. "Nagawa ko po ulit mom, dod bro honor po ulit ako" masayang sabi ni Ella na ikinangiti ko rin.
"I'm so proud of you baby" Hinalikan ni mama sa pinge si Ella.
"I told you pasok ka ulit? Sakin ka kaya nag mana" proud na sabi ni kuya.
"Anong regalo gusto ng bunso namin, kahit ano bibilhin natin." tanong ni dad.
"Mom, dad pwede po bang trip to Korea gusto kopo kase maka Punta doon" pagpapacute ni Ella at pinagdikit pa ang parehong palad.
"Sure baby, kapag tapos na ang school year niyo ni lance sinisuguroko sayo tayong apat ang pupunta doon." sambit ni mama
Apat? Hindi ako kasama?
"Tayong apat lang mom, how about clara?" Napatingin ako kay kuya dahil sa tanong niya.
"Masisira ang family bonding natin kung isasama pa si clara isa pa mag mauuna na matatapos ang school year nila ella, kaya dito na lang siya sa bahay, bantayan niya ito at mag linis siya."nalungkot ako sa sagot ni mama.
Pinunasan ko ang luhang tumulo sa mata ko at lumakad na ulit ako. Tuluyan na akong bumaba sa hagdan at naglakad papunta sa kanila, kaya naman napalingon sila sa akin.
"Nasa honor list ulit ang kapated mong si ella, how about you clara?" tanong ni papa
"Aasahan nyo kabang mag hohonor student siya like me? Eh kung alam niyo lang po puro lang siya gala after class. Nakikita namin yan ng mga friends ko sa park at mall, gumagala kasama yung friend niya, remember Aliyah? Doon siya palaging sumasama, yung aliyah nayon masyadong malandi so I think natawagan natin si clara impossible na mag focus pa sila sa pag aaral." lintanya ni Ella na hindi ko nagustuhan.
"Pag salitaan niyo na po ako ng Hindi maganda pero huwag ang kaibigan ko, hindi ho tanong kala sent tao si Aliyah, dahil Latino siya." buong lakas kong sabi sa kanila. "Sorry po, mauna napo ako Tumalikod na ulit ako at lumakad na ulit papunta sa second floor.
Aalis nalang ako dahil baka masaktan lang ulit ako.
Aliyah POV
"Gusto nyong ikasal ako? Sa lalaking yan." inis kong tanong kay mommy.
Akala ko simpleng family dinner ang ganap dito sa restaurant, kaya gusto nilang umuwe agad ako kanina. Hindi ko alam na ganitong dinner pala ang magaganap.
"Para sa company naten aliyah umayos ka, alam narin ito ng daddy mo." bulong ni mommy kaya naitago ko ang kanang kamay ko sa ilalim ng table at naiyukom. "Pasensya na ha, hindi lang namin nabanggit kay aliyah ang tungkol sa magaganap bilang kasal ni Axel pero payag at hand naman si aliyah."
Gusto kong sumigaw at magmura ngayon.
Buong katawan ko, ramdam na ramdam ko ang galit.
Bwsiet na bwiset pa akong sa lalaking nasa harapan ko. Wala manlang sinasabi, letche.
"Aliyah, may future daughter in law"
Tumingin ako kay Mrs. Perez at kay Mr.
Perez, saka doon sa anak nilang seryoso ang mukha na nakatingin sa akin ngayon.
Naalis ang tingin ko a kanila pagkakita kong nag riring ang cellphone ko at pangalan ni
Clara ang nasa screen.
Hinawakan ko na ang cellphone ko pero bigla namang nagsalita si mommy. "Mamaya muna sagutin yan aliyah, buong mag hapon mona siyang kasama, itigil mo muna nag pag cecellphone. Mahiya ka sa mga kasama natin."
Tumingin ako sa mga kasama namin.
Nakakabastos nga at nakakahiya kung sasagutin ko ang tawag ni Clara. Tama rin si mommy, buong hapon ko nang kasama si Clara. Tumayo ako at nginitian ko silang lahat.
"Excuse lang po mas importante pa po kase yung tumatawag sakin ngayon." may galang kong sabi saka ko dinampot ang cellphone ko at lumabas kaagad ako sa restaurant.
Ayaw ko sa restroom, gusto ko na rin kasing umuwe ngayon. Anong oras na rin at gusto ko na ihiga ang buong katawan ko sa malambot kong Kama.
Pagkarating ko sa parking tinawagan ko si
Clara.
"Aliyah....
"Clara, sorry natagalan bago ko masagot ang tawag mo wala kasi ako ngayon sa bahay namin, na dito ako sa labas kasama ko si mommy."
"Ayos lang aliyah, ham Sige na bukas na lang tayo mag usap."
Binaba ko saglit ang cellphone ko pagkakita ko kay Axel. Dumeretsyo siya sa isang ducati, siguro kaniya 'yon. Malamang kaniya talaga
'yon, nilapitan niya eh.
Sumakay siya sa ducati niya at bago pa niya isuot yung helmet niya lumingon muna siya sa akin.
"Huwag mo sanang isipen na gusto Kong ikasal sa katulad mo, hindi ako yung tipo ng iba diyan ayoko sa babaeng maarte."
Matapos niyang sabihin 'yon, umalis na siya agad.
"Fuck!!" hindi ko na tinuloy dahil may mga taong paparating. Bwiset yung Axel na 'yon.
Tinignan ko ang cellphone ko saka ko nilagay ulit sa tenga ko.
"Clara, nandyan kapa ba?" tanong ko mula sa kabilang linya.
"Oo teka ali, Sino yung kausap mo dyan narineg ko kasing sumisigaw ka ayos ka lang?"
"May muntik lang akong masapak, pero don't worry I'm fine Clara."
Pagkauwe namin sa bahay, inis kong inihagis sa couch yung shoulder bag ko.
"Hindi niyo po ako pwedeng ipakasal kay axel? Hindi po namin mahal ang isat isa tyaka you not told me mom, I'm shocks."
"Aliyah, mahal niyo man o hindi ito kung ito lang ang pwedeng maka salba sa jumps nya natin, gagawin namin ng daddy mo wala kang choice aliyah."
"Mom, may choice ako buhay koto mom bừa niyo sanang pangunahan ang desisyon ko sa buhay, wala. Pa po sa Plano ko ang pag papakasal kaya ayoko!" inis kong sabi at nagulat ako sa biglang pagsampal niya sa akin.
"You don't have choice aliyah, kukunen ko ang lahat sayo kapag hindi ka pumayag" mommy ko ba talaga 'to?
"You no what? Mom wala kang pinag kanina sa mommy ni clara!! Sinasaktan niya ang anak niya physically, mentally and emotionally at Ikaw ganon ka rin pala.... handa kang ipag kalulo ang sarile mong dugo, para sa kumpanya, para sa pera!!! Hindi niyo ba na papansin nasasaktan nyona ko?"galit sigaw at tumakbo ako palabas ng bahay.
Sumakay agad ako sa kotse ko at nag drive ako palabas ng garage.